webnovel

Ang Freak na may Mataas na IQ (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi gaano." Ngumiti si Huo Mian.

"Gaano kalaki ang hindi gaano?"

"Dalawandaang libo, hindi pa nga ito aabot sa one-fifth ng kung anong meron ka."

"Hindi mo naman kailangan ng malaki, sapat na ito para maka-usad ka."

"Wala namang halaga ang pag-usad ko, hindi naman kasi ako mananalo."

"Sino ang nagsabi niyan?" Nakangiting tanong ni Qin Chu.

"Kailangan ko ba talaga sabihin ito? Hindi ako mananalo basta andito ka." Ngumuso si Huo Mian at mukhang nagawan siya ng kasalanan.

"Ibibigay ko sayo ang first place."

"Ayoko, gusto kong mapanalunan mo ito."

"Bakit?"

"Mas magiging masaya ako kapag ikaw ang nanalo dahil walang nakakaalam kung sino ako kaya walang punto kung ako ang mananalo. Ikaw naman, pinepresenta mo ang GK at kapag nanalo ka, makakatulong ito sa GK at sa reputasyon mo."

"Bakit sobrang bilis mag-isip ng utak mo? Hindi ka nag-iiwan ng kahit anong espasyo para matayuan ng mga tao."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com