"Siya ay nasa kwarto niya, at sa tingin ko hindi maayos ang kanyang pakiramdam."
Hindi niya pinansin si Jiang Linyue, at kaagad umakyat si Qin Chu sa kwarto ng kanyang ina.
Pagkapasok niya, nakita niya ang kanyang ina na nakahiga sa isang silya. Bahagyang nababalot ang kanyang katawan ng kumot, at ang kanyang mukha ay namumutla.
"Mom, anong problema?"
"Tila ba may mali sa puso ko," sabi ni Mrs.Qin habang nakaturo sa kanyang dibdib.
Kaagad namang napansin ni Qin Chu na umaarte lang ang kanyang ina. Kumuha siya ng upuan at umupo sa harap nito.
"Mom, ano ba ang kailangan mo? Bakit mo ako pinatawag sa kalagitnaan ng gabi?"
"Anak kita at namimiss na kita kaya bakit hindi kita pwedeng tawagan para pumunta dito?"
"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Sa tingin ko lang ay hindi mo na kailangan magpanggap na may sakit. Masyadong pang-isip bata ito."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com