Lahat ng kasiyahan ko bigla nalang nawala.
Kasama ko na ngayon sila Mika at minimake up an kami for wedding later.
"Kahit saan naman pumunta si LJ lagi siyang nag sastand out sa audience haha.."-Yra
Ano pa ngayon na wedding gown na ang isusuot niya?
"She'll be more beautiful tonight."-Mika
"I can't wait!"-Yra
Excited sila pero ako parang gusto ko nang maiyak.
"Hello!"
Agad kaming napa tingin sa kambal na pumasok.
"Hi!"-Yra
"Late na kami? Blame Angel for that thing"-Bea
"Hey why me?"
"Kupad mo kasi."
Pfft! Ang cute nila.
"Hi, ate Gab!"
"Hello."
"Are you ready for the event later? I'm sure you'll love ate Jane even more-"
"Shut up Bea!"-Angel
Tipid akong napangiti.
Hindi na sumabay si LJ sa'min kanina kasi sinundo na siya ng isang butler ni kuya Ken.
"Let's finish this up, the car is already outside."-Mika
Tinapos na agad namin ang lahat ng kailangan namin.
"Wow Gab! You surpassed my beauty!"-Yra
"Stupid! Kahit wala siyang make up mas maganda siya sa'yo"-Mika
"Shut up bitch"-Yra
"Pa picture tayo!"-Bea
Sa labas ng labas ng bahay namin kami nag pa picture.
"Ok! 1 2 *click* one more time! 1 2 *click*"
Feeling ko nga mas naging confident ako sa suot ko ngayon.
"Let me see! Pang insta na 'yan!"-Angel
Nag kumpulan sila para tingnan ang picture.
Mabigat pa rin ang dibdib ko sa mangyayari mamaya tsaka wala naman akong kilala doon na kahit sino pwera sa mag pi pinsan at sa groom Kaya mas lalong nakakakaba.
"Let's go!"-Yra
Hindi simpleng kotse ang nasa labas kundi limousine.
"Wow.."
Mika tap my shoulder
"You'll get used to it."
She smirked
A butler opened the door for us.
Nauna nang pumasok ang kambal saka ang magkapatid.
Si Yra ang last na pumasok kaya siya ang katabi ko ngayon.
"Wanna have a champagne Gab?"-Yra
"Wanna die in Lexie's hand"-Mika
"Ok, lagi kang pilosopo"-Yra
"Kasi lagi kang tanga"-Mika
Ayan nanaman ang parehong may kasungitan sa katawan.
"A-ah can I have a sip?"
Tumingin sila sa'kin.
"Are you sure? Sabi ni LJ nababaliw ka raw kapag naka inom ka."
Nanlaki ang mata ko.
"Sinabi niya 'yon?"
"A-ah medyo nag over used lang ata ako ng words hehe"-Mika
"But it's sort of that"-Yra
Mas lalo kong gustong uminom ngayon.
Nakakahiya!
"Let her taste the champagne."-Mika
Tatlo kami ngayong may hawak ng champagne kasi bawal pa raw ang kambal doon.
Inubos ko lang ang konting binigay sa'kin sa kupita at hindi na ko nag dagdag dahil hindi ko pa rin talaga trip uminom.
Paano kaya pag gusto kong mag paka senti tapos uminom, hindi ko magagawa dahil sa pait ng lasa no'ng mga 'yon. Gab you're so hopeless.
Pagdating namin sa venue lalo lang akong namangha sa ganda ng garden wedding na 'to.
Halatang sosyal ang mga tao doon at nakakapang liit lalo.
Kung hindi nila ako binihisan malamang mukha akong basahan dito.
"Sit here for a while Gab we'll be right back. Babatiin lang namin sila Tita."
Tumango ako.
Pinaupo nila ako sa isang round table.
Sumandal nalang ako habang hawak ko ang bag na pinahiram sa'kin ni Yra.
*1 message received*
From: Unknown
~You're so beautiful Gab, congrats for being a 1st placer in the contest~
Sino ba talaga 'to?
Wala akong idea kung sino siya pero nakaka kaba dahil alam niya ang bawat nangyayari sa'kin.
"Hello! Mind if I join you?"
Tumingala ako para tingnan kung sino 'yon.
Gwapong lalaki at napaka linis tingnan, parang sobrang bango niya sa ganda ng kutis niya.
"Sige lang"
I gave him a little smile.
"Who's with you? Ngayon lang kita nakita."
Heto na nga ba. Baka sabihin nila gate crusher ako.
"A-ah sila Mika Fistorn-"
"Ow! Bride's cousin."
Yeah no need to brag about it.
Nababaliw na talaga ako.
Wag ka ngang mag taray diyan, ang bait ng nasa harap mo tapos mag susungit ka!
"Y-yeah hehe.."
"Ah, by the way I'm Lance."
He offered his hand.
Hala? Baka madumi ang kamay ko, baka madumihan ko siya.
"A-ah Gabrielle, Gab nalang."
Syempre tinanggap ko ang kamay niya baka sabihin niya mahirap na nga ako tapos maarte pa.
"Nice to meet you."
Aniya at saka hinalikan ang likod ng palad ko.
*Fast heartbeat*
Muntik nang manlaki ang mata ko doon at bawiin ang kamay ko sa pag ka bigla.
"A-ah hehehe.."
Shinake hands ko na lang 'yon at saka binawi ang kamay ko.
Alam ko namang karamihan sa mayayaman at gentleman ay ganun ang pagbati, nakikita ko yun sa mga royalty pero iba naman ngayon.
"Haha.. you're so cute Gab. I'm the best man at this wedding. A groom's best friend, I think I'll see you around."
Nag paalam na siya at saka umalis.
Pag alis niya saka naman ako binalikan ni Yra.
"Sorry iniwan kita."
Ano raw?
"Bakit parang ang bait mo na sa'kin? Parang no'ng nasa rancho tayo grabe ka mag sungit?"
Di makapaniwalang ngiti rin ang ginawad ko sa kanya.
"Really? Am I really brat at that time?"
Tumango ako.
Baka dahil sa nangyari sa kanila ni Fana?
Di kaya iniisip niyang may kasalanan siya sa'kin dahil doon?
"Hey, I know that look. I don't feel any guilt towards you because of what happened between me and your ex. I just confirmed something."
Confirmed?
What kind of confirmation?
"Ha?"
"Simula palang naman nung una magaan na ang loob ko sa'yo, medyo umiiral lang ang pagiging brat ko kapag may na agrabyado sa family ko or kapag di ko talaga gusto yung tao."
Ako? May na agrabyado ako sa pamilya niya? Sino?
"May na agrabyado ako sa inyo?"
"Naaah.. we're fine right?"
"Pero sa rancho hindi."
"Ahh.. misunderstanding lang 'yon. Wag ka nang mag isip ng kung anu ano."
Haaaay.. buti naman ayos na kami.
"Ok, pero walang something sa inyo?"
"Inyo?"
"Fana."
"Hell no way! Nakakairita siya, nakakabwisit siya tapos walang preno ang bibig niya tungkol sa private things. She's totally an absurd."
Bigla akong natawa.
Siguro dahil na aadapt din ni Fana ang lifestyle ng ibang bansa kaya ganiyan na siya pero dati napaka puro naman niya, feeling ko naman ganun pa rin siya hanggang ngayon eh.
"Calm down haha.."
"Naiinis lang ako sa pagmumukha niya."
"Buti nalang wala ka na yung kiss marks."
Nanlaki ang mata niya at namula siya.
"Sorry, did I offend you?"
"No, it's just I can't really believe that I gave my purity to your ex-"
"She's not my ex."
"Let's consider her as one. That's your relationship with her."
"We're friends, that's my relationship with her."
Ok.. ayoko na makipag talo hahaha mukha namang di rin siya papatalo.
"Whatever. Anyway thank you for stopping Lexie that morning, I'm really thankful to you. Ikaw lang nakakapag pahinto sa kaniya. Kung wala ka doon baka nabalian niya na ako ng buto. She's totally a monster when she's mad."
"Pfft.."
Kapag narinig siya ni LJ ngayon baka mapag bantaan nanaman siya nang di oras.
"LET'S ALL SETTLE DOWN BECAUSE THE BRIDE WILL COME SOON."
Na excite ang mga nakapaligid sa'min.
"Let's sit there."
Hinila ako ni Yra palapit sa kinauupuan ngayon nila Mika na nauna na palang pumwesto doon.
"I'm sure you'll fall for LJ if you see her in her gown."
Huwag mo na ipaalala Yra lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko.
"And may I remind you one last time Gab, huwag kang mag papakitang masaya habang kausap ang ibang tao kapag hindi si LJ ang katabi mo, hindi na namin mahahawakan ang sitwasyon ng gano'n."
Ha? Ano na namang sinasabi niya?
"Ano-"
"EVERYONE *Exhale* THIS IS REALLY IT! THE BRIDE IS HERE! OMG!"
Nakakatuwa talaga kapag beki ang nagiging host or emcee ng isang event mas nag kaabang abang ang bawat sasabihin dahil karamihan sa kanila ay joker.
Natutuwa ka nga ba Gab?
Hindi.. naiiyak ako. Ang sakit ng puso ko.
"H-hey? Are you ok? Are you crying?"-Yra
"Who is crying?"-Mika
Dinungaw pa kami ng mga pinsan niya para tingnan ako.
Maging sila Tristan na nasa kabilang side ng red carpet ay tumingin sa'min.
"Don't tell me you like Kenneth."-Mika
"And don't also tell me that you will stop this wed-"-Yra
Ilang beses kong pinikit ang mata ko para hindi tumulo ang luha ko.
"Ano ba kayo? Baka ngayon lang naka punta sa kasalan si ate Gab kasi medyo nagiging emotional siya"-Bea
Nakakahiya ka na Gab! Umayos ka nga! Huwag kang gumawa ng eksena.
Tumingin ako sa paligid namin at may mangilan ngilan na ngang nakatingin sa'kin.
"Hoy hinaan niyo boses niyo, nagmumukha akong kontrabida sa kasalan na 'to. Napuwing lang ako grabe naman kayo."
Tinawanan lang nila ako.
Hindi naman siguro kumalat ang make up ko 'no?
'Kasalanan 'to ng letseng pag hanga na 'to noon eh! Kung hindi lang kasi siya magaling sa mga ginagawa niya at maganda sa paningin ko kahit snob siya, di sana ganito kasakit.'
Para akong pinupukpok ng paulit ulit.
Shet! Sobrang sakit.
Nag form na sila ng line sa likod para mag simula na ang event.
May tumugtog ng piano.
*Playing: The way you look at me by Christian Bautista*
Ang sarap sa pandinig ng piano, napaka lamyos sa tenga. Parang napaka sarap ma inlove.
"She's so beautiful"
Dinig kong bulung bulungan ng mga tao sa paligid.
"She's a Fistorn, what do you expect?"
Lalo lang at akong nasaktan sa sinabi nila.
Namuo ang luha ko sa mata. Maling mali talagang pumunta ako dito.
Humaba ang intro sa piano dahil kinakausap pa sila ng organizer.
Bukod sa piano may mga orchestra rin na tumutugtog. Sobrang sarap sa pandinig.
"Are you really ok? You're tearing up."-Yra
Kasalanan naman kasi niya, bakit niya pa kasi sinabing fiancé ni Lexie si kuya Ken ih?!
Tiningnan ko ang si kuya Ken na kinakabahan sa harap habang inaantay ang bride niya.
Inaayos nila ang suot niya habang siya hindi na talaga mapakali.
"May pilikmata atang nasa mata ko Yra, ang sakit sa mata."
Tumulo ang luha ko. Mabuti nalang talaga ang mga mata ng bisita ay nasa mga taong nasa likuran na nag hahanda sa pag lakad pa lapit sa altar.
"Masakit sa mata? Where?"
Bakit kapag nakita ba niya kukunin niya? Di ba niya alam kung gaano kasakit?
"Pwede bang hindi na ako umattend nito?"
"What?"
"Ang sakit kasi"
I whispered
"Ano?"
Gulong gulong aniya.
Umiling ako.
"Tell me the truth, do you like Kenneth? `yong totoo?"
Bakit na iyon ang iniisip niya?
"No"
"Masakit lang ba talaga ang mata mo?"
Pwede bang mag lupasay dito? Sobra sobra sobrang sakit kasi. Kanina lang ayos kami, may award kaming pareho natanggap. She even hugged from behind and now she'll be forever with kuya Kenneth.
"Mag c CR lang ako."
"Sasamahan na kita."-Yra
"No, kaya ko na."
Patayo na sana ako nang matuloy na ang intro papunta sa verse 1.
"No one ever saw me like you do
All the things that I could add up too"
Nag simula na silang mag lakad pero ang paningin ko ay nag hahanap. Hinahanap kung sino ang kumakanta.
"I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything without a single word"
Hinila ako ni Yra paupo.
"You can't leave now, it's already starting."
Parang hindi ko siya naririnig at tanging boses lang ng kumakanta ang naririnig ko.
Hinanap ko ang tumutugtog.
"You don't know that she has a mellifluous voice 'no?"-Mika
What is going on?