webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
Not enough ratings
35 Chs

The Visitor

Mabilis nawala sa isip ko ang laban namin na nanalo naman pero ang mga salitang binitawan ni Troy mukhang hindi mawawala sa isip ko.

Sobrang laki ng utang na loob ko sa Papa ni Gab at dahil sa'kin kaya nahihirapan ngayon ang pamilya niya.

Nasa mini bar ako dito sa bahay namin.

Para akong sasabog sa galit.

Uminom nalang ako ng alak dahil ang daming tumatakbo sa isip ko.

Wala ni isa sa kanila ang nag tangkang lumapit sa'kin dahil alam nila ang ibig sabihin kapag ganitong tahimik ako at walang kibo sa mga tanong nila.

Hindi naman namin kasalanan kung bakit nag pakamatay si Anya pero bakit binubunton niya saamin ang kasalanan ng kapatid niya?!

Nasaktan din kami sa pagkamatay ni Anya!

DAMN!

*PLANKS!"

Malakas na hinagis ko ang bote ng alak sa sahig.

Gusto kong mag mura at sumigaw! Gusto ko siyang patayin! Gustong gusto ko siyang durugin at iparamdam sa kaniya lahat ng mga pinag daanan ko kakasisi ko sa sarili ko, sa pagkamatay ng isang inosenteng tao pati na rin ang pakikipag agawan ni Troy sa buhay niya kay kamatayan.

"Lexie- oh my god!"

Mika exclaimed while looking at the floor.

Bumaba na rin si Tristan, Troy at Yra para tingnan ang nangyari.

Napa sabunot nalang ako sa buhok ko.

"I'M GOING TO FUCKIN' KILL THAT BASTARD!"

Pati ang basong hawak ko ay binato ko na rin sa sobrang sama ng loob ko.

"Stop it LJ!"-Yra

Lumapit sa'kin si Yra pero hindi niya ako hinawakan kasi kapag ginawa niya 'yon, siguradong mag kakagulo kami dito.

"Calm your senses Lexie Jane!"

May awtoridad sa boses Troy

"Why it would be Gab?"

Wala sa sariling sabi ko.

Ngayon na nga lang ako nag mahal tapos ganito pa kakumplikado.

Parang gusto kong maiyak sa tanginang tadhana na 'yan, kami pa pinag laruan.

Paano kapag nalaman ni Gab na ako ang dahilan kung bakit namatay ang Papa niya, ang dahilan kung bakit kailangan niyang mag trabaho para matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya niya.

"Lexie you're drunk"-Mika

Inayos nila ang mga bubog na nasa sahig.

Akmang bababa na sana ako para pumunta nalang sa kwarto ko pero pinigilan ako ni Yra.

"Dito ka muna, baka maka tapak ka ng bubog"

Inalis ko ang kamay niyang nasa balikat ko.

"Don't touch me"

I feel dizzy.

*Ring*

Tumunog ang telepono na agad namang sinagot ni Tristan.

"Miks, for you"

Nakipag palitan ng pwesto si Mika kay Tristan, siya na ngayon ang nag lilinis ng sahig.

"Yes.. let her in"

Tapos pinatay na  niya ang tawag at saka lumapit sa'kin.

"You look mess Lexie Jane!"

Inayos niya ang itsura ko at inisprayhan ako ng pabango.

"What the fuck are you doing?!"

Winaksi ko ang kamay niya

"STAY PUT! You're going to kick us if we didn't do this"

Ano bang sinasabi niya?

Matutulog na ako!

Kailangan ba ng pabango kapag matutulog na?!

"Are you nuts?!"

Tinali niya ang gulo gulo kong buhok.

"I'm gonna sleep Mika for Gahd sake! Mas lasing ka pa ata sa'kin eh!"

Pumunta pa siya sa harap ko para ayusin ang mga baby bangs ko.

*Door bell*

"Who the fuck is your visitor at this hour?!"

Sigaw ko sa kanilang lahat.

"Tristan, buksan mo nga 'yong gate"

Napapa kamot nalang sa batok si Troy habang tinitingnan kaming lahat.

"Yra tingnan mo baka may nag kalat pang bubog sa lapag."

They are all weird. Nagagalit na ako pero parang ang easy pa rin nila.

"Stop holding me Mika-"

"Behave yourself."

Mariing babala niya sa'kin.

Aba ako pa ngayon ang binabantaan niya.

Kinuha ko ang lalagyan ng mga susi ko.

"Where are you going-"

"I'm going home."

Bumaba ako sa stool at saka mag lalakad na sana nang hilain niya ang lace ng mga susi ko.

"What are you doing?!"

"You're not going anywhere, you're drunk"

Nag hilaan kami ng susi at nag sukatan pa ng tingin.

"Enough for being stubborn Lex."

Hindi siya sumisigaw pero kada bigkas niya sa mga salita ay maririin.

"Stop it both of you!"-Yra

Hindi alam ni Yra ang gagawin niya habang kami ay patuloy lang sa pag aagawan ng susi.

"A-ahmm.. good evening?"

Mula sa pinto ay may nag aalangang bumati sa'min.

Mabilis akong tumingin doon dahil naririnig ko nanaman ang boses niya.

"Gab"

Mahinang bulong ko saka binitawan ang hawak kong susi.

"Wo-woah-"

*BLAG!*

Malakas na lumagapak si Mika sa sahig na mabilis namang dinulugan ng kapatid niya.

Bigla akong naguilty nang tingnan ko si Mika.

Pag balik ko ng tingin kay Gab, nakagiwi siya habang naka tingin kay Mika na parang nararamdaman niya ang sakit ng pag bagsak ng katawan ni Mika.

Bigla ata akong natauhan ngayong nasa harap ko na siya.

Thank you Mika for making me look presentable, pero sana inabisuhan niyo akong darating siya.

"You're finally here"

Hinimas ni Mika ang balakang niya habang nag sasalita siya at tumatayo.

"Good evening po ulit"

Para lang akong tanga ritong naka tingin sa kaniya.

"Why is she here?"

Wag mo sabihing sasabihin nila na ako ang dahilan kung ba't namatay ang Papa niya. C'mon guys, I'm not yet ready.

"Hindi ba gusto mo siyang magkaroon ng trabaho?"

Kinakabahan ako sa mga salitang binibitawan nila. Parang anytime ipapahamak nila ako.

"Yeah? And so?"

"We found a job for her"

Napa nganga ako. Wala silang sinabi sa'kin na may nakuha na sila.

"A graphic designer assistant"

Ha?

"Saan? Sino?"

Hindi ko na maisatinig lahat ng mga gusto kong sabihin o mga agam agam sa isip ko.

Baka mamaya gago nanaman ang magiging amo niya.

"Ate Hannah is looking for assistant. You know ate Hannah, sa una lang 'yon mag hihigpit pero kapag nakatagal na siya magiging maayos na ang lahat sa kanila basta marunong lang siyang sumunod"

Nakatingin lang sa'min si Gab habang nag uusap kami.

Shit! Mas lalo atang sumakit ang ulo ko.

"Related sa course ni Gab ang pinapasok niya so magandang experience 'yon in near future, right Gabrielle Rhemzo?"-Mika

Hindi rin alam ni Gab ang sasabihin niya.

In the first place bakit siya pumayag na pumunta dito at gabi na kaya, paano kung napahamak siya sa labas ng ganitong oras.

"May konti akong alam sa pag ga graphic design."

Nag aalangang sagot niya

"See? Ayos lang sa kaniya 'yon."

Nanlalabo paningin ko. Eto na ang epekto ng alak, mukhang tataob na 'ko neto.

Humawak ako sa ulo ko at saka napapikit.

"Lexie?"-Mika

"Are you ok?"-Yra

Gusto nila akong lapitan pero hindi nila magawa.

"Ms. Lexie"

May humawak sa balikat ko at umalalay sa'kin.

"I'm fine"

"Uhm? Favour Gab."-Mika

"Po?"-Gab

"Can you assist her into her room?"

"Po?"

"I can handle this alone"

Pag mamatigas ko sa kanila.

"She's drunk and stubborn that don't want to be uphold"

Sige siraan mo ako Mika.

Inalis ko ang kamay ni Gab doon. Ni hindi ko nga namalayang naka lapit na siya sa'kin eh.

"I can do-"

Muntik na akong mawalan ng balanse kung hindi ako inalalayan ni Gab.

Hard drink ang ininom ko dahil gusto kong makatulog agad o makalimot saglit. Pero kung sinabi nilang pupunta si Gab edi sana di ako uminom ng ganito.

"Ako na po bahala"-Gab

Bago ako alalayan ni Gab sinamaan ko muna ng tingin ang mga pinsan kong may mga malolokong ngiti.

Umakyat na kami sa hagdan, medyo kaya ko pa naman.

"You should go home Rhemzo, ipapahatid kita kay-"

"Makakauwi pa ba ako no'n? Kinadena kasi ng pinsan mong lalaki 'yung gate. Tatlong kadena ata nilagay niya tapos tinapon niya sa may garden niyo 'yong susi, sabi niya hindi niya raw sinasadya"

Napa tampal ako sa noo ko.

Mukhang pinag handaan nila at pinag kaisahan nila ako.

Pag pasok namin sa kwarto ko agad niyang tiningnan ang buong paligid.

"Hindi ka ba hahanapin ng Mama mo o ng kapatid mo?"

Kasi kung hindi, hindi ko muna ibabalibag si Tristan.

"Nag paaalam naman ako sa kanila kanina bago ako pumunta dito."

Great! Then stay with me again tonight.

Hindi ko siya nakita kahapon kaya babawiin ko na ngayon.

Tiningnan ko siya.

Hindi lang pala basta basta tingin, titig 'yon.

"B-bakit? May dumi ba ako?"

Para siyang naalarma sa itsura niya.

"No no.. it's just I like your eyes"

Nawalan ako ng balanse sa harap niya kaya napasandal siya sa gilid ng pinto habang ako ay tinukod ang kamay ko sa gilid niya. Medyo lumulutang na rin ang utak ko ngayon.

"Miss Lex.."

Mahinang aniya.

Tiningnan ko siya pero hindi ko siya makita nang matino.

Lamp shade ko lang ang naka bukas at mukhang pakana pa rin nila.

Ano kayang magiging reaksyon niya kapag kunwaring lalapit ako sa kaniya para halikan siya?

Napangisi ako saka gumapang ang kamay ko sa pader.

Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya.

Nararamdaman ko na ang pag hinga niya Kaya napangisi ako.

Lalo lang ata nag bunyi ang kalooban ko nang makita kong pumikit siya.

*Door close*

Nakangiti kong nilayo ang mukha ko sa kaniya nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko.

"You're waiting for something?"

May pang asar kong tanong.

Dumilat siya at saka ako tiningnan.

"Please don't blame me."

She pulled my waist and meet my lips with her lips.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

Ako ang nang asar kanina pero ako 'tong parang mas nalugi pa sa ginawa ko.

I provoked her first but in the end I'm the loser.

Sana nangyari 'to no'ng matino ako at walang alak sa katawan. Pangalawang beses na 'to nangyari at pangalawang beses rin na isa sa'min may presensya ng alcohol sa katawan.

Ano 'tong status namin? Acquaintance with benefits? Friends with benefits? M.U?

Hingal na pinakawalan niya ang labi ko.

"Huwag mo sabihing mag so-sorry ka nanaman?"

Nasasaktan ako nang mag sorry siya matapos niya ginawa 'yon. Pinag sisihan niya ata ang ginawa niya because of the presence of alcohol.

Naniniwala pa rin ako na alam mo ang ginagawa mo kahit lasing ka, mas lumalakas pa nga ang loob mo kapag lasing ka at nagagawa mo ang mga bagay na gusto mo.

"I'm not drunk to be sorry"

She gave me a peck on my lips.

Parang kinikiliti ang puso at tyan ko sa simpleng ginawa niya.

Naguguluhan ako sa ginagawa namin.

Once is enough but twice is too much, pero heto kami at nag bibigay ng confusion sa isa't isa.

Naririnig ko ang tibok ng puso ko.

Hindi niya naman naririnig 'to diba?

Kahit gusto kong mag paka lunod sa halik niya ngayon, naiisip ko pa rin ang malaking kasalanan ko sa kaniya.

Yumuko ako sa balikat niya.

"Bakit? Hilong hilo ka na ba? Humiga ka na sa kama mo"

Umiling ako.

"Let me stay here for a while"

Niyakap ko siya nang mahigpit.

Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari.

Soon, kamumuhian niya ako dahil sa pandadamay ko sa Papa niya.

"May problema ka? Pwede kang mag kwento sa'kin."

Malumanay na tanong niya.

Umiling lang ako.

"No. I'm just drunk"

Stay with me for awhile. Mamaya ko na iisipin ang mangyayari bukas.

For now, I'll just treasure this moment.

Unedited, hope you like it. Thank you for reading!! ❤️❤️

Piksmeayminitcreators' thoughts