webnovel

MY VILE WARMTH (GL)

A unfortunate sequence in their life brings them together to face a trial that their family struggling to overcome. A chained destiny pulling them to be one and conquer all the misfortunes. Love or death is their only choice they are holding but if they choose between them, only consequence will tell them the right choice.

Piksmeayminit · LGBT+
Not enough ratings
35 Chs

Band Competition 2

THIRD PERSON'S POV

Nasa back stage na ulit lahat ng member ng banda at nag hihintay nalang ng susunod na announcement para sila na ulit makapag perform.

Nasa harap si Gab ng salamin at inaayos ang sarili habang ang isip ay lumulutang kakaisip kung anong gagawin ni Lexie sa rancho at kailangan pa niyang mag stay doon ng tatlong araw pati na rin kung kumusta na ang lagay ng Mama niya, kung naging successful ba ang operation. Minuminuto niyang pinag dadasal ang pag kaligtasan ng pamilya niya pati na ang trip sa buhay ni Lexie.

"Stand by D.U, next na kayo"

Sabi ng organizer sa kanila.

Lumapit sa kaniya ang mga kabanda niya

"Magagaling ang ibang grupo"

"Ayos lang 'yan, ang mahalaga binibigay natin ang best natin at saka nandito kaya si Gab, kalma lang kayo."

Pinaningkitan niya ng mata ang mga members nila dahil ramdam niya ang pressure kapag gano'n ang sinasabi nila.

"Huwag nga kayo. Lahat tayo may pananagutan dito 'no, kapag nag kamali kayo swerte nalang kapag natakpan agad ng ibang instrument. Na pi pressure ako mga bwiset kayo."

Tinawanan siya ng mga kabanda niya.

*1 message received*

Agad niyang tiningnan ang cellphone niya at lumabas doon ang unregistered number.

From: unknown

~You look so gorgeous today~

Hindi niya alam kung sino 'yon pero nagustuhan niya ang sinabi no'n pero unregistered kaya hindi na niya nireplayan at baka pinag titripan lang siya ng mga kaibigan niya.

"D.U kayo na"

Sabi ulit sa kanila ng organizer.

Nilagay niya sa bag niya ang cellphone niya at panatag na iniwan lang doon dahil may mga kasama naman silang mag babantay doon.

May kaba siyang sinusupil habang nag lalakad siya sa may stage.

"The stage is ours"

Bulong ni Abby sa kaniya bago pumunta sa piano.

Hinanap ng mata niya si Mara, Fana at Lexie, nakita niya si Fana at Mara pero si Lexie wala sa tabi ng mga pinsan niya.

Nasa bukana ng gym si Lexie habang kinukulit pa rin siya ng Papa niya pupunta nga ito sa bahay nila pero kinokontra siya ni Lexie.

Nilapitan siya ni Yra dahil ang University na nila ang mag peperform.

"Let's go-"-Yra

"Dad, I really need to go"

Pero pinipilit pa rin siya ng Papa niya.

"FOR THE 2ND ROUND! LET'S ALL WELCOME AGAIN THE DALTON UNIVERSITY!!"

Inalis muna ni Gab ang kaba niya dahil baka makaapekto sa magiging performance nila.

Ngumiti siya sa mga tao.

Nag simulang mag intro si Abby ng kantang Faded

"You were the shadow to my light

Did you feel us?"

Napa "awww!" Ang mga tao dahil sa lamyos ng boses ni Gab

Sa pangalawang pag kakataon ay napatigil si Lexie sa ginagawa niya.

"Angelic voice"

Napatingin siya sa likod niya kung saan nandoon ang stage.

"She's Gabrielle right?"

Hindi maka paniwalang tanong niya kay Yra na kahit ang pinsan ay nanlalambot ang puso sa ganda ng boses ni Gabrielle.

Agad niyang ibinaba ang cellphone at tumingin sa stage.

"Another star

You fade away

Afraid our rain is out of sight

Wanna see us

Alright "

"Bawal ba kong ma inlove kay Gabrielle?"

Nakangusong tanong ni Tristan

"Alam mo 'tan? Hindi naman kita pigilan kung gusto mo ng suicide eh"

Mangha pa rin si Troy habang wala sa sariling sinagot ang kapatid niya.

"Ayoko na nga. Papalakad nalang ako sa kaniya doon sa Pianista nila hehehe"

Napailing si Mika at saka nag concentrate sa pag vivideo. Balak niya 'yon I send sa kapatid ni Gab at sa Mama nito kung magiging maayos ang lahat sana mapanood ng Mama niya ang performance ni Gab.

"Where are you now ?

Where are you now ?

Where are you now ?

Was it all in my fantasy?

Where are you now ?

Were you only imaginary ?

Where are you now ?

Atlantis

Under the sea , under the sea

Where are you now ?

Another dream

The monster's running wild inside of me

I'm faded

I'm faded

So lost,I'm faded

I'm faded

So lost, I'm faded

These shallow waters never met

What I needed

I'm letting go

A deeper dive

Eternal silence of the sea

I'm breathing

Alive"

"She's really like an angel"-Troy

"Edi mas bagay sila ni LJ, isang demon at isang angel"-Tristan

"Tigilan niyo na nga! Nakikinig ako! Mas naririnig ko boses niyo eh!"-Mika

"Where are you now ?

Where are you now ?

Under bright

But faded lights

You set my heart on fire

Where are you now ?

Where are you now ?

Where are you now ?

Atlantis

Under the sea ,under the sea

Where are you now ?

Another dream

The monsters running wild inside of me

I'm faded

I'm faded

So lost,I'm faded

I'm faded

So lost, I'm faded"

Nag palakpakan ang lahat

"NAKAKATINDIG BALAHIBO NANAMAN ANG GINAWA NIYO D.U!!

Nag hiyawan ang mga estudyante ng D.U

"D.U AH! HMM... MUKHANG PALABAN TALAGA! PAPASUKIN NIYO ATA ANG IBA'T IBANG GENRE EH!"

Masayang ngumiti si Gab at nag bow sa kanila.

"I can't breathe"

Wala sa sariling anas ni Lexie habang naka hawak sa dibdib niya.

"Hey! Wha-what? Don't be like this babe"

Kabadong tingin niya sa pinsan niya at hinawakan 'to.

"My heart beating so fast, what should I do"

Nakahinga nang maluwag si Yra pero sinamaan niya ng tingin ang siraulo niyang pinsan.

"Dukutin mo 'yang puso mo at itapon mo! Bwiset ka pinakaba mo ko!"

Saka lang tiningnan ni LJ ulit ang cellphone niya at nakita niyang on going pa rin ang call.

"Dad?! Why didn't you hang up?"

"I'm listening to the performer."

Napangiti si LJ

"She's good right?"

"Yeah, her voice is so soft."

Lalong napangiti si LJ at hindi maikakailang nagugustuhan niya talaga ang gano'ng topic sa kanilang mag ama.

"She's my wife"

Nanlaki ang mata ni Yra sa pinaalam ni Lexie sa tatay niya.

Sira na talaga tuktok niya! Bakit niya 'yon sinabi?!

Isip isip ni Yra.

"I.. I.. I really need to see you ASAP Lexie Jane."

Naputol na ang linya na pinag taka lang ni LJ.

"He hanged up?"

"Obviously? Binigla mo si Tito sa sinabi mo. We all know that you're straight as a fvck Lexie then you-"

"Ahh.. ok"

Simpleng tugon niya.

"Now she's back being innocent again"

Napa buntong hininga nalang siya nang maalala niya kung paano sinabi ni Lexie 'yon sa Papa niya.

"Gusto ko siyang puntahan"

Mas lalo lang talagang namangha si LJ nang marinig pa niya ang gano'ng tono ni Gab.

'Mas lamang pa rin ako, I made her moan with my name'

Napangisi siya sa iniisip niya

"What's hesitating you?"

"Uhmm.. nothing, should I kidnap her? I'll bring her to ranch with me"

Yra just rolled her eyes into her cousin.

"Shut up Lexie Jane, she's ours too."

Nainis siya sa sinabi ni Yra

"She's mine, she's not a thing or food to be shared by others."

"Ok ok, calm down. I'm wrong and you're right but you can't just pulled her like that. Did you forget? She's coping with her studies, she missed many lessons and quizzes, how can she gain the honor again if you will bring her with you every time?"

Naiinis siya kasi gustong gusto niyang sa tabi lang ni Gab pero ang mga responsibility niya as a student, granddaughter at daughter ay hinihila siya palayo kay Gab.

"I'll make sure I'll finish it in one day-"

"You can't. First day you will meet someone, second day you will process the papers and last day you will finalized the agenda."

Sinamaan siya ng tingin ni LJ sa pag papaalala ng mga gagawin niya.

"Bakit kasi nasakin 'tong trabahong 'to"

Maktol niya

"Because you keep refusing to transfer to your name the island. Mr. Jason can't always handle that."

"Tsk!"

"SHOULD WE ASK THE BEAUTIFUL MISS GABRIELLE RHEMZO ABOUT HER LOVELIFE?!"

Tanong ng emcee na ikinamula agad ni Gab sa harap at tumingin sa mga kasama niya. Asar na tingin at ngiti lang ang ginanti ng mga ito.

Nag hiyawan ang mga tao dahil kating kati na silang malaman kung sino ang maswerteng taong 'yon. Binigyan nila ng mic si Gab, tinanggap niya 'yon at madiing hinawakan dahil kinakabahan siya.

"Good afternoon po"

Bati niya sa lahat.

"WOOOOH!!"

"GABRIELLE! AKIN KA NALANG!"

Natawa siya sa malakas na sigaw na 'yon sa harap niya. Dinig na dinig ang tawa niya mic.

"That moron!"

Inis na singhal ni Lexie habang nakatingin sa unahan at akma na sanang lalapita ang lalaki nang pigilan siya ng pinsan niya.

"Hey hey! Stop making a scene, are you going to ruin Gab's day?"

Inis na tanong ng pinsan niya

"Dammit!"

"Kumalma ka ok? Wala namang panama 'yang mga 'yan sa'yo."

Nawala ang pag kakakunot ng noo ni LJ at pasimpleng umayos ng tayo at inayos din ang damit niya.

Napakagat nalang si Yra sa labi niya para hindi kumawala ang ngiti niyang may pang asar.

"Really?"

Paninigurado pa niya

"Oo nga, kaya hayaan mo silang mag laway kay Gab, hanggang tingin lang sila pero ikaw nakakasama mo siyang matulog sa iisang kwarto."

Bulong ni Yra sa kaniya.

Nawala ang inis ni Lexie dahil tama nga naman lahat nang 'yon.

"OK! MS. RHEMZO, Ilang taon ka na ba?"-emcee

Sumagot si Gab gamit ang hawak niyang mic.

"Turning 20 this year"

Nag wala lalo ang mga tao dahil sa pag sagot niya.

Kabang kaba siya lalo na't maraming mata ang naka tingin sa kaniya at anytime pwede siyang pumiyok kapag nag salita siya.

"Ok! Boys, alam niyo na."

Mapang asar na sabi ng baklang Emcee na kinatawa naman ng audience pati na rin ng mga judges.

"So Ms. RHEMZO, single ka ba o taken na?"

Napatakip siya ng bibig sa pag pigil ng ngiti niya.

"Mukhang nahihiya si Ms. Vocalist."

Tumingin si Gab sa mga kasama niya na chinicheer siya.

"Single po"

Halos mabingi sila sa sobrang lakas ng sigawan ng mga audience.

"Grabe 'yong audience impact mo Ms. Rhemzo, daig mo pa artista."

Nahihiya siyang ngumiti.

"Balita ko may dalawa pang taga Dalton University dito na talagang tinitilian ng maraming babae, lalaki at mga bakla! Nakita ko sa DU files niyo na trending na trending 'tong dalawang 'to doon."

Nag hiyawan lalo ang mga tao lalo pa sa mga nakakaalam kung sino sino ang mga nag titrend sa D.U files.

Kinabahan naman si Gab dahil sa pag kakarinig niya kahapon si Lexie ang isa doon.

Hinanap ng mata niya si Lexie pero hindi talaga niya mahanap sa sobrang dami ng tao.

"Should we call them?"

"OO!/YES!!"

Sagot ng mga audience.

"Nakaka kaba naman 'to, baka hindi nila tayo paunlakan eh."

May sinenyas ang emcee sa organizer na ikinatango naman no'n at saka umalis.

"Tatanungin muna natin si Ms. Rhemzo, sinusubukan pa namin silang pakiusapang mainterview sila saglit. So Ms. Rhemzo? You're single?"

"Yes po."

"But the question is, are you ready to mingle?"

"WOOOOOOOH!!!"

Nagpalakpakan sila sa excitement.

"Well- haha.. hindi ko rin po kasi sure 'yan. There's a part of me na study first pero may part din sa'kin na-"

"Gusto mo na humarot?"-emcee

Natawa ang lahat pati na si Gab

"Yeah kinda- haha"

Sila na ang last performer at ang susunod na mangyayari na ay ang voting at finalization kung sino ang mananalo.

"Paano kapag ganito kaganda, pwede na ba?"

Tinuro niya ang isang babaeng papalapit sa kanila habang may kaunting ngiti sa labi at may hawak na mic.

Saglit siyang nagulat nang makita niya ang papalapit na si LJ pero agad din namang nabawi niya ang gulat na 'yon at ngumiti ulit.

"Hmm.. pwede..."

Nag kagulo lalo ang lahat nang makita nila ng maayos ang mukha ni Lexie.

"Pwede na 'no? Mukhang magiging lalaki ulit ako sa'yo ah *man's voice""

Natawa silang lahat nang pinatigas ng bakla ang boses niya bilang lalaki.

"Hi."

Pag hinga pa lang ni Lexie kinabaliwan na paano pa kaya kapag mas naging totoo ang ngiti nito.

"Thank you for letting us interview you for a meantime Ms. Lexie Jane Fistorn"

"MARRY ME MS. LEXIE!"

"ARE YOU SINGLE?!"

"CAN I COURT YOU?!"

Maging si Lexie ay natawa sa mga comment ng mga tao.

"The pleasure is mine."-LJ

"At syempre kung may babae, may lalaki rin syempre! May relation sila ni Ms. Fistorn- OOOPPSS?! EXCITED NA BA KAYO?"

Malakas na hiyawan ang sumagot sa kaniya.

"Nakakaloka talaga ang dugo nila at para ma loka rin kayo let's all welcome! TROY JOEL FISTORN!"

Lumabas ang makisig na lalaki mula sa backstage.

"Hello!"

"KYAAAAH!! ANG GWAPO MO KUYA!"

"ISANG KISS LANG KUYA!"

"WOOOOH! HANDA AKONG MALOSYANG!!"

"HAHAHAHAHAHAHA"

Tawanan ng lahat sa huling sumigaw nang malakas.

"Sabi ko sa inyo eh maloloka kayo. Si Ms. Lexie at Mr. Troy ay pinsang buo at hindi lang sa kanila kumalat ang magandang dugo nila, nandito rin ang iba pa nilang pinsan. Wave naman kayo diyan mga ate, kuya!"

Nahihiyang kumaway si Yra habang ang kapatid at pinsan niya ay bigay todo.

"Grabe! Sinalo ng angkan nila ang pinaulan na ganda ni God. Nakakawindang na eksena! Huwag niyo sabihing kamag anak niyo rin si Ms. Rhemzo?"

Kinabahan agad si Gab nang marinig ang pangalan niya.

"Well.. Pfft.. SOON!"-Troy

Nag hiyawan ang lahat sa sagot ng binata at ang iba naman nagulat sa revelation na 'yon.

Gustong malaman nang lahat ang kwento sa likod ng "soon" na 'yon. Lahat nag aabang at interesado sa mga susunod na salita.

"Oh my gosh I can't take this"-Emcee.