▪️𝙹𝚊𝚗𝚒𝚊𝚜 𝙳𝚎𝚖𝚎𝚝𝚛𝚒𝚊▪️
" Mudra kong gwapa gogora na aketch" pagpapaalam ko kay Mama habang umiikot ikot sa harap niya. Cute ng outfit ko, minsan lang ito so pagbigyan na.
" Oh sige basta wag kang makikipag away sa mga kapwa mo fans kung ayaw mong magkaroon ng tumataginting na pingot" nanlalaking-mata niyang paalala sakin. Speaking of. Dalawang linggo na ang lumipas simula ng mangyari yung pagkakapahiya niya sakin. Kalmado na rin ang puso ko sa sakit kaya nagbabalik loob ako sa kanya. Heto nga't pupunta na naman ako sa isa niyang Mini-concert. Matapos kong magpaalam kay Mama ay naglakad na ko papalabas ng Subdivision namin. Average lang ang pamumuhay namin. Hindi mayaman at hindi rin mahirap kaya halos mamatay matay ako kakasulat para lang makakuha agad ng pera para makabili ng ticket.
Pumara ako ng Jeep dahil medyo malapit lang ang paggaganapan ng Concert na iyon sa amin.
"Bayad po." sabi ko pero mukang walang nakarinig sakin kaya inulit ko pero BAKET PARANG MGA BINGI.
" BAYAD HO!" sigaw ko na ikinagulat ng karamihan.
"Nakakagulat ka naman, Ineng" sabi ng matandang nasa tabi ko bago inabot ang Otso pesos kong bayad. ' kanina pa ho kasi ako nagsasalita pero hindi niyo hini-hear ang Diyosang tulad ko' gusto kong sabihin pero alam ko naman ang word na respect so i better shut up. Nginitian ko nalang si Lola pahiwatig ng paghingi ng dispensa.
~Uh ohh ahhh yeah~
Namula ako ng husto ng mapansin ko ang tingin ng mga kasama ko sakin at sa cellphone na hawak ko. Ahh gusto kong sumigaw at magsabi ng mamasamang words! Baket nga ba kasi ito ang ginawa kong ringtone ng phone ko. Clydeus' moan is music to my ears. Nakuha ko ito sa isa niyang kanta tas ayun i cut it at ginawang ringtone pero shems. I immediately answer my phone. Pwede ng pamplantsa ng damit ang muka ko dahil sa sobrang init nito.
"Hello Ma'" panimula ko pero lumipas ang ilang minuto pero hindi ito nagsasalita at bigla na lamang pinatay ang tawag. So weird, this is the first time na siya ang unang nagbaba ng tawag. I just shrug my shoulders.
"Manong para ho" pero di ata ako narinig dahil nanatiling mabilis ang pag andar ng jeep. Ito na naman po tayo.
"MANONG PARA HO!" muntik na kong makipag lips to lips kay kuya na nasa kabilang side ko. Kingin- OMAYGAS BAKIT HINDI NATULOY. TAEEE ANG GWAPOOO. Pero natauhan ako ng maalala ko kung bat nga ba ako sumakay ng jeep na 'to. Dali dali akong umayos ng tayo pero tanga nakalimutan kong nasa jeep nga pala ako at wala sa bus. Bukol.
Bumaba na ko para hindi na madagdagan ang pagkakapahiya pero bago pa ko makaapak ng lupa ay may humawak ng kamay ko. Ang lamig.
" Be Careful. Don't trust them." pagkatapos sabihin ni Lola iyo ay bigla itong hinimatay na sinambot naman agad ni Kuya Wafu. Binalingan niya ako ng tingin. Tinging alam kong hindi maganda ang ibig ipahiwatig. Inihilig ko ang ulo at Tiningnan muli ang kalsadang dinaanan ng Jeep.
Focus Jade. Nandito ka para makita ang mahal mo. Nang maalala ko iyon ay bigla akong nabuhayan. Clydeusss wait for me. Here i come rawr. Dinukot ko ang VIP ticket kong ilang buwan kong pinaghirapang mabili pero halos magimbal ako ng wala akong madukot.
"Hala asan ka na" frustrated kong sabi sa sarili ko at binalingan ang daang tinahak ko kanina. Nagbabakasakaling nahulog lang pero wala talaga.
"Kuya Guard. Pwede po bang pumasok nalang. Nawawala po kasi yung ticket ko. Pero pramis po meron talaga akong ticket. Hope to die but not now." sabi ko. Pero tanging iling lang ang sinagot niya. Naunti na rin ang mga tao at tanging mga Team Labas nalng ang natitira. Bwiset asan na ba kasi yun.
" Sige na po please. Walang makakaalam kuya. Tayo lang talaga. "Umiling ito at tinuro ang isang banda. CCTV. Nasan na ba kasi yun. Binaligtad ko ang bag ko pati bulsa ganun rin sa sapatos pero wala talaga. Unti-unti na kong nawawalan ng pag-asa at the same time naiiyak. Naupo ako sa gilid at naluluhang tiningnan ang entrance ng Concert Arena. Bat ba kasi ang malas ko?
" Miss sayo ba 'to?" rinig kong tanong ng tao sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang taong hindi ko inaasahan.
"Miss?" siya yun. Siya yung katabi ko kanina sa Jeep. Pero kita kong sobrang layo na nung jeep na yun ng tumalikod ako. Bumalik siya? Ibinaba ko sa kamay niya ang tingin ko at nakahinga ng maluwag ng makita ko yung tumataginting na 20,000 pesos kong ticket.
"Huh? A-ano... OO PO AKIN PO YAN!" sigaw ko dahil sa sobrang saya. Nayakap ko siya ng wala sa oras. Libreng tiyansing na rin. Hmm bango.
" Salamat kuya. Hulog ka ng langit." bumitaw na ko at bastang hinablot yung ticket. Wala na kong time para magtagal. Magsasara na yung entrance.
" Bye. Thank you po ulit"
THIS 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘪𝘮 𝘤𝘭𝘰𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘺 𝘦𝘺𝘦𝘴 𝘵𝘰 𝘱𝘳𝘢𝘺, 𝘪 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘩𝘶𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘪𝘯 𝘺𝘰𝘶 𝘴𝘭𝘰𝘸𝘭𝘺. 𝘛𝘰𝘥𝘢𝘺 𝘪𝘴 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘯𝘦 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘤𝘩𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘮𝘺 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘧𝘰𝘰𝘵𝘴𝘵𝘦𝘱 𝘪 𝘵𝘢𝘬𝘦~
Bawat tinig na lumalabas sa kanyang bibig ay sinasabayan ko. Natutuwa ako na kahit hindi man ako ang tinutukoy niya sa kantang kinakanta niya ngayon na siya mismo ang gumawa ay masaya na ko. For the past years that I've been his fangirl. May nalaman ako na hindi alam ng ibang fangirl niya. He's alone, broken and a warm person. I can feel it by just looking at him. Passionate siya sa ginagawa niya. Naibalik ako sa reyalidad ng namataan ng mailap niyang mga mata ang akin. Am i dreaming? Sa akin ba talaga yun? Tumingin ako sa likod para makasigurado at halos mamula ako ng mapagtanto kong akin nga yun. CLYDEUSSS WHAT THE HELLL YIEEEE >.<. Familiar kaya ako dahil sa nangyari noong nakaraan?
Lumipas ang mga oras ng hindi ko namamalayan. Bakit nga ba napakabilis ng oras na iyon sa tuwing nagtatagpo kami sa isang lugar. Hindi ba pwedeng ihinto nalang para forever ko na siyang ma-see at para wala na ring hangganan ang pagpapantasya kong 'to? Inangat ko ang pambisig na relo. Alas-otso. Sa pagpatak ng malaking hintuturo nito sa numerong anim ay matatapos na ang concert. At sa pagkakataon ring iyon matatapos ang lahat. May kasunduan kami na kailangan kong sundin dahil nakasalalay rin sa kasunduan na iyon ang passion ko. Sa namumulang mga pisngi at hilam na mga mata ay nagsimula na kong bumilang. Malalim pa rin ang tingin sakin ng Huli na sinuklian ko ng intensidad. Pumatak ang bilang sa sampu hudyat para lumisan. Tumalikod na ako upang itago ang ilang patak ng luha sa aking mga pisngi.
▪️
GUMUHIT ang isang ngise sa mga labi ni Clydeus ng makita niya ang naging reaksyon ng dalaga ng titigan niya ito. Maihahalintulad na kasi sa isang mansanas ang muka ng babae dahil sa pagkapula ngunit agad rin napawi ang ngiseng iyon ng mabasa niya sa mga mata nito ang nagtatagong lungkot. Ang pagkislap ng mga butil ng kung ano ay namalisbis sa mapulang pisngi at ang pagtalikod ng babae ang nagpagulo ng kanyang isipan.
𝚂𝚘𝚖𝚎𝚘𝚗𝚎...
Nagngingitngit sa galit ang estranghero ng maramdaman niyang mas bumilis ang pagsunod sa kung sino. Alam niyang isa ito sa pinadala ni Denver pero hindi niya matukoy kung sino sa mga naglilingkod dito ang humahabol sa kanya. Pano nga ba nalaman ng demonyong iyon ang pagpunta niya sa dimensyong ito? The lady can't possibly...
"Mierda!" he cussed. He was betrayed. His right command, Linda betrayed him. He run again and again. Pero sadya atang malakas ang ipinadala ng hari para hulihin siya at ibalik sa nakakasurang kastilyong iyon sapagkat naramdaman niya ang isang pwersang pumilay sa magkabila niyang mga binti. Bago tuluyang mawalan ng bumagsak ay nadinig niya ang sinabi nang kung sino.
"You're making the things complicated. Stop on what you are doing. No one can stop me Hendre. He will rule and she will die."
"Argh ahaha h-how s-s-sure you are? Ako ang may alam sa mga mangyayari. Your nothing but a piece in my game, your highness." dinig niya ang malakas nitong pagtawa bago siya sinipa dahilan para tumilapon siya ng mahigit 20 metro. He's underestimating his king.
"That's the reason why I'm not killing you yet. You entertain me Hendre but don't underestimate my power. I can kill your daughter in a snap." nagsimula siyang matakot dahil sa huling sinabi ng hari sa kanya. No, not his family.
▪️𝙹𝚊𝚗𝚒𝚊𝚜 𝙳𝚎𝚖𝚎𝚝𝚛𝚒𝚊▪️
Nanginginig ako at hindi mapakali sa kinauupuang waiting shed na di kalayuan kung saan ako lumabas para makaalis ng Concert event place. Something is not right. Tila may nakatingin at nagmamasid sa mga galaw ko. Am i being paranoid? Ilang minuto na kong naghihintay na may dumaang sasakyan pero malabo ata iyong mangyari dahil tagong parte ng kalsada ang kinalalagyan ko. Humakbang ako paalis ng waiting shed kasabay ng pagdoble ng takot na nararamdaman. Lakad-takbo. I was panting so hard to the point that na hindi ko na nararamdaman kung sumasagap pa ba ako ng hangin.
I can hear their footsteps. Mas lalo akong nataranta at tuluyang natumba. Damn it. I am not weak. Kaya ko ang sarili ko pero bakit ganito ang nararamdaman ng katawan ko. The presence of those persons scare the shit out of me. I was about to stand ng may maamoy akong nakakasurang amoy. B-blood?
-------
@Jblrsr (2019)