webnovel

My Unpredictable Boss

PotatoHuang · Fantasy
Not enough ratings
56 Chs

Forty Eight

CAROL'S POV

"Meeting adjourned, that's all for our discussion today... And see you, when I see you"

"See you at lunch babe, later mi amor" bulong niya uli sa tenga ko sabay halik sa pisngi...

Kumindat muna siya sa akin tsaka umalis na sa harap namin...

"Guys, bumalik na kayo sa ginagawa niyo at simulan na rin natin tung malaking event na pinagawa sa atin ni sir... Ciao" sabay balik ni Ms. Marga sa opisina niya.

"Hoy bakla, may nangyari ba sa date niyo kahapon ng lovey doves boss babe mo, bakla????" sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko at inusisa talaga niya ako.

Pati sila Ms. Marie, Jonah at Roy napatingin sa amin at inusisa nila ako sa tingin.

"Wala namang nangyari sa amin kahapon, atsaka nanuod Lang kami ng movie ni sir Lance..." pagsisinungaling ko sa kanila sabay tingin sa gilid.

"Mukhang nagsisinungaling ka eehh... Parang may nangyari sa inyo ng hindi namin nalalaman eehh" sabay lapit niya sa akin at inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko.

"W-Wala nga, nanuod nga Lang kami ng movie ni sir, imagination niyo talaga ang wild... Huwag mo nga ilapit yang mukha mo sakin" sabi ko at tinulak pa ng bahagya si Jake palayo.

"Sige kung yan ang sinasabi mo pero....."

"Pero alam ko/namin na may nangyari talaga sa inyo" nag-iisip ng may nangyari talaga sa amin

"Okay sige... Kung hindi kayo naniniwala sa akin, okay Lang... Paniwalaan niyo na Lang yang ini-isip niyo" sabi ko sabay punta sa desk ko at umupo

"Oo, paniniwalaan namin tung ini-isip namin, at kung sasabay si sir sa ating kumain mamaya..." pambibitin niya.

"Tapos sasabihin niya ang totoo, pipiktusan talaga kitang bakla ka?!" pananakot niya sa akin

"Oh siya sige na, baka mag-away pa kayo dito sa loob ng opisina... Balik na tayo sa ginagawa natin and ikaw Jake tawagan mo ang communication team sabihin mo sa kanila na collab pa rin tayo sa incoming event for the VIP's"

"Ikaw naman Carol, gumawa ka na ng sample or draft ng invitation card for the VIP's and gumawa ka ulit ng brochure, leaflets, and pamphlets para ibibigay natin sa customers dito sa mall at sa ibang pang mga branch"

"Ikaw naman Roy, ibigay mo kay Carol ang list of names ng mga 200 VIP's natin sa kaniya, para malagay niya iyon sa invitation card"

"At ikaw naman Jonah, samahan mo ako mamaya upang mag-evaluate sa ibang mga branches nitong Prestige Company, maliwanag ba guys"

Tumango naman kami sa kaniya at ginawa yung pina-assign sa amin ni Ms. Marie

Una kong ginawa ang brochure, leaflets at pamphlets... Ang color ng design ay black and gold with a touch of red tapos aesthetic yung design niya tapos sa gitna ng first page ay Prestige Company with the information of this company.

Pinakita ko muna kay Ms. Marie yung gawa ko.

"Ms. Marie, okay na ho ba toh" sabay gilid nung computer at pinakita sa kaniya ang gawa ko.

"Ang artistic mo talaga Carol, okay ang design catchy at masarap sa mata" sabay thumbs-up sa akin habang yung puso ko ay lumubog dahil sa sinabi ni Ms. Marie

"Salamat po Ms. Marie, save ko lang ho ito mamaya sa USB kasabay ng invitation card Miss"

"Sige, atsaka ipakita mo sa akin mamaya yung gawa mong invitation card"

"Okay po"

"Atsaka ikaw Jake gumawa ka ng design sa sobre ng invitation card ha, okay na yung red with a touch of black kahit simplehan mo lang yung design ng sobre okay na yun at Roy huwag mo na pala ibigay yung list of names ng mga VIP's natin kay Jake mo ibigay dahil ilalagay niya sa sobre yung pangalan ng mga VIP"

"Okay po Ms. Marie" sabay salute sa kaniya, nginitian niya naman ako.

...............................

Tinignan ko muna ang relo ko at hindi ko namalayan na 12:15pm na pala, makapag-lunch na nga muna.

"Hoy mga bakla, lunch muna tayo at mamaya na natin toh gagawin" sabi ko sa kanila

Tinignan naman nila ang relo nila at nagulat rin sila, kaya naman tumayo na kami at sabay na bumaba papuntang cafeteria.

Pagbaba namin ay pumila muna kami nila Ms. Marie at Roy, sila Jonah at Jake naman ay humanap muna ng table para maupuan namin.

Pagka-tapos naming mag-order ay hinanap namin sila Jake at Jonah... Nakita ko silang naka-upo doon sa naka-talikod na lalaki kasama si sir Carl.

"Dito mga bakla, atsaka Carol, nandito ang lovey doves boss babe mo" tukso niya sa akin...

Sabi na eehh... Siya ang naka-talikod, naman ohh... Badtrip talaga ang pagmumukha

Pumunta kami sa inuupuan nila at sila naman ang nag-order, biglang bumaling sa akin si sir at hinalikan agad ako sa pisngi ko.

Hindi ko na siya pinatulan dahil wala rin naman akong magagawa sa kaga-ganito niya sa akin... Hindi man Lang marunong mahiya tung mokong na toh sa ibang taong nakakakita sa ginagawa niya.

Tinulak pa ako ni Ms. Marie kay Lancelot para magtabi kami ng upuan nitong mokong na toh.

Wala akong magawa dahil tinu-tukso na nila kami sa tingin nila kaya napa-upo ako ng wala sa oras sa tabi niya, gusto ko sanang umupo sa tabi ni Ms. Marie o kay Roy...

Napapansin ko pang nakaw ng nakaw ng tingin tung Lancelot na ito sa akin... Sarap dukutin ng mata niya?! Ano ba naman yan?! Kalugi naman oh... 

Hinintay namin sila Jake at Jonah, para sabay na kaming kumain dito sa mesa.

Maya-maya pa ay dumating na sila at dali-daling umupo at nag-kwentuhan na kami, sumasabay naman kami sa kwentuhan nila, nagbibiruan at nagtatawanan hanggang sa natapos kami sa kinakain namin.

Kami mga babae, ay nag-ayos muna, pagkatapos naming mag-ayos ay lumarga na kaming tatlo nina Jake at Roy papunta sa opisina.

"Tayo na Jonah, pumunta na tayo sa ibang branch para mag-evaluate" sabi ni Ms. Marie kay Jonah habang hindi pa kami nakaka-layo sa kanila.

"Carol, Jake at Roy kayo muna bahala sa opisina at mauuna na kami sa inyo" sigaw niya sa amin habang papalayo na sila.

"So guys, sabay ulit kayo sa elevator ko" sabi niya sa aming tatlo

"Nako... Huwag na po sir, si Carol na lang ang isama niyo... At dito ka nga sir Carl, para mag-enjoy silang dalawa diyan sa elevator" sabay hila ni Jake Kay sir Carl

"Nako... Oo nga pala, sige na po sir at sasabay nalang kaming tatlo papunta sa taas" tinulak pa ako ni Jake papunta kay sir.

"Sige na, alam kong nagma madali kayong pumunta sa opisina niyo dahil may ginagawa pa kayo" sabi niya sabay punta sa likod nila Roy, Jake, at sir Carl at tinulak sila papunta sa elevator ni sir.

"Sige po, if you insist sir" ranging nai-usal ni Roy kay Lancelot.

Pagpasok namin ay pumunta agad ako sa pinaka-dulo nitong elevator at nakita ko si Lancelot na tumabi atsaka pasimpleng hinawakan niya agad ang kamay ko, nakita ko pang ngumiti siya ng bahagya. Pinilit kong kumawala sa hawak niya pero hini-higpitan niya pagka kahawak sa kamay ko.

Ang creepy niya ha...

"Sir, may tanong lang ho sana ako, kung okay lang ho ba sa inyo" si Jake,

Medyo kinabahan ako sa tanong niya dahil nakita kong tinignan niya muna ako at nginisihan ng may tukso.

"May nangyari ho ba inyo? I mean sa inyong first date kahapon sir???" usisa ni Jake kay Lancelot, kaya naman naki-usisa rin sila Roy at sir Carl sa amin

"Hhhmmm..." sabay tingin sa akin at tinukso niya agad ako ng tingin,

Pilit kong kumawala pa rin sa kamay niya pero hindi niya pa rin iyon binibitiwan

"Kung yan ang nasa isip niyo then okay..." sabay tango at isip niya.

"Ang play safe niyo namang dalawa... Sige, iniisip ko ay may nangyari sa inyo kahapon" reklamo ni Jake sa amin.

Hanggang sa makarating na kami sa floor namin at dun lang binitawan ni Lancelot yung kamay ko

"TING..." lumabas na kami sa elevator at pumunta agad sa opisina.

Pagdating namin sa opisina ay nagpa-music muna si Jake sa CP niya at hindi muna namin ginawa yung pina-assign sa amin ni Ms. Marie.

"Guys, magbaliw-baliwan muna tayo bago natin gawin yung ini-atas sa kanina ni Ms. Marie" tumango naman kami ni Roy kay Jake

MUSIC RIGHT NOW:

LYRICS:

🎶🎵 Damn girl, you're so freakin' sexy!

Ah

I-I-I I'm a, I-I-I I'm a

I-I-I I'm a, mother-father-gentleman

I'm a, I-I'm a

I'm a, mother-father-gentleman

I'm a, I-I'm a

I'm a, mother-father-gentleman 🎵🎶

Para kaming mga baliw dito sumasayaw, wala na kaming pakialam kung anong sinayaw namin basta kami magba-baliw baliwan muna bago mag kayod kalabaw mamaya, bahala na kung anong maisayaw namin basta nag-enjoy kami.

Hindi namin napansin ang presensya ni Ms. Marga...

"Ano ba ang pinag gagawa niyo at para kayong mga baliw na sumasayaw ng wala sa ayos" natatawang sabi ni Ms. Marga sa amin.

"Gusto niyo ho bang sumali sa amin at magbaliw-baliwan saglit Ms. Marga" biro ni Roy sa kaniya.

"Sali kayo si Ms. Marga, pampa-burn ho ng baby fats natin" sabat naman ni Jake sa kaniya.

"Huwag na at may gagawin pa ako sa opisina ko, at tama na yan, bumalik na kayo sa trabaho niyo" sabi niya sa amin pero nagpa-music na Lang si Jake, para marelax kami kahit pa-paano.

"Okay Lang ho bang magpa-music Miss, bored kasi at para kaming mababaliw dito kung tahimik Lang" sabi pa ni Jake sa kaniya.

"Okay Lang, sige na... Balik na kayo sa ginagawa niyo" sabi niya sa amin

Sabay punta ni Ms. Marga sa opisina at luminga ng bahagya sa amin.

"Guys, kuha Lang ako ng maiinom natin ha... Sige na balik na kayo sa ginagawa natin para hindi tayo mapagalitan ni Ms. Minchin" si Roy at dumiretso sa mini kitchen ng opisina namin.

Ayon nga bumalik na kami sa desk namin at ginawa na namin ang pina-assign sa amin ni Ms. Marie kanina.

Biglang lumabas si Roy mula sa mini kitchen nitong opisina na may dalang maiinom at pumunta muna siya sa akin at binigyan ng tubig at juice at pumunta naman siya kay Jake at nilagay sa desk nito ang maiinom at umupo na siya sa tabi ni Jake.

Ginawa ko na yung invitation card, yung color ay black with a touch of red, simple lang pero elegante pa rin tignan yung disenyo ng card.

"Roy at Jake pumunta nga kayo dito saglit at okay ba inyo itong design ng card??" sabi ko sa kanila ng tumitingin pa rin ako sa screen ng computer.

Pumunta naman sila sa tabi ko at pinakita sa kanila ang design na gawa ko.

"Ang galing mo palang gumawa ng ganyan bakla, simple lang siya pero ang astig tignan" compliment sa akin ni Jake.

"Oo nga Carol, ang astig tignan... Parang hindi nga babae ang gumawa eehh" sabay ngiti ni Roy sa akin.

Bumalik na sila sa ginagawa nila habang ako naman ay sinave ko muna sa USB at naglagay na rin ako ng note para kay Ms. Marie.

"Carol, paki-tignan mo nga itong gawa ko, kung okay ba ito o kailangan pa ng adjustment" nag-aalalang sabi ni Jake sa akin

Pumunta naman ako sa kaniya at nagandahan ako sa gawa niya.

"Okay naman ang gawa mo Jake, may list ka na ba ng mga pangalan ng VIP Guest natin??"

"Oo meron na, kanina pa binigay sa akin ni Roy" habang maka-focus yung tingin niya sa screen ng computer.

Sa harap kasi ng sobre niya sa below right side ay doon niya nilagay yung pangalan ng guest at kulay gold ang kulay ng font at bold, lucida calligraphy ang gamit niya, para mas klaro yung pangalan ng guest.

"Ilan na ba ang nagawa mo ngayon bakla??" tanong ko ulit sa kaniya.

"Mga sampo pa ata, at masakit na ang mata ko dito sa screen kanina pa?!" inis na reklamo niya

Please Don't Forget to Vote, Comment Follow