webnovel

Prologue

Nasa labas ako ng classroom namin at nakahawak ang kanang kamay ko sa doorknob at itutulak ko na sana ito ng matigilan ako at napatingin sa kabilang classroom. Agad kung napansin ang lalaking nakatayo doon at nakangiti sa akin. Sinuklian ko din ito ng isang matamis na ngiti at tuluyang humarap sa kanya.

"Sir? Hi." masiglang bati ko.

Hindi na ako nag atubiling puntahan ito dahil nagsimula na itong humakbang palapit sa akin at nang nasa harap ko na ito ay tumigil ito at pasimpleng tumingin sa loob ng classroom ko.

"What are you doing outside?" Nagtatakang tanong nito ng makita niyang busy ang kaklase ko sa loob, dahil may program kami na gaganapin, farewell para sa aming guro. Last year na kasi namin at ga-graduate na kami.

"Tapos na po" pagdadahilan ko.

"Really?" parang amused na tanong neto at tumango lang ako.

Ang awkward naman nito. turan ko sa sarili ko

Kaya pasimple akong humawak sa Doorknob at doon ko tinuon ang atensyon ko.

Ngunit bigla akong nanigas at di makagalaw ng biglang hawakan ito ni Sir Gavin. I was left speechless.

"U-uy Sir ha-ha" awkward na tawa ko habang sinusubukang bawiin ang kamay ko ngunit mas hinigpitan niya lang ang paghawak dito.

Aligaga akong napatingin sa paligid at baka may makakita. This was unexpected at hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko.

Ng higitin ko ng malakas ang kamay ko ay hinila niya ito pabalik at hinawakan pa ito ng isa niya pang kamay para masiguradong hindi ako bibitaw.

Napanga-nga ako sa nangyari. How could he do something like this.. lalo na at nasa labas lang kami ng Classroom?

"Sir ano ba wag mo nga akong paasahin" natatawang turan ko kahit kinakabahan ako sa inakto nito.

"Anong Pinapaasa?" natawang sagot nito.

I tried to pull my hands again pero ang higpit ng pagkakahawak nito. Mas lalo akong nataranta at baka may lumabas na kaklase ko at makita kami sa lagay na to.

Sinubukan ko itong tignan sa mga mata na ' sir-makuha-ka-sa-tingin' ngunit ngumiti lang ito at lumapit pa sa kin ng husto.

Para akong aatakihin sa puso sa mga pinangagawa nito. tsk

I'm fully aware na hindi kami pwedi at tanggap ko naman yun kaso.. Eto sya ngayon nagpapakita ng motibo paano na ako neto? ang rupok ko pa naman. Batukan ko kaya si Sir noh?

"Wag nga kayong pa fall Sir, hindi niyo naman ako sasaluhin eh" pag jo-joke ko para sana mas ma lighten yung mood kasi ang awkward na talaga.

Kaso si Sir ang slow. Nagseryoso bigla kaya napasimangot na ako. Ano ba kasing ginagawa niya?

Alam ko kasing biruan lang talaga to, doon kasi talaga kami nagsimula kaso minsan parang hindi rin. Ewan ko ba.

Ng biglang may dumaan na estudyante at agad kong itong naitulak sa pagkataranta. Ngunit imbis na mabitawan ang kamay ko nahigit niya ako palapit sa kanya.

For Pete's sake! Cresza! maghunos dili ka! sita ko sa sarili ko ng mapatingin ako sa labi nito. Agad akong umatras at umiwas ng tingin. Teacher mo sya tapos- tapos he's 26--- oo tama. Bawal kaya yun kahit legal na ako.

At mas lalo akong napatigil ng inilapit nito ang mukha sa bandang tenga ko at sinabing..

"But I already catch you.." he said.

Then I lost it.. I fell again