webnovel

My Undying Dreams

Have you ever had a Lucid Dream? What does it feel like? Have you ever tried communicating with someone in there? Have you ever dreamt the same dream just continuing the thing you left the last time you woke up? What if it was not a Dream? What if you died inside that place and never came back? How are you going to deal with the fact that you were not ready to know that fact? Are you ready to deal with the destiny that you were forced to be in? Will it help you go on with your life? Can it help you face the Reality? What if the "Reality" you're in is not the "Real Reality"? Are these questions can be answered as clearly as it can be? Can we escape from this world full of questions? "The answers lie within our hearts. Just waiting for the door to be opened."

Penpai_Mandaya · Fantasy
Not enough ratings
16 Chs

Warning!!!

Inabot ako ng ilang saglit dahil sa nalilito ako tungkol sa sinasabi nila.

"Huwag nga kayo magbiro ng ganyan di nakakatawa. Ako 'to di niyo ba ako nakikilala?", tanong ko.

At hindi sila sumagot. "Hoy! Ano ba kayo? Ako to si Ayato!", sabi ko pa na halos pasigaw na.

Hindi parin sila kumikibo pero pagtingin ko sa isang salamin ay nakita ko ang isa sa ikinatatakot ko. Nakita ko ang sarili ko na mayroon tapyas ang kaliwang bahagi ng ulo na di tumitigil ang pagdurugo.

Halos mabiyak ang mundo ko sa mga narinig at nakita ko nang bigang dumilim ang paligid at tanging ako nalang ang naroroon, at may may isang tinig akong narinig.

"Hindi mo matatakasan ang maaga mong pagkamatay."

"Sino ka ba? Bakit mo ginagawa saakin ito?!", sabi ko habang umiiyak.

"Sa pagkatakip ng araw, sa ika-limang pagsabog ay siyang tanda na nang katapusan mo!"

"Sino ka ba?", sigaw ko.

"Kilala mo ako. Matagal mo na akong hinahanap.", sabi ng tinig at unti-unting umalis.

"Hoy, teka! Hoy! Hoy...!", sabi ko at bigla na akong nagising.

Pagkagising ko ay nakita ko si mama na nakaupo sa tabi ko na umiiyak.

"Ma! Anong maroon?", tanong ko.

"Nak, ang papa mo nasa hospital.", sabi niya.

Agad naman kaming pumunta sa isang hospital na kung saan inihatid si papa. Agad kaming pumunta sa ER at nakita namin si papa. Bago pa naman kami makapasok ay lumabas na ang doctor at kinausap kami.

"Kayo po ba ang mga kaanak na pasyente?", sabi ng doctor.

"Opo!", sagot ko.

"Kamusta na po asawa ko?", tanong ni mama.

"There's good news and bad news. Ang good news, wala naman siyang kahit anong natamong pinsala sa internal organs niya puro pasa lang talaga. Ang bad news hindi namin alam ang dahilan kung bakit hindi pa siya nagigising hangang ngayon."

"Paano na niyan doc?", tanong ko.

'Kakailanganin natin siyang i-MRI scan para malaman kung yung mismong utak niya ang may pagkakamali. Kaso malalaki-laki ang magagastos po natin ditto. Kakayanin po ba?", tanong ng doctor.

'Kakayanin po. Basta gawin niyo lang po ang lahat ng mga makakaya niyo," sabi ni mama.

"Sumama nalang po kayo saakin upang maisaayos ang lahat ng mga kakailanganin ng pasyente.

Sumunod na nga si mama sa doctor at nagpaiwan nalang ako. Kinailangan ko munang sagutin ang tawag ng kalikasan kaya nagbanyo ako. Pagkatapos ko ay naghilamos narin ako. Sa ilang hilamos ay may nararamdan na akong kakaiba na parang hindi tama, na tulad ng naramdaman ko sa GAIA.

Sa huling hilamos, ay biglang nanlamig ang paligid ko at saktong pagkatingin ko sa salamin ay may nakita akong anino na naglalakad sa bandang likod ko. Lumingon ako ngunit walang tao sa likod ko. Pagkalingon ko ulit ay ikinagulat ko ang nakita ko.

"P***ng **na ka!!!", sigaw ko.

"SHHHTTT!!!", sabi ng anino. "Ako to! Si Kuro. Parang di mo ako kilala." Sabi pa niya.

"Kuro?! Anong… paanong?!", sabi ko't nagugluhan.

"Alam ko. Naguguluhan ka, pero seryoso na ako mula ngayon dahil nararamdaman ko na nasa panganib ang buhay mo.", sabi ni Kuro.

"Paano mo naman nasabi… At isa pa bakit ka nandito? Paano ka nandito.", tanong ko.

"Kung nagtataka ka parin kung totoo bang may koneksyon talaga itong mundong ito ikukuwento ko pero huwag muna ngayon. Delikado. Sa susunod nalang at baka may makarinig pa satin.", sagot niya.

"Bakit kaba naririto?", tanong ko.

"Nandito na ako para balaan ka. Dahil kung hindi kita babalaan sigurado akong sa mga pagkakataong ito… PATAY ka na!", sabi niya na siyang ikinatakot ko.

Tatanongin ko pa siya nang biglang may ibang tao ang pumasok sa banyo at agad na nawala si Kuro. Hindi ako nagging komportable sa tingin ng matanda kaya agad na akong umalis dagdag pa nang ikinuwento ni Kuro saakin.

Umuwi na kami ni mama at hindi na kami pareho nakatulog dahil sa nangyari. Hindi na rin ako pumasok ng mga araw na iyon.

Ilang araw din ako di nakapasok dahil sa palagiang pagbabantay ko sa tatay ko hangang sa dumating ang resulta ng MRI scan niya. After 4 days ay dumating na nga. Tumawag ang doctor at pinapunta kaagad kami ni mama.

"Doc. Ano po ang mali sa asawa ko?"

"Hindi ko po alam kung paano ko po ito sasabihin pero…"

"Ano po ba iyon doc?", tanong ko.

"Wala naman pong kahit anong komplikasyon ang pasyente, ngunit ang pinagtataka namin… wala naman siyang sakit pero hangang ngayon ay umiinda pa rin siya na masakit ang ulo niya at ang ibang bahagi ng katawan niya. Na siyang wala naman pong kahit anong diperensya. Ngayon po ay comatose po siya upang mas matutukan namin at mapagaralan kung ano po ba talaga ang sakit niya.", sabi ng doctor. "Mauuna na po ako."

Umuwi kami pareho ni mama ng hapon na iyon upang makapagpahinga matapos namin dalawin si papa. Kahit na hindi niya kami nakikita ay kahit papaano ay alam niyang dinadamayan pa namin siya.

"Ma, ano na gagawin natin niyan?", tanong ko.

"Nak, babalik ako sa Japan upang ipagpatuloy business ng papa mo doon at ikaw maiiiwan ka dito para maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo. Ayaw ko man gawin wala tayong choice.", sabi ni mama.

"…", pananahimik ko.

"Huwag kang magalala sa papa mo may magbabantay naman sa kanya pag may clase ka, si tita Richelle mo.", sabi ni mama. "Basta mag-iingat ka dito. Alam mo naman panahon ngayon. Ibibilin ko na sa iyo lahat ng mga bagay na gagawin mo pag nagiisa ka sa bahay…", at sinabi na ni mama ang lahat ng mga gawaing bahay at pagtitipid sa allowance. Halos yun lang naman ang mga binilin niya.

At nagpahinga na nga kami katapos namin kumain.

Nang sumunod na mga araw ay ay isang bumisita sa bahay namin.

"Tao po!", sabi habang nagdo-door bell.

Na siyang pinagbuksan ni mama.

"O! John, baat napadaan ka.", sabi ni mama.

"Si Ayato po ba nan diyan? Bumibisita lang po.", sabi ni John.

"Oo, nan dito siya sagit lang.", sabi ni mama at umakyat sa kuwarto ko. "Nak si John nandito sa harap hinahanap ka.", sabi ni mama.

"Opo ma bababa na.", at bumaba na nga ako.

Nakita ko na nga si John na nakaupo at pinatuloy na ni mama sa loob ng bahay.

"Ingatan ninyo yung bahay at aalis muna ako.", sabi ni mama.

"Sige po tita.", sabi ni John.

At umalis na si mama.

"Kamusta na. Hindi ka na nagpapramdam.", sabi ni John.

"*sigh* Eto, Ok lang.", sabi ko.

"'Bat di ko ramdam? Seryoso anong meron.", sabi niya.

"Alam mo na naman siguro kung ano ang nangyari kay papa."

"Oo alam ko na ang tungkol doon. Pero bakit parang may iba pa liban doon?", pilit niya.

"Ano ba ng gusto mong sabihin ko?", sabi ko na tila ay na iinis na.

"Hoy! Hinay hinay ka lang. Dahil sa ginagawa mo lalo kang napaghahalataan eh.", sabi niya.

"Maiba nga tayo. Ano ba talaga ang pakay mo at napadaan ka. Kilala kita hindi ka dumadaan dito kung wala kang gagawing importante.", sabi ko.

"Oo nga pala. Naaalala mo pa ba yung mga singsing na nasasaiyo noong nakaraan?", tanong ni John.

"Oo. Bakit naman bigla kang nagging interesado sa mga singsing."

"Basta, nasaan na?", tanong niya.

Tiningnan ko kamay ko, pero… "Eto suotsuot k… takte nasaan na iyon? At ano itong nasakamay ko?"

"Tama nga ang iniisip ko", bulong ni John.

"Ano no?"

Hinila niya ako bigla paakyat sa kuwarto ko. Nilock ang pinto at sinara ang lahat ng mga kortina.

"Anong problema mo?", tanong ko.

"Siguro sa mga panahong ito ay alam mo na ang tungkol sa GAIA.", hinuha ni John.

"Oo naman a… Teka alam mo yung GAIA?!", sigaw ko.

"SHT. 'Wag ka ngang maingay. Oo alam ko ang tungkol doon. Galing na ako doon. At yung marka sa daliri mo, yan ang nagging tulay mo upang makapunta sa GAIA. At Isa pa ang dalawang singsing na yan ay iisa lang kumbaga yung isa ay nangaling talaga sa ibang mundo kung hindi sa ibang panahon.", sabi niya.

"Teks, teka, teka. Agad agad kang nagbabato ng mga detalye. Hindi ko masasalo lahat. Ang nantindihan ko lang ay alam mo ang tungkol sa GAIA. Pero paano?", pagtataka ko.

"Paanong? ..."

"Paanong totoo iyon. Halos isang linggo na ako di nananaginip. Akala ko ba tulay sa GAIA ang pananaginip?", sabi ko.

"Ang oras ng dalawang mundo ay magkaiba at may pagasang magulo ang pagdaloy ng panahon sa dalawang mundo kaya di ka nakakapanaginip.", sabi ni Kuro na nagpakita sa salamin.

"MULTO!!!", sigaw ni John.

"Sinong tinatawag mong multo?!!!" sigaw ni Kuro.

"Ayato, sino to?", tanong ni John.

"Yan si Kuro. Espirito ng espada ko… Kuro, bakit ngayon kalang ulit nagpakita. Sabi mo ipapaliwag mo saakin ang lahat.", sabi ko.

"Ipapaliwanag ko na sa iyo ang lahat, kung di ka laging labas pasok sa ospital. Kakausapin man kita pero tulog ka na.", sabi ni Kuro.

"Teka. Siya si Kuro?", sabi ni John.

"Oo siya ng… Hoy! Anong ginagawa mo.", at lumuhod si John sa harapan ni Kuro.

"Patawarin niyo po ako saaking nagawa. Hindi ko po alam ang aking mga sinasabi.", sabi ni John kay Kuro.

"Seryoso ka ba?", sabi ko.

"Tumayo ka. Wala na rin naman akong kahit anong pamunuan ngayon kaya hindi ko na pwedeng ipang palalo ang aking naging katayuan.", sabi ni Kuro.

"(Anong nakain ng dalawang ito?!)", isip-isip ko. "Anong nangyayari dito. Kilala niyo ang isat-isa?"

"Hindi ko sya pormal na kilala pero siya ang anak ng pinakadakilang tao sa buong GAIA.", sabi ni John.

"Sino naman iyon.", tanong ko.

"Sa tingin ko mas mabuti kung siya nalang ang mag kukwento.", sabi ni John.

"SIgurado akong alam mo na ang tungkol sa kuwento ni Haring Helios, na tinawag na 'The Great King, Helios'.", sabi ni Kuro sa akin.

"Oo, kaso nakalimutan ko na.", sagot ko.

"Hayaan mong ikuwento ko sa iyo ang buong kuwento kung ano talaga ang mga nangyari.", sabi ni Kuro.