webnovel

My Sister's Husband Child

Karlie Red Saavedra, o mas kilalang Red. Ulila nang lubos at may dalawang kapatid na parehong babae. Namatay ang mga magulang niya dahil sa hindi inaasahang Car Accident kasama ang isa pa nilang kapatid na babae. Mula noon ay nagkahiwalay hiwalay na silang magkakapatid dahil para silang naligaw dahil nawala ang liwanag. Pero kung paano, dumating sa bahay niya ang isa sa dalawa niyang kapatid, na panganay sa kanilang magkakapatid. At paano kung humingi ito ng pabor. Hiniling nitong makipagsiping siya sa asawa nito hanggang sa mabuntis siya. Mapapayagan niya kaya ang hiling nito? Yung tipong hindi mo nga binalak na magkaanak ngunit ito at hinihiling ng kaniyang nakakatandang kapatid.

Lady_ROXIE23 · Urban
Not enough ratings
3 Chs

TEASER

...

"Oh my god! Ikaw na ba yan Red?!"

Sambit ni Angel kaya natawa ako. Kababalik ko lang nang pilipinas at pinili kong unang magpunta sa shop na dating pinagtatrabahuhan ko bago ko pa makilala si Axton.

Dito rin kami unang nagkita.

"Ako nga, kamusta na? Mabuti at buhay pa ito."

Tukoy ko sa Shop. Marami na ding nag-iba, tulad na lamang nang pader na punong-puno nang mga notes na gawa nang mga couples na nagpupunta sa nasabing shop.

Nakakagulat din dahil sa tinagal nang panahon pero narito pa rin si Angel. Buhay na buhay.

"Ito ayos naman, mabuti at naisipan mong magpunta dito?" aniya.

Sumenyas ito sa isang empleyado habang naupo naman sa tapat ko si Angel. Natutuwa ako dahil, hindi na siya isang simpleng empleyado na lang nang nasabing shop dahil siya na ang may-ari nito.

"May mga ala-ala lang kasing naiwan dito. Naisip kong, sa pamamagitan nito ay matutuhan kong tanggapin ang kasalukuyan."

"Ang lalim ah," sambit niya kasabay nang pagtunog nang bell sa may pinto, hudyat na may pumasok sa shop.

Gabi na at sino naman ang magpupunta dito nang ganitong oras?

"Mr. Hermes! Akala ko hindi ka makakadalaw ngayon."

Natuod ako sa kinauupuan ko noong marinig ko ang pangalang 'yon mula sa kaibigan kong si Angel.

"It looks closed but the light is still on so I thought your shop is still open."

Nakumpirma kong siya nga iyon noong marinig ko ang boses niya dahilan tuluyan akong hindi makagalaw.

Isang dekada din ang lumipas, narinig kong muli ang boses na iyon.

"Okay lang po 'yon Mr. Hermes. Jude! As usual order for Mr. Hermes!" Si Angel 'yon.

"Mukhang may bisita ka." Malamig ang boses na sabi nito. Habang ramdam ko naman ang kaba sa aking dibdib at nakakatusok nitong tingin tulad noon.

"Opo, kaibigan ko, si Red, maupo na muna po kayo habang hinihintay mo ang kape niyo," magiliw na sabi ni Angel.

"Sure," matipid na sabi ni Axton.

Hindi ko magawang mag-angat nang tingin sa kaniya. Lalo na noong maupo ito sa harapan ko.

Kita ko ang gulat sa mga mata ni Angel noong tumabi ito sa kaniyang tabi ngunit wala sa kaniya ang tingin kundi  nasa akin. Hindi nito inaasahan na sa tabi niya uupo ang lalaki.

"This is the coffee for Miss Red."

Abot hanggang langit ang ngiti nang lalaking empleyado noong iabot niya sa akin ang kapeng paborito kong inumin noon, panghanggang ngayon.

"Thanks."

Kahit kinakabahan dahil sa kaharap ay pinilit kong sumagot at ngumiti nang tipid at buti na lang naging successful ako.

"A-ang tagal mong nawala, saan ka ba nagpunta?"

Tanong ni Angel at naiilang sa kaniyang katabi. Nagbukas ito nang topic dahil siguro para maibsan ang ilang na iyon.

Nakakailang naman kasi siya.

"You know Archer right?"

Pabitin ko sa kaniya, nangunot ang noo niya, hudyat na napaisip siya kung sino ba ang tinutukoy ko.

Kalaunan ay naalala niya rin ang lalaking tinutukoy ko.

"Archer? S-siya 'yung ipinakilala mo sa akin noon diba?" namumulang sabi niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti noong makita ko ang pamumula nang mukha ni Angel.

Mukhang may gusto si Angel kay Archer huh?

"Oo, susunod na siya dito, araw na lang ang hihintayin."

Sa isang iglap ay nalabanan ko ang kaba at pagkailang. Nawala siya sa isip ko kahit na kaharap ko siya.

"T-talaga?"

Nagliwanag ang mukha nito noong banggitin ko ang pag-uwi nang kapatid kong lalaki.

May maiiwan kasi siyang trabaho sa Mexico kaya naiwan na muna siya doon para tapusin ang mga trabaho niya.

Sa loob nang isang dekada ay siya lang ang nakasama ko sa ibang bansa. Siya ang taong umalalay sa akin sa lahat at nagparamdam sa akin na hindi ako mag-isa.

"Oo." Tipid ko lang na sinabi 'yon.

Nagpatuloy ang usapan na iyon hanggang sa humantong ang oras na kailangan ko nang umuwi dahil kararating ko lang at wala pa akong tulog.

"I need to go na Angel." Sambit ko at tumayo na.

"Sige, puwede bang b-bumisita kapag nandiyan na si Archer?" nahihiya at namumulang tanong nang kaibigan ko.

Natatawa akong tumango.

"Oo naman. Sige diyan ka na, kailangan ko nang umalis, wala pa akong tulog mula pa kanina."

Ngiti ko.

Lumabas ako nang shop kasabay nang pagkawala nang mga ngiting nakapaskil sa aking labi.

Masasabi mong ayos lang ako dahil sa kilos na pinapakita ko ngunit sa aking loob ay lagi akong nasisira. Huminga ako nang malalim at papara na sana nang taxi noong may humila sa akin at halos ihagis ako sa loob nang kotse.

"F*ck!" bulalas ko.

Kasabay 'non nang pagsakay nang may gawa niyon at otomatikong naglock ang lahat nang maaring labasan nang tao.

"Shit ka Axton! Ano nanaman 'to?!"

May gulat na wika ko noong makita ko siyang seryosong nakatingin sa daan.

"I will not let you leave again, so be prepared baby because you will be imprisoned by me." malamig na sabi niya.

Natulala ako sa sinabi niya.

Ano nanaman ba ang pakulo niya? Saka nasaan ba si Ate at ginagawa niya ang lahat nang ito?

...

Facebook: Roxanne Cherry Carlos

Twitter: @Lady_ROXIE23

Wattpad: @Lady_ROXIE23

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Lady_ROXIE23creators' thoughts