10 Chapter 10

Kinabukasan, habang nagsusuklay ay naisip ni Ada.

"Buti na lang, mababait ang parents ni Kent, hindi katulad ng ibang mga mayayaman na matapobre." wika ni Aya sa loob-loob niya.

Pagkatapos ay may narinig siyang katok sa may pintuan. Binuksan niya ito at nakita niya ang Mommy ni Kent.

"Goodmorning Iha!" at nagbeso ito sa kanya at dumiretso na ito sa loob.

"Here, meron pa akong pasalubong sayo! Dito mo na ilagay mga gamit mo sa school! " wika nito at iniabot sa kanya ang LV na bag.

"Thank you po!" matipid na wika ni Ada.

"Mamaya, susunduin na lang kita sa school mo, para magshopping tayo. Ok?" wika nito.

"Ok po." wika ni Ada, at tinulungan na siyang ilipat ang mga gamit niya sa bago niyang bag.

"Marami pong salamat Tita-Mmo..." nagaalangang wika ni Ada.

"Mommy! Just call me Mommy ok?" wika nito habang hawak-hawak ang mga kamay nya.

"M-Mommy, thank you po!" wika ni Ada.

"Welcome Iha!" wika nito at pagkatapos ay bumaba na sila at pumasok na sila sa School.

Pagdating naman ni Ada sa class room ay pinagtinginan siya ng mga kaklase niya. Nagtaka naman si Ada, sa mga tingin nito. Lumapit sa kanya sina Charm, Jenny at Lyka.

"Aba, saan mo naman napulot yang bag mo? Alam mo bang mamahalin yan?" pangungutya sa kanya ni Charm.

"May nagbigay lang sakin!" sagot naman ni Ada.

"May nagbigay? Sino?" tanong ni Jenny.

"Basta! Wala na kayong pakialam!" wika ni Ada.

"Tsk! Siguradong, fake lang yan! Imposible namang makabili ka nang limited edition ng LV!" wika naman ni Lyka.

"Right! Right! Baka nga kahit sinulid ng LV hindi mo pa kayang bilhin eh!" wika ni Charm.

Nakita naman ang eksenang yun ni Kent, habang papasok sa loob ng classroom, pinapakinggan lang niya ang mga ito.

"Hindi ito fake noh!" sagot naman ni Ada.

"Ah talaga? Sige nga patingin kami!" wika ni Jenny.

"Teka!" pigil ni Aya, habang nag-aagawan sila sa bag.

Doon na lumapit si Kent.

"Wala ba kayong ibang magawa kundi mang bully?" wika ni Kent.

Tumigil sila at dahan-dahang lumingon kay Kent, para silang nakakita ng multo. Pagkatapos ay binitawan ang pinag-aagawang bag ni Ada.

"Ah, tara na girls." yaya ni Charm at bumalik ang mga ito sa kanilang upuan na nagmamadali.

Si Kent naman ay pumunta na sa kanyang upuan at umupo. Si Ada ay tiningnan ang bag niya kung nasira, buti na lang ay hindi ito nasira sa paghihilaan nila ni Jenny.

"Kainis ang mga yun, inggetera!" wika ni Joice na lumapit sa kanya.

"Hay, pabayaan mo na sila, walang magawa!" wika ni Ada.

"Eh, sino ba nagbigay sayo nyan?" tanong ni Joice.

"Ah Mommy ni.. Mommy ko!" hindi niya naituloy ang sasabihin at pinalitan nya kaagad ito. Narinig iyon ni Kent, 'di pwedeng sabihin nya na galing sa Mommy ni Kent, mabuti hindi nahalata ni Joice

"Ah ok!" pagkatapos ay bumalik na sa kanyang upuan si Joice.

Pagkatapos ng uwian ay kinausap niya si Kent.

"Kent, wait lang..." bago magsalita ay tiningnan niya muna kung meron ibang tao nandun.

"Ano sabi ng Mommy mo, saan ba kami magkikita?" tanong ni Ada.

"Ah, sabi niya malapit sa may salon." wika ni Kent at pagkatapos ay umalis na ito.

Hinanap nalang ni Ada ang Salon na sinasabi ni Kent sa labas ng school.

"Teka, saang salon ba? Eh, madaming salon dito." Naisipan niyang tawagan si Kent pero hindi ito sumasagot, maya-maya pa ay nakita na niya ang itim na kotse at kinawayan siya ng Mommy ni Kent na nasa loob.

Tumingin muna siya sa paligid kung meron ibang tao, bago binuksan ang pinto ng kotse.

"Hi! Iha, kamusta ang school?" pagkawika nito ay agad syang beneso.

"Ok lang po." matipid na sagot ni Ada.

Pagkatapos ay kung anu-ano pa ang napagkwentuhan nila, hanggang sa dumating na sila sa mall.

Madami syang sinukat na mga damit at sapatos. Lahat iyon ay binili ng Mommy ni Kent. Tinatanong siya kung anong mga gusto niya, at binibili nito. Pinapadala nito ang kanilang pinamili sa body guard nito.

Nagyaya na itong kumaen muna, dahil medyo napagod na ito sa paglalakad. Sa mamahaling restaurant din sila kumaen. Habang hinihintay ang pagkaen, nakita siya ng isa sa mga kaklase niya. Agad siyang nagtakip ng menu pero lumapit pa rin ito. Nagulat naman ang Mommy ni Kent.

"Oh, bakit Iha?" tanong nito.

"Eh kasi po, may nakakita sakin." wika ni Ada habang nakatakip parin ang menu sa mukha.

"Hey Ada! Is that you?" pagkumpirma nito.

Unti-unti namang ibinaba ni Ada ang hawak-hawak na menu.

"Hi! Nandito ka rin pala?" wika ni Ada

"Yes, my date kami ng boyfriend ko eh." wika ng classmate ni Ada.

"Ah ganun ba." wika ni Ada.

"Who is she?" tanong ng Mommy ni Kent.

"Kaclassmate ko po, si Dalian." pakilala ni Ada.

"Hi Iha, I'm her Mom!" pakilala ng Mommy ni Kent at iniabot ang kamay nito.

"Ah hi po! Nice to meet you po!" bati nito at inusisa nito ang Mommy ni Kent.

Mukhang bata pa ito, maganda at makinis ang balat. May suot din itong mga mamahaling alahas. Napansin din niya ang bodyguard nito na nakatayo sa may gilid ng kanilang lamesa.

Napaisip siya na na may kaya nga si Ada, dahil mukhang mayaman ang kanyang Mommy. Mali ang inaakala nila Charm na mahirap lang si Ada at hindi kayang bumili ng LV na bag. Maling-mali siya sa inaakala, yun ang naisip ng kaklase niya habang pinag mamasdan silang mag-ina. Pagkatapos ay nagpaalam na ito.

Maya-maya pa ay dumating naman ang inorder nilang pagkaen. At masaya silang nagkwentuhan habang kumakaen.

Lumipas ang mga araw...

Nakagaanan na ng loob ni Ada ang Mommy at Daddy ni Kent. Lagi sila nagkwekwentuhan at nagtatawanan. Medyo nagseselos na nga si Kent sakanya, dahil mas maganda pa ang atensyon na nakukuha niya kaysa kay Kent.

Sinabi din ng kaclassmate niya na nakakita siya na kumakaen sa mamahaling restaurant kasama ang Mommy niya. Hindi makapaniwala ang mga ito. Nalaman nilang mayaman si Ada, kaya puro mamahalin ang gamit ni Ada. Marami namang naiinggit parin kay Ada dahil ayaw nilang tanggapin na mayaman ito at mali sila.

avataravatar