webnovel

My Professor Ex

"I can assure you one thing, I will always be by your side." Si Luigi ang palagi niyang tinatakbuhan sa tuwing may problema siya. Handa namang tumulong ang binata sa kahit anong problemang kinakaharap niya. Isang araw, bigla na lang bumalik ang kanyang ex-boyfriend at basta-basta na lang itong nanghihimasok sa buhay niya. Ang dating magulo niyang buhay ay lalong gumulo dahil sa dalawang lalaki na handang tumulong sa lahat ng problema niya. Hindi niya alam kung kaninong tulong ang tatanggapin. Ang decent proposal ba ng kanyang ex-boss o ang indecent proposal ng kanyang ex-boyfriend? Copyright 2018 by Bookware Publishing Corp. NOTE: UNEDITED WARNING: SPG

carmielopezmckay · Urban
Not enough ratings
21 Chs

Kabanata 9

ISANG BUWAN ANG MATULING LUMIPAS. Wala naman siyang naging problema sa school at trabaho. Professor niya pa rin ang kanyang ex-boyfriend na si Zacharias dahil wala siyang choice. Ang binata lang kasi ang nagtuturo ng Inorganic Chemistry. Mabuti na lang pinakinggan naman nito ang hiling niya na ituring siya nito bilang estudyante lamang.

"Chloe sabay na tayong mag-lunch." Yaya sa kanya ni Ricky.

"Sure!"

Naglakad na sila patungo sa canteen. Pagdating doon ay namili siya agad ng pagkain. Habang namimili ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Nakatanggap siya text message mula sa kanyang ina. Isinugod sa hospital si Trisha dahil sa taas ng lagnat.

"Ricky." Tawag niya sa kaklase. "Sorry hindi ako makaksabay sa'yo. Sinugod sa hospital si Trisha. Paki sabi na lang sa iba nating Prof na hindi ako makakapasok."

"Okay! Ako na ang bahalang magsabi sa kanila. Mag-ingat ka."

"Salamat."

Nagmamadali siyang umalis sa school. Bago siya pumunta sa hospital ay dumaan muna siya sa tutorial center upang magpaalam kay Ma'am Clara na hindi siya makakapasok.

NAABUTAN NIYANG NATUTULOG SI TRISHA. Napansin niya ang rashes sa katawan nito. "Ma, kamusta si Trisha?"

Noong isang araw nilagnat si Trisha pero gumaling din agad. Kaninang umaga bago siya pumasok sa school ay nilagnat ulit ito. Sana pala pina-check up na niya ito noong isang araw.

"Mabuti dumating ka na." Namumugto ang mata ng kanyang ina halatang umiyak ito. "Anak, may dengue si Trisha."

"Ho?"

"Nadugo ang ilong niya kanina kaya isinugod ko siya sa pinakamalapit na hospital."

Hinaplos niya ang mukha ni Trisha. Naaawa siya sa bata. Sana siya na lang ang nagkasakit. "Alam na po ba ni Dave?"

Tumango ito. "Siya nga pala, iyong binagay mo sa aking pera na pang-grocery para sa tindahan ay ginastos ko muna dito sa hospital."

"Wala pong problema. Ang importante gumaling si Trisha." Hahanap siya ng paraan kung saan kukuha ng pera.

"Anak anong ipambabayad natin dito? Baka hindi natin kayanin ang gastos dahil mahal ang bayad sa hospital na ito."

"Ako na pong bahala."

MABABALIW NA SIYA SA KAKAISIP KUNG SAAN KUKUHA NG PERA. Sumuka ng dugo si Trisha kaya kailangan nito ng blood transfusion. Hindi siya puwedeng mag-donate ng dugo dahil anaemic siya. Ang kanyang ina naman ay may high blood pressure at si Dave naman ay hindi ka blood type ni Trisha. Ang isa pang problema ay naubusan ng type B na dugo ang hospital kaya kailangan nilang pumunta sa blood bank kapag hindi sila nakahanap ng donor.

"Ate anong gagawin natin?" Mababakas sa mukha ni Dave ang labis na pag-aalala para sa anak.

"Hihingi ako ng tulong. Matulog ka na may pasok ka pa bukas. Ako na ang magbabantay kay Trisha."

"Hindi ako papasok."

"Hindi mo puwedeng pabayaan ang pag-aaral mo kaya pumasok ka bukas. Kami na ang bahala ni Mama dito. Dumiretso ka na lang dito pagkagaling mo sa school."

"Paano ka?"

"Papasok ako kapag bumuti na ang kalagayan ni Trisha."

Silang dalawa lang ni Dave ang nagbabantay kay Trisha. Umuwi ang kanilang ina upang maghanap ng pwedeng mag-donate ng dugo. Bukas pa ito babalik sa hospital.

"Ikaw muna ang bahala kay Trisha. May tatawagan lang ako."

"Sige."

"SINO PO ANG GURDIAN NI TRISHA MENDEZ?" tanong ng nurse.

"Ako." maagap niyang sagot.

"Ma'am ililipat na po namin ang pasyente sa private room."

"Ha?" nagtaka siya sa sinabi ng nurse. Hindi naman siya nag-request na ipalipat sa Trisha sa private room. "Miss baka nagkakamali ka lang, ibang pasyente siguro ang tinutukoy mo."

"Ma'am may nag-request po na ilipit ang pasyente sa private room." Sagot naman ng isang nurse.

"Ahh…"

Tinawagan niya si Luigi kagabi upang humingi ng tulong. Ito siguro ang nag-request na ilipat sa private room si Trisha. Ang tanong, paano niya ito mababayaran kung mas mapapalaki ang gastos niya?

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Kompleto at maganda ang amenities ng kwarto. May wathcher's bed, dining table, bedside table, cabinet, air-con unit, cable tv, telephone, refrigerator, kitchen sink, at internet connection. Mali yata sila nang pinasukan dahil sa tingin niya ay hindi iyon simpleng private room lang.

"Miss tama ba ang kwarto na nilipatan namin?"

"Opo Ma'am at kung may iba pa po kayong kailangan sabihin niyo lang."

"Okay." Sumakit ang ulo niya. Ilan taon niya kaya bago niya mabayaran si Luigi? "Salamat sa pag-asikaso."

Malalim ang kanyang iniisip. Sunod-sunod na katok sa pinto ang nakapagpagising sa kanyang diwa. Pagbukas niya ng pinto ay mukha ni Luigi ang tumambad sa kanya.

"How's your niece? Nakahanap na ba kayo ng donor?"

Tumango siya. "Papunta na sila Mama dito kasama ang mga kapitbahay namin na willing mag-donate ng dugo."

"Mabuti naman." Pumwesto ito sa dining table. "Mag-almusal ka muna. Alam kong hindi ka pa kumakain. Hinain nito ang dalang pagkain sa mesa. "Sasabayan na kitang mag-almusal."

"Salamat." Nagsimula na silang kumain. "Siya nga pala, maraming salamat sa tulong mo. Kahit medyo may kamahalan sa private room ay okay lang dahil mas koportable kumpara sa ward."

Huminto ang binata sa pagsubo. "Hindi ako may gawa nito."

"Huh?"

"Actually, nagtataka din ako. Ang sabi mo kasi nasa ward kayo pero noong nagtanong ako sa information desk sabi ng staff ay nilipat ang pasyente sa executive suite."

"Ha?" Tama nga ang kutob niya na hindi iyon basta private room lang. Kahit ang banyo may shower. "Akala ko ikaw ang nag-request na ilipat dito si Trisha. Sinong gagawa nito? Wala akong ibang kakilala na puwedeng mahingian ng tulong maliban sa'yo."

"Mamaya mo na isipin kung sinong tumulong sa'yo. Lagyan mo muna ng laman ang sikmura mo."

Sinunod niya ang sinabi ng binata. Mabilis niyang naubos ang dala nitong pagkain. Kahapon pa siya walang matinong kain pero ngayon niya lang naramdaman ang labis na pagkagutom.

Please leave a comment.

It's highly appreciated.

Thank you!