webnovel

My Prince Is Masungit (Webnovel Ver.)

Serenader 1: WILLIAM CRAWFORD

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 4

[DANIELLE'S POV]

*Tulala lang sa 'king kwarto...*

"Waaaaa! Tumahimik ka cellphone ka." sigaw ko sabay takip ng tenga gamit ang unan.

*...at nagmumuni-muni.*

"Waaaa! 'Di ko na kaya."

Kinuha ko ang cellphone ko at tinapon ko ito sa kabilang dimensyon. 'Di joke lang. Mahal na mahal ko ang cellphone ko kahit panira siya ng tulog ko. Regalo 'to sa akin dati ni Steph noong birthday ko.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maligo.

*woooosssshhhhh!*

Sound effect po 'yan ng tubig na bumabagsak sa sahig.

"Waaaaaaaaaaa!"

Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa lamig ng tubig. Geez, giniginaw ako.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniporme ko.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa kusina.

Nang makarating ako sa kusina ay may nakita akong note sa ref at binasa ko ito.

***

Dear My Beautiful and Well-Raised Dowtah,

Napaaga ang pagpunta ko sa hair salon dahil sa dami ng customer. 'Di kita napagluto ng food. Pwede bang ikaw na lang ang magluto sa food mo? Don't worry dahil babawi ako sa 'yo.

Ingat sa school anak. I love you.

- Mama

***

Inilagay ko ang note sa mesa pagkatapos ko itong basahin.

*ding dong*

May nag-doorbell? Sino kaya 'yon?

Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate.

O_____O

Si Fred?

"Hi Princess." nakangiti pa niyang bati sa 'kin.

Paano niya nalaman ang tirahan ko? Matanong nga.

"Paano mo nalamang dito ako nakatira?" tanong ko kay Fred.

"Sinundan kita kahapon." sagot niya sa 'kin.

Sinundan niya ako kahapon? Infairness kinikilig ako. Ansabeh!

"Sakto nakabihis ka na. Sabay tayong pumasok sa school." sabi sa 'kin ni Fred.

"'Di pa ako nakapag-almusal Fred. At sa kasamaang palad, 'di pa ako nakapagluto ng almusal." tugon ko sa kanya.

"No problemo. Ako rin, hindi ako nakapag-almusal. Sa school sana ako kakain pero since nandito na rin man lang ako, gusto mo ipagluto kita?" ani Fred na ikinatuwa ko naman.

"Talaga? Ipagluluto mo ako? Sige." tugon ko sa kanya.

Pinapasok ko si Fred sa bahay at pumunta kami sa kusina. Excited na akong matikman si Fred--este ang niluto ni Fred.

"Maaga pa naman dahil wala tayong pasok sa first subject kaya 'di tayo ma-le-late. Hmmm! Pwede bang tingnan ko ang ref niyo?" ani Fred.

Tumango lang ako sa kanya.

Tiningnan ni Fred ang laman ng ref namin. Kumuha siya ng 4 na bacon, 4 na hotdog at dalawang itlog. Kumuha rin siya ng ketchup, mayonnaise at slice bread sa cabinet.

"Ano ba ang lulutuin mo?" tanong ko kay Fred.

"American Breakfast Sandwich." nakangiting sagot niya sa 'kin.

Wow! American talaga.

"I bet masarap 'yan." tugon ko kay Fred. Natatakam na nga ako eh.

"Oo naman. Masasarapan ka dahil ako ang nagluto." pagmamayabang pa ni Fred. "Oh by the way, may apron ba kayo?"

"Wala kaming apron. Hala! Ako na lang ang magluluto. Baka madumihan pa ang damit mo." sabi ko sa kanya.

Ang puti pa naman ng polo niya. Halatang bago eh.

"No, I can handle it." nakangiting tugon ni Fred at...

O_____O

Nakita kong ina-unbotton niya ang botones ng white polo niya.

"Huy bakit ka nagtatanggal ng..."

I'm too late dahil topless na siya.

*drool*

*lunok*

*drool*

Napakagat labi ako. Waaaa! Nakakasilaw. Six-pack abs, check. Well-toned chest, check. Perfectly sculptured body, check. Waaaaa! Ang hot niya.

"Princess, sorry kung nagtanggal ako ng polo. Baka kasi madumihan habang nagluluto ako." nakangiting sabi sa 'kin ni Fred.

Tumango lang ako sa kanya. Ang ganda naman ng view. Charot! Hehehe!

Kinuha niya yung pan at inilagay sa stove. Pina-init niya yung slice bread.

After that ay niluto niya yung egg, hotdog at bacon.

Minix ni Fred ang mayo at ketchup sa isang mini bowl.

Nang ma-prito na ang hotdog, egg at bacon ay inilagay niya ito sa ibabaw ng isang slice bread na may mayo and ketchup mixture at inilagay ang isa pang slice bread sa ibabaw. Gumawa pa siya ng isa pang American Breakfast Sandwich.

"Ayan, tig-isa tayo." sabi sa 'kin ni Fred.

Tiningnan ko ang ginawa niyang sandwich. Pero 'di ko sinasadyang mapatingin sa abs niya. Waaa ano ba! PG13 ang story na 'to hindi R18.

(A/N: OA mo Danielle. Alam ko namang naglalaway ka sa katawan ni Fred.)

'Wag ka ngang umepal Author. Shoo shoo ka na. Moment ko 'to eh.

*umexit ang author na maganda*

Tinikman ko ang ginawang sandwich ni Fred.

"Waaaa! Ang sarap." puri ko kay Fred sabay thumbs up sa kanya.

"Buti naman at nagustuhan mo." tugon niya.

Kinain na rin ni Fred ang kanyang sandwich.

Pagkatapos naming kumain ay sinuot na ni Fred ang white polo niya. Hay sa wakas, naka-recover din ang mata ko sa katititig sa pandesal niya.

At naghanda na kami para pumasok sa school.

- FAST FORWARD -

"Good afternoon class." bati sa 'min ng ni Prof Dyosa.

Bumati rin kami sa kanya.

"May 'By Pair Activity' kayong gagawin. Bago ko i-discuss ang activity na gagawin niyo ay ipi-pair ko muna kayo randomly." sabi sa 'min ni Prof Dyosa.

Pagkatapos ay pinares na kami.

"Fred Dela Cruz and Ezekiel Willford."

Nag-apir naman sina Fred at Ezekiel.

"William Crawford and Princess Danielle Maddren."

O_____O

Nagulat ako sa sinabi ni Prof Dyosa. Kapartner ko si William? Waaaa! Ayokong makapartner siya. Ang sungit kaya niya.

"Bawal magpalit ng partners." sabi ni Prof Dyosa.

Mukhang ang malas ko ngayon.

"Ang activity niyo ay kilalanin niyo ang isa't isa. Pumunta kayo sa isang lugar na kung saan ay makakapag-bonding kayo. Gumawa kayo ng isang picture collage na kung saan ay may picture kayong dalawa sa lugar na pinuntahan niyo. Is that clear?" paliwanag ni Prof Dyosa sa gagawin namin.

"Yes Ma'am." tugon namin.

"Puntahan niyo na ang partners niyo para makapagplano kayo." sabi sa 'min ni Prof Dyosa.

Kakausapin ko ba siya para sa activity namin? Bahala na nga.

Pinuntahan ko siya at nakita ko siyang naglalaro ng cellphone.

"William." tawag ko kay Sungit.

"DON'T DISTURB ME!" sigaw sa 'kin ni William. Sabi ko na nga ba sisigawan niya ako.

Tumahimik ang buong room.

Nasaktan ako sa sigaw niya sa akin.

"Ano ba ang problema mo? Bakit mo ako sinisigawan? Ano ba ang ginawa ko sa 'yo?" may halong hinanakit kong mga tanong sa kanya.

"Wala akong pakialam sa 'yo. Umalis ka nga." walang emosyon niyang sagot.

'Di ko na mapigilan ang sarili ko na sampalin siya.

*pak*

At alam kong ikinagulat 'yon ng marami rito.

"Sumusobra ka na ah! Alam mo namang magka-partner tayo sa activity! Grade ang mahalaga sa akin dito kaya please makisama ka naman!" galit na sabi ko sa kanya.

Wala na, tumulo na yung luha ko. Maraming nakatingin sa akin pero wala akong pakialam.

"Sana makisama ka kahit isang araw lang." dagdag ko pa then I walked out.

Nakakainis siya! Bakit ba siya ganyan? Bakit lagi siyang galit sa akin?