webnovel

My Prince Is Masungit (Webnovel Ver.)

Serenader 1: WILLIAM CRAWFORD

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 2

[DANIELLE'S POV]

Sa wakas at nakarating na rin ako sa papasukin kong school. Halos isang oras akong naglakad para lang makarating dito. Buti nga at 'di ako naligaw.

Oo nga pala, ang pangalan ng school or university na papasukin ko ay ang Dela Cruz University. Isang eskwelahan para sa mga mayayaman. Oops, hindi po ako mayaman. May kaya lang. Kaya po ako nakapasok dito dahil isa po akong dakilang scholar.

Pumasok na ako sa school at naglibot-libot. Wow! Ang laki naman ng school na 'to. Sana 'di ako maligaw dito.

Habang naglalakad ako at nakatingin sa mga rooms ay may nabangga akong isang tao.

"Ano ba! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo." mataray na sabi ng isang babae na parang clown sa dami ng makeup sa mukha niya.

"Sorry." sabi ko sa babaeng mukhang clown.

"CHE!" tugon niya sa 'kin sabay walkout.

Ang maldita naman niya. Ako na nga ang nag-sorry, siya pa ang mataray.

Naglakad ulit ako para naman hanapin ang bulletin board at i-check kung saang section ako.

Nang makarating ako sa bulletin board ay hinanap ko ang name ko at wala pang isang minuto ay nahanap ko rin 'yon.

***

Star Section:

1. William Crawford

2. Fred Dela Cruz

3. Lauren Gomez

4. Ezekiel Willford

5. Princess Danielle Maddren

***

Star Section ako at kailangan ko pang hanapin ang room na 'yon. Magtanong kaya ako?

Tumingin ako sa paligid at may nakita akong isang lalaking nakatalikod. Lumapit ako sa kanya para magtanong.

"Ahm excuse me..."

'Di natuloy ang pagsasalita ko dahil sinigawan ako nito. "FUCK! WHO ARE YOU TO TALK TO ME?!"

Wow ha! Ang sakit sa eardrums.

"Ay nevermind na lang." tugon ko na lang sabay talikod. "Ang sungit." bulong ko.

"Anong sinabi mo? Hoy! Hindi mo ba ako kilala kung sino ako rito?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman kita kilala ah. At wala akong balak na kilalanin ka dahil masungit ka." sagot ko sa kanya na kinainis niya. Eh sa hindi ko naman siya kilala.

"Fuck!" pagmumura nito tapos ginulo niya ang buhok niya.

Hala! Anong nangyayari sa kanya? Baliw ba 'to? Nakatira ba 'to ng drugs?

"May araw ka rin sa akin babae ka." sabi niya sa 'kin.

Aba, tinatakot ba niya ako? Well hindi ako natatakot sa kanya.

"Aba 'di kita uurungan." matapang na tugon ko at naglakad na ako.

Patuloy pa rin ang paghahanap ko sa room ng Star Section.

***

WELCOME TO FIRST YEAR STAR SECTION

***

Sa wakas at nahanap ko rin ang room ng Star Section. Pumasok na ako sa loob.

Pagpasok ko ay wala pang tao. Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa room.

After 5 minutes...

10 minutes...

15 minutes...

So boring. Mag-isa lang ako rito sa room. Asan na kaya ang mga classmates ko?

"YOU AGAIN!"

Nagulat ako nang may sumigaw na isang lalaki. Putek! Parang pamilyar ang boses na 'yon ah.

Napatingin ako sa lalaking sumigaw at nagulat ako nang makita ko ulit siya.

SIYA NA NAMAN?

"What are you fucking doing here?" masungit na tanong niya sa 'kin.

Ang sungit talaga niya.

"Dito ako nag-aaral. Star Section ako." mataray na sagot ko sa kanya.

Aba kung siya ay masungit. 'Di naman ako magpapatalo. Magaling yata akong umarte. Pang kontrabida. Naging Theater Actress kaya ako sa dati kong school.

"Hahahahahaha!"

Nagulat ako dahil tumawa siya ng malakas. Hala, bakit siya tumatawa? Nababaliw na ba siya?

"Hala, nababaliw ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Pinagloloko mo ba ako? Itong section na 'to ay para lang sa mga matatalino gaya ko. Nagkamali ka yata ng room." sabi niya sa 'kin.

Ano raw? Matatalinong gaya niya? Weh 'di nga.

"Hoy matalino rin kaya ako. Ako kaya ang valedictorian sa klase namin noong high school pa ako." proud na tugon ko sa kanya.

"Weh!" react niya.

"Kung ayaw mo maniwala, edi wag. 'Di naman kita pinipilit ah." sabi ko sa kanya.

Nakakainis talaga siya.

Nagulat na lang ako nang may bumato sa akin sa ulo. Tumingin ako sa likod at nakita ko siyang bumehlat. Aba, nang-aasar ba 'to?

'Di ko na lang siya pinatulan at nagbasa na lang ako ng E-book sa cellphone ko. Ang title ng binabasa kong E-book ay 'My Prince Is Masungit'. Hahaha! Bagay 'tong story na 'to sa taong nasa likod ko. Ang sungit kasi.

Pagkalipas ng ilang minuto ay meron na ring nagsisidatingang mga estudyante.

"KYAAAAAAAAAAAAAAH!"

Nagulat ako dahil nagtilian ang mga babae rito sa room. Bakit kaya sila nagtitilian? May sunog ba?

"Hey, that's my sit." sabi sa 'kin ng isang lalaki na nasa gilid ko.

Napatingin naman ako sa gilid ko at tumambad sa akin ang isang gwapong nilalang. Waaaa! Ang cute niya. Nakangiti ito sa kin.

"Pwede ka bang umisog ng konti." utos niya sa 'kin.

Umisog naman ako ng konti then umupo yung cute guy sa tabi ko. Waaaaa! Ang cute talaga niya.

"By the way I'm Fred Dela Cruz and you are..." pagpapakilala niya sa sarili niya.

"Princess Danielle Maddren. Danielle na lang ang itawag mo sa akin." pagpapakilala ko naman sa sarili ko.

"Nice to meet you. But I loved you to called Princess than Danielle." sabi niya sa 'kin sabay kindat.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Kyaaaaaaaaa! Kinikilig ako.

"Wag, nakakahiya." sabi ko sa cute guy.

Ayokong tawagin niya o nila akong Princess dahil sa... ayaw ko lang. Remember in Chapter 1?

"Why naman?" nagtatakang tanong niya sa 'kin.

"Dahil sa hindi naman ako mukhang prinsesa. Tingnan mo. 'Di naman ako maganda." palusot ko sa kanya kahit totoo namang hindi ako maganda.

"Ang ganda mo kaya." nakangiting tugon niya na ikinatulala ko.

Ang ganda mo kaya.

Ang ganda mo kaya.

Ang ganda mo kaya.

Waaaa! Sinabi niya ba 'yon sa akin? Maganda raw ako?

"OMG! Tingnan mo girl. Kinakausap siya ni Prince Fred." narinig kong sabi ng isang babae.

Ako ba ang tinutukoy niya?

"At sinabihan pa siya ng maganda kahit hindi naman."

Ako nga ang tinutukoy nito.

"Humanda siya sa 'tin mamaya."

Ano ba 'tong pinagsasabi nila? Porket may kausap akong *ehem* gwapo, binibigyan na nila ng big deal.

"Don't mind them okay?" sabi sa 'kin ni Fred.

Tumango lang ako sa kanya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang Adviser namin. Nagpakilala kami one by one at nag-discuss ang Adviser namin about school rules and regulation.

"Class dismissed." sabi ng Adviser namin.