~~~~~
Bakit kahit alam kong may limitasyon,
Pinagpapatuloy ko pa rin ito?
Bakit kahit alam kong tropa lang tayo,
Patuloy pa rin akong nahuhulog sa'yo?
Alam kong madami kang nagustuhan,
At wala ako sa iyong listahan
Pero eto ako patuloy na nagkakagusto,
Sa taong di ako magugustuhan
Turing mo sa akin ay tropa,
Kaya di mapakita ng nadarama
Sa una ay hanga pa lamang,
Pero patuloy na nagustuhan
Alam kong kaibigan lang ako,
May parehas na ayaw at gusto
Pero pagdating sa pagkatao,
Tayo ay walang pagkakapareho
Ipinagdasal nawala ang nadarama,
Para makasama ng walang kinakatakutan
Pero minsan iniisip ang imposibleng tanong,
Na may pag-asang iyong magustuhan
Bakit hanggang ganto lang tayo?
Ako ay patuloy na nagtatanong
Ngunit walang magawa dahil naduduwag,
Sa iyong magiging reaksyon
~~~~~