webnovel

My Naughty Bestfriend (GL) [Filipino]

"Andy, punasan mo ako!" "Andy, maghubad ka!" "Andy, masarap ba?" "Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!" "Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!" "Andy, isa pa please?" 'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubod ng manyak. Walang ibang ginawa kung di isigaw ang pangalan ko. Gano'n din kaya ang puso niya?

DamienSelene · LGBT+
Not enough ratings
39 Chs

39

ANDY

"Oh, anong ginagawa mo diyan?"

Nahinto lang ako sa pabalik-balik ko na paglalakad dito sa labas ng room namin nang biglang dumaan si Kate kasama ang friends niya.

Nakasungit ka na naman Kate.

"Na-late kasi ako eh. Di na ako pinapasok—

"I know. Mukhang puyat na puyat ka pa nga," mataray pa niyang sabi. Napakamot na lang ako sa aking ulo.

"Hindi ako puyat. Na-late lang kami ni Mich—

Inirapan na lang niya ako saka ako nilampasan.

"Goodluck Drew!" pang-aasar sakin ni Skye habang kunwari'y pinapagpag ang balikat ko at may pataas-taas pa siya ng kilay.

Nakatanga lang akong pinapanood sila papalayo.

"Andrew Torregozon, follow me!"

Dali-dali akong sumunod at kinuha ang projector na hawak ni ma'am pati ang laptop bag niya na mabigat. Tapos na ang klase namin.

Pagpasok namin, nakita ko na agad si Kate. Nakatingin din siya sakin pero inirapan na naman niya ako.

Ano bang problema niya? May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?

Pinaset-up na sakin ni maam 'yong projector at pagkatapos ay pinaalis na niya ako.

Di man lang nagpasalamat. Napakasungit talaga ng prof na 'to.

I went to our next class na natapos din within 30 mins.

"Hello my baby Drew! Ba't wala ka kanina? Nagquiz kami, ikaw lang 'yong zero satin hahaha!" bati sakin ni Luce habang pinipisil ang pisngi ko. Di ko alam kung matutuwa ako o sasapukin 'tong ewan kung mukha bang matatawag tong pagmumukha ni Luce.

"Bumagsak ka sana sa midterms at finals sa kayabangan mo," pang-aasar ko sa kanya. Hinampas ba naman niya ako nang malakas.

"Excuse me, midterm check, 59/60, one mistake only. Eh ikaw? Ilan ulit 20?" ganti niya sakin.

"Excuse me, 60 here. Perfect," pagyayabang ko kasi totoo naman. Before midterms, tinutor na ako ni Kate. Binasic niya 'yong pagtuturo at binigyan din niya ako ng notes na simplified na kaya madali kong naintindihan.

"Hmm, cheater."

Tinawanan ko lang dahil di na naman niya matanggap na naisahan ko na naman siya.

"Ano na pala yong sasabihin mo sakin? Kagabi ka pa nangungulit sa chat. Alam mong busy ako tawag ka nang tawag."

Irap muna siya bago magsalita. Ganyan si Luce. Mauunang mang-asar at pag inasar, siya pa ang magtataray.

"Wala. Nawalan na ako ng gana."

Gusto lang nitong magpasuyo eh. Grabe na talaga ang mga babae ngayon.

"Sa iba na lang pala ako magtatanong. Ayaw mong sabihin eh."

"Joke lang naman kasi Drew eh! Ito na kasi, sabi ni coach magkakaroon daw ng sports camp next month dito sa school tapos magpalista na lang daw sa kanya ang mga gustong sumama. Tara sama tayo! One week yon tapos dito matutulog. Magpalista na tayo mamaya. Sasama ka kung hindi kakalbuhin ko yang buhok mo sa baba!"

"Akala ko chismis na naman! Akala ko may nabuntis na naman eh. Yon lang pala ang sasabihin mo. Sige, sasama ako pero libre mo ko ng lunch ngayon."

Tuwang-tuwa ang bruha at kinaladkad na ako paalis. Chinat ko si Kate habang papunta na kami sa canteen. Tipid at cold ng mga reply niya sakin pero napapangiti na lang ako dahil humanda siya.

"Pwede ba kaming makishare ng table? Wala na kasing vacant eh," pakiusap ko kina Kate. Mukhang kararating lang din nila.

"Sure Drew! Dito ka na lang sa pwesto ko," at lumipat na si Skye sa tapat ni Kate. Magkatabi kasi sila kanina.

Tahimik lang si Luce sa tabi ko at ang sama makatingin sakin.

"Anong bibilhin mo?" tipid na tanong ni Luce sakin.

"Ewan ko nga eh. Ano bang masarap?"

"Ako. Gusto mo bang tikman? Nagpapatikim ako," pilyang sagot naman ni Kate na makahulugang nakatingin sakin.

"Pokpok ampota."

"Pero hindi sa pangit at inggitera."

Inawat ko sila. Nagpaparinigan na naman silang dalawa.

"Kate, Luce, tumigil na nga kayo. Hanggang dito ba naman mag-aaway na naman kayo. Magbati na kayo at kakain pa tayo."

"Ayoko and di kami close like duh," kaartehan ni Kate pero pinanlakihan ko lang siya ng mata.

Kinabig ko na lang si Luce sa braso at niyaya nang bumili. Sumunod naman samin si Skye.

"Luce, pagpasensyahan mo na si Kate ha? Di bale, pagsasabihan ko siya para tumigil siya at ikaw din, alam mo na nga ang ugali niya, papatulan mo rin. Patola ka rin eh. Wag mo na lang siyang pansinin at lalo ka lang niyang papatulan."

"Bahala siya, nagsasabi lang naman ako ng totoo at bukod sa napakagandang ugali ng best friend mo, manyakol pa! Puro kahalayan sa buhay jusko! Virgin pa ba 'yang best friend mo? Parang hindi na eh. Di na ako magugulat kung sakali."

Siniko ko siya. "Wag na wag mo siyang pagsasalitaan ng ganyan Lucy. Hindi mo siya lubusang kilala. Ganyan talaga siya pero di siya ganong klase ng tao. Just ignore her at ako ng bahala sa kanya," seryoso kong sabi sa kanya.

"I'm sorry Drew." Tumahimik na kami. Napansin niya sigurong nag-iba ang timpla ko. Ayaw na ayaw kong ginaganon si Kate. That's over the line na. Hindi nakakatuwa.

Pagbalik namin ay nagtatawanan sina Kate. Pumwesto ako sa gitna nina Kate at Luce. Tahimik lang kaming dalawa ni Luce. Si Kate naman, nasa kanyang bitch mode.

"Ang tahimik niyo ata? Hindi ba masarap yong food?" basag ni Skye sa katahimikan.

"We're eating, need bang magsalita habang kumakain? I want that," sabay tusok ni Kate sa chicken inasal na ulam ko.

Pinaghimay ko siya since nakaplastic gloves naman ako then si Luce naman ay kumuha muna ng kanin sakin bago lagyan ng chicken oil ang kanin ko. Kumuha naman ako ng sisig sa kanya para quits. Ang sama ng tingin niya kasi paborito niya yon.

"Gusto mo?" alok ko kay Kate na sarap na sarap sa hinimay kong chicken.

"Sorry, I don't eat pork. It's so oily and fa—

Sinubuan ko na siya dahil ang dami niyang nalalaman. Aarte-arte pa eh kumakain din naman siya no'n. Edi natahimik siya.

"Kate, free ka ba mamaya?"

"Why? Gagawin mo ba assignments ko?"

Napangiwi naman ako sa sagot niya. "Wala naman, tinatanong ko lang."

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Tsk. I thought lalabas—nevermind. May pupuntahan ka later? Sinong kasama mo? Si Mich, Hazel or yong coach mo?"

Tinawanan ko lang siya. Halatang nagseselos eh. "Secret."

"Ako ang kasama niya mamaya," nakangising sagot ng katabi kong si Luce.

"Oh talaga ba? As far as I can remember, here lang yong usapan. No one's asking for your opinion—ahhh."

Lihim kong pinisil ang hita niya at bigla siyang umungol. Baliw talaga!

"Tangina ka Kate! Ang kalat mo! Ba't bigla-bigla kang umuungol?"

"Ang sarap eh. Nakikiliti ako," at makahulugang tumingin sakin.

Hinawakan niya ang kamay ko at lalong itinaas ito sa hita niya. Ako naman ang namumula sa ginagawa niya at kinakabahan ako dahil ang lapit na sa ano.

I bit my lip.

"I'm free later."

Napalunok na lang ako at nanindig ang aking balahibo sa bulong niya. Ang lapad ng ngiti na parang inaakit ako.

Hindi na ako makaimik at parang di na nagfufunction yong utak ko.

"S-sige," tanging naisagot ko lang pero nasa hita pa rin niya ang kamay ko at hawak niya ito.

Gusto ko sanang tanggalin na yong kamay ko dahil nakakahiya pero ayaw niya. Wala na nga siyang pake sa mga kasama namin.

"Kayong dalawang malandi diyan, tapos na kayong kumain?" pukaw samin ni Skye na nagpabalik samin.

"Sayo na if you want," mabait na sabi ni Kate sabay abot ng plate niya rito. Iaalok ko rin sana kay Luce ang sakin nang bigla niya akong subuan. Gulat man ay nginuya ko na lang.

"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin? Gusto mo ring subuan kita? As far as I can remember, si Drew lang ang gusto kong subuan."

Bago pa may mangyaring di maganda ay pinigilan ko na si Kate at pinakalma. Sinabihan ko na lang siya na magkikita kami mamaya. Nang tanungin niya kung anong oras ay sinabi ko na lang na magtetext na lang ako. Sinimangutan lang niya ako but I assured her na magtetext talaga ako.

"Next time, wag ka ng magdadala ng malaking basura. Ang pangit kasing kumain, nakakawalang gana. Make sure na tatawag ka. Ayoko ng text—

Hinila na ako ni Luce paalis habang hawak niya ang kamay ko.

"Alam mo yang bestfriend mong si Kate, nakakatawa! Have you seen her face? Masyadong affected pag hinahawakan kita. As if aagawin kita sa kanya haha! Sinubuan lang kita, mukhang iiyak na eh!" Tawa nang tawa si Luce sa mga pinagsasabi niya.

"Kung ikaw lang din ang makakatuluyan ko Luce, maging straight na lang ako," at ako naman ang tumawa.

"Excuse me, kahit papaano may taste at standards naman ako sa tao no? Sorry, kahit anong uri ka pa, di kita papatulan!"

"Pangit ka kasi."

"Mas pangit si Kate."

Hinampas ko siya sa balikat nang medyo malakas at mabilis na tumakbo.

"Tangina mo Andrew Torregozon! Ang sakit!"

Hingal na hingal kami nang makarating sa room. Nagsimula na rin ang discussion at ang pangit ng pumalit kay Ma'am Papadakis.

Sana babaeng prof na lang din. Wag na lang lalaki. Parang lasing magdiscuss.

"May gagawin ka ba mamaya?" bulong ni Luce sa tabi ko.

"Oo bakit?"

"Anong gagawin mo?"

"Secret."

"Wag ka ng huminga. Bwisit ka."

Kinurot ko siya sa tuhod niya. Napatingin samin si sir kalbo. Ilang segundo bago siya magsulat ulit sa whiteboard.

"Di nga, ano ngang gagawin mo?"

"Secret nga. Ba't ba ang kulit mo? Makinig ka na kay sir nang tumalino ka."

"Excuse me, baka ako pa ang magturo kay sir. Pupunta ka bang mall mamaya? Ano ngang gagawin mo? Sama ako."

"Bawal sumama ang bata sakin. Umuwi ka na kasi mag-aaral ka pa di ba? Hihigitan mo pa yong scores ko diba? Para naman makabawi ka sakin," asar ko sa kanya.

"Sasama ako. Wala ka ng magagawa."

"Wag na kasi. Next time na lang."

"Para ka namang others. Matagal naman na tayong gumagalang dalawa ah. Ayaw mo na siguro akong friend," drama niya.

"Ang OA mo talaga. Bawal nga kasi dahil kasama ko sina Mommy."

"Fine. Di bale next time, isasama ko sina lola ko."

Nakadroga ka na naman Luce.

Nang matapos ang last class namin ay nagmamadali na akong umuwi. Hindi ko na rin hinintay si Kate at Luce. Bahala na sila dahil may importante pa akong gagawin.

I went straight sa mall at pumunta sa isang gift shop.

Nagtingin ako ng teddy bear na sakto lang ang laki. May nakita akong light color na parang beige.

Buti na lang pwedeng maopen yon at pwedeng magpacustomize.

Napangiti ako nang sobra nang okay na ang lahat at nabayaran ko na.

Pag-uwi ko ay nagmamadali akong umakyat sa room ko at baka makita ako nina Mom. Sakto na lang wala pa sila.

May note naman silang iniwan sa ref kaya nireheat ko na lang yong ulam then naligo na ako.

After that, kumain na ako agad. It was past 7pm at malapit na mag-8pm kaya nagready na rin ako. 

Nagdala lang ako ng small sling bag at yong binili ko kanina. I received a chat from my mom na nasa yacht club sila. Mas lalo akong natuwa.

I locked our house. Inamoy-amoy ko pa ang sarili ko kung sapat na ba yong perfume ko para bumango ko.

Papunta na ako kina Kate.

Once I arrived sa gate nila ay tinawagan ko siya na nandito na ako sa gate nila. No'ng una, medyo galit at mataray ang tono ng boses pero agad niyang ibinaba ang call nang magdoor bell ako.

Daig niya pa si The Flash sa bilis dahil nandito na siya agad sa harap ko. Magandang diyosa na naman as usual.

"Omg, Andy!" at sinunggaban niya agad ako nang napakahigpit na yakap.

"Pasok na tayo Kate. Baka san pa to mapunta. Nandiyan ba sina tita?"

"Pwede naman nating ituloy sa room ko yang sinasabi mo," pilya niyang sabi habang nakapulupot ang braso niya sa batok ko.

Lalo niyang idinikit ang sarili niya sakin kaya ramdam na ramdam ko ang malambot niyang dibdib. Nakablack sando lang siya at shorts habang nakalugay ang mahaba niyang buhok.

Sobrang bilis ng tibok ng puso. Hindi ko mapigilan di mapatingin sa dibdib niyang tila iniimbita ako.

"Do you like what you are seeing huh, Andy? Pwede mo namang hawakan kahit kailan mo gusto. Wala sina Mama and Dad."

Nag-iinit na ang pakiramdam ko kaya binuhat ko na siya at pumasok na kami diretso sa room niya. Mabilis kong nilock ang pinto at inihiga siya.

She was about to pull me closer nang lumayo ako at kinuha ang dala ko.

I saw a huge disappointment on her pretty face. She crossed her arms at umiiwas ng tingin.

"Kate, look at me."

"Just go home. Ayaw mo naman pala. Ba't ka pa pumunta rito," she said without looking at me. Napangiti ako.

"I'm staying for the night here. Mag-oovernight ako. Hindi ako aalis."

Biglang nagliwanag ang mukha niya. Di makapaniwala sa sinabi ko pero saglit lang yon at masungit mode na naman siya.

Nagpapakipot pa pero gustong-gusto naman niya.

"For you," sweet kong sabi sa kanya at iniabot ang dala kong shopping bag.

"What's that?"

"Basta. Just open it."

Umupo na ako sa likod niya at bahagyang bumukaka para mayakap ko siya from behind.

Hinawi ko ang buhok niya at binigyan nang mumunting halik ang batok niya pababa.

Ang bango-bango mo talaga Kate.

Hinayaan ko lang siya habang nakayakap ako sa bewang niya. I know that she's enjoying my kisses dahil napapaliyad siya.

"Have you seen it already?" tanong ko habang nakapatong ang chin ko sa left shoulder niya.

Kanina pa siya tahimik. Nakatulala lang siya sa teddy bear na bigay ko.

"Did you like it?" at tinuro ko sa kanya ang chest ng teddy bear. "Gently press it, my love," at ginawa niya nga yon.

"Will you be my girlfriend?"

Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya nang tumunog ang teddy bear. Tumingin siya sakin and to my surprise, she was crying. Kinabig niya agad ang mukha ko at sinunggaban ako ng halik sa labi. It was a sweet, deep and passionate kiss. Our tongues were dancing in unison habang mahigpit akong nakayakap sa kanya.

I don't want to let her go.

I don't want this to end.

Sobrang sarap sa pakiramdam.

Nang humiwalay siya ay kitang-kita ko sa grey niyang mga mata ang labis na kaligayahan.

"Yes Andy. I am your girlfriend now," and my heart went crazy as fuck after hearing those sweet words na matagal ko nang pinapangarap marinig.

Finally, the girl I love so much for years is now mine.

"Get the small box and my phone in my drawer."

Sinunod ko agad siya at iniabot sa kanya ang mga ito.

"Put it on me."

Sobra-sobra ang tuwa ko ngayon dahil yong binigay kong gold necklace na may pendant na letter T ang isusuot ko sa kanya.

"Finally, you're mine, Kate."

"After so many years of wishing, dreaming and praying na maging akin ka, finally. You are my answered prayer, Andy."

"Mahal na mahal kita," and she responded with a kiss.

A kiss that I won't forget in my lifetime from the woman I love and I will love for the rest of my life to my next life until the afterlife.