webnovel

War 2

Lisa's Pov

Hindi ako mapakali. Hindi ako makapili kung sino ang pupuntahan ko. Nahihirapan akong alamin kung nasan si Josh. Si Jennie sa Tagaytay tapos si Jisoo sa Subic. Napasabunot ako ng buhok ko. Alam ko mapagkakatiwalaan ko ang mga elites. Malalakas sila at matatalino, kaso pagdating kay Josh di ako sigurado. Kung ako nde pa papantay kay Josh paano pa ang mga elites. Malaking kawalan pa sina Jennie at Jisoo. Nababaliw na ako kakaisip. Tumingin ako sa mga kasama ko na nakatitig pala sa akin. Oo nga pala nag iintay sila ng sagot ko.

"Mukhang hindi ka makapili kung saan ka sasama Agent Black." sabi ni Agent Maroon.

"Ganito na lang kami nila Agent Maroon at Agent Silver ang pupunta kay Jennie. Magsasama pa ako ng iba pang mga Agents. Kayo ni Agent Blue ang mamuno sa pagliligtas kay Jisoo." sabi ni Boss.

"Pero Boss paano ang binti mo? Kakayanin mo bang tumakbo? Baka mapahamak ka pa." sabi ko.

"Hindi ako tutunganga dito Lisa. Anak ko ang kailangan kong iligtas. Lahat gagawin ko para sa kanya. Sya na lang ang meron ako. Iniwan na tayo ni Errol, ayokong pati si Jennie mawala sakin." paliwanag ni Boss.

"Cge Boss. Magsama ka na ng maraming agent. Ang mga nasa rank B sa inyo na. Samin na ang mga rank C. Mas mapapanatag ako pag sila kasama mo." sabi ko.

"Ano pa hinihintay natin tapusin na natin ang kasamaan nila!" sabi ni Agent Blue.

Nakapwesto na kami sa mga posisyon namin dito sa isang abandonadong gusali sa Subic. Hinihintay namin ang signal ni Jimin, Agent Magenta at Agent Mint. Sila ang nakaassign sa monitor na gagabay samin. Katabi ko naman si Jk. Si Agent Blue at V sa likod dadaan. Tapos nagkalat na rin ang iba pa naming kasamahan.

"Pwede na kayong pumasok Agent Blue. Napatay ko na ang mga cctv nila sa pwesto nyo." sabi ni Agent Mint.

"Mag iingat kayo. Walang dapat sa inyong mamatay kundi papatayin ko kayo." sabi ko.

"Siraulo ka Agent Black patay na nga papatayin mo pa. Double dead?" sabi ni Agent Blue.

"Agent Black pasok na kayo." sabi ni Jimin.

Pumasok kami ni Jk sa loob. Dahan dahan naming binuksan ang mga pinto na dinaraanan namin.

"Jk may 3 na paparating sa inyo." sabi ni Jimin.

Nagtago kami ni Jk. Binaril ni Jk ang unang nakita namin. Sinaksak ko naman ang kalaban na malapit sa akin. Si Jk naman nakikipagbuno sa pangatlong kalaban. Binigyan nya ito ng isang malakas na suntok sa mukha.

Nang makalayo si Jk saka ko ito binaril para siguradong patay. Halang ang mga kaluluwa nito kaya nde na dapat pinapatagal pa sa mundong ibabaw.

Hindi kami nahirapan na pumasok. Nakita ko na marami nang mga nakabulagta sa dinadaanan namin. Mukhang marami nang napataob ang mga agent na kasama ko. Kahit rank C sila matitindi pa din ang mga yun.

"Lisa bilis! Malapit nang sumabog ang bomba na nasa katawan ni Jisoo!" sabi ni V na naririnig ko sa earpiece ko

"Asan si Agent Blue?" tanong ni Jk.

"Nagkahiwalay kami. Nung pumasok ako sa isang kwarto nakita ko si Jisoo. Bilisan nyo hindi pa ako marunong sa mga bomba!" sabi ni V.

"Jimin nasan si V?" tanong ko.

"Sundin nyo lang ang sasabihin ko. Medyo malayo pa kayo sa kanya." sabi ni Jimin.

Sinunod namin ni Jk ang instruction ni Jimin. Madali lang kaming nakapunta sa kinaroroonan nila. Tumakbo agad ako kay Jisoo. Nakatanggal na rin sa kanya ang piring sa mata at tape sa bibig. Wala na ring tali sa mga kamay at paa nya.

Kinalikot ko ang bomba. Pinag aralan ko ito. Kakaiba ang bomba na ito. Pero nakita ko na to kaso hindi ko matandaan.

"Ano na Lisa, ano ang puputulin natin dito?" tanong ni V.

"Lisa lumabas na kayo! Alam ko nahihirapan ka sa bomba na ito. Kahit ako hindi ko alam kung anong klase ito!" sabi ni Jisoo.

"Tumahimik ka Jisoo! Sa tingin mo aalis ako ng hindi ka kasama?" sigaw ko

"Tama si Lisa, Jisoo kaya natin to." sabi ni Jk.

"Baka mapahamak kayo. Paano ang kambal?" sabi ni Jisoo.

"Ano Agent Magenta nakita mo na ba kung anong klaseng bomba ang nasa katawan ko?" tanong ni Jisoo.

"Hindi ko mahanap Agent Gold(Jisoo)." sabi ni Agent Magenta.

"Bilisan nyo ilang minuto na lang to!"  sigaw ni V.

"Naalala ko na! Putulin mo V ang puting wire!" sabi ko at ginawa naman ni V.

"Bakit hindi pa rin natigil?" tanong ni Jk.

"Hindi pa ako tapos. May isa pa dapat gawin. Sa dami ng kulay ng wire hindi ko maalala." paliwanag ko.

"Lisa labas na kayo! Wag nyo na ako alalahanin!" sabi ni Jisoo.

"Tumahimik ka Agent Gold, sasampalin na kita! Hindi ako makapag isip sayo!" sigaw ko.

Nag isip akong mabuti. Naalala ko kay daddy na kinakalikot nya itong bomba na ito. Itinuro na sakin ni daddy kung paano ideactivate ito. Kaso ang pangalawang wire hindi ko maalala. Bigla ko naman naalala ang ginawa ni dqddy nuon.

"Ah alam ko na. Sino sa inyo may pin. Karayom o kahit anong pantusok na maliit." tanong ko.

"Meron ako ditong pantusok sa cp ko." sabi ni Agent Blue na kakapasok lang.

Binigay ito sakin ni Agent Blue tapos hinanap ko ang maliit na butas. Nakita ko ang butas aa ilalim na bahagi ng bomba. Tinusok ko ito at tumigil ang timer ng bomba. Oohhhh! 20 seconds na lang sasabog na ang bomba kung hindi namin ito napatay. Nakahinga kami ng maluwag.

Dali dali naming tinanggal sa katawan ni Jisoo ang bomba at isa isa na kaming lumabas. Nagulat kami ng kabi kabila na ang pagsabog sa gusali.

"Ano ba kayong tatlo hindi nyo ba madetect ang mga bomba?" sigaw ni Agent Blue kina Agent Mint.

"Hindi namin makita. Walang nalabas sa mga dot sa buong gusali!" sigaw naman ni Agent Magenta.

"Tara na mag ingat na lang tayo!" sigaw ni Jk.

Habang naglalakad kami palabas, nagulat kami ng may sumabog malapit sa amin. Tumalsik kami. Medyo malabo ang paligid dahil sa mga abo.

"Lisa nasan ka?" sigaw ni Jk.

"Nandito lang ako! Nasa harap mo!" sigaw ko.

Nakaramdam ako ng kirot sa tagiliran ko at sa braso ko. Napansin ko na dumudugo ang braso ko. Ang tagiliran ko may malaking pasa. Natamaan pala ako. Nang maaninag ko si Jk may dugo ito sa noo. May gasgas din ito sa binti at braso.

"Ayos ka lang mahal?" tanong ni Jk.

"Ayus lang ako. Tara na labas na tayo!" sabi ko.

Medyo lumiwanag na ang daan. Naglalakad kami palabas nang biglang yumakap sakin si Jk na nasa likod ko. Umalis ako sa pagkakayakap ng asawa ko at humarap sa kanya. Napaluhod naman si Jk.

"Mahal may tama ako sa likod. Alalayan mo ako." sabi nya

Hinawakan ko ang likod nya at nakita kong may dugo ito.

"Saglit lang! May tama si Jk!" sigaw ko. Unti unting bumagsak ang luha ko. Hinila namin muna si Jk sa tagong lugar.

"Magtago muna kayong lahat. May bumabaril satin." sigaw ni Jisoo.

"Ayos ka lang Jk? Buhatin na kita. Paano mo nalaman na may bumabaril satin?" sabi ni V.

"Oo hindi man lang namin narinig o naramdaman ito." sabi ni Jisoo.

"Hindi ko alam pero parang may bumubulong sa akin na yakapin ko si Lisa. Alalayan mo ako V para makalabas na tayo. Kaya ko pa naman." sabi ni Jk habang ako naiyak at tinatapalan ko ang tama nya sa likod para humina ang pagdurugo.

"Hindi ko makontak sila Jimin. Mukhang sa atin na lang nakasalalay ang paglabas natin." sabi ni Jisoo. Halatang hinang hina na ito dahil sa dami ng sugat at pasa.

Kaming apat lang ang nasa kwarto. Napahiwalay kami sa iba. Pagbukas namin ng pinto biglang may humatak sakin. Nilingon ko ito at nanlaki ang mata ko ng may itinutok na kutsilyo si Josh sa leeg ko.

"Lisa!" sabay sabay na sigaw nila Jk.

"Sabi ko naman sayo Lisa akin ka. Sasama ka sakin o gigilitan kita ng leeg sa harap ng asawa mo" sabi ni Josh.

"Hayop ka wag mong sasaktan si Lisa. Papatayin kita!" sigaw ni Jk.

"Paano mo ako mapapatay eh nanghihina ka na. Hahaha!!!!" sabi ni Josh

"Sige sasama na ako sayo Josh! Wag mo lang silang idamay. Tanggalin mo na ang kutsilyo." sabi ko. Habang may inaabot ako sa belt ko.

"Ano ako tanga!" sigaw ni Josh. Sabay may itinurok sa akin si Josh. Pero hindi ako nagpatalo. Tinurukan ko din ng gamot na hawak ko si Josh. Napaluhod sya at nabitawan ako.

"Ano tong tinurok mo sakin?" Atanong ni Josh

"Hahaha bago kong gawang Virus na para sa inyo lang.

Napaupo naman ako at medyo lumayo kay Josh. Nararamdaman ko ang sakit sa katawan ko dulot ng tinurok nya sakin. Alam ko na ang virus na to. Ang matagal ko nang ginagawan ng antidote. Lumapit sakin si Jk kahit nanghihina.

"Jk akina yung antidote na nasa belt mo at pakiturok sakin." sabi ko at ginawa naman nya ang sinasabi ko.

Hirap kaming apat na kumilos at hindi kami makatayo dahil sa dami naming sugat, pasa pati tama ng bala. Napansin ko na may hawak pa na baril si Josh kahit hinang hina na. Itinutok ito kay Jk.

"Jk sa likod mo!" sigaw ko kahit hinang hina ako. Pinutok ni Josh ang baril. Niyakap ako ng mahigpit ni Jk at napapikit pero laking pagtataka ko at hindi kami tinamaan ng bala.

"V!!!!!!!" sigaw ni Jisoo. Pinuntahan namin si V. Kinuha ni Jk ang baril at babarilin si Josh. Agad kong hinawakan ang kamay nya.

"Mahal barilin mo lang ang kamay at paa nya yung hindi makakahawak at makakalakad. Gusto kong maramdaman nya ang sakit na epekto ng gamot na itinurok ko sa kanya." sabi ko at tumango naman ito.

Tumayo si Jk at binaril ng paulit ulit ang paa at kamay ni Josh. Makikitang durog na durog ang mga kamay at paa nito.

"Hayop ka papatayin kita!" sabi ni Josh.

"Tang ina mo paano mo pa ako papatayin eh durog na ang kamay at paa mo!" sigaw naman ni Jk.

Bigla naman nagsisigaw si Josh at nagtaka sila Jk.

"Hahaha! Umeepekto na ang gamot sayo. Makakaramdam ka ng sakit na hindi mo akalaing mararanasan mo sa talang buhay mo hahaha! Mas matindi pa ang sakit na yan sa ginawa mong pagbabalat mo kay Errol. Bago ka mamatay na hayop ka pagdudusahan mo muna." sabi ko.

Bumaling naman kami kay V at Jisoo na tinatakpan ang dumudugong tama ng baril ni V.

"V konting tiis pa. Wag kang pipikit! Huhuhu!" sabi ko kay V. Lahat kami naiyak na.

Sinusubukan ni Jisoo na ayusin ang communication namin kina Jimin.

"Tangna hindi ko na kaya! Gusto ko nang magpahinga." sabi ni V.

"Gago ka alien wag ka matutulog. Papatayin kita pagpinikit mo ang mga mata mo! Gagawin pa kitang ninong ng kambal! Siraulo ka sinabi ko bang saluhin mo yung bala na para sakin. Gago!" sigaw ni Jk pero hawak hawak ang kamay ni V. Kala mo walang tama si Jk sa likod kung makaasta naman ang isang ito.

"Tsk! Your welcome Jk." sabi ni V. Ngumiti naman silang dalawa.

"Naayos ko na ang communication. Malapit na sila Agent Blue kaya konting tiis lang. Hindi ko na rin kayang lumakad pa." sabi ni Jisoo. Tumango na lang kami.

Pinagmasdan na lang namin si Josh na kanina pa sumisigaw ng masakit. Sumusuka na rin ito ng dugo at sobra ang panginginig.

Nakasandal kami ni Jisoo sa pader. Si V nakahiga at si Jk nakadapa malapit sakin. Hawak ang kamay ko at kamay ni V. Nagbabangayan ang dalawa para hindi sila makatulog. Naramdaman ko na lang na binubuhat kami palabas. Narinig ko na lang si Jk na nagsalita.

"Sa wakas mahal, tapos na. Tapos na at mamumuhay na tayo ng payapa."

Hindi ko na namamalayan ang nangyayari, unti unti na akong nawalan ng malay.