webnovel

Prologue

Jungkook's Pov

Isang gabi habang papauwi na ako mula sa aking paggagala may nakita akong isang taong nakaupo sa gilid ng overpass. Napahinto ako at tila ba may nag uudyok sakin na panoorin sya. Ang tagal ko syang tinitigan hanggang sa maramdaman nya ata na may nakatingin sa kanya. Nagulat ako mg lumingon ito at nakita ko ang kanyang mukha.

"Wow ang ganda nya." Ang salitang lumabas sa bibig ko. Napakaganda nya na para bang isa syang manika. Gusto ko syang lapitan at kausapin ngunit bigla na lang syang bumaba  sa kinauupuan nya at tumakbo. Napakamot na lang ako at natawa.

"Sayang hindi ko man lang nakausap at natanong ang pangalan nya. Natakot ko ata hehehe. Magkikita pa kaya kami?

Nagsimula na din ako na maglakad at umuwi sa bahay ko. Sa pagkikita namin na iyon alam ko na magsisimula nang magbago ang buhay ko. Nahulog na ako.