webnovel

My Lovely Ghost

The barangay Pinili considers me bad ghost because when I threatened them, they considered me a plague ... Not until i met that guy ... The guy that makes me fall inlove ... The guy that loves me so much ... But what if he was sent to make me disappear? To lose me? Will I still love him or will I be away from him?

BlackSunshine · Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

Chapter 15

ETHAN'S POV

natapos kaming mamili ni ashley ng mga damit na para sakanya at nakapag tataka dahil puro dress ang mga pinili ko samantalang sya ay mga school uniform? Hay bahala na sya basta masaya naman sya at nagustuhan nya ang mga yon

"Ethan? May pasok kana ba bukas??"tanong ni ashley sakin habang ako ay inaayos ang mga damit na binili namin

"Ahmm..."nag isip muna ako bago sumagot"oo meron na"nakangiting sambit ko at bumalik sa pag aayos ng mga damit

"Pwede ba akong sumama?"tanong nya na kinagulat ko naman

"Huh? Bakit?? Dito ka nalang sa bahay"deretsong sagot ko sakanya

"Sige na pleaseee!"sambit nya pa pero hindi ko sya tinignan dahil alam kong mag papaawa lang sya

"No"

"Please?"

"No"

"Pretty pleasee?"sambit nya pa at ngayon ay sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa

"Hayy ano ba! Wag ka ngang ganyan!"sambit ko habang iniiwas ang tingin ko sakanya

"Di mo naba ako love?"sambit nya pa habang naka puppy eyes

'Sh*t bat ba ganyan sya! Nakakarupok!'

"Please ethan?"sambit nya muli saka pumunta sa harap ko

"Fine."seryosong sambit ko

'Tch! Ang rupok mo ethan!!'

"Yiee thankyouuu!!"sigaw nya saka lumapit sakin at saka ako hinalikan sa pisnge

*Tsup*

Naramdaman ko agad ang pag init ng aking mukha! Badtrippp kinilig ako!

Agad naman akong pumunta sa kwarto at doon nilagay lahat ng mga damit at saka ako tumalon sa kama

"Arghhh!!"sigaw ko habang nakasubsob ang mga mukha ko sa unan

'Sobrang init ng mukha koo!!'

"Ethan?"nag mamadaling lumitaw si ashley sa pintuan"may masakit ba sayo??"agad na tanong nya saka tumabi sakin

Pero hindi parin ako sumagot dahil nakasubsob pa rin ang mukha ko sa unan "ethan naman eh! Ano ba?! May masakit ba sayo??"aligagang tanong nya

'Paano ako haharap sayo? Kinikilig ako!'

Naramdaman ko namang hinawakan nya ang likod ko "hoy!!anong nararamdaman mo??"tanong nya habang kinakalabit ako

"Kinikilig!"sigaw ko

"Huh?"

"W-walaa!"sigaw ko ulit

'Sh*t ano ba naman yung sinabi ko?! F*ck ang bobo ko!'

"Tch sige na mag luluto muna ako"paalam nya saka lumapit sakin saka hinalikan ang buhok ko at saka lumabas

'Sh*t ano bang ginagawa nya?! Kinikilig ako ng sobraa!'

ASHLEY'S POV

Habang nag luluto ako ay naalala ko ang sinabi ni ethan kanina sa mall

"Flashback"

"Eto nalang kase!"sigaw ko kay ethan dahil may hawak syang dalawang dress isang black at isang white, tinuturo ko sakanya yung black pero ayaw naman nya tch

"White na nga lang"sambit nya

"Tch"

"Mas bagay kase to sa misis ko!"sigaw nya

'Misis? ghad misis nya ko??'

"Hayy dami mong alam! Tara don bili moko nung school uniform!"sigaw ko sakanya sabay turo don sa mga school uniform

Saka nga pala naka earphone si ethan para naman hindi sya mag mukhang baliw kapag kinakausap nya ako hehe

"End of the flashback"

Napapangiti ako tuwing naaalala ko ang mga sandaling yon hehe

Ngunit nawala ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko ang aking kaliwang kamay

'Bat parang ang bilis naman lumabo?'

Lalo akong kinabahan dahil pag tingin ko sa kanan ay palabo na ren

'Bumibilis yata ang pag wala ko?'

Tanong ko sa sarili ko dahil sa tinagal ko sa mundong ito ngayon lang to nang yari ang mabilis na pag labo ng aking mga kamay

"Siguro nga mawawala na talaga ako"bulong ko sa sarili ko ngunit nagulat ako nung may yumakap sa akin mula sa likod

"Hindi ko hahayaan yon"bulong ni ethan sa tenga ko

'Kung alam mo lang...wala kang magagawa pag nag pira-piraso na ako sa hangin...kung pwede lang kumuha ako ulit ng lakas sa mga tao nagawa kona kaso masasaktan ka...'

Ngumiti nalang ako sakanya "kain na tayo?"tanong ko sakanya

"Hmm.."nakangiting sambit nya saka dinala ang mga niluto ko

Nung nasa mesa na kami ay umupo na ako sa may upuan at ganon rin ang ginawa ni ethan

"Ano nga pala oras ng pasok mo bukas?"tanong ko sakanya upang mabasag ang katahimikan

"Mga 6 siguro mag aayos na tayo"sagot nya ngunit hindi tumingin sa akin

"Gisingin mo ko wah"nakangiting sambit ko sakanya ngunit tango at tipid  na ngiti lang ang natanggap ko bilang sagot

'May problema kaya sya?'

Nung oras na ng tulugan ay naligo muna sya saka nahiga at ako naman ay nakaupo lang sa sofa

"Dyan ka nalang ba?"malamig na tingin nya sa akin

'Ano bang problema nya! Bakit ganyan sya makitungo'

"Ahmm...mag iisip-isip lang muna ako"nakangiting sagot ko nalang sakanya

"Pwede ka naman mag isip ng katabi ako ah?"kunot noong tanong nya

"Di na, dito nalang ako hehe"nakatungong sagot ko

"Excited kana talaga no?"tanong nya kaya naman napatingin ako sakanya

"Uhmm...oo naman no! Bukas nalang ako ulit makakapunta sa school"nakangiti kong sagot sakanya

"Hindi doon"umiling pa sya at sa malayo na tumingin

"Huh? Saan ba??"

"Sa pag iwan sakin..."deretsong sagot nya habang nakatingin sa kawalan

"A-ano bang sinasabi mo?"gulat na tanong ko sakanya

"Palagi mo nalang sinasabi na mawawala kana"this time nakatigtig naman sya sakin

"Darating naman talaga tayo sa point na yon ethan, hindi natin maiiwasan yon"seryosong sagot ko sakanya, makikita mo naman sa mata nya ngayon ang sobrang kalungkutan

'Shocks kasalanan ko to eh!'

"Pwede ba ash? Habang wala pa naman tayo sa point na yon? Wag mo muna sabihin? Kasi nasasaktan talaga ako ng sobra"halos maluha na ang mga mata nya dahil sa sobrang lungkot

Tumayo at lumapit ako sakanya at saka sya niyakap"im sorry...promise hindi na ulit ako mag sasalita ng ganon"nakatungong sambit ko at narinig ko naman syang humikbi

"Promise me na hindi mo ako iiwan??"parang batang sambit nya habang nag pupunas ng luha

"Ayoko"deretsong sagot ko sakanya na nakapag palaki ng mata nya

"Bakit iiwan mo ba ako?"tanong nya sakin

"Hindi"

"Eh bakit ayaw mo mag promise?"tanong nya pa

"Ah basta! Hindi kita iiwan hanggang naririto pa ako, pangako yan"nakangiting sagot ko sakanya

'Ayokong mangako sayo na mananatili ako sayo habang buhay, dahil hindi ko alam kung kelan ako mawawala..'