webnovel

Chapter 9

The end of a matter is better than its beginning, and the patience is better than pride...

I was busy scanning my car dahil na flat ang gulong ko when I saw a very familiar man going in. Memories flashed back at nagsimulang kumirot ang puso ko. Bakit andito siya? Friend na rin niya ulit si sevi?

Malamang! Magkaibigan sila dati pa! Tinamaan na rin ba utak mo alyssa? Staka di naman ata sila nawalan ng communication.

Pumasok ako sa loob ng bar at naamoy ko ang pinaghalo halong amoy alak at sigarilyo. Well, hindi naman ito typical bar because this is one of the highest class bar among all the bars here in the Philippines.

Agad kong hinanap si Sevi para batiin siya because it's his bithday today.

"Alysssssss!!!"

Tf?!

Sigaw ni Sevi at agad akong niyakap...

"bakit ka andito? You shouldn't be here baka kung anong malanghap mo at lumala pa yang sakit mo. Alam ba ito ni tita? Ni tito? O kahit mga katulong niyo man lang sa bahay?" dire-diretso niyang tanong.

"Di nila alam. Sa condo na ako tumitira remember? " sagot ko

"what the hell! Bakit hindi mo sinabi? Babe bawal ka dito!" sabay subok na hila sa akin palabas.

Tinatawanan ko lang siya dahil sa ka OA-an niya.

"hey! Andito lang ako para batiin ka noh. Hindi pwedeng magtaggal ako dito at baka kung sino pa makakita sa akin. please... Saglit lang to tapos uwi agad ako okay? " sabi ko

"ikaw talaga kapag may nangyari talaga sayong babae ka!" siya

"I saw him enter here."sabi ko

Mukhang alam niya na agad ang ibig kong sabihin dahil agad nagbago ang facial expressions niya. Hinila niya ako kung saan at hindi alam kung saak ako dadalhin nitong lalaking to.

I just found myself standing by his side in front of the man I loved for years. What the fuck! Anong pumasok sa utak neto at dinala ako dito.

Balak ko ng tumalikod pero hinawakan ni sevi ang kamay ko. Tuminggin ako sa kanya para magmakaawa

"alyssa, it's time." sabi biya

Jarius kyle Ferrer... With his usual gaze and expression.

"Engineer!!!" sigaw ni Sevi dahil maingay ang bar niya.

He became an engineer... I'm so proud of him. Tuminggin siya at kitang kita ako ang gulat sa mata niya ng makita ako. I need to act normal! Damn it!

"Sevi" with his usual cold tone. Agad nagbago ang gulat sa itsuta niya

"nako engineer gusto ko lang ipakilala tong kabigan ko" ngiting sabi ni Sevi.

I was stunned dahil sa sinabi ni Sevi at agad binigyan siya ng what-the-fuck look. Agad niyang nahalata na nairita ako kaya tinawanan niya lang ako.

"alyssa khave stanford... She is the heiress of Stanford architecture firm and she is 29 years old." pakilala niy sa akin na parang magkakaroon ng paki alam tong kausap niya.

Tumango lang si kyle at naglahad ng kamay.

"nice meeting you, miss. " si kyle

I gave him a awkward smile habang tinatanggap ang kamay niya.

"nice meeting you too" ako

"yown! Alys, alam mo ba na architect din itong si engineer at nagtatrabaho siya sa kompanya niyo?" si Sevi

Medyo nagulat ako dahil hindi ko alam na nagtatrabaho para siya sa amin.

"how come?" bulong ko kay sevi

"I'll explain to you next time" bulong niya

Tuminggin ako kay kyle...

"I didn't know. That's nice." sabay ngiti

"sus! Alam niyo rin ba engineer na doctor na itong babe ko?" si Sevi

"I'm still studying my last sem diba sevi? Kaya di pa ako doctor" ako

"congrats" medyo nagulat ako sa sinabi ni kyle. Tumalikod siya at halos hindi na narining ang huli kong sabi

"uh... Yeah! Thanks" medyo nahihiya kong sagot.

Kumirot ang puso ko dahil hindi ko inaakala na kaya niya akong talikuran pagkatapos ng lahat. Ang tanga naman alyssa... Ikaw nga bigla biglang nawala ng sampung taon. Realization hits me.

"Sevi my tires are flat. May alam ka bang pwedeng mag ayos?" sabi ko kay sevi

"I'll call my driver. Nasa labas lang naman siya ay madali lang iyon. For now, kunin muna natin ang gamot mo sa taas. Yung pinabili mo. Tapos uuwi ka na pagkatapos." paliwanag niya

Tumanggo ako. Siguro nga kailangan ko ng umuwi. I realize na kaya gusto kong umuwi ng pilipinas para rin makita siya. I accepted the fact na pwedeng may asawa na siya o di kaya ay fiancee. Pero sa nangyari ngayon, parang hindi ko kayang makita ang lahat ng iyon. Ayokong malaman kung meron nga. Pagkatapos ng napakaraming taon, sobrang sakit pa rin. Siguro nga tama na... I need to move on. Nakita ko kung gaano siya ka successful ngayon at sapat na iyon para sabihin na hindi ko pinagsisisihan ang mga ginawa ko.

Pagkatapos ayusin ang sasakyan ko agad akong umuwi. Buong gabi ako umiyak at laking pasasalamat ko dahil hindi ako inatake. Kinaumagahan, i decided to treat myself. Gusto ko mag-shopping na magisa ko lang... Ulit. Walang may alam na lalabas ako. Tinawagan ako nila mommy kaninang umaga at hindi ko nabaggit na may pupuntahan ako. Maging si sevi ay hindi alam. Siguro nga napakatigas ng ulo ko pero hindi rin ako masisisi dahil hindi ko alam kung kailan ako mamamatay. Who knows? Baka bukas mamamatay na ako. At least nakapag-shopping pa.

I wore a yellow croptop hoodie and a black shorts. Nakatube ako sa ilalalim para madaling magsukat at para takpan ang mga marks ko. Kinuha ko ang white channel body bag ko para ilagay ang mga kailangan at nagsuot ng white sneakers.

Nang makarating ako sa mall na pupuntahan ko excited akong pumasok para maghanap. Pumunta ako sa iba't ibang designer shops. Sobrang saya ko dahil nagkaroon ako ng moment na magisa ko lang.

I was busy roaming when someone called my name

"alyssa?" tawag sa akin

Luminggon ako at nabigla ako kung sino sino ang mga nasa harapan ko

Yanna, kate, and rainne.

Hindi ko akalain na makikita ko pa sila ulit. They look the same pero tumangkad lang sila at gumanda pa ang hubog ng mga katawan. My body is not good as before. Madaming tahi at marks dahil sa mga surgeries ko.

"Is that you?" naiiyak na tanong ni kate

I don't known what to do! Hindi pwedeng tumakbo ako!

"Uh... Hi!" no choice kong sabi

"shit it's you!" sabi ni rainne

Niyakap niya ako at nagsimula siyang umiyak. Sumama naman ang dalawa at niyakap din ako ng mahigpit.

I badly want to cry. Sobrang nanghihina ako dahil sa nakikita kong mga luha sa kanila

"Saan ka ba galing? Ang tagal mong nawala!" umiiyak na sabi ni yanna

"we tried to contact you pero bigla nalang nawala lahat ng accounts mo. Hindi namin alam kung saan ka hahanapin. Nagpunta kami sa bahay niyo para hanapin ka pero wala ng tao" tuloy niya

"We also tried to contact your parents pero out of reach na." sabi naman ni kate

"we also asked kyle pero ang sabi niya lang you broke up with him. Si sevi naman wala din daw alam. Umalis din siya pero sabi niya hindi ka niya kasama." sabi ni rainne

Anong idadahilan ko? Sasabihin ko ba sa kanila? Uhmm... I need to talk about them first.

"Gusto niyo bang pagusapan natin ito sa may maayos na lugar. I mean... Let's eat! My treat!" sabi ko

Kitang kita akong pagdududa nila sa akin pero napapayag ko pa rin sila

Yanna holds my hand habang naghahanap kami ng makakainan. I look at her at nginitian niya lang ako

"So what happen?" nag aalalang tanong ni kate

Nagdadalawang isip ko kung sasabihin ko ba o hindi ang nangyari

"Before we talk about me, let's talk about you girls first. Kamusta?" masayang sabi ko

Natahimik sila pero sa huli nagsalita din

"We are working at Jade medical hospital. Sabay-sabay kaming nag apply ng trabaho at sabay-sabay kaming nakuha. Ikaw anong nangyari sayo? Bakit ka biglang nawala?" tanong ni rainne

"nag-aaral pa ako, Doctoral. Galing kaming US at magba-bakasyon lang kami dito for 5 months." sabi ko

"What? I don't get it? Bakit hindi mo sinabi na pupunta kang US? bakit bigla bigla kang nawala?" si kate

I'm still not ready to tell them the truth! Pero wala akong ibang maisip na dahilan na pwede kong sabihin sa kanila. Kanina ko pa iniiwasan ang topic na yan pero hindi talaga pwedeng hindi ko sabihin.

I need to call sevi...

"Uhmm wait... I'll be calling someone first. Cr lang ako." sabi ko

"Sasamahan kita. Sa labas lang ako. You can take your call inside." sabi ni yanna

Tumanggo sila kate at rainne

I think ayaw talaga nila akong pakawalan hanggang hindi sinasabi ang dahilan.

I called sevi and he immediately answer it.

"Hey! Good morning. Kumain ka na ba?" bungad niya

"Sevi I have a problem. I'm now at the mall." sabi ko

"Nasaan ka! Mag isa mo? Bakit ka nandiyan? Inaatake ka ba? Pupuntahan kita. " napaka-OA naman talaga!

"hindi! Okay lang ako. Wag ka na pumunta. Andito sila yanna. Nakita nila ako at nagtatanong na sila. Umiiyak pa nga sila ng nakita nila ako kanina. What should I do? Sasabihin ko ba?" sabi ko

"WTF! Ano pa nga ba ang magagawa mo! Tell them. Sobrang tagal na alyssa at oras na para malaman nila. Sobrang successful na ng lahat ng iniwan mo. Hindi pwedeng itago mo ito habang buhay." explain niya

"pero..." pinutol niya ang sasabihin ko

"tell them. Sabihin mo sa kanila lahat ng nangyari. Pupunta ako diyan, hintayin mo ako." sabi niya. Pinatay niya ang tawag at nakakasiguro ako na on the way na yon.

Napabuntong hininga at bago lumabas. Yanna was still waiting outside. I smiled at her at kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mata.

Bumalik kami sa table namin. Pagkaupo ko nakatinggin silang lahat. They are all waiting for my explanation.

Huminga ako at nagsimula ng ikwento lahat ng nangyari...

"I am sick at hindi ko alam kung kailan ako mamatay." pagtatapos ko sa kwento

Tuminggin ako sa kanila at kitang kita ko ang kung paano silang lahat umiiyak.

I feel guilty for making them cry.

"I'm sorry guys. Ginawa ko iyon para hindi maging pabigat sa inyo." nakayuko kong sabi

"kailan ka naging pabigat sa amin alyssa!?" sabi ni yanna

"gusto ka namin tulungan. Gusto namin samahan ka sa lahat ng paghihirap mo." sabi naman ni kate

"I don't want to to be a burden. Kitang kita ko kung paano ako naging pabigat sa mga magulang ko. Ayaw kong makita sa inyo iyon." umiiyak kong sabi. I need to control myself bago pa ako atakehin dito!

Dumating si Sevi at agad naman siyang inaway nina kate. Sevi also explained his side. Sa una nagalit sila pwro naintindihan pa rin nila lakaunan.

"kyle was so miserable that time." sabi ni rainne

I can't say anything. Hindi ko alam kong anong dapat kong sabihin

"Muntik na siyang bumagsak sa pag-aaral niya at hindi nakapasa non. Halos ilang buwan siyang tahimik at bumalik ang dati niyang ugali. Hindi siya nagsasalita at nagagalit siya kapag nababanggit namin ang pangalan mo."

I understand. Alam ko ang mga pagkakamali ko at naiintindihan ko lahat ng iyon.

"Did he already now about this?" tanong ni kate

"I don't want to bother him anymore. Tingin ko masaya na siya ngayon at wala na akong karapatan na lumapit pa sa kaniya" sabi ko

"He deserves to know, alyssa. Marami mang taon ang lumipas kailangan niya pa rin malaman." sabi ni yanna

"I don't know how to tell him. Sobrang laki ng pinagbago niya." sabi ko

"we'll set you up on a date. Well... Hindi naman literal na date pero kailangan mo lang aminin lahat ng nangyari." sabi ni Sevi

"Bahala na ang mga susunod na pangyayari, ang mahalaga aminin mo lahat." sabi ni yanna

"Hindi naman ganon! Baka atakehin itong babe ko eh!" sabi ni Sevi habang inakbayan ako

Hindi ko alam kung magiging maayos lahat pero umaasa ako na mapapatawad niya ako. Hindi man kami bumalik sa dati, ipinagdadasal ko pa rin na sana patawarin niya ako. God, please give me courage and strength...