Simula pagkabata sobrang dami kona napagdaanan na masalimuot na pangyayari sa buhay ko. Ako nga pala si Lei 25 years old. Nakatira sa ******* * Quezon City.
Way back 2005 nung mang yari ang masalimuot na trahedya sa buhay ko.
Lumaki ako sa pangangalaga ng Lola at Lolo ko, pero 2003 palang noong mamatay sa sakit sa puso ang lolo ko. Nagbago bigla yung ugali ng Lola ko. Lagi umiinom, nagpapakalasing at lagging umiiyak gabi-gabi. Wala akong magawa 8years palang ako nung mga panahon nayan. So may Tito ako na pamangkin ng Lola ko anak ng kapatid niya. Nagtatrabaho siya bilang helper samin. Dahil ang negosyo ng Lola ko ay taga angkat ng isda sa merkado. Isang araw niyaya ako ng Tito ko bumili ng ulam. Malapit sa school namin sa elementary. Medyo malayo kung lalakarin. Nakikinood ako nun ng TV sa kapit-bahay namin.
Tito: Lei kumain kana? Tara samahan moko bumili ng ulam dun sa kanto.
Lei: Hindi papo Tito eh. Inubusan nila ako ng ulam.( Simula kasi nung namatay lolo ko napabayaan na kami ng Lola ko laging lasing kaya wala nang time para asikasuhin kami.)
Tito: Tara na hindi parin ako kumakain eh. Sabay na tayo pagkabili ko ng ulam.
Wala nang mabiling ulam non. 10:00 pm na non. Kaya sabi ng Tito ko....
Tito: Lei lakad pa tayo konti dun sa dulo baka meron pang nagtitinda.
Lei: Sige po Tito.
Pagdating sa dulo ng school namin medyo madilim, nagulat nalang ako nung bigla akong binuhat at inihagis papunta sa loob ng bakod sa loob ng eskwelahan!
Sumakit ang likod ko at di ako makabangon. Biglang naramdaman ko na nilapitan ako ng Tito ko at pilit hinuhubad yung pambaba ko. Umiiyak nako at nagmamakaaawa.
Hindi ako makasigaw dahil tinatakpan niya yung labi ko. ;(
Nagulat nalang ako ng may biglang kinuhang kutsilyo sa bulsa yung Tito ko at tinakot niya ako. Sabi niya....
Tito: Sige subukan mong sumigaw at papatayin kita pati Lola mo papatayin ko!
Wala na akong nagawa medyo nanghihina na ako sa sobrang panginginig ko nawalan na ako ng malay.