" Aalis nako" nagmamadaling sabi ko kay mama sabay labas ng bahay, wala na kami ni nara kaya wala nang gumigising sakin late ako nagising kaya halos late ako ng 30minutes nakapasok,pagpasok ko wala pa naman teacher,"first time ka ata na late" sabi sakin nung babaeng tahimik, " ah na late kase ako ng gising" sabi ko sakanya at umupo nako.
Walang teacher na pumapasok kaya nakikipag daldalan nako sa mga classmate ko na si Vince sya yung pinaka close kong kaibigan sa room parehas kami na masayahin at clingy mas clingy nga lang ako si Vince yung madalas ko katabi lage ko syang hinasandalan sa likod tapos natutulog ako madalas yun dahil puyat ako kakalaro ng moba war.
May teacher ng dumating at nagpapa group activity, pinapunta na kami sa kanya-kanyang grupo, kagrupo ko pala yung babaeng tahimik
at naging leader naman ako dahil isa ako sa maingay sa room na nakakasagut naman, kahit ayaw ko maging leader ako ang naging leader dahil wala naman akong aasahan sa members ko, pinapakuha ng teacher yung list ng mga member kada grupo nilista ko na sila isa isa pero hindi ko alam yung pangalan ng tahamik na babae kaya tinanung ko sya " ann pangalan ko" sagut nya sakin ng napakahina, ann pala pangalan nya at napansin ko na hindi sya na nakakapag cooperate ng maayus sa grupo namin dahil nahihiya sya, nilapitan ko sya " ann may naiisip ka ba na gagawin dito sa group activity?" tanung ko sakanya," mag drawing nalang tayo ako mag d drawing para mas madali at e explain nalang natin yung meaning ng art" sabi nya sakin at nag drawing na sya maganda pala sya mag drawing at mukhang matalino rin.
Nakakuha kami ng mataas na grades sa ginawa nya sa activity na iyun, at nakakausap ko na rin sya ng maayus kaso palipat lipat ako ng upuan dahil naiinitan ako lumipat palagi ako sa tapat ng electric fan," palipat lipat ka dito ka nga lang" sabi nya sakin nung lilipat sana ako ulit ng upuan tumabi ako sakanya at nakipag kwentuhan sakanya.
Napatagal yung kwentuhan namin at naaantok nako kaya umuko ako at natulog sa tabi nya, nagising ako kay Vince " natutulog ka na naman hahaha" sabi nya sakin pero wala lang saakin yun kase madalas naman ako natutulog sa room, nagkatitigan kami ni Ann ng matagal at sabay kami nag taas ng kilay sa isat isa at nagtawanan, nanginginig yung kamay ko sa pagkakaipit ko habang natutulog ako kaya pinahilot ko kay ann " Nanginginig kamay ko pahilot Ann", nagulat ako kase hinilot nya ren naman talaga at apaka lambot ng kamay nya.
"Anlambot naman ng kamay mo?" tanung ko kay Ann "Malambot nga daw ako sabi ng mga kaibigan ko ewan ko ren" sagut nya sakin, pinisil ko braso ni ann " anlambot mo nga" sabi ko kay Ann habang natutuwa sa pag pisil pisil sa braso nya, kinuha nya kamay ko at hinilot hilot ulit ,naaantok paren talaga ako kaya tinuloy ko ang pag tulog ko habang hinihilot ako ni Ann.
Nagising ako at hinihilot paren ako ni Ann "Lah? hinihilot mo paren ako kahit tulog ako? halos isang oras nako nakatulog e" nagtatakang tanung ko kay Ann "Wala naman ako ginagawa kaya okay lang" sagut nya sakin sabay inalis ko na ang kamay ko sa pagkakahilot nya, "Matulog ka lang puyat na puyat ka ata e" pinapatulog nya uli ako pero hindi nako makatulog dahil hindi ako comfortable sa pwesto ko mas gusto ko yung may sinasandalan ko may yakap,"Ayuko na d ako comfortable sa pwesto ko mas gusto ko na may nasasandalan" sabi ko kay ann, " Edi sumandal ka sakin ng makatulog ka o kaya kay Vince" sagut nya sakin na parang okay lang sakanya na gawin ko syang unan na parang si Vince, Kaso may ginagawa si Vince kaya natulog ako ng nakasandal kay ann at napakalambot nya pinipisil pisil ko braso nya hanggang makatulog ako.
"Oi gising na uwean na" gising ako ni ann at nag aalisan na mga classmate namin,pawis na pawis ako dahil sa init " Punasan mo nga pawis mo" sabi nya sakin sabay alis, nagpunas nako ng pawis ko at uuwe na.
"Apaka init naman ngayun" sabi ko kay Ken isa sya sa classmate ko na kapitbahay ko lang,habang naglalakad kami lumayo ako kase kasama nya girlfriend nya, apaka init kaya nilabas ko na payung ko, nagulat ako nang biglang tumabi sakin si Ann habang naglalakad ako "ang init papayung hehe" sabi ni Ann sakin at natahimik lang ako.
Nakapag kwentohan kami ni Ann habang naglalakad pauwe "Ambait mo noh?" sabi nya sakin kahit hindi naman ako mabait "Mabait ako sa mabait masama pa ako sa masama" sagut ko kay Ann at nag kwentuhan na kami ng kung anu ano.
Nagulat ako nung tinanggal nya yung mask nya ang cute nya subra at may pagka japanese ang kanyang mukhang singket maputi at cute subra, "Maganda ka pala bat ka palage naka mask?" tanung ko kay Ann, tinanggi nya na maganda sya at kaya daw sya nag ma mask dahil panget sya kahit sa totoo na napaka cute at ganda nya.
"Liliko ka na dito?" tanung ko sakanya, dun lang pala sya nakatira malapit samin madadaanan lang bago ako makauwe " Sge na bukas nalang ulit byee" nagpaalam na sya at lumiko na iaabot ko sakanya yung payung kase napaka init pero inayawan nya kaya indi nako nag pilit na pagpayungin sya at umuwe na ako.
Nang makauwe nako Iniisip isip ko bakit ang baba ng confidence nya sa kanyang mukha kahit napaka ganda at cute naman nya, " Ay bahala sya maglalaro nako" sambit ko saking sarili at naglaro nako ng moba war buong magdamag.
*******
First timer ako sa pag susulat kaya pasensyahan nyo na yung pag writing ko kung hindi standard....ulit Thank You sa Support