Marco
Kinaumagahan ay maaga akong bumangon as usual. Naligo na ako at nagbihis para maihatid ko na siya sa eskuwelahan nila. Gusto ko siyang makausap ulit para malaman kung anong gumugulo dito. Dahil hindi na niya ako kinibo mula kahapon at sigurado akong iniiwasan niya ako. And that makes me sick. Ang malamang iniiwasan ako ng taong mahal ko. Sobrang nakakafrustrate.
But to my dismay, maaga daw itong umalis dahil may sumundo daw ditong kaklase niya. Now, I'm so much sure na talagang iniiwasan niya ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumuloy na lang sa opisina ni Mom at sunduin ko na lang ito nang maaga mamaya.
Pagdating ko sa office ni Mom ay busy na agad ito sa pagpipirma ng mga papeles sa table niya. Pagkapasok ko ay agad akong lumapit dito at humalik sa kanyang pisngi.
"Ang aga mo ata, Marco? Naihatid mo na si Katherina?" takang tanong nito habang patuloy pa din ito sa ginagawa niya.
"She left early and someone fetch her." malungkot kong sambit at naglakad palapit sa sofa at pabagsak na umupo doon. Nakita ko namang napatigil si Mom sa ginagawa niya at nagtatakang tumingin sa akin.
"Someone? As in someone? Bakit ka pumayag?" kunot-noong tanong ni Mom sa akin.
"Hindi ko na siya naabutan pagbaba ko. Si Manang ang nagsabi sa akin na may nanundo daw sa kanya sa bahay." pahayag ko at napapikit ng mata.
"Is there any problem you want to tell me, Marco? May nagawa ka ba sa kanya na hindi nito nagustuhan?" nagtatanong ang tingin ni Mom sa akin. Napailing ako dahil sa totoo lang ay wala akong alam kung bakit. And that make me more frustrated.
"I don't even know why is she acting strange since yesterday. Iniiwasan niya ako at hindi ko alam kung bakit." bulalas ko at hinilot ang sentido ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. I wanted to know para alam ko ang gagawin. Pero paano?
"Did you talk to her?" tanong nito.
"Yeah, but she keeps on ignoring my questions. And she only speaks a little hindi katulad ng dati na sobrang daldal niya. Ni hindi nga siya ngumingiti." pahayag ko at hinintay kung may maipapayo si Mom sa akin.
"Try to figure it out by yourself, Marco. Walang mangyayari sa 'yo kung mag-iisip ka lang at hindi ka kikilos. The problem won't solve by itself. Kailangan mong magpakahirap. If she trully means to you a lot, then find out why." payo ni Mom sa akin at ngumiti. Mom is right, I will make my way to find out why. At may naisip na ako kung paano ko ito malalaman.
"Thanks Mom. Ayoko nang ganito siya sa akin. I'm really frustrated pag di niya ako pinapansin. And now, mas ginusto pa niyang magpasundo kaysa magpahatid sa akin." napabuntong hininga ako nang sabihin ko 'yan.
"Maaga mo siyang sunduin mamaya para makapag usap kayo. For now, pag aralan mo na ang mga 'yan." turo ni Mom sa mga bagong papeles na nasa harapan ko. "That will help you a lot, Aon. Lalo na at aalis ako next month para tulungan ang Dad mo. You need to act as CEO next month. So try to learn all of that." pahayag nito at tinuon na niya ang atenaiyon sa mga pinipirmahan nitong papeles.
"Yes Mom."
Inumpisahan ko nang basahin ang mga papeles na nasa harap ko. Hindi ko na nga namamalayan ang oras. Kung hindi pa ako pinaalalahanan ni Mom ay hindi ko oa alam.
"Marco, It's already quarter to eleven. You should go, you know how's traffic in here." paalala nito sa akin kaya napatango nalang ako at inayos na ang mga papeles bago inilagay sa bag ko.
"I'll take this at home, Mom. Doon ko nalang itutuloy ito na basahin." sabi ko at binitbit na ang bag saka ako lumapit kay Mom at humalik sa pisngi nito.
"Ayusin mo na ang gulo niyo ni Katherina, Marco. Kung ano man ang problemang 'yan, fix it. Huwag mo nang hayaang lumala pa." payo nito sa akin.
"I will Mom, thank you. I'll go, you take care and don't stress yourself too much." paalala ko din dito at tuluyan nang lumabas ng opisina ni Mom.
Natraffic ulit ako sa pagsundo kay Katherina pero hindi katulad kahapon. May treinta minutos pa akong maghihintay sa kanya. Kahit matagal pa ay ayos lang sa akin. Basta maghihintay ako dito hanggang sa lumabas siya.
Inilabas ko ang phone ko nang magring ito. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong kinancel at tuluyang ini-off. She's been calling me since last week. Akala ko nananahimik na ito at tanggap niya nang wala na kami. Pero akala ko lang pala dahil simula noong isang linggo ay panay ang tawag nito at text sa akin.
Alam kong may gagawin na namang hindi mabuti si Trish kaya binabantayan ko si Katherina from time to time. Sadyang naipit lang ako sa traffic kahapon at nahirapang makaalis kaya ang resulta ay ang pagkahuli ko.
"Baka naman may kinalaman siya kung bakit nagkakaganyan si Katherina?" tanong ko sa sarili ko dahil possibleng mangyari ang nasa isip ko. Pero paano? Hindi naman nito alam na nag-aaral na si Katherina. Maliban nalang kung pinasusundan niya na naman ako sa mga tauhan niya.
"Malaman ko lang na ikaw ang may pakana kung bakit nagkakaganyan si Katherina. I swear to God Trish. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa 'yo." sabi ko sa kawalan at nakatitig sa labasan ng mga estudyante.
Makalipas ang dalawampu't limang minutos ay nakita ko na siyang lumalabas kasama ang mga kaibigan niya. Napasimangot ako nang makita ko na katabi na naman nito ang Dex na 'yon. Alam kong may gusto ito kay Katherina base sa ikinikilos nito. Napatingin si Katherina sa gawi ko, pero nagtaka ako kung bakit parang inignora niya lang ako at dumiretso maglakad kasama ang mga kaibigan niya kahit alam nitong andito na ako.
"What's with you?" takang tanong ko at lumabas na ng sasakyan at lumapit dito. Ilang metro lang ang layo mula sa sasakyan ko.
"Mahal ko," tawag ko dito pero hindi siya lumingon. Tumigil lang ito at alam kung nakikinig siya.
"Uwi na tayo. May klase ka pa." mahinahong sabi ko.
"Ihahatid na ako ni Dex, Senyorito. Huwag na po kayong mag-abalang sunduin ako." sambit nito at hindi na nag-abala pang tumingin. Nasaktan ako sa sinabi niya. Ganoon na lang ba ako kabalewala dito at kahit nandito ako ay mas pipiliin pa niya ang lalakeng 'yan kaysa sa akin.
"Ako na ang maghahatid sa 'yo. Tara na," sabi ko ulit na nakapagpalingon dito at mas nagulat ako sa walang emosyong pagtingin nito sa akin.
"Andito na si Dex, Senyorito. Siya na ang maghahatid sa akin. Hindi niyo ba maintindihan 'yon? Baka gusto niyong sabihin ko sa English para mas maintindihan niyo, Senyorito." diin nito sa huling sinabi niya kaya napatahimik ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Gusto kong magtanong kung bakit niya ako ginaganito pero takot akong marinig ang isasagot nito.
"Ganoon ba? Bakit hindi ka nalang sa akin sumabay. Iisa lang naman ang bahay na inuuwian natin. Baka makaistorbo ka pa sa kanya." pursigido akong makasabay ito kaya gagawin ko ang lahat para sa akin siya sumabay.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Katherina, pare. Sa akin daw siya sasabay kaya makakaalis ka na." nakangising sabi nito sa akin na ikinapanting ng tenga ko.
"Hindi ikaw ang kausap ko kaya manahimik ka. Hindi ka nakakatulong. Just shut your fucking mouth and take that filty hands off yours on her shoulder." hindi ko na napigilang huwag itong sagutin dahil sa totoo lang ay kanina ko pa gustong gawin 'yan dahil nakaakbay ito kay Katherina kanina pa.
"What if I don't?" naghahamong tanong nito sa akin. Hindi ko siya pinansin at tinignan si Katherina sa mata.
"Get in, Katherina. I swear, hindi ko maipapangakong wala akong magagawa sa lalakeng nakahawak sa 'yo. I'm serious Katherina." seryosong saad ko at alam kong nakikita niya ang galit sa mga mata ko.
"Hindi ako papasok diyan sa sasakyan mo. Umuwi ka na Senyorito, ihahatid niya na ako. Tara na, Dex." aya nito sa kasama niya. Parang hiniwa ang puso ko sa sinabi nito.
"Mas pinipili mo pala siya kaysa sa akin. Bakit Katherina? Dahil sa totoo lang, gulong-gulo na ako sa ikinikilos mo. Wala akong maintindihan kahit isa dahil hindi mo sabihin sa akin kung bakit." malungkot kong saad at tinignan ito. Pero inignora niya lang ako at tumalikod na. Para akong sinaksak ng ilang libong kutsilyo sa pagtalikod niya sa akin.
"Isa..." pagbibilang ko. "...hanggang tatlo lang ang bibilangin ko, Mahal ko. Pag umabot ng tatlo at hindi ka humarap sa akin at sumama ka sa kanya. Hindi mo na ako makikita pa. Seryoso ako, Katherina." sambit ko dito na ikinatigil niya. Umasa akong haharap siya pero nagkamali ako. Pinagpatuloy ko pa din ang pagbibilang.
"Dalawa..."
"Umalis ka na, Senyorito." sabi nito na nakapag-palaglag ng aking balikat.
"Tatlo." pagtatapos ko sa bilang ko pero hindi ito humarap o gumalaw man lang sa kinatatayuan niya. Akala ko haharap siya pero akala ko lang pala 'yon.
Tumalikod na ako at hindi ko napigilang hindi tumulo ang aking mga luha. Ganito pala kasakit ang masaktan ng taong mahal mo. Mas lalo na ang balewalain ka, dahil sa totoo lang, para akong mamamatay. Sumakay na ako sa kotse ko at tinignan ito sa side mirror. Nakatayo pa rin ito patalikod sa gawi ko habang nakaakbay sa kanya ang lalakeng 'yon.
Ang sakit lang makita na may kasama siyang iba at hindi ikaw ang pinili niya. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko at halos paharurutin ko nang sobrang bilis ang sasakyan ko paalis sa lugar na 'yon.