webnovel

Chapter 6

Hindi naging madali ang biyahe ni Marcus at ilang tauhan ng kaniyang Ina papunta sa probinsya ni Mang Lando. Baku-bako ang mga daan at talaga namang napakalayo nito.

"Mang Lando!" tawag niya rito nang makitang palabas sa pinagtatrabahuan nitong rice mill.

"Oh! Marcus, ano'ng ginagawa mo rito? Paano mo nalamang narito ako? Nahanap mo na bang ang pamilya mo?" sunod-sunod na tanong nito na tila excited din na makita siya.

"Oho, nahanap ko rin si Mama,"nakangitin naman niyang tugon.

"O siya, halikayo at doon muna tayo sa munti kong tirahan," anitong nagpati-unang maglakad patungo sa direksyon ng gusali kung saan naroon ang inuupahang kuwarto.

Habang naglalakad ay nagkuwentuhan sila ng kung ano-ano lang. Hindi inungkat ni Marcus ang tungkol sa pamilya nito dahil alam niyang hindi pa rin ito nakakabawi sa sinapit ng pamilya.

"Mang Lando, mayroon ho akong importanteng sadya talaga sa inyo," nag-aalangan si Marcus kung papayag ba ito sa plano niya.

Napatingin naman ito sa kaniya.

"Naghahanap kasi si Mama ng mapagkakatiwalaan sa hacienda, medyo hindi na rin kasi niya naaasikaso at tumatanda na rin. Ako naman eh balak kong magtayo ng sarili kong negosyo kaya naisip ko kayo," mahabang paliwanag niya. Ang totoo ay ginawa lamang niya ang kuwentong iyon.

Tila lumiwanag naman ang mukha nito sa sinabi niya.

"Aba hindi na ako tatanggi riyan," anito.

"Siguro ay kailangan ko na rin talagang lisanin ang lugar na ito para makalimutan ang nangyari sa mag-ina ko," dagdag pa nito na tila hirap na hirap sa pinagdaraanan.

"A-ano ho bang nangyari sa mag-ina n'yo?" kunway tanong niya.

"Wala na sila, naaksidente," malungkot nitong sagot.

Hindi na siya nag-usisa pa. Alam niyang mahirap ang pinagdaraanan nito.

"Kung papayag ho kayo ay luluwas na tayo bukas. Kasalukuyang nagpapapitas si Mama ng mga prutas wala siyang makakatulong,"sabi na lamang niya.

"Sige, kung iyan ang gusto mo. Maaga na lamang akong magpapaalam sa trabaho bukas.

Kinabukasan ay lumuwas sila pabalik ng Tagaytay pagkatapos magpaalam ni Mang Lando sa pinagtatrabahuan.

Halos isang araw ang itinagal ng biyahe. Maghahating-gabi na nang dumating sila sa Villa. Tulog na ang kaniyang Mama kaya pinatuloy na lamang niya si Mang Lando sa guest room sa ikalawang palapag ng villa.

"Napakayaman pala ninyo," palatak nito ng inilibot ang paningin. Kahit medyo madilim dahil nakapatay na ang mga ilaw ay halata ang paghanga sa mga mata nito.

"Makikita n'yo ho bukas. Magpahinga muna kayo sa silid na ito," aniyang binuksan ang malaking guest room.

"Kung may kailangan kayo ay naroon lamang ako sa itaas, iyong silid sa bandang kanan," sabi pa niya saka nagpaalam para magpahinga na rin.

Mabilis na umakyat ng kaniyang silid si Marcus. Excited siya sa muling pagkikita ng kaniyang mga magulang. akala niya sa panaginip na lamang mabubuo ang kaniyang pamilya pero mabait pa rin ang Diyos.

Atubiling bumangon si Marcus kinabukasan, parang gusto lamang niyang humilata muna sa kaniyang malambot na kama. Para kasing totoo ang panaginip niya, siya at si Mira ay ikinakasal. Ngunit napasimangot siya dahil nang akmang aabutin na niya ang kamay nito ay nabalot ito ng tila makapal na usok at saka unti-unting inilayo sa kaniya. Dinig pa niya ang pag-tawag nito sa pangalan niya at paghingi nito ng tulong habang pilit na inilalayo ng usok. Hayst! Iba talaga ang tama niya sa anak ni Mang Tonyo.

Napabalikwas siya nang malala ang amang si Mang Lando sa guest room. Mabilis siyang lumundag mula sa kama at gumayak. Hindi na niya ito inabutan sa silid nito kaya dumiretso na lamang siya sa kusina.

Naroon na ang kaniyang Mama at Amang si Mang Lando sabay na nag-aalmusal at masayang nagkukuwentuhan. Walang paki-alam sa paligid dahil abala sa pagbabalik-tanaw sa kanilang nakaraan. Hindi rin nila napansin ang presensya niya kahit na kanina pa siya nakatayo at nakasandal sa hamba ng pinto at malayang nakikinig sa mga ito. Kung hindi pa siya napa-ubo ay mananatili muna siya roon at makikinig lamang na parang chismosa.

"Marcus!" si Mang Lando na agad tumayo at mahigpit na niyakap ang anak.

"Patawarin mo ako anak! Alam ng Diyos kung gaano ako nagsikap at kung ilang beses akong nagtangka na makasama kayo," tila iiyak nang paliwanag nito sa kaniya.

"Pa, matagal na iyon, ang importante ay magkakasama na tayo at hindi pa huli ang lahat," aniyang gumanti sa yakap ng ama.

"Salamat anak! Alam kong napalaki ka ng maayos ng iyong ina," sabi nito na tinapik pa ang kaniyang balikat. Matagal silang magkasama nito at hindi niya makakalimutan ang kabutihan nito sa kaniya.

"Saluhan mo na kami," pukaw naman ng kaniyang ina na noon ay nangingilid na rin ang luha.

"Kayo talaga, tama na ang drama, kalalaking tao eh," reklamo pa nito.

Nagkatawanan naman ang mag-ama saka umupo sa tig-isang silya. Noon lamang nila masusubukang maging buo.

Akala ni Marcus ay sa pangarap na lamang mangyayari ito.

Wala mang nakaka-alam na isa silang pamilya ay hindi na iyon mahalaga. Ang kanilang sekreto ay mananatiling lihim sa pagitan nilang tatlo.

Who knows? Sila lamang naman ang naka tira sa malaking villa. Ang kanilang mga kasambahay ay mayroon namang nakahiwalay na tirahan.

Naging maayos naman ang pagtanggap ng mga tauhan sa bagong katiwala ng Donya.

Mabilis na naki-usyoso si Marcus sa nadaanang nagkukumpulan sa isang baryo na nadaanan niya nang minsang dumalaw kay Mira. Kumunot ang noo niya nang tumambad sa kaniyang paningin ang noon ay naka tali at pilit na nagpupumiglas na lalaki. Mapula ang mga mata nito, nakausli rin ng bahagya ang mga pangil. Napapitlag siya nang bigla itong tumingin sa kaniya. Mga matang nakikiusap at humihingi ng tulong. Dinig niya ang mabilis na tibok ng puso nito. Ang bulong ng pagsamo sa isip nito partikular para sa kaniya.

Unang beses niyang maka kita ng ka-uri niya rito, maliban sa dalawang nakasama sa pagtakas.

Mabilis siyang nagbawi ng tingin, hindi pa man niya nasagot ang pagsusumamo nito ay mabilis nang itong inilayo ng mga taong naroon. Dadalhin ito sa simbahan ayon sa mga tao roon. Nahuli raw ito ng isang hunter at nais nilang ipakita sa mga mamamayan kung paano ito parusahan para hindi pamarisan. May sa-demonyo raw ito kaya dapat puksain. Hinikayat din nila ang publiko na kung sino man ang makakita o maka kilala ng mga katulad nito ay ipag bigay alam lamang nila.

Mabilis na sumakay si Marcus sa kaniyang sasakyan saka mabilis na pina harutot sa lansangan patungo sa villa.

Humihingal na bumagsak sa kama si Marcus, hindi niya maintindihan ang naramdaman, natatakot siya, hindi para sa sarili kundi para sa kaniyang ina at kay Mira.

Nililigawan na niya si Mira, at nagpakita rin ito ng interest sa kaniya. Kung mahahanap sila ng hunter ay siguradong tapos ang maliligauang araw nila. Maging ang kaniyang Amang si Lando, paano na lamang ang kaniyang Ina kung sakali?