webnovel

My Husband Who's A SEX Addict

MiKrSa · Teen
Not enough ratings
10 Chs

Chapter 1

Sobrang sarap na sana ng pagtulog ko ng may marinig akong mga ungol na nanggagaling sa may hallway.

Hindi ko ito pinansin at pinansin ang lalamunan kong nanunuyo na sa sobrang pagka-uhaw. Anong oras na ba at nauuhaw ako at nagugutom na rin at the same time.

Bumangon ako at lumabas ng aking kwarto. Kitang kita ko pang nagulat ang dalawang taong gumagawa ng milagro dito sa hallway ng bahay ko.

Hindi ko sila pinansin at dire-diretso lamang papuntang hagdanan at dinaanan ko lamang sila.

Gagawa na nga lang ng kababalaghan dito pa talaga sa may hallway at malapit talaga sa kwarto ko.

Pwede naman silang sa baba na lamang o kaya sa ibang kwarto. Ang dami daming kwarto dito, sila na lang ang pumili. Hindi pa sana sila makakaistorbo o kaya ang mas best choice e hindi na lang sila dito at all.

Narinig ko pang nagtataka yung babae kung sino daw ako. Diretsa lamang siyang sinagot ng aking asawa. Tss.

"My wife." Sabi nito nang nagsimula na akong humakbang pababa ng hagdanan.

Muntik na akong masuka ng marinig ko ang mga katagang iyon. Ang sarap sanang pakinggan kung hindi siya ang nagsasabi noon.

Inisip ko na naman ang mga nangyari makalipas ng dalawang taon.

Naisip ko ang mga posibleng mangyari kung nagtanan kami. Ang saya sana pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga magulang ko.

Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila kaya sinunod ko ang mga utos nila kahit alam kong ikasisira ng buhay ko.

Hiyang hiya ako dahil sikat lang ako dahil sa lalaking hindi ko pinangarap maging asawa. Sikat ako dahil sa mga kawalang-hiyaan ng asawa ko.

At alam niyo? Ikinahihiya ko siya dahil sa mga pinaggagagawa niya. Hiyang hiya ako. Hiyang hiya ako para sa sarili ko.

Nadadamay ako sa bawat mga kalokohang pinaggagagawa niya.

Pero nilalakasan ko ang loob ko kahit hinang-hina na ko. Minsan iniisip kong lumayo-layo o kaya magtrabaho sa ibang bansa para hindi siya makasama sa impyernong bahay na ito, pero ano nga bang magagawa ko? Nasa kanya lagi ang huling desisyon.

Ayoko siyang makasama pero alam kong hindi rin namang mangyayaring makalayo ako sa kanya.

Pumasok ako sa kusina at kinuha ko agad ang tumbler ko sa loob ng ref. Gusto kong umalis dahil pagod na akong intindihin siya.

Akala ko ba minahal niya ako?

Akala ko ba gusto niya to?

Gusto niya tong mga kalokohang to?

Pero bakit ganoon?

Bakit ganoon ang mga pinag- gagagawa niya?

Tanga ba siya?

Ang hirap. Ang hirap umintindi ng taong ayaw namang magpaintindi. Sawa na ako.

Kung pwede nga lang sanang magdivorce o magpa annul na kami kahit magkano magbabayad ako. Pero imposible yun kahit sabihin pa nilang Everything is Possible, knowing Caeruz hindi siya papayag na maghiwalay kami dahil siya naman ang may gusto nito.

Lumabas na ako sa kusina. Dumaan pa ako sa Living Room at nakita ko sila doong naglalandian pero hindi na nagsusunggaban. Nahiya siguro. Aba dapat lang! Pamamahay ko ito.

Hindi ko man lang sila tinitingnan ng kuhanin ko ang mga gamit ko sa center table. Nakatulog kasi ako kanina rito sa pagpipirma ng mga papeles.

Tumaas ako para sana may kuhanin pero di ko namalayang nakatulog na ako sa taas dahil na rin siguro sa pagod.

"Astraea." Malambing ngunit mahinang sabi ng lalaki.

Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Ano sa tingin niya ang gagawin ko? Papansinin siya? Wala talaga siyang kahiya hiya sa katawan. Sa bahay ko pa siya gumagawa ng milagrong gago siya.

Umakyat na ulit ako't pumasok sa aking kwarto. Ilang beses ko na ba siyang nakikitang nakikipaglaplapan, nakikipaglandian at kung ano-ano pang mga malalaswang eksena dito sa bahay? Mga eksenang hindi makalimutan ng utak ko.

Bumuntong hininga ako. Ganito ba talaga? Ganito na lang ba lagi?

Nakita ko namang nagbavibrate ang phone ko. Napatingin ako doon.

Hindi ko inaasahang lalabas ang pangalan niya doon. Tinitigan ko lang iyon hanggang sa may pumasok sa loob ng kwarto ko.

Napatingin ako doon at nakita ko siyang nakatingin sa akin at agad napatingin sa phone kong vibrate ng vibrate.

Lumapit siya doon pero inunahan ko siyang kunin ang phone ko bago niya pa damputin.

"What are you doing here?" Malamig kong tanong rito.

"Why is he calling you Astraea?" Sinamaan ko siya ng tingin at dahil doon ay lumambot ang mukha nito. Mukhang nagmamakaawang huwag kong sagutin ang tawag.

"I said what are you doing here?" Umupo ako sa dulo ng kama ko at hindi nilulubayan ang tingin niyang mukhang nasasaktan. Pero hindi pa rin nawawala sa mukha ko ang malamig na tingin. Nawala na yung vibrate ng phone na nasa sa kamay ko.

"Im just gonna sa-" Napatingin ulit siya sa kamay ko. Lumabas ulit doon ang pangalan niya.

Naiiyak na ako pero pinipigilan kong huwag tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Excuse me." Sabi ko at dumeretso sa veranda. Tiningnan ko muna ang phone at tinitigan ng ilang segundo bago ko sinagot ang tawag at tinapat sa aking tenga.

"H- ello." Nanginginig ang aking boses ng sabihin ko iyon.

"Astraea." Napangiti ako ng mapait ng marinig ang kanyang boses.

Boses na matagal ko ng hindi naririnig simula ng ako ay maikasal.

Boses na sobra ang pagkakalalim.

Boses ng tao na dapat ay aking mapapangasawa.

Boses ng aking pinakamamahal.

"Ka-musta ka n-a?" Nakangiti kong tanong habang nagpipigil umiyak. Naginginig- nginig na rin ang aking kamay.

"Eto okay lang. Ikaw ba ayos ka lang dyan? Nakain ka ba sa tamang oras? Pinapakain ka ba dyan? Baka naman di ka pinapakain dyan at mamayat ka? Huy ha! Wag kang magpapagutom papayat ka niyan. Tandaan mong nagpakahirap akong patabain ka tas papapayatin ka lang nila dy-" Naputol ang sasabihin niya ng napaiyak na talaga ako.

Gaano kahirap hindi makalimutan ang lalaking ito?

Sobrang hirap.

"Oh? Bakit ka naiyak? Sinasaktan ka ba ng lalaking yan? Okay ka lang ba? Hah?" Naging malungkot ang kanyang boses dahilan upang matawa ako ng konti.

"Miss na kita." Ngumiti ako ng mapait ng sabihin ko iyon.

"Alam mo ba? Miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na kita. Alam mo yung pangako ko sayong hindi ko kaya na mawala ka? Totoo yun. Nung unang araw na ikinasal kayo at kitang kita ng dalawang mata ko. Alam mo? Parang gusto ng gumuho ng mundo ko at gusto ng mamatay ng buong pagkatao ko noon dahil sobrang hirap at mawawala na yung pinapangarap kong babaeng pakakasalan at yung babaeng grabe grabe ang paghihirap ko makuha ko lang." Malungkot na boses ang naririnig ko sa kabilang linya. Inalala ko yung pagpapapansin niya sa akin araw araw sa school dati. Araw araw na pagbibigay ng roses, stuff toys, chocolates at letters.

Nagtataka kayo kung bakit sobrang hopeless niyan noh? Base pa lang sa panliligaw niya? Sobrang hopeless romantic ng lalaking yan e. Naalala ko rin na sobra ang pagkaadik nyan sa mga romance na movie at dinaig pa ako.

Pero isa lang ang masasabi ko. Hindi siya bakla.

Pero ang mas malupet ay mahal na mahal na mahal na mahal ko yang lalaking yan. Mas sobra pa nga ata sa pagmamahal ko sa magulang ko eh.

Dahil yang lalaking yan lang ang nakakaintindi sa akin. Sa tuwing may away kami ng mga magulang ko. Siya ang nagcocomfort sa akin.

At siya rin ang nagsasabi sa akin na sa una pa lang ako na ang may kasalanan kung bakit kami nag-aaway ng parents ko.

At ayun na nga mag-aaway kami dahil doon pero sa huli kukumbinsihin niya akong makipagbati sa mga magulang ko para makauwi na ako sa tamang oras at lalong hindi magkagulo.

Ang laki ng naitulong ni Yaeruz sa akin dahil binago niya ako. Boto sa kanya si Mommy kesa kay Daddy na nagagalit dahil sobra daw tanda ni Yaeruz para sa akin.

Ahead lang naman kasi sa akin si Yaeruz ng 5 years. Wala naman sigurong problema kung mas matanda sya sa akin di ba?

Basta ba mahal namin ang isa't-isa, may respeto kami at respeto rin sa sarili, tiwala at responsable. Alam naman namin ang limitasyon namin.

Hindi namin pinoproblema ang pera dahil nagtatrabaho na si Yaeruz nung naglive-in kami ng one and a half year sa condo niya.

Pero alam niyo ba ang sabi ni Daddy,

"Ayoko sa lalaking yan dahil ang daming problema ang dinulot niyan sa pamilya niyan?! Yang babaerong yan! Palayasin mo yan ngayon rin sa harapan ko!"

Nagulat ako sa sinabi non ni Daddy. Nagtaka ako kung bakit niya iyon sinabi. I never even saw Yaeruz with another girl.

Halos twenty four hours nga lagi kaming magkasama atsaka hindi ko rin nakikita na may katext yan dahil hindi naman siya nagbibigay ng number at hindi niya rin laging ginagamit ang phone niya.

Naisip ko dati na parang may mali. May MALI sa pinagsasasabi ni Daddy pero napag-isip isip ko rin yung huling sinabi sa akin ni Yaeruz before my wedding with Caeruz.

"Pakasalan mo siya dahil siya ang nabababagay sayo. Alam mo naman ako di ba? Ayaw sa akin ng mga tao at babaero ako. Bwisit na buhay to." Alam kong lasing siya ng araw na yon at yun lamang ang naintindihan ko sa mga pinagsasasabi niya dahil iyak na ako ng iyak sa mga pinasasasabi niya. Sineryoso ko yun at hindi na nakipagcommunicate sa kanya.

Pumayag akong magpakasal sa taong hindi ko naman mahal dahil sinunod ko yung sinabi niya. Ayun lang naman kasi yung iniintay ko e, yung tuluyan niya akong ipagtabuyan papalayo.

December 15, 2013 ang araw kung kelan kinasal kami ni Caeruz.

Napabalik ako sa wisyo ng marinig ang kanyang boses sa kabilang linya.

"Alam mo rin siguro nung una pa lang na ayaw na kita para dyan sa babaerong yan di ba? Okay lang sana kung iba pang lalaki eh basta wag lang si Caeruz." Mas lalo akong napahagulhol sa mga sinasabi niya.

Naalala ko na naman si Caeruz. Napagkamalan kasi ni Daddy si Yaeruz na si Caeruz kaya nagalit si Caeruz noon at tinakas ako pagkatapos ng kasal.

Tandang tanda ko rin noon na bago magalit si Dad kay Caeruz ay nakita niya itong nakikipaghalikan sa isa sa mga guest at dahil doon ay inatake daw sa puso si Dad.

Ayun ang dahilan kung bakit sobra sobra na lang ang galit ko kay Caeruz.

Matapos noon ay narinig ko pang Dead on Arrival daw si Dad ng isugod sa hospital. Napahagulhol ako. Puro na lang ba laging iyak.

Iyak na lang ako ng iyak. Nakakasawa na rin kasi. Sawa na akong masaktan at pagod na akong umiyak. Baka nga isang araw ang iiyak ko na ay dugo eh, dahil sa wala ng tubig ang lumalabas sa mata ko dahil halos araw araw na lang lagi akong umiiyak.

Inaalala ang mga araw na sobrang sakit alalahanin.

"May naaalala ka ba ngayon?" Tanong nito na kinangiti ko ng sobrang pait.

"Anniversary dapat natin ngayon." Malungkot kong sabi na kinahagulgol ko lalo.

"Feeling ko mukha ka na namang dugyot. Naaalala ko tuloy nung umalis ako ng isang buwan dito sa Pilipinas pagbalik ko, sa airport pa lang eh baha na ang luha mo." Napasimangot naman ako habang singhot ng singhot.

"Mahal na mahal ba naman kita." Malungkot kong sabi.

Napapitlag ako nang may mahulog na vase sa loob. Sumilip ako kung anong nangyari. Nakita kong nakasilip sa akin si Caeruz at galit na galit ang kanyang itsura't mukhang papatay na.

"Tawagan na lang ulit kita mamaya Yacky."

"Sige sige ingat ka dyan ha. Good night."

"Good night." Pinatay ko na ang tawag at tumingin sa lalaking sobrang sama ng tingin at mukhang handa ng pumatay.

"Tss." Tumalikod ito at lumakad palabas ng kwarto ko.

Napatingin ulit ako sa aking phone at nakita ko sa lockscreen ng cellphone ko ang nakalagay sa kung anong meron ngayon.

'2nd Anniversary of Mr. Caeruz Riguel Alcantara and Mrs. Astraea Blaire Alcantara.'

Ngiting mapait ang sumilay sa aking labi. Naging Coincidence nga siguro talaga ito noh?

Sinabay talaga ang Anniversary namin ni Yaeruz sa kasal namin ni Caeruz. Ang galing!

Ginalingan talaga eh.

Caeruz at Yaeruz.

Dalawang magkapatid na simula bata pa lamang ay lahat ng bagay ay pinagtalunan. Ayun ang pagkakarinig ko sa Mom nila dati nung nagkwekwento sa akin.

Lahat na ata pinagtaluhan na daw nila. Wala sigurong mga bagay na hindi nila panagkaguluhan, pinagtalunan, pinag-agawan at pinag-awayan.

Mas matanda si Yaeruz kay Caeruz ng limang taon. Parehas kami ni Caeruz na twenty four. Pero bilib rin ako kay Yaeruz eh. Kahit anong gawin niya sya at sya pa rin ang magpaparaya.

Nakakaiyak.

Nakakapanghina.

Humiga ako sa aking kama at tinitigan ang aking kisame hanggang sa ako'y makatulog na.

***