webnovel

My Husband by Law completed

Naranasan mo na ba ma broken hearted? Naranasan mo na ba ang maloko? Naranasan mo na ba ang masaktan dahil sa pag ibig? Kung oo, parehas kayo ni Isabelle. Ngunit paano kung mag laro muli ang tadhana? 10 years later you met the guy again who broke your heart? And now in the perfect place and prefect time? Susugal ka ba ulit o mas pipiliin mo ang taong bumuo sa'yo ng panahon na sinaktan ka niya? To all the bitters in the World, Cheers to us?

ILoveMongSiya · Teen
Not enough ratings
69 Chs

Chapter 4

Please VOTE!

Nasa kasalukuyan siya ng pag hihintay kay Julius nang may taxi na palapit sa gawi niya, at lumabas mula sa passengers seat ang isang napaka gandang babae.

Parang pamilyar sa kanya ang babae ngunit hindi niya ito matandaan kung saan niya ito nakita. Hanggang sa nilagpasan siya nito at pumasok na sa hotel.

Nang maalala niya na kaya pala ito pamilyar ay dahil ito ang babae sa picture sa wallet ni Conrad. At nang tanungin naman niya ito noon ay nasabi nito na ex- girlfriend niya ito.

Pero ano naman ang ginagawa ng babae na iyon dito? Is this some kind of joke? Bigla naman kumirot ang puso niya sa na isip.

Don't tell me, it's because of her kaya hindi ito pumayag magpakasal.

Para naman malaman kung tama ang kutob niya o hindi ay minabuti niyang sundan ang babae sa hotel at pumunta ito sa Restaurant na pinanggalingan niya kanina.

(No, way! This is not tue.)

Para siyang napako ng halikan ng babae si Conrad sa labi at doon na niya na kumpirma na lihim din na may relasyon ang dalawa kaya pala ayaw siya nitong pakaslan.

Ginawa lamang siyang panakip butas nito ng magka hiwalay sila. How can she be so, idiot! Paanong hindi niya na halata?

(Ang totoo kasi ay alam mo naman na hindi ka talaga mahal nito kaya lang ay nagbulag bulagan ka dahil mahal mo siya.) Her thought says at her.

And that's a bullseye. Totoo kasi iyon dati niya pa nahahalata na hindi siya ganoon ka mahal nito ngunit binaliwala niya lang iyon.

Lumabas na siya sa hotel bago pa siya makita ng dalawa at bago pa ma ubos ang lahat ng respeto niya sa kanyang sarili. She really feels doomed right now.

Paano niya nahayaan na lokohin siya nito ng hindi namamalayan?

At sa labas habang siya ay naghihintay biglang bumuhos ang ulan. May lumapit na security guard sa kanya at inabutan siya ng payong.

"Excuse me Ma'am, you should take this umbrella it's raining." Pag aalala nito sa kanya. Mabuti pa ito ay nag aalala sa kanya.

At tila napag kamalan siya nito na foreigner marahil dahil sa kulay ng kanyang buhok. Sumenyas naman siya na ayos lang siya at saka ngumiti.

Kahit nagtataka ay hinayaan na lamang siya nito.

Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na si Julius at agad siyang sinalubong ng payong. Mababakas ang pag aalala sa mukha nito.

"Ma'am ayos lang ba kayo. Bakit hindi kayo sumilong?" Pagtataka nito. Imbis na sumagot ay sumakay siya sa kotse.

"Magpatugtog ka ng rock." Utos niya dito at sumunod naman ito.

Hindi siya umiyak kahit na konti hanggang sa makarating sila sa mansyon. Napaka sakit ng ginawa ni Conrad sa kanya. Hindi niya akalain sa pagiging mabait nito ay may tinatago itong kawalangyaan.

Kailangan niya ng rock music para kahit paano ay may ma ingay siya na maririnig. At higit sa lahat ayaw niyang marinig kahit ano na sa sabihin ni Julius dahil may pagka usisero ito.

"Seniorita, ano po ang nangyari sa inyo at basang basa kayo?" Pag aalala ni Nana Margarita sa kanya pagka pasok niya sa mansyon.

"Ihanda niyo ang pampaligo ko." Iyon lang sinabi niya at umakyat na sa kuwarto.

"Narinig niyo iyon, bilisan niyo." Utos ni Nana Margarita sa dalawang maids nila at natataranta ito. Na upo siya sa sala at binigyan siya ng mainit na tsokolate ni Nana Margarita.

"Julius, ano ba ang ginawa mo? Basang basa ni Seniorita." Naririnig niyang sermon ni Nana margarita sa driver niya.

"Wala akong alam, Nana. Kanina naman ay naka ngiti pa siya ng iwan ko sa hotel at pagbalik ko ganyan na siya. Nakita ko nga siya sa labas nagpapa ulan, parang wala sa sarili." Pagpapaliwanag naman ni Julius.

"Ngayon ko lang siya nakita ng ganyan." Dagdag pa ni Nana Margarita.

"Nana, paki sabi kay Mr. Torres pumunta siya dito bukas." Utos niya sa malamig na tono.

"Masusunod, Seniorita." Sagot nito agad sa kanya.

Walang imik siyang umakyat sa kuwarto at naligo.

Hinubad niya ang kanyang basang damit at nilublob ang sarili sa bath tub. At doon na pumatak ang luha niyang pinipigil.

Paano nagawa iyon ng taong pinahahalagahan niya? Paano?

Ang nararamdaman niya ay sobrang sakit. Mahal na mahal niya ito. Binigay niya lahat dito. Pagkatapos ay ito lamang ang gagawin nito sa kanya. Isn't too unfair?

This is the first time na may lumoko sa kanya. At ang first boyfriend pa niya na labis niyang minahal.

Matatanggap naman niya kung talagang hindi pa ito handa na magpakasal sa kanya ngunit ang hindi niya makaya ay ang pang loloko nito sa kanya.

How can he do that?

Niloko siya ng isang lalaki kahit na siya si Rence Isabelle Legaspi?

Hindi naman sa pagmamalaki pero matalino at maganda siya. Lagi siyang nangunguna sa klase. Saan ba siya nagkamali? Hindi pa ba siya sapat para maghanap pa ito ng iba?

And that's the time she realized na tama ang kanyang lolo hindi ka dapat basta mag tiwala sa kahit na sino. Ang lahat ng tao ay manggagamit at tuso. Palaging may motibo.

Napag desisyonan niya na maghanap ng pang samantalang lalaki na magpapakasal sa kanya sa papel at wala ng iba.

Hindi niya kailangan ng makakasama habang buhay at wala siyang interes na magpa tali sa kahit kanino. Mabubuhay siyang mag isa dahil manloloko lang naman ang lahat ng lalaki.

At hindi naman nakasaad sa testamento ng lolo niya na kailangan nila mag sama ang tangi lamang nakalagay ay magpakasal siya at wala ng iba.

Kung kinakailangan ay magbabayad siya para lang magkaroon ng pang samantalang asawa sa papel.

Hindi siya papayag na maloko ulit ng kahit na sino. Magbabago siya para wala ng maka panakit sa kanya. Magiging tuso siya kung kina kailngan.

At simula ngayon ay hindi niya na ka- kailanganin ang tulong ng iba, mabubuhay siya para sa sarili niya. Nothing more and nothing less.

Her grandfather was right she was too naive sa kalakaran ng buhay at kailngan niya na magbago. It's for the better.

Pagka ahon niya sa bath tub ay agad siyang nag bihis kumuha siya ng malaking maleta at doon iniligay ang lahat ng kanyang damit maliban sa kulay itim.

Pati ang iba't ibang kulay ng kanyang gamit ay inalis niya ang tanging tinira niya ay ang mga damit niya na may kulay itim. Simula ngayon ay hindi na siya magsu- suot ng ibang kulay maliban sa itim.

There are no happily ever after in life. It's just all an illusion.

Simbolo iyon ng pagtatapos ng kanyang mapait na nakaraan at ang kanyang pagbabago. Hindi niya na kailangan ng iba't ibang maganda at masiglang kulay dahil wala naman ng maganda sa kanyang buhay.

Pati ang kurtina niya ay pinapalitan niya ng itim at isinara iyon hanggang sa wala na siyang maaninag na liwanag mula sa bintana. It's just the sign of shutting herself to everyone.

For the better.

*****

They've said that one wrong or good word can change a person.

But in terms of Isabelle, isang pangyayari ang bumago sa kanya.