webnovel

My Heart Remembers

He's known as the bad boy of the school. She's known as the bad boy's "FLAVOUR OF THE MONTH". Whilst he's popular for his heroic actions and friendly personality, she's only popular because of him. He loved her, but she loved someone else. He promised himself to never stop until she says YES, but all she had to say to him was NO. All he wanted was her love. All she wanted was for him to disappear in her life. Until one day, he did. And that's when she realized that she needed him. "Sometimes, you realize too late that what you're really looking for is exactly what you just let go." (C) Story written by Tala Natsume 2019 ALL RIGHTS RESERVED

TalaNatsume · General
Not enough ratings
48 Chs

MHR | Chapter 5

"The Great Depression of the thirties remains the most important economic event in American history..."

Mataimtim na nakikinig si Luna habang binabasa ng guro nila ang leksyon sa Economics nang araw na iyon.

Iyon ang huling klase nila sa hapon, kaya ang ilan sa mga ka-klase nila ay wala nang ganang makinig sa guro at atat nang magsipag-uwian. It's Friday and everybody's excited for the weekend. Kahit siya ay excited na rin dahil uuwi siya sa kanila, sinabi ng mommy niya na gumawa ito ng paborito niyang brownies. She couldn't wait!

Ibinalik niya ang pansin sa leksyon. Nakakaramdam na rin siya ng antok pero malapit na ang exam kaya kailangan niyang magsipag sa pagno-note ng mga pointers para roon.

Patuloy lang sa pagtuturo ang guro nila nang biglang may isang college student na kumatok sa nakabukas na pinto ng classroom nila. A tourism student. Kinunutan siya ng noo.

Oh no. The man standing at the classroom door was the same man who gave her flower and note yesterday! Seann Ventura!

"Good morning and sorry to intrude," anito saka sinuyod ang tingin sa paligid na tila may hinahanap. Nahinto ang tingin nito sa kaniya saka ngumiti.

"Oh God," bulong niya. Dumagundong ang dibdib sa kaba nang pumasok ang lalaki at lumapit sa desk niya. Ang lahat ay nakasunod ang tingin dito.

"Hi, Luna."

Hindi niya magawang sumagot. Bumaba ang tingin niya sa inabot na rose ni Seann na katulad kahapon ay muling may naka-rolyong note. Nang hindi niya tinanggap ang inabot sa kaniya ay ipinatong nito iyon sa desk niya.

"Another rose from Boss. Please read the letter,"

Hindi siya kumilos. Nanlalaki ang mga matang sinulyapan niya ang matandang guro nilang si Mr. Ramirez na ibinaba ang hawak na libro saka humalukipkip. Ibinalik niya ang pansin sa lalaki, "What are you doing in my class—"

"I was instructed to deliver this to you. That's all," kinindatan siya nito saka tumalikod. Bago lumabas ng room ang lalaki ay nagpasalamat muna ito sa guro nila na tumango lang.

Nang tuluyang makaalis ang lalaki ay saka narinig ni Luna ang panunukso ng mga ka-klase. She could feel her face turned red. Napayuko siya. Oh, the humiliation!

"Can I have a look at the note, Miss Mayo?"

Napa-igtad siya nang marinig ang tinig ni Mr. Ramirez sa tabi niya. Nagulat siya sa bilis ng paglapit nito. Itinuro nito ang rose kung saan naka-rolyo ang note.

Tumango siya, "Certainly, Sir."

Dinampot nito ang bulaklak at dahan-dahang kinuha roon ang note. At sa malakas na tinig ay binasa;

'Hear my soul speak:

Of the very instant that I saw you

did my heart fly at your service,

there resides to make me slave to it,

and for your sake

Am I this patient log-man.''

William Shakepeare's The Temptest, she thought. So that was the meaning of it, huh?

"Your suitor has a classic way to confess his feelings, eh?" anang guro nila na ibinalik sa desk ang note katabi ng bulaklak. Niyuko siya nito at sandaling sinuri ng tingin. Hanggang sa, "I will let this go today, Miss Mayo. But if this happens again, you and your suitor will be sent to the School Counselor's office."

Tumango siya, "I'm sorry, sir."

Tinalukuran na siya nito saka muling bumalik sa harap, "Let's continue our lesson."

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE