webnovel

My Heart Remembers

He's known as the bad boy of the school. She's known as the bad boy's "FLAVOUR OF THE MONTH". Whilst he's popular for his heroic actions and friendly personality, she's only popular because of him. He loved her, but she loved someone else. He promised himself to never stop until she says YES, but all she had to say to him was NO. All he wanted was her love. All she wanted was for him to disappear in her life. Until one day, he did. And that's when she realized that she needed him. "Sometimes, you realize too late that what you're really looking for is exactly what you just let go." (C) Story written by Tala Natsume 2019 ALL RIGHTS RESERVED

TalaNatsume · General
Not enough ratings
48 Chs

MHR | Chapter 41

"Luna!"

Napalingon si Luna nang marinig ang tinig ng Mommy niya. Nakita niya itong hila-hila pataas ang suot na bestida habang naglalakad palapit sa kaniya. Nagmukha itong bata sa edad na cuarenta-y-sinco dahil sa ayos ng buhok nitong naka-french bun, at sa kaunting make-up.

"Let's go? Pupunta pa tayo sa mga lolo at lola mo, they are celebrating with us," anito nang makalapit.

"Susunod na ako, 'My. May dadaanan lang po ako."

"Okay, hihintayin ka namin sa kotse. H'wag kang magtagal at mukhang bubuhos ang malakas na ulan," sabi pa ng mommy niya bago tumalikod at naglakad pabalik sa parking area ng campus.

It was her graduation from senior year held at the campus stadium. Marami ang mga pamilya ng mga estudyanteng nagtapos ang nagpunta para dumalo, kabilang na ang sa kaniya.

Both of her parents were there, plus her twelve year-old brother. Maayos na ang lagay ng daddy niya kaya naka-dalo ito. Nakabawi na ito ng lakas at nakabalik na rin sa serbisyo.

Nagtapos siya ng may parangal, at ganoon din si Kaki. Kabilang silang dalawa sa sampung estudyanteng nakatanggap ng parangal at nagkaroon ng pagkakataong magbigay na kani-kanilang mga speach sa stage.

Dalawang buwan mula sa araw na iyon ay magiging college student na rin siya. At hindi na siya makapaghintay sa panibagong yugto ng buhay niyang iyon.

Doon pa rin siya sa CSC mag-aaral, taking up Literature, at ipagpapatuloy pa rin niya ang sinimulan niyang adhikaing itigil ang bullying hindi lang sa kanilang campus, kung hindi pati na rin sa buong bayan nila.

Ibinalik niya ang pansin sa mommy niya na mabilis na naglalakad patungo sa parking space. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong lumiko at mawala sa paningin niya.

Napatingala siya sa langit at doon ay nakita niya kung papaanong unti-unting tinatakpan ng makapal na ulap ang kalangitan.

It was only five in the afternoon, but the sky was almost dark.

The more I need to see her... bulong niya bago humakbang patungo sa college buildings. Nang marating iyon ay lakad-takbo siyang nagtungo sa likod ng Literature building saka hinanap ang pakay.

"Hey, Bella..." masuyo niyang tawag nang makita ito sa ilalim ng mga sirang desks, nakahiga sa makapal na tela na dinala niya para rito noon, kasa-kasama ang tatlong mga kuting nito.

Mula sa ibabaw ng mga desks ay kinuha niya ang basket na lagi niyang ginagamit sa tuwing nais niyang kuhanin ang pusa. "Come, you need to evacuate, it's going to rain tonight."

Ang pusa, na naging malapit na sa kaniya sa nakalipas na mga buwan, ay tumayo na tila nakakaintindi at binitbit ang mga kuting gamit ang bibig patungo sa basket. Alam niyang alam din ni Bella ang balak niya kaya hindi na ito nag-inarte. Madalas niyang gawin iyon sa tuwing masama ang panahon. Inililipat niya ito sa library o sa covered stadium para doon manatili habang masama ang panahon. Nais man niyang i-uwi ito ay hindi maaari. Dahil maliban sa kaniya, ay allergic din sa pusa ang mommy niya.

Kaunting sakripisyo iyon sa kaniya sa tuwing nilalapitan niya si Bella sa mga ganoong pagkakataon o sa tuwing hahatiran niya ng makakakain. She would often sneeze for minutes hanggang sa maka-inom siya ng gamot niya para roon.

Pero okay lang iyon— natutunan na rin naman niyang mahalin si Bella. Pakiramdam niya'y naging responsibilidad niya ito simula nang mawala si Ryu.

Nang maalala ang binata ay muli siyang nalungkot. Kahit si Bella ay siguradong nakalimutan na rin nito.

Dalawang araw na ang nakararaan simula nang hindi sinasadyang nag-krus ang landas nila ni Ryu sa bayan. Umasa siyang matapos iyon ay gagawa ito ng paraang magkita silang muli, o kahit ang Alexandros, para makapag-usap. Pero sa tingin niya ay hindi mangyayari iyon. Because Ryu never bothered to get in touch with her.

Naisip niyang wala na rin siguro itong interes na balikan ang nakaraan, lalo kung nai-kwento na ng mga kaibigan nito kung sino siya at kung papaano niya ito tratuhin noon.

Oh well, tiwala siyang hindi negatibo ang lahat na sasabihin ng Alexandros kay Ryu tungkol sa kaniya.

Pero teka... may positibo bang nangyari sa kanila noon bago mangyari ang insidente?

Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago ibinalik ang pansin kay Bella na ngayon ay naka-sampa na sa basket kasama ang tatlong kuting nito. Maya-maya ay siguradong mag-uumpisa na siyang humatsing nang humatsing, kaya kailangan na niyang magmadali. Sa library niya dadalhin ang mga ito dahil makalat sa stadium sa mga sandaling iyon.

Habang naglalakad patungo sa library ay napaisip siya. She was thinking what happened to Ryu...

Kung makikita pa niya itong muli...

Kung kailan ito babalik sa States...

Matapos niyang ipadala ang journal nito ay umasa siyang kahit papaano ay makatanggap ng tawag mula rito. But there was none. Nothing. Zilch. Nil. Nada.

Muli siyang nagpakawala ng mahabang buntong-hininga bago huminto at tumingala sa langit. Madilim na ang kalangitan sanhi ng makakapal na mga ulap, anumang sandali ay babagsak na ang ulan.

Sa mga oras na iyon ay kampante siyang walang makakakita sa kaniyang ipuslit si Bella at ang mga kuting nito sa library dahil lahat halos ng staff ng school ay nasa stadium kasama ang ilan pang mga natirang estudyante. Ang iba nama'y siguradong naka-uwi na o nasa parking area sa likod ng campus.

Sina Dani at Kaki ay kasa-kasama ng mga pamilya at may kaniya-kaniyang mga lakad. They were actually all invited to Dani's grand celebration, pero tumanggi sila dahil nais din nilang makasama ang kanilang mga pamilya sa araw na iyon.

Nang marating niya ang library ay kaagad niyang pinakawalan si Bella, leaving the basket under the desk. Nararamdaman na niya ang pagkati ng ilong kaya kailangan na niyang humiwalay sa mga ito.

Pagkalabas niya ng school building ay narinig niya ang pagtunog ng kaniyang cellphone sa loob ng bitbit na purse. She took it out and answered the call. Ang mommy niya iyon at nagsabing sa front gate na siya dumiretso at doon na siya ng mga ito hihintayin.

Naglalakad na siya patungo sa front gate nang maramdaman ang pag-ambon.

Muli siyang huminto saka tumingala sa langit, at hinayaang basain ng mahinang ambon ang kaniyang mukha. Flashes of lighting can be seen from afar. Naisip niyang siguro ay malakas ang ulan sa mga katabing bayan. Kung hindi pa siya magmamadali ay aabutan siya ng ulan bago pa niya marating ang sasakyan nilang naghihintay sa kaniya sa labas ng gate. Mapapagalitan siya ng daddy niya kapag naulanan pa siya.

Kaya naman ibinalik na niya ang pansin sa daan at binilisan ang paglalakad. She wanted to run but she couldnt, because her three-inches stilletos were killing her. Suot-suot niya ang dress na nabili niya noong nakaraang araw na bahagyang inililipad ng lumalakas na hangin.

Oh, mukhang mauuwi pa sa bagyo ang sama ng panahon... she said in her mind.

Sa malalaking mga hakbang ay mabilis niyang tinungo ang front gate. Nakayuko lang siya sa daan upang iwasan ang mga maliliit na bato na nagkalat doon at sa mga linyang kinatatakutan niyang pasukan ng heels niya.

She was getting closer to the front gate and was so ready to take off her shoes when she saw someone standing at the gate holding an umbrella.

Bigla siyang napa-preno.

Almost five meters away from her, there was him holding an umbrella in his one hand, while the other was shoved into his pocket. Like the usual.

Nakatakip ng payong ang kalahating mukha nito, at ang tangi lang niyang nakikita sa mga sandaling iyon ay ang mga labi nito— subalit sapat na upang makilala niya kung sino ang naroon. Biglang nag-alburoto ang puso niya.

Nag-flashback sa isip niya ang unang araw na pumasok siya sa CSC— noong araw na una sila nitong nagkita, sa mismong lugar ding iyon, sa maulan ding umaga.

May hawak din itong payong noon, subalit ito naman ang papalabas ng campus, at siya ang nakatayo sa harap ng front gate.

"Your mom told me to wait here."

Bigla siyang natauhan nang marinig ang tinig nito. Inangat nito ang payong at doon ay nag-tama ang kanilang mga mata.

"Hi," he greeted with a light smile on his lips.

Tumikhim siya at umiwas ng tingin. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya at hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito. "W—Why are you here?"

"I came to attend your graduation."

Nagulat siya sa sinabi nito at ibinalik ang tingin rito. "You did?"

Naka-ngiti itong tumango. "I was there from the start of your speech until the end. You did a fantastic job there, congratulations."

"Thank you, Ryu..." malumanay niyang sagot. She was touched, hindi niya inakalang pupunta ito roon upang daluhan ang pagtatapos niya. Ni wala siyang ideya.

Si Ryu ay napa-tiningala sa langit at sandaling pinagmasdan iyon bago siya muling hinarap. "I knew it was going to rain today. I sensed it from the Earthy smell this morning."

"So you brought an umbrella with you?" biro niya na ikina-lapad ng ngiti nito.

"What can I say? I'm always prepared."

Bahagya siyang natawa roon. Subalit saglit lang dahil nang biglang kumulog ng malakas at bumuhos ang mahinang ulan ay napa-igtad siya at mariing napa-pikit.

Simula pagkabata ay takot na talaga siya sa kulog at kidlat— sinong bata nga naman ang hindi? Hanggang paglaki niya'y dala-dala niya ang takot na iyon.

"Here."

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata, at nang makitang nakalapit na si Ryu sa tapat niya ay malakas siyang napasinghap. Akma siyang a-atras nang umangat ang kamay nito sa likuran niya at pinigilan siya. Lalong naghumindig ang mga balahibo niya.

"You don't want to soak in rain, do you?" anito, nasa tinig ang pagkaaliw.

Umangat ang tingin niya at sinalubong ang mga mata nito. Gusto niyang sabihin dito na nagulat lang siya kaya siya napa-atras, subalit muling kumulog ng malakas kaya muli siyang napa-pikit at wala sa loob na napakapit sa suot na top coat ni Ryu.

Then, she heard him chuckled. And it sounded like music in her ears. Tila tinanggal niyon ang takot na naramdaman niya. Actually, Ryu's presence was enough to ease her fear... and to give her comfort. Just him being there with her was more than enough.

Subalit nang may maisip ay muli siyang nagmulat at tiningala ito.

"Aren't you... scared of the thunder, too?"

"Oh, I was?" sagot nito saka tumingala sa langit. "I must have forgotten about my fear, too."

Hindi niya napigilang ngumiti, ibinaba niya ang kamay na nakahawak sa coat nito saka muling nagsalita. "Well I guess, that's the advantage of having amnesia. You no longer remember what you were afraid of."

Hindi niya naisip na posibleng mangyari iyon, at iyon lang marahil ang masasabing niyang magandang nangyari sa pagkakaroon ng amnesia ni Ryu. Sigurado siyang pati ang hindi pagkakaunawaan nito at ang ama noon ay nalimot na rin.

She met Ken Donovan once and she could say that he really cared about his son. Alam niyang kung ano man ang nangyari noon sa pagitan ng mga ito'y sanhi lang ng hindi pagkakaunawaan. Hiling niya na sana'y magkaroon na ng maganda relasyon sina Ryu at ang ama nito. Iris Donovan would surely be happy.

Kahit papaano ay may dala ring magandang epekto kay Ryu ang pagkawala ng mga alaala nito. He was able to overcome his trauma and start a good releationship with his father.

"Come closer, your dress is getting wet."

Natauhan siya nang marinig ang sinabing iyon ni Ryu. They were too close for comfort. Kanina pa mabilis ang kabog ng dibdib niya at para siyang papangapusan ng hininga, pero para hindi siya mapahiya rito ay inayos niya ang sarili at hindi nagpahalata.

"I saw how the wind blew your dress. Why aren't you wearing a spandex shorts? You're lucky that I was the only person in the scene when it happened."

Muli siyang natigilan sa sinabi nito. Deja vu hit her. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi siyang napikon.

Nang hindi siya kaagad nakasagot ay muling nagsalita si Ryu. "Anyway, thanks for sending back my journal."

Tumango lang siya bilang sagot sa sinabi nito.

"And thank you for writing your answers," he added tenderly.

Muli ay hindi niya sumagot at nanatili lang na nakatingala rito, staring straight to his expressive chinky eyes. Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na nakatitig lang dito, hanggang sa naramdaman na lamang niya ang pag-init ng mga pisngi.

Ryu grinned— taking her breath away.

"Why are you blushing?" magiliw nitong tanong na lalong ikina-init ng kaniyang mga pisngi.

Umiwas siya ng tingin saka umiling.

Bakit hindi siya pamumulahan ng mukha? Halos isang dipa lang ang pagitan nila sa ilalim ng payong na iyon. At kanina pa ito titig na titig sa mukha niya. She used to hate his glances and his attention, but it's different now.

"I read the whole journal last night. Thank you for writing more, I felt like I was reading a book."

Napalunok siya. "I... wrote them when—"

"When you were with me while I was in a coma," putol nito sa sinabi niya.

"How did you know?"

"You said it in your entries. You kept on saying that you like staring at me while I sleep— but if you could only choose, you'd want me to wake up already," bahagya itong natawa. "Your sketches are awasome, too. But you shouldn't have included the bandage around my head when you drew me..."

Nagpakawala siya ng banayad na tawa sa huling sinabi nito. Pareho na nilang hindi inalintana ang paglakas ng ulan at ang mahinang pag-kulog.

Ilang sandali pa'y tumigil sa pagtawa si Ryu at muli siyang matamang tinitigan. "But you know what? There is one response I like the most."

"What is it?"

"Your response to my last entry."

Doon siya natigilan saka muling pinamulahan ng mukha. Oh God, I knew it!

Nahiya siyang bigla kaya napayuko siya at napangiwi. Gabi-gabi niyang binabasa ang journal noong naroon pa iyon sa kaniya, kaya malinaw pa sa kaniyang isipan kung ano ang huling entry na tinutukoy ni Ryu.

~I love her, still. Just one last time...I need to see her one, last time.

And she could clearly remember her response to that.

I am here, Ryu. Please wake up, I am here.

PS. I am an honest person and I don't like to hide things from anybody. So, I will be truthful to you.

I stole a kiss from you.

Oh, gusto niyang magpa-lamon na lang sa lupa sa mga oras na iyon sa pagkapahiya! Why did she even write it? Dapat pala'y itinago na lamang niya iyong sikreto!

"Luna."

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang pagtawag nito, saka buong tapang na sinalubong ang mga mata ni Ryu.

And the first thing she noticed was the way he stared at her— like how he used to.

As if she was the universe!

Biglang sumakit ang lalamunan niya sa piniligil na pag-iyak. Oh, nagiging habit na niya ang pag-iyak sa tuwing may kinalaman kay Ryu.

"I just want to tell you that when we met two days ago, my mind has been troubled. I asked the boys about it because I just couldn't rest my mind in peace."

She swallowed hard. Hindi niya alam kung ano ang nais sabihin ni Ryu pero kinakabahan siya.

He continued, "When I woke up from a long sleep and met everybody, I was really scared. It has been tough for me. There were times I would doubt everybody and refused to believe in anything they say. I was told about you, watched your video, and heard your voice as you sang that Japanese song. But I didn't feel what I felt when I met you in person. Even before I learned your name, I already knew there was something familiar about you."

Nag-umpisa nang manlabo ang kaniyang paningin sanhi ng mga namuong luha. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya nanatili siyang tahimik at hinayaan itong magpatuloy.

Si Ryu ay sinuyod ng tingin ang kaniyang mukha— it was as if he was trying to memorize every detail. At nang ang mga mata nito'y dumakong muli sa kaniyang mga mata'y muli itong nagsalita.

"The video I watched didn't do justice to how beautiful your eyes are in person, how your voice sounds like heaven, and how your smile feels like a warm hand that melts my heart."

Doon na bumagsak ang kaniyang mga luha. Masaya siya— sobrang saya— na marinig ang mga salitang iyon mula kay Ryu. Pero hindi niya maintindihan kung bakit siya naluluha sa mga sandaling iyon. She never thought happiness could really make a person cry.

"I couldn't remember anything about you, Luna, and it frustrates me," Ryu said softly. "No matter how hard I try, I just can't get those memories back in my mind. But you know what? Somehow, my heart seems to remember."

Hindi na niya pinansin pa ang mga luhang nag-unahang bumagsak sa kaniyang mga pisngi. Nararamdam na niya ang paglakas lalo ng ulan pero hindi rin niya iyon inalintana. Nakikita niyang basa na rin ng ulan ang likod at mga balikat ni Ryu pero kahit ito ay hindi rin iyon pinansin.

They were both just engrossed in the moment, as if they were the only people in the world.

Umangat ang isang kamay ni Ryu at masuyong pinahiran ang mga luhang naglakbay sa pisngi niya.

"My memories of you are gone, but my heart remembers, Luna."

She sniffed, and gave him a smile.

"The doctors said I may not be able to remember anything from my past anymore. It frustrates me, but I guess I will just have to accept my fate. If... you were part of my past— like what my heart tells me— then, I'm really sorry. But... do you mind if I ask you something?"

Umiling siya habang patuloy pa rin sa pagluha. "What is it?"

"Would it be alright if we start making new memories together?"

Her heart just overflowed with joy and love she couldn't just stop from crying. Nakangiti siyang tumango habang patuloy pa rin sa pagluha. "Where do we start?"

Ryu grinned sheepsihly. Inabot nito sa kaniya ang payong.

"From the time I offered you my umbrella."

Tumango siya at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa payong. "This time, you are not giving it to me. We are sharing."

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE