webnovel

chapter 19 prince charming

Tamara POV

"Tanya"

Sino si tanya baka ex girlfriend nya lang

Tatanggalin kona sana yung pag kahawak kaso nung tatanggalin kona mas humigpit yung pag ka hawak nya eh pag ginising koto mapapagalitan ako nito lalo na pagod na pagod to sa nangyari kanina kaya dapat dahan dahan lang

Dahan dahan kong tinanggal yung kamay nya

"sawakas natanggal din yung-"

Bigla nya ulit hinawakan yung kamay ko at hinila nya ako papunta sa tabi nya kaya ngayon mag katabi kameng nakahiga sa kama pinilit kong makawala pero niyakap nya ako at di na ako gaano makagalaw ano bang akala nya unan kaya kap nya eh payat payat ko na nga

Umaga na pag gising ko wala na sya bumangon na ako sa higaan , nag hilamos tooth brush at nag bihis pag labas ko nakita ko si shine

"ah kamahalan!"

Nag bow sya sakin

"gising na po pala kayo Ayos na po ba yung mga sugat nyo?"

Tanong nya sakin

"ah ok na ako eh si ervin nakita mo?"

Tanong ko kay shine

"ah kanina po nung nandito po ako sa labas nakita kopo sya lumabas ng pinto pero di kopo alam kung saan sya pumunta!"

Sabi ni shine

"ah ganun ba? "

Tanong ko

"pero kamahalan pag labas nya po parang kala mo walang nang yari dahil yung mga pasa nya nawala kahit yung ibang sugat nya nawala !?"

Ano seyoso basya

"ano teka seryoso kaba sa nakita mo baka namamalik mata kalang!?"

Sabi ko kay shine

"hindi po eh talaga nakita kopo sya di po ako namamalikmata!"

Sabi ni shine

" ganto nalang shine pagkatapos kong kumain hanapin natin sya!"

Sabi ko kay shine

"pero malaki po ang palasyo at may pilay pa po kayo !"

"mamaya nalang po mag papakita naman po yon eh!"

Sabi ni shine sakin

Wala nalang akong nagawa kung di makinig sakanya

Pag katapos kong kumain nag lakad lakad ako kasama si shine

Hanggang napadpad kame dun sa lugar kung saan nag party at namili ang inang reyna at nakita korin yung fountain nung nilapitan ko yung fountain nakita ko na nadun patin yung bola kong jackstone kinuha ko sya at pinatalbog ko kaso di ko nasalo kaya gumulong pero si shine na ang kumuha kaya naiwan ako dito sa fountain

"ang tagal naman nya baka nawala na yung bola?!"

Hinanap ko sya at ng lakad lakad ako nang mahanap kosya di ko agad sya nilapitan

Napangiti ako

"mukang masaya naman sya mamaya kona sya lalapitan!"

Sabi ko at babalik nasana ako

"Benedict-"

Nabangga ko sya at nabitawan ko yung crutch walking ko pero nasalo nya ako nahawakan nya yung likod ko , nag ka titigan kame

Shine POV

Hinabol ko yung bola hanggang sa may nabanggang paa kaya huminto . pinulot sya nung taong nabangga ng bola

"ah ikaw pala benedict ! Pede akin na yan!"

Kinuha ko yung bola pero di nya binigay

"ano ba sabi ko amina eh!"

Sabi ko sakanya pero di nya padin binibigay

"ano ba Benedict bigay mona di akin yan sa prinsesa yan pinapakuwa nya amina baka naiinip nayun!"

Sabi ko pero di nya parin binibigay yung bola nilalayo panga eh

" sinungaling kilala kita shine sa tagal panaman ng pinag samahan natin . yung prinsesa mag lalaro ng jackstone reyoso sus idadahilan mopa eh gusto molang makuha alam mo kung mahuli ka na ginagamit mo yung prinsesa sa mga gusto mo mapaparusahan ka! "

Ba ako ba niloloko nya eh baka sya yung parusahan ko ng di oras eh

" talaga ba !??! Amina na nga ..... Woooooo!!?"

Tumingkid ako para makuha ko yung jacktone pero di ko parin maabot kasi naman ang laking tao pero dati halo leeg kolang sya nung bata pa kame eh

Sinubukan kong kunin yun jackstone pero nadulas ako at buti nalang nasalo nya ako napahawak sya sa bewang ko , ako napahawak sa balikat nya at ang muka namin mag magkadikit , nag ka titigan kame sa mata

"(krakkkk!)"

Bigla ng naputol yung titigan namin dahil sa tunog na narinig namin

"ayos kalang?"

Tanong ni benedct sakin

"ah oo ayos lang ako teka ano yun!?"

Tinignan ko nakita ko yung crutch walking nga prinsesa

" yun yung crutch walking ng prinsesa ah !"

Sabi ni benedict

"oo nga no teka baka nasa panganib nanaman sya halika!"

Sabi ko at tinignan namin ni benedict

"diba yung prinsepe at prinsesa yun kama-"

Tinakpan ko agad yung bunganga ni benedict

Kahit kailan talaga panira to ng moment kaya di nag kaka jowa eh sabagay bawal yun dito sa palasyo

"ano ba wag kanga panira ng moment nakakakilig kaya sila tapos sisingit ka ano third wheel?!"

Sabi ko habang nakatingin sakanila

Mukang si prince ervin talag yung knight ni princess candice dahil sa lahat ng moment nandyan sya parailigtas ang sang prinsesa mukang nag bago nanga ang prinsepe pero nakakainggit sila kailan kaya ako mag kakaroon ng sarili kong prince charming.