webnovel

My FakeBoyfriend

The characters and events portrayed in this story are fictitious. Any similarity to real persons, living or dead, is coincidental and not intended by the Author.

Yashnien_Baculina · Teen
Not enough ratings
30 Chs

1 Chapter One

Bekang P.O.V

"Unang araw pala ng pasukan mo ngayon bekang?" -Ang Tita Ninay ko

"Opo tita"

"Oh sige basta pag galing school. Uwi agad at mag trabaho ka. Yung laundry basket ko puno na kailangan malabhan na yun ah!!"

"Opo tita" sagot ko habang tinatabi ang walis. Katatapos ko lang mag walis sa labas at loob ng bahay, nakaluto na rin ako kaya kailangan maligo na ko dahil papasok pa ko.

Paakyat na ko ng....

"BEKANG INITAN MO KO NG TUBIG MALILIGO AKO!!!" ang pinsan kong bruhilda na si Nancy. Maganda sana siya pero ubod ng sama ang ugali!

Agad ko namang sinunod ang inutos niya dahil baka masungitan pa ko ni Tita.

Ilang minuto pa't kumulo na ang tubig at nilagay ko sa timba.

Agad naman akong umakyat sa kwarto at naligo.

Para kong si Cinderella nu? Panes hahahaha.

Agad naman akong natapos sa pag ligo ko. Hindi ko alam kung anong klaseng ligo yun. Pinaghalo ko ata ang sabon at tubig hahahaha. Mabilis lang naman ako mag ayos dahil hindi na kailangan suklayin ang buhok ko dahil wala na tayong magagawa magulo na talaga siya hahaha. Last na nag suklay ako nabungi lahat ng suklay hahahaha. Sinuot ko na lang ang salamin ko. Etong salamin ko yung isa nilagyan ko ng goma naputol e hindi ko na malagay sa tenga ko kaya nilagyan ko ng goma. Wala pa kong pambili ng bagong salamin e kaya tiis tiis muna.

"BEKANG!!!"

Agad naman akong napatakbo sa kwarto ni Nancy.

"Ano ho yun?"

"Yung medyas ko? Pakihanap nga dyan sa drawer ko."

Agad kong hinanap sa lahat ng drawer niya pero wala.

"Wala naman dito" sagot ko

"Nandyan lang yun" sagot niya habang nag memake up.

Hinanap ko na din sa ilalim ng kama niya pero wala.

"Ay eto pala hahaha"

Napalingon ako sa kanya. Hawak na niya ang medyas niya. Etong babaeng to ang sarap sabunutan. Buti maganda siya. Kung di panget na nga siya panget pa ugali niya.

"Ohh ano pang tinatayo tayo mo dyan? Lumabas ka na sa kwarto ko. Naaalibadbadran ako sa pagmumuka mo!!"

Agad naman akong lumabas.

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba.

"Tita aalis na po ako" paalam ko.

Hindi na niya ko pinansin dahil nanonood siya.

Nag lakad na lang ako dahil wala naman akong pamasahe saka hindi ako pinapasakay ng mga driver dito. Ewan ko ba pag sasakay pa lang ako. Bigla nilang pinapaharurot yung sasakyan nila. Siguro panget talaga ko hahahahaha. Kung nandito lang kasi sila Mama at Papa edi sana natutunan ko mag suklay hahahahaha. Patay na kasi sila Mama at Papa 8 years old pa lang ako. Kaya napunta ko sa Tita ko. Trabaho ako ng trabaho sa bahay nila wala man lang baon o kaya tuition. Pagkain ko daw ang pinagtatrabahuhan ko sabe ni tita. So andami ko na palang pagkain hahahaha.

Tawa ko ng tawa nu? Ewan ko ba ganto talaga ko e. Syempre kahit may problemang dinadala kailangan nakangiti ka lang. Fighting ganern. Itawa mo lang lahat ng problema. Hayaan mong problema ang mabrolema sayo. Hahahaha.

Di ko napansin na nandito na pala ko sa gate ng papasukan kong school. Isa sa pinakasikat na School ng mayayaman. Ang Camilluz High. Gulat kayo nu? Hindi ako mayaman hahaha. Scholar ako dito. First time kong makakapasok dito.

Pumasok agad ako at nakita ako ng guard.

"Ehem bawal ang di student dito."

"Ay kuya istudyante po ko dito. Tignan niyo uniform ko." Sagot ko kay kuya.

"Sure ka?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala dahil ang panget ko hahahaha.

"Opo" sagot ko.

"Ok pasok ka na"

Agad naman akong naglakad. Mapapawow ka talaga sa sobrang laki ng mga buildings. HUWAAAAW!!!

"Ang cheap niya duhh"

"Who is she?"

"Kadiri parang ang baho niya"

Bulungan ng mga nasa paligid ko. Hindi ko na lang sila pinansin kahit naman nung nandun ako sa school ko dati ginaganyan din ako hahahaha. Sanay na meh hahaha.

Mahanap na nga lang ang room ko.

----------

Kanina pa ko nag iikot at hindi ko talaga mahanap ang room ko. Malelate na ko jusko po. Napakalaki naman kasi ng school na to. Napakadaming building inisa isa ko pa. Nandito ko ngayon sa isa sa mga building at umiikot pa rin. Section A-2389B Ayun na kita ko rin salamat lord.

Pumasok agad ako sa room. At lahat sila nakatingin sakin.

"Omyghaad! Who is she?"

"Ang panget naman niya"

"Ano yang buhok niya? Pugad ng ibon?"

Hindi ko na sila pinansin at naghanap ako ng mauupuan. May nakita naman akong bakante sa dulo at agad na nag lakad

pero pag upo ko.

Eckkkkk!

Buggggss!!

Sira pala ang upuan at nalaglag ako.

Ang sakit ng pwet ko.

"Ang tanga naman hahahahaha"

Nagtawanan sila lahat.

Tumayo naman ako at inayos ang upuan at tinabe. Lumipat na lang ako sa tabi neto at buti naman hindi na sira.

Agad na may pumasok na isang magandang babae at nakasuot siya ng isang unipormeng pang guro.

"Goodmorning class"

"Goodmorning" bati nila.

Wow ang galing samin tatayo pa tapos sisigaw ng Goodmorning Mrs. Churba churba from section mabini mabuhay. Dito tamang goodmorning lang ang sagot pero ok na din hindi ako mapapaos hahaha.

"Ok I introduce myself. My name is Mrs. Denise Sta. Catalina. I'm your teacher in Physics."

Wow ang ganda niya Mrs. na pala siya.

"Ok before we start. Iintroduce muna natin ang mga sarili natin. Mag uumpisa tayo sa likod."

Nagulat naman ako. Ako lang nasa likod e. Jusko naman ako agad.

"Ms....

Nagiisip si Ma'am kung ano itatawag sakin.

"Ms. Messy hair" sabat ng classmate namin at nag tawanan sila lahat.

"QUIETTTT!" Sigaw ni Ma'am.

Tumayo na lang ako at pumunta sa unahan.

"My name is Rebecca Agustine. Im 17 years old."

"Your hobbies?" Tanong niya

"My hobbies is...

"Wag mag suklay " sabat ng classmate namin.

Nagtawanan na naman sila.

"Hey quiet! Sige Rebecca continue"

"My hobbies is reading a book." Sagot ko at agad na bumalik sa kinauupuan ko.

"OK NEXT!!"

-----

Break time na. Mabuti naman hindi talaga ko makahinga sa loob. Ang istudyante dito grabe makalait porke mayayaman. Makapunta na nga lang sa garden doon na lang ako. Baka kung ano pang sabihin ng iba sakin. May garden kaya dito? Siguro naman meron. Napakalaki ng school na to tapos walang garden.

Nagikot ikot ako at baka mahanap ko ang garden. Habang naglalakad ako ay bigla may humila sa kamay ko papunta sa pader at...

WTF?!#'-/

MAY HUMALIK SAKIN!!!!!

Sana Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Yashnien_Baculinacreators' thoughts