webnovel

You're Beautiful

Aubrey's Point of View

" Do you know that you are very beautiful Aubrey?"

Hala! Totoo nga, siya yung nagsalita.Akala ko imagination pa rin.

Naku po, ano ba dapat kong sabihin.Awkward naman.

" Ha? Ano kamo Icko?" tanong ko sa kanya.

" Ayokong ulitin, hindi kana naman nakikinig sa akin eh." sabi nya na parang naiirita pa.

Kainis naman tong taong to, gusto ko lang naman na ulitin nya. Narinig ko naman kaya lang masarap lang ulit pakinggan kaso ugali nga pala neto, ayaw ng inuulit pag nasabi na nya.

" O sya kung ano man yung sinabi mo, salamat na lang.Bakit ba kasi ayaw mo ng nag-uulit ng sinabi mo? Paano kung bingi pala kausap mo?" tanong ko sa kanya.

" Wala lang, kasi feeling ko pag inuulit meaning wala sa akin yung atensyon ng kausap ko, basta! Kaya masanay ka na pag nagsalita ako pakinggan mo na lang mabuti, ayoko ng inuulit.I dont talk too much." paliwanag nya.

Ok fine, sabi mo eh madali ako kausap.Pero ano raw? masanay na daw ako sa kanya? Haha..meaning balak nya talaga palawakin ang friendship namin.

Ang saya-saya!

Anong masaya dun, eh friends lang nga kayo, shunga!

Heh! Malakas fighting spirit ko, minsan sa friendship nag-uumpisa yung alam mo na.

Sige Aubrey, push mo yan!

Naka-dalawang music pa uli kami bago kami bumalik sa pwesto namin at umupo.

Nagpaalam sa akin si Icko at pumasok sa loob ng bahay nila.

Lumapit naman si Gwen sa akin pagkaalis ni Icko kasama yung guy na kasayaw nya kanina.

" O nasan na ang Mr.dreamboy mo, bakit iniwan kana dyan?" tanong nya pagkaupo sa tabi ko.

" Pumasok saglit at may kukunin lang." sagot ko.

" Ah syanga pala girl, ito si Khail schoolmate din natin sya. Khail ito si Aubrey kaibigan ko at kasama sa bahay." pakilala ni Gwen sa akin sa kasama nya.

" Glad to meet you Aubrey!" sabi ni Khail sabay lahad ng kamay nya.

" Same here." at inabot ko naman yung kamay nya.

" Pwedeng magtanong Khail?" tanong ko.

" Sure, ano ba yon?"sagot nya.

" Nanliligaw ka ba dito sa kaibigan ko? diretso kong tanong sa kanya.

Ngumiti sya ng tila nahihiya at napakamot pa sa ulo nya.

" Napaka straightforward mo naman, hayan tuloy mabubuking ako ni Gwen na gusto kong manligaw sa kanya.Pero salamat na rin hindi na ako mahihirapang magsabi sa kanya." natatawang sabi nya.

" Ay sorry naman, pasensya na hindi ko naman alam na hindi ka pa nagsasabi sa kanya.Haha, atleast nakatulong yung pagiging straightforward ko di ba?" hinging  paumanhin ko.

Pagbalik ni Icko ay may inabot sya sa akin na paper bag.

" Ano ito?" nagtatakang tanong ko.

" Wala lang, a token of our friendship.Sa house mo na lang buksan." sabi nya na malapad ang ngiti.

" Ah ok, thank you Icko." pabebe ko pa na sambit.

" You're welcome, I appreciate what you did for me tonight.Thank you."

sambit nya.

Maya-maya pa ay natapos na rin ang party at nagkayayaan na umuwi.

Nagpaalam na kami sa mommy ni Icko at nagpasalamat sya sa pagdalo namin.

Nagulat ako ng bigla nya akong yapusin.

" Thanks Aubrey for coming, napasaya mo si Icko sa birthday nya.Lagi kang dumalaw dito sa amin ha?"sabi ng mommy nya.

" Ah opo tita, salamat din po sa inyo." sagot ko naman.

" Wait lang, hatid ko na kayo." sabi naman ni Icko sa amin.

" Wag na, magpahinga ka na, pagod ka na mula pa kanina." pigil ko sa kanya.

" I insist.Sandali lang naman." pilit nya pa.

" Ok fine!" sabi ko na lang.

Hayun nga hindi na sya napigilan sa paghatid sa amin.Kinuha lang nya ang kotse nya sa garahe at mabilis ng nagmaneho ng makasakay na kaming lahat.

Nauna ng hinatid si Vaughn sa kanila at pagdating sa bahay akala ko aalis na agad sya pero nagulat na lang ako ng kampante pa syang umupo sa sofa namin.

" Akala ko uuwi kana?" tanong ko sa kanya.Kami na lang kasi ang nasa sala inaantok na ang mga kasama ko.

" Saglit lang pahinga lang ng konti.Then uuwi na rin ako." sagot nya.

" You want cofffee? Ipagtitimpla kita." alok ko sa kanya.

" No, don't bother dito ka lang." sabi nya sabay hila sa akin dahilan para mapaupo ako sa tabi nya.

Tinitigan nya ako.

Shocks! Bakit ba ganito tong si Icko makatingin, kinakabahan ako.

Dugdug..

Dugdug..

Heto na naman si heart parang gusto na namang lumabas sa dibdib ko.

Kasi naman kung makatitig tong taong to, wagas eh!

Nagulat ako ng ilagay nya ang mga kamay nya sa magkabila kong pisngi habang matiim na nakatitig sa akin.

Jusko Lord! Daig ko pa ang igagarote mamaya.

Gusto ko ng himatayin sa mga tingin nya.

Ano ba ang nangyayari sayo kuya, nakahithit ka ba ng katol?

Nalasing ka ba kanina dun sa juice na ininom natin?

Huhuhu..help me! Para akong naka-inom ng dulcolax sa nararamdaman ko.

Hindi naman kasi araw-araw may gwapong nakatitig sayo na parang na-engkanto.

Mas lalo ng nagwala ang mga hormones ko ng bigla nya akong dampian ng halik sa noo.

Waaahhh..nakakahiya baka oily na noo ko.

But wait, there's more...hinalikan din nya ilong ko tapos yung magkabilang pisngi ko.

God, ano ba nangyayari sa taong to, sinasapian na yata.

Huwag nya sabihin kukunin na nya ngayon ang first kiss ko? Hindi ako ready noh..Ayaw...ko!

Pero parang nanghinayang naman ako ng huminto sya at tinitigan lang uli ako.Hindi ko mabasa kung ano ba ang ibig sabihin ng mga tingin nya.

" Aubrey I think, I ...." naputol bigla ang sasabihin nya dahil....

" Aubrey, umakyat kana raw sabi ni tita!" tawag ni Gwen.

Huh! Panira ng moment tong si Gwen!

Kainis!

Next chapter