webnovel

Chapter 32

My Demon [Ch. 32]

"Hindi ka ba pwedeng hindi masugatan?"

"Ikaw naman ang may kasalanan nito eh. Kung hindi mo ko tinulak sa pader kanina, hindi magagasgasan itong siko ko," katwiran ko.

Nasa bahay na nila kami, sa kwarto niya. Sobrang laki nga ng kwarto niya eh. Halos doble ng bahay namin. Royal black and white ang theme color nitong kwarto niya, at wala kang masyadong librong makikita kundi puro gadgets. Yung mga pictures niya rin na nasa frame, puro mga naka-poker face. Wala pa kong nakita sa mga pictures niya na nakangiti.

Pareho kaming nasa kama niya. Ako nakaupo sa gilid habang siya medyo nakahiga at nakasandal sa headboard.

"Ako pa sinisi nito. Sino ba kasing nagsabi na sumunod ka?"

Hay, nag-aaway na naman kami.

"Wala."

"Wala pala eh."

"Kasi nga may kumausap sa'kin. Japanese kasi eh. Malay ko ba kung anong kalokohan ang sinasabi nun."

"Kalokohan," ulit niya at tumawa. Hampasin ko yung injured niyang braso eh!

Nilabas ko yung card na binigay ni kuyang japanese kanina mula sa bulsa ng skirt ko at pinakita sakanya.

"Para saan ba yan?" tanong ko sakanya.

Tiningnan niya muna yung front bago ang back nung card.

"Coin," he demand. Kumuha ako ng piso at binigay sakanya. Kiniskis niya yun sa silver part ng card hanggang sa may lumitaw na sanrio character.

"Wow! Melody!" amaze na sabi ko at inagaw sakanya yung card.

"Bata," he murmured. I ignored it.

"Ba't may ganito?"

"Yung owner kasi nung Pastry Shop na yun ay may-ari rin ng Sanrio Toy Parlor. And everytime they spoted a cute little kid eating inside their shop they will give a card exactly like what you are holding at, and that card could be trade a toy," he explained. In fairness, ang sipag niyang magpaliwanag ngayon.

"Ah. Edi pwede ko 'tong papalitan ng Melody?" todo-ngiting paninigurado ko.

He nodded.

"Ang cute ko pala kasi binigyan nila ko ng ganito eh," wika ko habang tinatago yung card sa secret pocket ng backpack ko.

"Uh-huh." My brow literally rose. Sumang-ayon si Demon na cute ako? Bago yun ha! "And they also thought you're a kid," he added holding his laughs. Sarap sapakin! Binabawi ko na yung sinabi kong "bago", kasi wala talagang bago.

Hindi nalang ako nakipagtalo kasi in the end, ako na naman ang looser. Napansin kong may gitarang nakasandal sa wall sa corner ng kwarto na katabi ng recliner chair.

"Marunong ka nun?" Tinuro ko yung gitara gamit ang nguso ko.

"Bibilhin ko ba yan kung hindi?" balik tanong niya.

Tinitigan ko siya ng matiim. "Pwede namang oo o hindi lang ang sagot, diba? Kailangan palaging sarcastic?"

"At pwede rin namang hindi na tanungin ang obvious, diba?"

Sabi ko nga. Wala talaga akong laban sa isang ito. Gaya ng madalas, napatameme nalang ako.

"Patingin nga ng siko mo." Hindi pa ko nakakasagot kinuha na niya ang elbow ko. Wala namang sugat, gasgas lang. Nung pagtulak niya kasi sa'kin sa pader kanina, tumama yung siko ko kaya nagkaroon ng gasgas.

"Napaka-careless mo. Hindi marunong mag-ingat sa sarili."

"Sino kaya 'tong marunong mag-ingat sa sarili?" Tumingin ako sa kaliwang braso niya na nagsisimula ng magkapasa.

"I'm strong enough to take care of myself. Whom I have to take care is. . ." He paused and stared at me intently. ". . . you."

Hindi ako nakaimik. Nakatingin lang siya sa'kin, ganun din siya. I wonder kung anong itsura ko ngayon. Ano ba ang itsura ko kapag nagpipigil ng kilig?

"Ang clumsy mo kasi," dagdag niya na sumira ng atmosphere. Okay na eh! Okay na okay na sana, dinagdagan pa ng pang-iinsulto. Hmp. Wala eh. Siya si Demon.

"Grr!" Inambahan ko siya ng suntok. "Pasalamat ka injured yang braso mo." Oha?! Gayang-gaya ko na ang pagti-threat niya. Haha! Sabi ko naman sainyo eh, idol ko siya.

Nag-chuckle siya at hinampas ako ng unan sa mukha. Kung hindi niya lang talaga ako hinampas malamang natulala na naman ako sakanya. Ang ganda niya kasi tumawa at napakasarap sa pandinig ng sound ng tawa niya. Partida bihira pa siyang tumawa ng totoo: hindi mapang-insulto at sarcastic.

"Masakit ba?" I know I asked the obvious, and I can't hide the worriedness at my voice.

"Nope." Liar! Kahit malakas at matapang siya, alam kong masakit yan. Bakit kaya tinatago niya ang mga ganitong klaseng feeling? Hindi naman nakakabawasan sa pagkalalaki niya kung magpapakita siya ng kahit kaunting kahinaan eh.

"Gusto mo kiss ko?"

Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa'kin as if tinitest kung gagawin ko ba talaga. Well, dahil naman sa'kin kung bakit na-injure ang braso niya. Dahil sa pagtatanggol niya sa'kin. I owe him a lot more than a kiss.

Wala pa rin ni isang salita ang lumalabas mula sa bibig niya kaya naman lumapit ako sakanya, yumuko and planted a kiss on his injured arm. Mga tatlong segundo atang nakadikit ang labi ko sa malambot at makinis niyang balat.

Pag-ayos ko ng upo, nakatingin lang siya sa'kin na parang hindi makapaniwala sa ginawa ko. Hello, knock knock! Sa braso ko lang siya ni-kiss. Hindi sa lips.

"Aray!" he suddenly howled while touching the side of his lips. "Ang sakit nito. Ang sakit-sakit." May papikit-pikit pa siyang nalalaman. Ang OA niyang umarte, swear!

"O, ano ngayon?" Akala naman niya hindi ko alam na nag-iinarte siya. Excuse me! Hindi ako slow, noh!

"Kiss mo din. Ang sakit eh. Sobrang sakit. Outch!"

"Diba sabi mo, you are strong enough? Tinanong kita kanina kung masakit yung braso mo sabi mo hindi."

"Mas masakit 'to, Soyu. Mas masakit 'to kaysa sa braso ko. Outch! Ang sakit talaga. Isang kiss lang gagaling na talaga 'to."

"Lelang mo! Hindi ka naman nagpapatama sa mukha eh. Ni wala ka ngang gasgas dyan sa mukha mo."

Aangal pa sana siya nang biglang bumukas yung pinto. Pumasok si Tito Romeo na may kasamang isang doctor at dalawang nurse.

"Knocking is free, Dad."

"Tutal ayaw mong pumuntang ospital, sila na ang mismong pinapunta ko dito," Tito Romeo told more serious. Kanina pa kasi niya pinipilit si Demon na pumuntang ospital para ipagamot yung injury niya kaso ayaw nito. Katwiran pa niya, gagaling yun kahit walang tsetseburetse. Gagaling nga pero matagal.

Lumapit ang doctor at dalawang nurse with their apparatus kaya umalis ako ng kama at pumwesto sa gilid ni Tito Romeo.

"Sige, subukan mong lumapit," banta niya sa doctor habang sinasamaan ng tingin. Kitang-kita ko kung paano matigilan yung doctor maging yung dalawang nurse na kanina lang ay nagpapa-cute sakanya.

"Keyr, wag matigas ang ulo. Para sa'yo rin yan." There's an authority on Tito Romeo's voice.

"Tama yung daddy mo. Para sa'yo rin yan," nagsimula na kong makisali sa usapan. "Wag ka ngang maarte. Che-check-up-in ka lang naman at bebendahan, hindi ooperahan."

At the corner of my eye, nakita kong tumango-tango si Tito Romeo bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. "Atsaka ayaw mo nun? Mabilis gagaling yang injury mo, para pwede ka na ulit makipag-away."

Nasamid si Tito Romeo habang yung doctor and nurses naman ay natawa.

I smiled at Demon assuringly whose glancing back at me with a mischievous smile playing on his lips. Nagustuhan niya ata ang huli kong sinabi.

Next chapter