webnovel

My Dear Werewolf

A story about Fritz Anderson who is a savior of his place, a courageous man who always shows his human kind to others though he’s werewolf. He can’t fall inlove with a person who is not compatible with. But what if he fell inlove to a person named Francine Medina? Will he take a risk or will he do everything to keep hidden from her? THIS IS WRITTEN IN TAGALOG

_callmeB · Fantasy
Not enough ratings
25 Chs

CHAPTER 2

Napatingin ulit siya sa mga tao at saka nagsalita ang dalaga sa mga taong tumulong sa kanila.

"Salamat sa inyo boys" aniya at nagpalakpakan ang mga lalaki. "may reward kayo sa'kin" at biglang naantig ang pandinig ni Andy sabay lingon niya sa dalaga.

Lumingon siya sa binata at hinila ang kamay niya nang magulat ang binata sa ginawa niya.

"Pre reward daw!" Aniya at binatukan ng bitana ang babaerong bestfriend niya.

Lumapit si Andy sa isang matandang babae nang makaamoy siya ng hindi maganda. Hindi na niya iyon pinansin at nagtuloy pa din siya para makalapit sa dalaga. Pinagkakaguluhan ang dalaga ng bigyan ng tig 1k ang mga lalaki. Big deal na ang 1k dahil sa hirap ng buhay sa Scotland.

Pila pila sila nang si Andy na ang sunod sabay humarap ang isang matandang babae.

"Pansin kong kanina ka pang titig ng titig sa pamangkin ko ha?" Sita niya sa kaniya at namula ang lalaking babaero. Pinagtawanan lang iyon ni Fritz at kumaway siya sa dalaga. Nagpapapogi ang lokong mokong.

"H-hindi po tita, Andy nga po pala" pakilala niya at nilahad niya ang kamay niya. Sabay abot ng Tita ng dalaga nang mapilipit sakit si Andy.

Lalo siya tinatawanan ni Fritz pero sinaway ni Francine ang kaniyang tita.

"Sige na tita, para malibang ako" paalis niya sa kaniyang tita at tinignan ng masama si Andy.

Napakamot na lang sa ulo si Andy at nakatitig siya sa binata, Si andy ang nakatitig sa dalaga.

"A-ano daw pangalan mo sabi ni fr-fri—" biglang tinakpan ng binata ang bibig ng mokong niyang bestfriend.

"Francine" sabay ngiti niya sa dalawa. Napalingon si Fritz at tumingin ulit sa malayo.

"Siya si Fritz" ngiti niya sa dalaga nang binatukan na ni Fritz ang bestfriend niya. "Nakakahiya ka na pre!" Bulong lang niya.

Biglang humarap ang dalaga sa binata at siya ang naglahad ng kamay. Kinamayan naman iyon ng binata at magkahawak lang sila ng kamay. Nagkakatitigan ang dalawa mata sa mato nang kuminang iyon at ngumiti ang binata at ngumiti na din ang dalaga.

Biglang inakbayan ni Andy si Fritz at natigil sila sa pagtitigan.

"S-so matagal na kayo rito?" Tanong ng dalaga sa dalawa

"Since birth pa kami rito, kami na ni Andy ang magkapatid" sagot ni Fritz na nagagalak.

"Talaga? Maganda ba rito?" Tanong niya ulit sa dalawa sabay nagtitigan ang dalawa.

"Hindi ka puwedeng lumabas sa gabi at actually—" putol ni Fritz nang makarinig siya ng tulong mula sa kabilang bayan.

"Mabuti pa't pumasok ka na, bisitahin ka namin sa susunod" wika ni Fritz sa dalaga at hinatin ng dalawa si Francine.

KUMAWAY ang dalaga sa dalawa at pumasok na siya sa loob ng bago nilang bahay nang maayos na ang lahat. Kanina parang masiyadong magulo ang bahay at parang gumawa ng himala ang tita niya.

"Tita hindi pa 'to ayos 'di ba?!" Aniya sa tita niya nang napataas na lang ng balikat ang tita niya at umiling na lang ang dalaga.

Pumasok siya sa bago niyang kuwarto at maaiwalas itong tignan, napakaganda ng kwarto pero nagtataka pa din siya paano niya nagawa iyon. Nilagay lang niya sa gilid ang mga gamit niya na naiwan sa kotse at nahiga sa malambot niyang kama. Nakatitig lang siya at may nakita siyang papel sa gilid niya nang hinablot niya iyon at nakita ang papel na "Kill freywolf" pero nang tinalikod niya ang papel ay may number iyon mukhang si Andy ang nagbigay. Loko talaga ang lalaking 'yon.

Sino si freywolf? Ayun ang pumasok una sa isipan niya at siya ba ang sinasabi ni tita na superhero daw?

Tumayo siya at sumilip sa bintana. Kitang kita ang mga dikit dikit na eskinita roon, mga mala lumang bario ang dating at napaupo siya sa terrace. Tinext niya si Drew na ex boyfriend niya.

To: Andrew

Huwag mo na ako guluhin, hindi na kita mahal

Nakatitig lang siya sa text niya at hindi niya mapigilang maluha. Dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan at namatay ang parents niya nang dahil sa kaniya. Naging 3months lang ang relasyon ng dalawa.

From: Andrew

Bahala ka, hindi na din kita susundan pa. Maraming salamat sa lahat.

At iyon ang huling text nilang dalawa. Bumalik ang dalaga sa loob at kinuha ang mga gamit niya na tinago niya, mga sulat papel ni Andrew sa kaniya nang sila'y magkasintahan pa. Bumaba siya at lumabas nang makita ang tita niyang nagpapa apoy sa likod. Bigla ko tinapon ang mga papel

"Oh? Kung noo'y ayaw mong ipatapon 'yan ha!" Aniya sa dalaga

"Walang wala na kami tita, hindi siya mabuti para sa akin. Tama ka nga" sagot lang ng dalaga at napaupo siya sa tabi niya.

Inakbayan lang siya ng kaniyang tita na laging nakasupporta sa kaniya mula noong namatay ang magulang niya dahil kinain raw sila ng warewolf. Kaya ayaw na ayaw niya sa mga warewolf nang dahil do'n.

"Alam mo? Mas okay pa yung Fritz kaysa kay Andy" banggit ng tita niya at natawa na lang si Francine.

"Tita!! Kakakilala pa lang namin at unang araw pa lang ha" sagot naman ng dalaga at nagtawanan na lang sila.

Hindi maipagkakailang magkasundo sila dahil walang anak ang kaniyang tita at wala na ang mga magulang niya. Napakabuti ng kaniyang tita at maalaga. Binibigay ang lahat sa kaniyang pabirong pamangkin.

TAKBO LANG ng mabilis ang isang werewolf kung saang hindi na siya nagpaligoy-ligoy kung saang destinasyon na siya makarating at nakita na niya ang lalakeng target niya na may dalang bag at palayo. Hinabol niya iyon at kinalmot niya sa likod ang magnanakaw.

"W-wag po... maawa ka sa-sakin" wika ng lalaki habang hawak nung werewolf ang damit niya.

"K.R.I.M.I.N.A.L" Malaki at malalim nitong boses

"Wag... " naiiyak na yung lalake at nilapit niya ang ilong niya sa mukha ng lalaki

Pinagtawanan siya ng lalake at mukhang nawawala na sa katinuan ang lalaking hawak niya. Kinagat niya ang paa ng magnanakaw at nahulog yung lalake sa pagkakahawak niya. Tinali niya iyon sa poste na punong puno ng langgam.

"MAAWA KA SA AKIN! MAY PAMILYA AKO" iyak ng lalake sa batang werewolf.

"NO MERCY SA MGA TAO KRIMINAL" sagot niya nang tumalikod siya at tumalon para balikan ang babaeng sinaksak niya.

Binalikan niya ang babaeng may saksak sa tiyan at mababaw lang iyon. Hinawakan niya iyon at sinipsil ang dugo niya. Matapos niyang gawin iyon ay agad niyang pinulso ang babae. Biglang tumibok ang puso niya at unting unting nadilat ang mata niya, umalis agad ang werewolf sa paningin niya at may iniwan siyang bag at papel.

Your bag! Love, Freywolf

Nagulat ang werewolf nang tumingin siya sa langit at kinaway niya si Fritz. Napatingin ang binata sa kan'ya mula sa isang bubong ng isang bahay at kumaway na din ang binata sa kan'ya.

Pag balik niya ay wala si Andy sa rooftop kaya bumaba ang binata nang madatnan niyang si Andy sa salas na may kausap sa phone at ginagawa ang ginagawa ng mga lalaki. Umiling na lang ito at pumasok sa loob ng kuwarto niya.

MAAGA nagising ang binata dahil may tumunog sa kaniyang cellphone at may text agad na hindi kilalang number.

From: 09246964725

Hey, This is Francine, Andy gave me your number kasi i have some question for u!!

Napabalikwas ang binata dahil hindi niya pinapamigay ang number niya, unless kung ito ay importante.

From: 09246964725

Goodmorning pala :)

Napangiti na lang ang binata dahil iyon ang unang beses na magkaroon siya nag katext na babae. Binitawan niya agad ang phone niya nang biglang pumasok ang kaniyang mokong niyang bestfriend na maaliwalas ang mukha.

"Pre naman kumatok ka naman" gulat ng binata at umupo sa higaan niya

Tinabihan niya ang kaniyang kaibigan na sinusungitan na siya. Nang makita na ni Fritz ang oras ay tumayo agad siya, senyales na para kumilos dahil may pupuntahan ang binata kasama sila Jake at Mike. Habang naliligo siya ay nakita niya ang diyanate na umiilaw, hudyat na susugod ang kaniyang dalawang kapatid kaya nagmadai agad ang binata at umalis nang walang paalam sa kaibigan niya.

Nagpunta agad sa kota ang binata nang nagkukumpulan sila at nagsasalita ang lider na si Wendy. Pero lumapit si Jake,

"Late!" Bulong niya at binatukan niya ang kaibigan.

"May isang sasali sa pamilya natin" wika lang ni Wendy nang gumilid ang mga tao. Napatingin kaming tatlo at nagulat ang binata nang tita ni Francine ang papunta sa harapan namin.

"Ikaw yung--" gulat ni Fritz nang siya kinangiti ng matanda. "Oo iho, ikaw si Freywolf?" Tanong ng Tita ni Francine

"Oho tita, pasensiya at mali ang akala niyo kay freywolf?" Wika lang ng binata pero hinawakan ng matanda ang braso ng binata. " ano? Si freywolf? Masamang nilalang? Pinagmamalaki kita sa pamangkin ko" sagot lang niya nang siyang kinangiti ng binata.

"Hindi ho tita, ang ibig ko pong sabihin ay nangpapatay raw ako ng tao" sagot ng binata at ginulo lang niya ang buhok ni Fritz.

Humarap ulit ang lahat sa lider.

"MALAPIT NA ANG PANUNUGOD NILA DENY THE DEMON DITO, MAGSIPAGHANDA KAYO DAHIL ANUMANG ORAS AY DADATING SILA SA ATIN" hayag ni wendy mula sa taas ng hagdanan.

Animo'y natatakot ang iba at hawak ng binata lamang ang bato nang makaamoy siya ng hindi maganda. Nanghihina siya at mabilis ang tibok ng puso. Napakapit siya sa hagdanan at nakikita nilang nag iiba ang anyo ng binata, nakikita din niya ang sarili niya pero hindi na niya namalayang nasa likod niya ang dalawa. Nagkagulo sa kuta nila.

"F-fritz? B-bunso" wika ng Ate sa binata sabay ng tingin ng masama sa kaniyang sariling kapatid.

"Bumalik kana samin bunso magsama-sama ulit tayo" entrada ng Kuya sa bunso sabay na nag hissing ang binata sa galit.

"KAHIT KAILAN WALA AKO KAPATID NA HANGAAAAL!" malakas ang sigaw ng binata ngunit naghanda ang dalawa kaya sinugod siya na mag isa lamang.

Nakalmot ng binata ang Ate niya hudyat na dumating ang mga kalaban at sinugod ang iba. Nabalian naman ng buto ang Kuya dahilan ng siyang kinasigaw ng Kuya. Inaawat nila ang binata pero hindi na nila maawat pa hanggang sa umalis sila sa bahay at naganyong tao ulit sila, ang galit ng binata ay unting unting naglaho hanggang sa matumba siya sa kinaroroonan niya.

Nagising nalang ang binata bahay niya mismo na puro benda at galos sa katawan, bantay lamang siya ng lider at ng dalawang kaibigan niya nang biglang pumasok sa kuwarto si Andy at biglang sinakal ni Jake iyon.

"W-wag...a-alam niya l-lahat" wika ng binata na nanghihina sabay baba ni Jake kay Andy na takot na takot lumapit papunta sa higaan ng binata.

"Pre. H-hinaha-hanap k-ka ni Francine sabi ko nasa mall ka" utal utal niyang wika dahil sa takot niya sa dalawang kasama ng binata.

"S-sabihin mo s-sulatan ko siya" sagot lang niya sabay pikit niya dahil sumasakit ang mata niya. Ito ang senyas na nagpapatay nanaman ang dalawang kapatid ng mga tao.

TO BE CONTINUE..

———————————-

Don't Forget to leave a comment, Vote and have a feedback to my story. All the love - B