webnovel

Season 2

Leo's Pov

Nang mga nakalipas na taon ay maraming pagsubok pa din ang dumating sa buhay namin. Nalalagpasan naman namin ito as long na magkasama kami ni Blessy solusyunan ito. Nakalipat na kami ng bahay at ang kambal ay limang taong gulang na.

"Love tignan mo na yung kambal kung nakabihis na. Malelate na sila sa school eh." utos sakin ni Blessy.

"Love maaga pa at isa pa first day of school kaya malamang wala namang gagawin sa school kaya kahit malate sila ay hindi sila papagalitan. Ikaw talaga love, masyado kang natataranta. Huwag kang mag alala sa kambal, kaya nila yan." sabi ko.

"Mama! Si Hunter hindi pa po tapos magbihis." sabi ni Luther na panganay sa kambal na kakababa lang.

"Oh siya sige umupo ka na dito at kumain ka na." sabi ni Blessy.

"Mama tapos na rin po ako. Ano pong almusal?" tanong ni Hunter ang bunso namin.

"Maupo ka na din dito at kumain. Tinimplahan ko kayo ng gatas at nagluto ako ng sinangag at longganisa." sabi ni Blessy.

Ganito kami tuwing umaga, sabay sabay kaming nag aalmusal bago ako umalis papuntang opisina. Hands on si Blessy sa pag aalaga ng mga anak namin. Kapag kailangan nyang pumunta sa daycare na pag aari nya ay sinasama nya ang mga bata. Pero ngayon papasok na ang mga bata sa school.

"Pupunta ka ba daycare love?" tanong ko kay Blessy.

"Hindi, gusto ko kasi ihatid at sunduin muna ang kambal. Bukas na lang muna ako pupunta sa daycare." sabi ni Blessy.

"Ganun ba, hindi na rin ako papasok ng opisina." sabi ko kay Blessy.

"Ha! Bakit?" tanong ni Blessy. Lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Para masolo na kita. Ang tagal ko nang hindi nakakascore sayo dahil sa kambal eh. Pagbigyan mo na ako." bulong ko sa kanya.

"Hihihi! Sige na nga, nakakaawa ka naman eh." sagot ni Blessy.

"Yes!" sigaw ko.

"Papa ang ingay mo po!" sigaw ni Hunter.

"Siguro gagawa na sila ng kapatid natin." sabi naman ni Luther.

"Teka alam mo ba kung paano sila gagawa ng kapatid natin?" tanong ni Hunter.

"Siyempre naman! Pupunta sila sa mall tapos bibilihin nila yung kapatid natin sa mall." sabi ni Luther.

"Ang gulo mo, sabi mo gagawa tapos ngayon bibili." sabi ni Hunter.

"Eh yun ang sabi sakin eh." sabi ni Luther.

"Aba saan nyo naman natutunan yan?" tanong ko sa mga bata.

"Kay tito alien pogi po." sagot ng dalawa. Alien pogi ang tawag ng mga anak ko kay Vincent.

"Naku kung ano ano na ang natututunan nyo sa mga tito nyo. Hala bilisan nyo na kumain at mahuhuli na kayo sa klase. Huwag magulo mga anak ha at makikinig sa teacher." bilin ni Blessy sa mga anak namin.

"Yes po mama!" sagot ng dalawa.

Kumain kami ng pamilya ko habang nakikinig sa mga bilin ni Blessy sa kambal. Pagkatapos namin kumain ay sumakay na kami sa kotse at hinatid ang kambal sa school. Pumunta muna kami ng supermarket para bumili ng groceries.

"Love dun tayo sa meat section. Anong gusto mong kainin mamaya?" tanong ni Blessy.

"Di ba sabi ko ikaw ang gusto kong kainin." bulong ko sa kanya.

"Ikaw talaga ang laswa mo minsan." sabi nya sabay hampas sa akin.

"Gusto mo naman." sabi ko.

"Oo na!" sagot nya.

"OMG! Ikaw ba yan Leo?" sabi nung babae sa harap namin.

"Sino ka nga?" tanong ko.

"Si Irene, anak ako ni Mr. Lacson isa sa mga nakabusiness ng daddy mo. Di mo ba ako natatandaan? Lagi tayong magkausap sa table kapag dumadalo tayo ng business party." sabi ng babae.

"Sorry miss, di kita kasi maalala eh." sabi ko.

"Gosh it hurts ah. By the way maaalala mo rin ako. Lalo pa ngayon na lagi tayong magkakasama sa business. Pumirma ang daddy ko ng contract sa business mo. Gosh im so excited, makakasama na kita palagi." sabi pa nung babae.

Napatingin ako kay Blessy. Shit mukhang galit ang asawa ko, wala ka kasi makikitang reaction sa kanya. Ganyan kasi ito paggalit.

"Sige miss mauna na kami." paalam ko sa babae.

"Huwag muna Leo, ang tagal nating di nagkita eh. Samahan mo muna akong maglunch." sabi nung babae.

"Hindi pwede may lakad kami ng asawa ko." sabi ko.

"What!!!! May asawa ka na? Paano ako? Sabi mo nuon papakasalan mo ako. Anong nangyari sayo Leo?" nagulat ako sa sabi nung babae.

"Sige Leo mauna na ako. Mukhang marami pa kayong pag uusapan ng babaeng yan." sabi ni Blessy. Tapos bigla itong umalis at iniwan sakin ang mga cart. Hahabulin ko sana si Blessy kaso pinigilan ako ng babae.

"Hayaan mo na sya. Di ba ako naman talaga ang mahal mo? Halika na lunch tayo." pag aaya nung babae. Inagaw ko ang kamay ko na hawak hawak ng babae.

"Wait lang miss, una sa lahat may asawa na ako. Pangalawa, hindi kita kilala at hindi kita matandaan. Pangatlo, sinisira mo ang relasyon ko sa asawa ko. Ano bang problema mo?" tanong ko sa babae.

"Pero Leo, ako lang dapat ang maging asawa mo. Lalo pa at...." pinutol ko ang sinasabi ng babaeng ito. Nakakainis na ah, wala akong maalala sa sinasabi nitong babaeng ito.

"Dyan ka na miss, wala akong balak na makinig pa sa mga kalokohan mo." sabi ko at saka umalis. Pero bago ako makalabas narinig ko ang sigaw nya.

"Magiging akin ka pa din Leo! Tandaan mo yan." sigaw nya.

Hindi ko na pinansin ang sigaw ng babaeng yun. Lumabas na ako at hinanap ko si Blessy. Wala na ang kotse namin sa parking lot at malamang dala na ito ni Blessy. Mukhang iniwan na ako ng asawa ko.

Sumakay ako ng taxi at tinawagan ko si Blessy pero ayaw sagutin. Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay wala pa si Blessy. Pumunta ako sa kabilang bahay para malaman kung nandun si Blessy.

"Oh Leo anak, bakit ka nandito?" tanong ni mommy.

"Mom, napadaan ba dito si Blessy?" tanong ko.

"Hindi, kanina pa kami dito ng mommy mo pero hindi namin pa nakikita ang asawa mo." sagot ni daddy.

"Ano bang nangyayari sa inyo?" tanong ni mommy.

"Ewan ko po. Hinatid namin ang mga bata sa school tapos maggogrocery kami. Habang nasa supermarket kami may humarang sa aming babae at kung ano ano ang mga pinagsasabi." sabi ko.

"Baka naman Leo may ginagawa kang kalokohan?" tanong ni mommy.

"Mom, mahal ko ang asawa ko at kahit kelan ay hindi ko siya ipagpapalit. Masyadong mahalaga sa akin ang pamilya ko para sirain ito." sabi ko sa kanya.

"Eh sino daw yung babaeng humarang sa inyo?" tanong ni daddy.

"Hindi ko sya kilala daddy pero nabanggit nya na anak sya ni Mr. Lacson yung nakabusiness mo. Isa pa kakapirma ko lang ng contract kay Mr. Lacson dahil alam kong maayos kayong business partner. Pero hindi ko matandaan yung babae. Sabi nya lagi kaming magkasama sa mga business party. Pero bakit wala akong maalala?" tanong ko.

"Anong pangalan ng anak ni Mr. Lacson?" tanong ni daddy.

"Teka..... Ah tama Irene daw po." sabi ko.

"Shit! Gulo to. Bakit pa bumalik ang babaeng yun sa Pilipinas." sabi ni daddy.

"Kilala nyo po sya? Baliw nga po yun eh. Sabi nya papakasalan ko daw sya, wala naman akong matandaan na sinabi ko sa kanya." sabi ko.

"Anak, mukhang magkakaroon tayo ng malaking problema. Sasabihin namin sayo kung sino ang babae na iyon at pagtapos maige pang kausapin mo si Blessy ng masinsinan tungkol sa babaeng yun." sabi ni mommy.

"Mom..."