webnovel

My Brother's Bestfriend

Are you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt? If NO? Don't read this story it's your choice Then, If YES? Be ready to feel it and read NOW.

Hilarious10 · Teen
Not enough ratings
30 Chs

Chapter 12

******

Pagtapat nga namin sa bahay namin ay nagulat din ang mga kaibigan ni kuya sa pagdating namin. "mauna ka na! Pero ipakilala mo kami ah?" bulong ni beks habang nakangiti ng todo sa mga ito.

"hi! Wait lang ah… itatabi lang namin ang mga ito ng makadaan kayo" si koyang cute habang isa isa nila tinanggal ang mga gamit nila na nakaharang.

"hi! Anong pangalan nyo?" si bakla na namimilipit na ngayon sa kakirihan! Jusko! Yari ako kay kuya nito eh… HaYs..

Nagulat naman ang mga ito sa inasal ni rica.. At nagbawi din ng pagkagulat. Ngumiti ang mga ito at isa isang nag pakilala.

"hi! I'm james" isa sa mga friend ni kuya na simple kung manamit.

"harold" isa sa mga so called bad boy type na friend ni kuya pero malakas ang dating.

"I'm harry! Nice to meet you all" si koyang cute! Bagay na bagay sa kanya ang name nya.

"Jasper!" kaway naman nung isa.. Wow! Ang neat nya tingnan ito ata ang best asset nya para maging gwapo eh.

"ahem! Win! Pakilala mo na kami!" kurot nito sa bewang ko.. Naku! Kung hindi ko lang talaga kaibigan tong bakla na'to!

"a-ah.. Hehehe.. Ah nga pala.. Mga friends ko si Rica"

"hi! Mga boylets! Nandito lang ako pag kailangan nyo! Taga bigay ng ligaya!" sabay kindat sa mga ito! Jusko! Nakakahiya talaga itong si bakla! Yung dalawa naman napatulala sa sinabi ni beks.. Samantalang yung mga friends ni kuya ay nagpipigil ng tawa.

"anyways! Si sheryl "she" nalang.. Tapos si deo" isa isa ko silang tinuro at pinakilala.. Si bes nag "hi" lang habang namumula si deo naman tumango lang.

"oh! Tapos na ba-" napatigil sa pag sasalita si kuya ng makita nya kami kasama mga friends ko. "oh! Aga mo ata ah?! Pumasok na kayo dito! Naabala nyo iyang mga yan!" si kuya nagsungit na naman! Kaya pumasok na kami sunod sunod sa bahay.  Nagkatinginan naman kami ni jesthle pababa ng hagdan na kinagulat ko..

Hmm.. Mukhang okay naman sya ngayon kasi normal ang mukha nya eh.. Pero biglang nagdilim paningin nito kaya sinundan ko ang tingin nito na lumampas samin. Nakatingin ito ng masama kay deo.

"Hi! Jesthle!" bati nito pero hindi sya pinansin at nagdire-diretso sa labas ito. "hmp! Sungit!" padabog na upo ni bakla habang naka dekwatro.

"oh! Anak nandyan na pala ikaw! Aba! Sino ang mga kasama mo?" tanong ni nanay na kalalabas lang sa kusina.

"hi! Magandang hapon po ako po si Deo!" sabay mano nito kay nanay na kinabigla namin.

"aba! Magalang ang batang to ah!" nakangiti kay deo.

"magandang hapon po! Ako naman si Rica pretty"

"magandang hapon din po! Kilala nyo na po ako" nahihiyang sabi ni she  kay nanay.

"Ay magandang hapon din! Kumain na ba kayo? Hali kayo at may niluto akong champorado! Saktong sakto sa inyo ito.." sabi ni nanay na pumasok ng kusina.

Nagtinginan ang mga ito at nag ngitian.. Alam na this! Hindi nila palalagpasin ito. Kaya sumunod na kami kay nanay sa kusina.  Walang pakundangan na kumain ang mga ito.. Mga feeling at home!

"wow! Nay! Ang sarap naman ng luto nyo!" nambola pa itong deo na'to! Syempre weakness ng nanay ko yung pinupuri jusko!

" alam mo nak! Paborito na kita! Hahaha!" sabi ni nanay sabay gulo ng buhok nito kay deo.

"tss.. Pakitang gilas!" sinamaan sya ng tingin ni bakla pati ni bes.

"inggit lang kayo!" sabi nito at nilantakan na ang champorado na may bear brand powder.

"umamin ka nga! May gusto ka ba kay win?!" si she na nakabusangot ang mukha habang nakain.

"eh ano ngayon kung sabihin ko na OO!" sabay kindat nito sakin na natawa lang ako.. Kahit kailan maloko talaga ito.

"naku win! Wag na wag mo sasagutin pag nanligaw yan ah?!"si bakla habang nabelat pa kay deo na talagang inaasar pa!

" tss.." si jesthle na masama ang tingin sakin habang nakuha ng  tubig sa ref. Bago lumabas ay tinapunan nito ng tingin si deo na busy sa pagkain.

"alam mo bes! Napapansin ko na parang nagseselos yun kay deo!" pabulong na sabi ni she sakin.

"praning ka ba? Imposible noh! Ganon talaga yun!" bulong ko dito. Hay naku! Napaka imposible. Talagang mairitahin lang lagi yun sakin.

"hay! Ang sarap talaga!" himas ni deo sa tiyan niya na ngingiti ngiti.

"oh! Tapos na ba kayo? Pasensya na kayo at kinuha ko ang mga sinampay kaya nawala ako bigla. Kain lang kayo dyan." si nanay na bitbit ang mga nilabhan.

"okay lang po.. Maraming salamat po!"sabay sabay na sabi nung tatlo.

After kumain at magpahinga ng ilang minuto ng mga ito ay nagpaalam na din sila para umalis at makauwi na sa kanya kanyang bahay.

paakyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko si kuya kasama si jesthle. " hali ka nga muna dito winnie!" tawag sakin ni kuya.

"bakit kuya?" tanong ko kay kuya na hindi natingin kay jesthle.. Susme! Ang gwapo nito kahit ang sungit.

"yung lalaki ba na kasama mo dito ay manliligaw mo?!" pagkokompronta ni kuya sakin. Napatingin naman ako kay jesthle at pinanlakihan ako ng mata nito kaya binawi ko ang tingin dito.. Jusko! Kakahiya talaga ang bunganga ni kuya! Walang preno eh!

"ano ba kuya?! Hindi noh! Kaibigan ko lang yun! Hindi mo ba tanda sya? Since grade 4 kaibigan ko na yun noh!" naiirita na naman ako kay kuya kasi naman baka kung ano isipin ni jesthle sakin… kung alam lang talaga ni kuya kung sino ang gusto ko siguro matitigil na ito!

"bakit ka galit?! Tinatanong lang kita! Wag na wag kita makikita na may kalampungan ah?! Lahat ng magtatangka sayo ay dadaan muna sakin!" ma otoridad na sabi nito sakin. Napatingin naman ako kay jesthle na ngingiti ngiti ngayon… Kakaaduwa talaga ito! Hindi mo malaman ang ugali! Gustong gusto ata nito na napapagalitan ako ni kuya eh! Kaya inirapan ko ito.

"okay tay!" sabi ko dito para pagsuko na.

"umakyat kana at wag lumabas! Maigi na yang nagkakalinawan tayo." sabi nito at dumiretso na pababa.  Si jesthle naman ay nangingiti " anong tatawa tawa mo dyan?" pag susungit ko dito. Nagkibit balikat lang ito at dumiretso na pababa. Bwisit talaga sila ni kuya! Bagay na bagay sila magsama! Arggghhhhh!!!

Pag dating ko ng kwarto ay nagpalit ako ng damit at nagmadali tumalon sa higaan sa inis ko.

*****

Kinabukasan ay maaga ako nagising kasi dapat  maaga palang ay nasa school na ako para makapagprepare kami ng mga kailangan. Paglabas ko ng kwarto ay saktong labas ni kuya, magkatapat lang ang kwarto namin  kaya napakasama ng umaga ko pag ito ang mabubungaran ko.

"ang aga mo ah?" si kuya habang busy sa pagkakabit ng belt.

" syempre madami kaming gamit na kailangan iset-up kuya" sabi ko dito habang nagsusuklay ng buhok. Naka pantalon, t-shirt at rubber shoes  lang ako. Si kuya naman ay nagpapa pogi kasi bihis na bihis eh!

Pagkatapos naman mag umagahan ay umalis na kaagad kami. " mamaya mag papapunta nalang ako ng tropa ko para magpabili." sabi ni kuya habang inaayos ang lock ng bike.

"sige kuya! Bawal ang utang ah!" sabi ko dito na lilinga linga para hanapin ang mga kaibigan ko. Nakita ko na si bes na napakadaming dala yung dalawa ay wala pa.

" tulungan ko na kayo… ang dami nyong dala pero wala kayong lalake na kasama tsk tsk.." sabi ni kuya na iiling - iling. Hawak nya ang 2 foldable tables habang kami ni she ay ang ibang gamit sa sobrang dami ay di na kami magkada ugaga kung pano bibitbitin ang lahat.

Pilit kong inaabot ang lagayan ng juice habang  may nakaipit na mga gamit sa dalawang gilid ko. Pilit ko inaabot ng umangat ito at nakita ko na hawak ng kaibigan ni kuya habang nakangiti.

"tulungan na kita" nakangiting sabi nito at kinuha ang ibang gamit. Phew! Buti nalang may tumulong samin. Pag dating naman sa pwesto ay nandoon na pala sina deo at rica na nagseset-up na din akala ko naman late ang mga ito.

Si kuya naman ay nagulat ng makita nya si harry nang lumingon samin pagkababa ng gamit. " oh! Pre! Salamat! Nandyan ka na pala!" at nagkamay ang mga ito.

"mauuna na kami!" sabi nito samin. At nagpasalamat kami kay na kuya. Nang malingunan ko naman si she ay namumula ito..

"nemen! Alem ko ne kung sino!" tudyo ko dito.. Hindi nga ako nagkamali kasi kahit ako siguro magkakagusto kay harry.. Kaso may jesthle na ako :)

Nag-abala na kami sa pag aayos kasi kailangan bago magstart ang program ay naka ready na kami. Habang abala ako ay nakita ko naman si jesthle na busy sa paglalakad habang madami itong bitbit..

Napatulala ako bigla sa porma nito kasi ang hot nya at ang gwapo! "grabe! Ang gwapo talaga nya!"  napatingin naman ako kay beks na parang tutulo ang laway. Lumingon pa ako sa paligid ko ng makitang tumigil din sa mga ginagawa ang mga ito at nakatitig kay jesthle. Kung pwede ko lang itago si jesthle para hindi matitigan ng iba tinago ko na sa bulsa!pag dudukutin ko ang mga mata ng mga ito eh!

Author's note: hi guys.. Thank you for reading my story.. Please vote and comment. 😘