webnovel

Chapter 1

Chapter 1 🌺

Sikat at mamahaling eskwelahan ang napili ng kanyang Tito Tony na papasukan ng kanyang pamangkin na si Jaquelyn Imperial.       

Gusto kasi niyang kahit papaano ay maranasan nito ang makapag aral sa isang private school, sabagay nakakuha din ng  scholarship ang kanyang pamangkin  qualified ito  sa DOST matalino kasi si Jack , halos konti na Lang ang kanilang binayaran sa school  freshmen siya sa course na Mechanical Engineering. Baguhan siya sa school na yon, dahil nga sa maganda siya kaya halos lahat ng mga kasabay niya sa pag enroll ay sa kanya nakatingin. Sa block nila ay apat lang silang babae kaya ito na ang naging mga kaibigan niya .

Sa mga projects ay tulong-tulong sila . naging close na silang apat . Ang tatlo niyang kaibigan ay lahat mayayaman. siya lang ang masasabing mahirap sa buhay. Pero mababait ang mga magulang ng kanyang mga kaibigan itinuturing na nilang anak si Jack. madalas siya sa bahay ng mga ito. Lahat ito ay nakakotse  with driver pa , siya ay motorbike lang ang dala.  Sa dalawang Linggo lang nila  sa paaralan  ay sikat na sikat na sila kasi nga ay lahat sila magaganda kahit saang department ay sila ang pinag uusapan.

Nakarating na ito sa department ng mga taga BSBA dito naman ay sikat ang limang mayayaman at mga graduating na mga  gwapong lalaki na sina Robert Enriquez Russel Nieto Matthew Aguilar Clark Reyes at si Mandy Salazar. Pero ang pinakamayaman ay si Robert at medyo angat din ang kagandahang lalaki nito.  Pero ito Lang na grupo ang hindi nagka interest na tingnan kung sino ang pinag uusapan na magagandang kadalagahan . kasi pananaw nila ay habulin sila ng mga babae.

Kaya

Hindi sila ang maghahabol sa mga ito. pero si Russell ay na curious kaya pumunta siya sa BSME department para makita ang mga ito . napanganga siya sa ganda ng isa sa mga ito nahuli ang puso nya sa isang Jaquelyn Imperial. Iba ang ganda ni Jack para itong isang dyosa. Mula noon ay araw  araw na pinupuntahan ni Russell ang department nina Jack para makita lang ang dalagang humuli ng kanyang pihikang puso, lihim ito sa kanyang mga kaibigan.

Isang araw ay nasa kanten sina Jack nag open ng problema si Margie, nanganganib daw ang negosyo nila kasi ang papa nya daw ay nalulong na masyado sa sugal malakasan daw ito kung tumaya sa karera.

"Teka nga pala sabi nito di ba vacant tayo ng tatlong oras?" "puntahan matin si papa baka tumataya na naman iyon". puntahan natin siya sa Tayuman San Lazaro doon ang horse racing di ba?" sabi ni Margie sa kanila..

Hindi sila nahirapan sa paghahanap nakita nila Ito kaagad .

"Pa tumataya ka na naman?" "tanong ni Margie dito ,"

"Ay anak nandito ka pala? sabi nito , last na Lang talaga ito anak . Pag nanalo ako dito makakabawi na ako sa mga talo sa akin."

May nagbulungan ang mga nasa katabi nila, nasipa daw ng kabayo ang henete ng horse number 7.

"Naku , yan ang natayaan kong kabayo sabi ng papa ni Margie paano na yan? bulong nito sa anak. "

Naririnig ito ni Jack kaya naisipan niyang gumawa ng paraan nagpaalam siya sa mga ito na pupunta muna ng CR pero ibang deriksyon ang kanyang pinuntahan .Nag punta siya sa Admin ng karera at naki usap na siya na Lang ang mag henete sa horse number 7 kasi malaki nga ang pusta dito ng papa ni Margie, pumayag naman ang Admin kasi gahol na din sila sa oras kaya binigyan na siya ng mga gagamitin para sa karera. Pasakay pa lang siya sa kabayo, nang masulyapan niya ang mga binatang nandoon din para tumaya nakilala niya ang uniform ng mga ito ,  sa School din nila pumapasok ang mga iyon, pero siya din pala ang tinitingnan ng magkaka barkada .

Nagsimula na ang karera mabilis ang takbo ng kabayong sinasakyan ni Jack kaya ito ang nanguna sa lahat, panalo ang papa ni Margie, sobra ang pasalamat sa kanya ng papa ni Margie. pauwi na ang mga binata ay siya ang pinag uusapan ng mga ito.

"Di ba yong henete ay yong sikat na girl na BSME sa school natin?" sabi ni Mandy

"Oo nga sabi naman ni Clark,"

"Ang galing nya ha!  ayon kay Matthew "

"Ikaw  Robert anong masasabi mo ? tanong dito ni Russell "

"Puntahan natin bukas sa department nila makikipagkilala tayo."

"Hindi pwede masisira ang reputasyon  natin  di ba tayo ang hinahabol ng mga girls , tapos makikipagkilala tayo sa kanila ? no way" sabi  naman ni Clark"

"Kung ayaw nyo ako na lang  naiiritang turan ni Robert sa mga ito,"

"Uy!, ang good boy natin umiibig na yata ". kantyaw  ni Russell kay Robert

" Hindi ah ," sagot nito. curious lang ako masama ba?" sagot uli  nito sa mga kaibigan .