CHAPTER 2
"Hi Blake,for you" tiningnan ko ang nasa kamay neto na iniaabot sa akin,lumipat ang tingin ko sa mukha nito,nakabrace at namumula ang mga labi nito dahil sa liptint na hindi pantay ang pagkakalagay.Tinanggap ko ang binigay nyang maliit na box at hindi na nag abalang buksan nilapag ko lang ito sa tabi ko at tinuloy ang pagpupunas ng aking pawis,
"ahmm,Blake can i have your number ,i just--"
"Sorry but i don't give my number to strangers "putol ko sa sinasabi niya sabay tayo sa aking kinauupuan at naglakad palabas,tiningnan ko ang aking wristwatch .
"pasado alas 3 na pala " tinext ko si Kyle kung anong oras ang uwian niya ngunit walang reply kaya't nagpasya na akong umuwi para magpalit ng damit..
Nagmaneho na ako papuntang San Beda College kung saan siya pumapasok..Nagpark ako ng motor saglit at umupo sa isang bench duon habang tinitingnan kung may reply ba si Kyle ,ngunit wala itong reply kahit isa kaya't nagpasya ako na tawagan ito ,makailang ring lang at sinagot naman niya.
"oh I'm sorry kuya,nakalimutan ko may lakad nga pala tayo,saglit lang at palabas na ako ", hindi na ako nakapagsalita pa dahil kaagad namang pinatay ang tawag.
Mangilan ngilan sa mga dumadaang studyante ay nakatingin sa gawi ko,napapangiti pa ang ilan na halatang kinikilig,maya maya pa'y dagsa na ang mga lumalabas na Studyante at iginala ko ang paningin ko para hanapin si Kyle,pagkakita ko sa kanya'y kinawayan ko ito at agad namang nanakbo sa gawi ko,pumulupot ang mga kamay neto sa braso ko ,kasunod naman nya'y mga kaklase nya siguro. Nakamasid naman ang mga ito na halatang nagtataka at namamangha.
"Kyle,who is He?" tanong ng isang maiksi ang buhok at nakasalamin nyang kaklase.
" wag mong sabihin na BF mo kase hindi ako maniniwala" saad naman ng isa,
" Grabe kayo ,bakit hindi ba ako pwede magkaBF ng kasing gwapo ni Kuya" napanganga naman ang mga ito at halatang hindi makapaniwala.
"My God,Hindi mo sinabing may mala-modelo ka palang kuya Kyle ,seryoso ka?"
"Ayy,hindi hindi,joke lang yun" anas naman ni Kyle ,mataman lang akong nakatingin at nakikinig sa kanila maya maya'y hinila ako ni Kyle papunta sa harapan ng mga kaklase nya.
" Guys,He is my handsome elder brother Blake Elton,kuya this is,Rose,Mica,Max and Airie" pakilala nya sa mga kaklase nya.
" Nice meeting you all" ,,halata namang kinikilig sila nang ngitian ko silang lahat bilang pagbati narin…
"Let's Go" yakag ko sa kapatid ko
" By the way Girls hindi muna ako makakasama sa inyo dahil may lakad ako ngayon,nagpapasama kasi itong si Kuya at baka maligaw" sabay kindat sakin
"Sige lang Kyle ,kahit araw araw mo na kaming hindi samahan basta araw araw karing magpasundo sa Kuya mo" kinikilig na wika ni Max ,inirapan naman ito ni Kyle at hinila na akong paalis sa grupo
" Yung mga yun talaga makakita lang ng gwapo nakakalimutan na ang pagiging dalagang pilipina" nanghahaba ngusong wika nito
. " Magcontact lens ka nalang kasi at nang hindi ka nagmumukang nerdy ,tsaka mag skin care ka narin para mawala na pimples mo sayang ganda mo pa naman natatakpan lang ng malalaki mong eyeglasses" saad ko nalang, na lalong ikinasimangot nito
sinuotan ko ito ng extra kong dalang helmet at umangkas na siya sa likuran ko.
Sa Sm North nalang kami namili ng damit na kailangan ko para sa interview kung sakali, sa isang Boutique na panlalaki ang pinasukan namin.Agad naman kaming nilapitan ng Sales lady na naroon at inassist kami sa loob.Napapatigil sa paglalakad ang ilan kapag nadadaan sa Botique,ang ilan naman ay kunwaring namimili pero ang totoo'y nakatingin lamang sa gawi namin.Nang makapili ako ng Polo ay sinukat ko ito sa fitting room,,kasyang kasya at hulma ang malalapad kong mga balikat,nagmukha tuloy akong mayaman dahil talagang bumagay ito sa akin na animo'y isang modelo.Pagkabayad sa cashier ay dumaan naman kami sa Walter Mart para mamili ng mga kailangan sa loob ng bahay,,pagkatapos ay kaagad na kaming umuwi sa bahay,,,
"Kuya ligo na ako,lagkit ko na dahil sa byahe natin"
"Sige magbibihis lang ako saglit at tulungan moko na ilagay sa ref ang mga pinamili natin"
Nang maisalansan namin ang mga pinamili sa loob ng ref ay naghiwa naman ako ng mga gulay para sa lulutuin kong chopseuy,,tinulungan ako ni kyle sa paghihiwa,nagsalang narin sya ng kanin sa rice cooker at nang makaluto na kami ay agad na naming nilantakan ang niluto namin.Si Kyle naman ang naghugas ng mga pinagkainan at ako nama'y nagpunas ng lamesa
Ganito ang naging routine naming dalawa mula nang kami nalang ang nasa bahay,tulungan kami pero madalas talaga ay ako ang gumagawa at hinahayaan si Kyle na mag aral sa loob ng kwarto..
Habang abala si Blake sa pagi-scroll sa computer ay may nagpop in na notification sa email nya,nang buksan nya ito ay nakasaad doon ang sa Job interview na gaganapin bukas ng 9am sa pinasahan niyang trabaho sa isang Kompanya.Kaagad na pinatay ni Blake ang Computer at plinantsa ang kalalaba lang na damit na binili nila kanina.
Kinabukasan ay maagang nagising si Blake para maghanda ng almusal nila,pagkakain ay tinakpan nya ang naiwan para sa kapatid niya.Naglagay siya ng pagkain sa baunan ni Kyle at inilagay ito sa paper bag para sa pananghalian ni Kyle,pumasok na sya sa kwarto at nagtungo sa CR para maligo.Matapos maligo ay isinuot na nya ang damit na inihanda niya kagabi,walang mag aakala na mag aapply pa lamang siya dahil kung titingnan ay mukha siyang Boss sa tindig ,ayos at hitsura niya.
Kaagad niyang pinasadahan ng tingin ang buong sarili sa salamin at nang makontento sa ayos ay lumabas na sya ,,ginising niya si Kyle na akala mo'y walang pasok sa himbing ng tulog nito.
"Baby Girl,gising na at aalis na ako,kumain ka ng almusal ahh at wag kalimutang ilock ang bahay,"pupungas pungas naman itong bumangon.
" Sige kuya ,Goodluck ahh,galingan mo sa interview mo "
"Ako paba" saad nya