webnovel

My Bodyguard Likes to Cuddle

No one wouldn't conclude that a woman who has a high standard fell in love with a simple person who was her bodyguard. Who would have thought that a famous actress from the Philippines got caught dating her bodyguard? Will, she let that Guy be her leading man for a lifetime? Or she'll choose her career over him and find the Guy who reached her standard?

fieryjia · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 01

Chapter 01

I think this would be the craziest thing I will do in my life. Sa kagustuhan kong lumabas as a normal person, nag-damit ako ng hindi nila ako makikilala as Cake Mendoza. Gusto kong maranasan ulit kung paano lumabas ng walang nagpapapicture at hindi ako pinagkakaguluhan. Gusto ko ulit maranasan ang maging malaya in public.

Ilang oras na 'kong nandito sa loob ng mall and halos wala pang nakakakilala sa'kin. This is so fun! Ngayon ko lang nagawa 'to at hindi ko inakalang posible pala.

Umikot pa 'ko sa perfume store na ito at tinuloy ko ang paghahanap sa paborito kong pabango. Kung ano-ano kasi ang mga pabangong natatanggap ko sa bahay. Sabi ni Mom kailangan kong gamitin lahat 'yon kasi mga sponsor ko 'yon. Hindi naman masama kung pa-minsan minsan ay gamitin ko ang paborito kong pabango.

Nang mahagilap ng aking mata ang isang pamilar na pabango ay agad kong dinampot ito at bahagyang ini-spray sa aking kamay. "Ito na nga 'yon." I whispered. I got myself five pieces para makapag-bayad na 'ko at maka-uwi. Masyado na rin akong maraming dala at hindi ko na kaya pang hawakan 'to ng mas matagal pa.

When I'm about to go to the cashier, someone just bumped into me dahilan para bumagsak ang mga pabangong hawak ko. "Miss, sorry po!" sabi nung babaeng naka-bangga sa'kin.

"It's okay, It's okay." pag-uulit kong sabi sa kanya bago mabilis na pinulot ang mga pabango ko. Nang makatayo ako ay nakita ko s'yang tinititigan ako kaya agad kong inayos ang mask kong medyo nahuhulog na pala. Agad ko s'yang tinalikuran at dumaretso sa cashier.

"Cake Mendoza?" she asked. Hindi ko s'ya nilingon at daretso lang akong naglakad.

Pero pumunta s'ya sa harap ko. "It's you, Cake Mendoza!" galak n'yang sabi. Bahagyang nanlaki ang mga mata n'ya at hinawakan pa ang kamay ko dahilan para mabitawhan ko ang iba kong pinamili. "Si Cake Mendoza nga! Si Cake Mendoza!" sigaw n'ya habang tinuturo ako.

In just a blink of an eye, everyone is around me and reaching their phones at me. Hinigit nila ako dahilan para mabitawan ko na ang mga pinamili ko. I started crying when I felt their nails on my skin. Their sweat on my clothes and their breath on my face. I tried to escape pero hinaharang nila ako, inaabot nila sa'kin ang mga ballpen at cellphones nila.

Until someone just pulled me out of there. I hugged him like there's no tomorrow, niyakap ko s'ya ng mahigpit na para bang may magbabalak na kunin ako sa kanya.

Sumubsob ako sa dibdib n'ya at hindi ko man lang naramdaman na gusto na n'yang kumalas. Umiyak ako, umiyak ako ng ilang minuto sa kanya, sa dibdib n'ya.

I just want to live normally. We're just celebrities, we are normal people too. We have our own flaws and we're not perfect. We are normal people, treat us as one.

"We're on the safe place now." he whispered at me makaraan ang ilang minuto. Bahagya akong kumalas at nakita ko ang bakat ng sipon ko sa damit n'ya. Agad ko 'tong pinunasan pero humaba lang 'yon. "It's okay. Luha lang 'yan." he said.

Sasabihin ko ba na hindi luha 'yon?

"Thank you." I simply said before wiping away my tears using the sleeve of my yellow hoodie. I glimpse at him and gave him a forced smile. Hindi ko s'ya kilala at malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa ginawa n'yang pag ligtas sa'kin kanina.

"Are you okay?" he asked. I simply raised my hand and showed him the scratch I got earlier. "Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" tanong n'ya sa'kin na parang isang normal na tao lang ako sa kanya. Ngayon ko lang 'to naranasan.

"Do you know me?" pa-simple kong tanong.

"Yes." tipid n'yang sagot. "Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" mabilis n'yang pag-iwas sa usapang kabubukas ko palang.

"I'm okay. Gusto ko lang maka-uwi."

"Punusan mo muna 'yang sipon mo."

· · ─────── ·· ─────── · ·

"Thank you sa pagtulong mo sa'kin kanina. Gusto ko lang talaga lumabas ng hindi nila ako nakikilala." nandito kami ngayon sa parking lot ng mall. I can't just leave him after ng nangyari. Ayokong magmukhang walang utang na loob.

"Bakit ka ba kasi lumabas ng walang kasama? Wala ka bang bodyguard? Hindi ka naman laos para mawalan ng pambayad sa bodyguard, d'ba?" sunod-sunod n'yang tanong.

"May bodyguard ako. Tumakas lang talaga ako para bilhin yung paborito kong pabango." I said. He laughed at me and gave me a smile at the end.

"Para kang bata." he added.

Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa basagin iyon nang isang tunog mula sa cellphone ko. Agad ko 'tong kinuha sa bulsa ko at tiningnan ang text na galing kay Mom.

"Where are you? Tumakas ka na naman ba, Cake? Hindi ba't sabi ko sa'yo, delikado ang panahon ngayon? Umuwi ka na. Galit na ako, Cake ha."

"I need to go home." I said bago mabilis na tumayo at pag-pagan ang aking likuran. "Do you want me to drive you home–" mabilis n'ya akong hinila at ngayon ay naka-subsob na naman ako sa dibdib n'ya.

"Sayang hindi man lang tayo nakapag-papicture kay Cake. Ang ganda pala talaga n'ya sa personal, 'no?"

"Ang galing naman kasi nung bodyguard. Sobrang lapit ko na kaya sa kanya, pero tingnan mo 'to, ang ganda n'ya rito kahit stolen."

Rinig naming pagbubulungan ng dalawang babae. Kaya pala hinila n'ya ako at sinub-sob na naman sa dibdib n'yang napakalaki. Nag-pipills siguro s'ya?

"You should go home. Baka may makakita pa sa'yo rito." he opened my car and bahagya akong inalalayan para makapasok. "Take care."

"Teka lang!" pigil ko sa kanya habang abala s'ya sa pagtingin sa paligid. "Can I know your name?"

"Noe." he quickly closed my car's door at mabilis akong iniwan. Ang ganda pala ng pangalan n'ya.

Noe...

· · ─────── ·· ─────── · ·

"Tanga ka ba? Paano kung hindi ka nakaalis don? Sa tingin mo ba kalmot lang yung makukuha mo? Sa sobrang saya nila na makita ka, pag-aagaw agawan ka ng mga 'yan!" galit na sabi sa'kin ni Mom na pa-uli uling naglalakad sa harap ko. Habang si Ate naman ay busyng tinitingnan ang cellphone n'ya.

"Sis. You're trending!" sabi nito sa'kin na hindi ko binigyang pansin. Naka-tuon lang ako sa sakit ng kalmot na natamo ko kanina. Hindi ko na uulitin 'yon. Never.

"Ate, I told you to find him. Hindi yung pinagkakaabalahan mo pa 'yung issues sa twitter." I said and she nodded at me. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung nangyari kanina.

His nose, his lips and his.. Napatigil ako nang marinig ko ang pagbubunganga ni Mom.

"Janine, stop searching about that guy. Cake, nakakalimutan mo na ba? May loveteam kang pino-protektahan. You can't just find that guy and hook up with him." she said. Para namang ang landi kong anak dahil sa sinabi ni Mom. May respeto ako kay Kurt, hindi ko naman sisirain ang loveteam namin ng ganon-ganon lang. "At saka, 'wag mo ngang iniiba ang usapan. Mali ang ginawa mo kanina–"

"Mom, I'm safe. So, tama na yung pagbubunganga mo sa'kin." imik ko.

"Seryoso ka ba? Alam mo, hindi kita masesermonan kung patay ka na. Sesermonan ba kita kung patay ka na?" sabi niya dahilan para mapa sapo ako sa aking ulo. Hindi ko na alam kung saan ang patutunguhan ng inis ni Mom. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi n'ya.

"Mom, stop it. I'm complete, I'm safe, I'm fine! Ano pa ba, Mom?" walang gana kong sabi sa kanya at sunod-sunod naman ang pagbuka ng bibig n'ya.

*dingdong!*

"Janine, buksan mo nga muna yung pinto at umiinit ang ulo ko sa kapatid mo!" umirap nalang ako at kumuha ng inumin sa refrigerator, hindi matatapos ang pagtatalak ni Mom hangga't hindi ako umaalis. "Tingnan mo 'yang kabastusan mo, Cake–"

"Mom, shh! Pwede stop muna? May bisita tayo, oh." I released a deep breath nang makarinig ako ng katahimikan. Pwede bang magpapunta nalang ako rito ng mga friends ko so my Mom will stop on nagging?

Kinuha ko ang pitchel na may lamang tubig dahil kailangan ko ng tubig dahil natutuyuan ako ng laway dahil sa ginagawa ni Mom. "Good Afternoon, Hijo. You already knew my daughter right?" she said which made me rolled my eyes. Ang bilis talaga mag palit ng mood ni Mom. Talent n'ya 'yon.

As usual, she hired a new bodyguard for me. Again. "Yes, Ma'am. Ms. Cake Mendoza." nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Agad kong binaba ang basong hawak ko at mabilis na bumalik sa sala.

"What's your name nga ulit, hijo?"

Kasabay nang pagpasok ko sa sala ang pagsagot n'ya sa tanong ni Mom, "Noe Kyle Ramos po, Ma'am."