webnovel

CHAPTER 11

SUMMER POV

LITERAL na wala ako sa mood kahapon pa simula nong may nangyari sa amin ni Parker.

Nawawalan na ako ng gana pang lumabas dahil sa mga nangyari sakin nitong mga araw, Unti unti kona ring nakikita ang pagbabago sa buhay ko ngayon. Kong dati gala every where, kahit uuwi akong umaga o madaling araw walang nangyayari sa akin, kong dati kahit saan ako magpunta walang nangyayari sa akin. Anytime pwede akong aalis nang bahay kahit di ako nagpapaalam kay Dady pero ngayon?

Hindi kona alam kong san ko ilalagay ang salitang Gana pang aalis , pakiramdam ko kase mas secured ako dito sa bahay kesa sa labas.

Hindi naman pwede na palagi akong lalabas pero mukhang pinaglaruan ako ng pagkakataon dahil sunud sunod ang fassion show na kailangan kong daluhan. May mga naresched pa akong photoshoot At commercial.

Natigil ako sa mahabang pag iisip ng tumunog ang cellphone ko. Walang tingin ko itong sinagot na kinapa ko lang sa ilalim ng unan ko.

"Beshy! Birthday kona bukas wag mong kalimutan pumunta sa birthday ko a " masayang bungad ni Thana sa kabilang linya.

Napabuntong hininga nalang ako sabay hilot sa sintido ko habang nakapikit parin.

Ano ba ang dapat kong isagot dito? Diko naman sya pwedeng tanggihan dahil for sure magdadrama na naman ang gagang to.

"Hey! Are you still there beshy?" Muling tanong nito.

"Yep, pupunta ako bukas anong oras magsimula ang party mo?,"

"Great! Mga 8pm sa gabi wag kang papalate ha, " masaya nitong saad.

Mabilis kong pinutol ang linya saka ipinatong sa bedside table ko ang phone. Napatitig ako sa kisame marami akong gagawin bukas kaya pa kaya ng power ko ang pagpunta sa party na yan?

Tinamad akong bumangon kaya humilata lang ako. Walang hilamos, walang toothbrush at walang suklay literal na tinatamad ako.

Napapikit ako sa subrang inis at isinubsub ko yung mukha ko sa unan sabay takip ng teynga ko dahil sa sunod sunod na katok sa labas ng aking kwarto.

'Bahala ka jan ! Tinamad akong bumangon '

Pinakiramdaman ko ang paligid. Tumigil na yung katok kaya nakahinga ako ng maluwag. Akmang pipikit na sana ako ng marinig ko nalang ang pagbukas ng pintuan sa aking kwarto.

'Anak ng baboy to! '

"Wala ka bang lalakarin ngayon?,"

Natigilan ako , hindi ko magawang lumingon dahil sa suot ko at wala pa akong hilamos at nakakahiya talaga ang pagmumukha ko.

"Wala naman bukas pa ako may lakad sunod sunod ang photoshoot at commercial saka sa gabi may party akong aatend-nan birthday ng best friend ko ". Sagot ko dito nanatili parin ako sa pwesto ko nakasiksik yung mukha sa unan at nakatakip sa teynga habang nakapikit yung kaliwang mata at nakabukas naman ang isa kagat ang pang ibabang labi ko.

Ano ba tong ginagawa ko?

"Okay, magsabi ka lang sa Dady mo kong may lakad ka aalis kase ako may pupuntahan lang, binuksan kona ang kwarto mukha kaseng wala kang plano na pagbuksan ako ".

Pagkasabi nyang iyon ay narinig kona lamang ang mga yabag ng sapatos niya palabas sa aking kwarto. Dun palang ako nakahinga nang maayos pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin pag nasa malapit ko siya at ANG WEIRD LANG!

Humiga na ako ng maayos saka nag iisip pero natigil din agad dahil tumunog na naman ang aking cellphone.

Kinuha ko ito at tinignan sa screen kong sino ang tumawag. Napangiti ako ng makita ang mukha ni River.

"Babe" nakangiti kong tawag dito.

"Kumusta babe?, pasensya kana ngayon lang ako nakatawag busy ako sa opisina, may lakad ka ba ngayon? ".

"Wala akong lakad pero hindi ako pweding umalis kase wala dito si Parker umalis may nilakad , natatakot na akong umalis mag isa Babe ayuko nang ilapit ang sarili ko kay kamatayan "seryuso kong tugon sa kanya.

"It's okay ako nalang ang pupunta jan , magdadala ako pizza mag momovie marathon tayo "

Napangiti ako sa sinabi ni River. Kahit papaano marunong din bumawi ang isang to.

"Sege hihintayin kita babe , ingat ka "

"Lage akong nag iingat Babe , I love you bye ".

"I love you too , bye hihintayin kita ".

Nakangiti akong binaba ang cellphone saka nagmamadaling bumangon at nagtungo sa banyo para maligo.

PARKER POV.

PAGKAUSAP ko kay Don ay nagpaalam na ako sa kanya. Pupuntahan ko si Salvie dahil gusto ko siyang kamustahin.

Kahit papano ay may pakialam parin ako sa kanya kahit hiwalay na kami ay asawa parin ang turing ko sa kanya dahil kasal naman kaming dalawa.

Naintindihan ko rin naman ang mga rason niya kong bakit siya umalis noon kaya bukal sa loob ko ang pakipagkita sa kanya ngayon.

Hindi ko pa nakilala ang lalaking pinalit niya sa akin kaya hindi ko rin alam kong ano ang maramdaman ko pag makita ko sila.

Ilang oras din ang binyahe ko bago marating ang address na binigay ni Salvie kay Lixx.

406.F napatingin ako sa isang malaking bahay. Nag aalangan akong bumaba dahil nakita ko kaagad sa loob si Salvie malaki na ang tyan nito at nagpupunas sa mahaba nilang mesa.

Pinagmasdan ko lamang siya hindi nakasara ang sliding door sa harap ng dining area nila kaya malaya ko siyang makita.

Kumunot ang noo ko ng makita ang lalaki na sumulpot sa likuran ni Salvie. May kong anong namumuong galit at inis ang nararamdaman ko sa loob ko ng makita kong hinila nalang nito basta basta si Salvie na muntikan ng ikinatumba ng babae.

Ganitong klaseng buhay ba ang gusto mo Salvie?

Hindi ko maatim ang mga nakikita ko. Wala ako sa katayuang makialam pero ni minsan hindi ko pinagbuhatan ng kamay si Salvie.

Mas lalong kumulo ang dugo ko ng makita kong sinampal siya ng lalaki at dinuro duro!

Naninikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Kuyom ang kamao ko. Hindi kona kaya ang mga nakikita ko kaya bumaba ako sasakyan at pumasok sa gate nila.

Walang abesong pumasok sa bahay nila natigilab ang lalaki ng makita ako ganon din ang gulat sa mukha ni Salvie.

"P-parker " ani Salvie.

"At sino ka naman? Ang lakas naman yata ng loob mong pumasok dito sa pamamahay ko!"nanlisik ang matang singhal nito sa akin.

"Hindi naman yata tama ang ginawa mo sa kanya Pare, kita mo na ngang nagdadalang tao siya kong manakit ka parang hindi babae yan "

"Parker , anong ginawa mo dito? Umalis kana lang wag kang mangialam sa amin "

"Lalaki mo to hah Salvie? Lalaki mo to?"galit niyang sigaw kay Salvie at gigil na hinila ang buhok nito akmang kakaladkarin na niya si Salvie ng pigilan ko ang kamay niya at pinilipit iyon dahilan na mabitawan niya ang buhok ni Salvie.

"Sumakay ka sa kotse dahil may pag uusapan tayo " agad itong tumalima saka hinarap ko ang kinasama siya at galit na sinapak siya. Sinipa ko siya at sinipa dahilan na tumilapon ang katawan niya sa pader.

Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang kwelyo niya at gigil ko siyang idiniin ng husto sa pader habang ang braso ko ay iniharang sa leeg niya. Dahilan na magkahabol habol siya ng hininga at nagpupumiglas na kumawala.

"Tandaan mo tong sasabihin ko ha, hindi ako lalaki ni Salvie dahil ako ang Asawa niya! Ang lakas ng apog mong pagbuhatan siya ng kamay samantalang reyna ang turing ko sa kanya. Pag uulitin mo pa to sa kanya o kahit isang galos manlang ang makikita ko sa katawan niya hindi kana masisikatan ng araw kinabukasan naintindihan mo?"hirap itong tumango at marahas ko siyang binitiwan at naglakad ako pabalik sa kotse ko.

Pagkapasok ko agad akong tumingin kay Salvie nakaramdam ako ng awa sa kanya ngayon.

"Bakit ka pa nangialam Parker "

"Hindi ko lang inasahan ang nakita ko Salvie ang buong akala ko ay tinrato ka ng maayos sa kinakasama mo nabigla lang ako hindi ko kase yan nagagawa sayo noon ang singhalan ka nga ay napakahirap na sa akin , "seryuso kong saad.

"Dahil kinarma na ako sa ginawa ko Parker, ang kinakatakot ko lang ay ang madamay ang batang nasa sinapupunan ko ,".

"Bumalik ka nalang muna sa bahay para mas matutukan kita , Saka kana bumalik sa kanya pagka panganak ko , delikado sayo ang ginagawa niya baka pati anak niyo masaktan niya ".

Napatitig siya sakin. Nakita ko pa ang pagdaloy ng luha sa mga mata niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya agad ko siyang niyakap. Awang awa ako sa kalagayan niya ngayon.

Humagolhol na siya ng iyak at mahigpit na yumakap sa akin.

"Nahihiya ako sayo Parker , Mabait ka parin sakin kahit na sa ginawa kong pag iwan sa inyo "

"Tapos na yon, ang isipin mo ang kaligtasan niyong dalawa. "

Kumalas na ako sa pagkayakap sa kanya saka pinahid ang mga luha niya sa mga mata.

"Wag ka ng umiyak nakakasama yan sa bata, iuwi na muna kita sa bahay seguro magtanda na yung kinakasama mo sa ginawa ko "

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay. Nakakahiya mang aminin pero Nakaramdam ako ng kasiyahan, kasiyahan na diko alam kong magtatagal ba iyon.

Pero isa lang ang naseseguro ko maging masaya ang anak ko pag makikita niya ulit si Salvie.