webnovel

Yun Ang Akala Nila

Kinabukasan na ng madaling araw nakarating ang apat para walang makapansin sa kanila.

Yun ang akala nila.

Kanina pa naghihintay sila Nadine at Nichole sa apat, ganito ang ginagawa nila gabi gabi.

"Ate Nadine, hindi nga kaya inaswang na nung mga boys ang mga girls? Ano sa palagay mo?"

"May tiwala ako kay Mel, hindi nya gagawin yang iniisip mo!"

Sabi ni Nadine.

"... dun sa anak kong si Kate ako nagaalinlangan!"

dugtong pa nya.

"Nichole: " .... "

'Grabesya, mas may tiwala pa sya dun kay Mel kesa sa anak nyang si Kate!'

"Ako din may tiwala din akong walang gagawing masama si AJ kay Eunice, takot lang nun kay Edmund!

Pero si Papa kasi ... haaay ang kulit nya! Araw araw na lang tayong pinagagalitan dahil wala pa sila!"

"Haaay ganyan talaga ang Papa, tatahimik lang yan pag nandyan na sila!"

Maya maya may nadinig silang dumarating na sasakyan.

"Mukhang sila na yan!"

Sabay silang tumayo para salubungin ang apat.

Kaya pag pasok ng apat sa mansyon, nakaabang na sila Nadine at Nichole, parehong nakapamewang.

Nagkatinginan sila Eunice at Kate.

'Patay, tyak na matsitsinelas tayo nito!'

"Magandang gabi po!"

Bati nila AJ at Mel, kinakabahan.

"Anong magandang gabi, umaga na!"

Sabi ni Nichole.

"Magandang umaga po!"

Natatarantang bati ulit nila.

"Kumain na ba kayo?"

Tanong ni Nadine.

"Opo!"

"Buti naman, magsi akyat na kayo bago magising ang lahat!"

Sabi ni Nichole.

"... at kayong dalawa, sumunod kayo!"

Sabi ni Nadine kila Eunice at Kate.

Napalunok na lang ang dalawa at walang imik na sumunod sa mga Mommy nila.

Samantala, hindi lang pala sila Nichole at Nadine ang naghihintay sa apat. Ilang araw na ring may aninong nakamasid sa pinto at inaabangan ang pagdating ni AJ.

Ang taong ito ay ang espiya ni Cong. Mendes, si Sonny. Matagal na itong espiya ni Cong. Mendes, panahon pa ni Leon.

Pagkakita nya kay AJ agad itong may kinuhang kahon at dinala iyon sa silid ni AJ.

Nakakandado parati ang silid ni AJ kaya hindi nya ito mapasok kaya ngayong nandito si AJ, makapasok at mailagay ang kahon sa loob ng silid na walang makakaalam.

*****

Pagkatapos maligo ni AJ, nagulat sya ng makita ang isang kahon na nasa kama nya.

"Saan galing ito? Wala naman itong kahon na 'to dito ng pumasok ako!"

Binuksan nya ang pinto at nilinga ang paligid.

Wala syang nakita. Hindi nya nakita si Sonny na nagtatago sa dilim.

Natuwa ito bg muling isara ni AJ ang pinto.

'Hoooh! Muntik na ko dun, buti nakaalis ako agad!'

Pero laking gulat nito ng muling buksan ni AJ ang pinto at ilabas ang basurahan nya. Nasa basurahang iyon ang kahon na pinaghirapan nyang ipasok sa silid.

Nang mabasa ni AJ na nagmula ito kay Lemuel, agad nitong kinuha ang kahon at itinapon sa basurahan, saka binuksan ang pinto at inilabas ang basurahan.

Ramdam nyang nasa paligid pa ang taong nangahas pumasok sa silid nya.

Wala syang pakialam basta galing kay Lemuel.

'Anong nangyari, bakit nya itinapon ang kahon?'

Nagtataka si Sonny

Gusto nyang lapitan ang basurahan pinaglalagyan ng kahon pero kinakabahan sya baka biglang bumukas ulit ang pinto.

Tama sya, naroon nga si AJ sa likod ng pinto, pinakikiramdaman kung may lalapit.

Wala syang pakialam sa kahon pero gusto nyang malaman kung sino ang traydor na nagpasok nun dito.

Gusto nyang tawagan ang tyuhin nyang si Fidel pero madaling araw na, ayaw na nyang makaistorbo kaya si Mel ang tinext nya.

[Mel Buddy, need your help! May nakapasok dito sa loob ng silid ko at nagiwan ng box galing kay Lemuel. May kutob akong nasa paligid pa sya, masisilip mo ba mula sa silid mo kung kahinahinalang tao malapit sa door ko?]

~ AJ Dude

Nasa 3rd floor ang silid ni AJ at nasa 2nd floor naman ang silid ni Mel.

Patulog na si Mel ng ma receive ang message ni AJ.

Unti unti nitong binuksan ang pinto ng silid pero hindi nya kita duon ang pinto ni AJ.

Dahan dahan syang umakyat sa hagdan at half way napansin nya ang isang taong nagtatago sa isang poste.

Mula sa kinatatayuan ni Mel, bahagya nya itong kita pero hindi ang mukha nito.

[AJ Dude, may tao ngang nakasilip pero hindi ko makita ang fez! Susubukan kong lapitan]

~Mel Buddy

[Mel Buddy, huwag na baka ano pang gawin nya sa'yo]

~AJ Dude

[Don't worry, AJ Dude, hindi ako magpapakita]

~Mel Buddy

Dahang dahang umakyat si Mel, gusto nyang makita ang mukha nito, malapit na sya pero...

"Mel, dumating na pala kayo! Asan si Aaron?"

Tanong ni Fidel.

Nagulat si Mel, gustong sagutin si Fidel pero nadinig nila ang kaluskos sa di kalayuan.

Isang anino ang biglang tumakbo palayo sa kanila.

"Sino yun?"

Tanong ni Fidel.

"Hindi ko po nakita ang mukha!"

"At saan papunta yun? Wala namang daan dun maliban sa bintana?"

Sinundan nya ang anino at nakita nyang nakabukas ang bintana kaya malamang tumalon iyon mula sa bintana.

Isinara ni Fidel ang bintana at bumalik kay Mel.

"Tito Fidel pumasok po muna kayo ni Mel dito sa silid!"

Muling kinuha ni AJ ang basurahan at saka pumasok.

"Aaron, sino ba yun, nakilala nyo ba?"

"Tito Fidel pumasok po sya kanina dito habang nasa shower ako at inilagay ito sa kama ko! May kutob akong isa sa mga tauhan sa Hacienda!"

"Pero wala naman tayong bagong tauhan. Lahat ng narito ay kilala ni Jose!"

"So, ibig sabihin may espiya sa loob ng Hacienda!"

Matagal na silang may kutob na may espiya sa loob kaya inalis nila ang mga taong pinaghihinalaan ni Jose.

Hindi naman kilala ni Fidel ang mga tauhan ngayon dahil nakasama rin sa sunog ang mga dating nagsisilbi dito, kaya ibinigay nya kay Jose ang resposibilidad sa pagpapaalis sa kanila.

May CCTV po ba dito sa loob ng mansyon?"

Tanong ni Mel.

"Meron, pero natitiyak kong alam nung tao kung saan nakalagay ang CCTV kaya naglagay din ako ng mga secret kamera sa paligid, lalo na dito sa silid mo, Aaron!"

Agad itong umalis upang kunin ang laptop nya sa silid.

Pagbalik agad na binuksan ang laptop upang tingnan ang secret kamera na inilagay nya sa paligid.

Duon nila nakita ang lalaking pumasok sa silid ni AJ na may dalang kahon at lumabas ito na wala ng dalang kahon tapos ay nagtago sa may poste malapit sa silid ni AJ.

"Yan nga yung nakita kong nagtatago! Sino yan AJ Dude?"

Tanong ni Mel.

"Hindi ko kilala! Wala akong gaanong kilala dito sa Hacienda Remedios!"

Sagot ni AJ

"Kung hindi ako nagkakamali, si Sonny yan isa sa mga tauhan pinagkakatiwalaan ni Jose kaya nakakapasok yan dito sa loob ng bahay!"

Sagot ni Fidel.

"Pero paano sya nakapasok dito sa loob, gabi na at nasa labas ang quarters nila?"

Tanong ni AJ

"At bawal din sila dito sa taas! Yan ang mahigpit na bilin ni Jose sa kanila!"

Sabi ni Fidel.

"At ano ang laman nitong kahon?"

Tanong ni Mel sabay kuha ng kahon sa basurahan.

"Wala akong pakialam sa laman ng kahon na yan pero isa lang ang sigurado ko ngayon, nandito na si Lemuel sa Hacienda Remedios! Kailangan malaman ito agad ni Ninang Ames!"

Sabi ni AJ.

"Hanep, Ninang Ames agad, hindi pa kayo kasal ng Sissy ko!"

Biro ni Mel.

"Aaron, pwede bang kunin ko yang kahon at aalamin ko kung ano ang laman, baka mamya may bomba dyan sa loob!"

Sabi ni Fidel

"Bomba!"

Agad na initsa ni Mel ang kahon kay Fidel.

*****

"Boss, may problema! Mukhang nabuko na ako, kailangan ko ng umalis dito!"

Sabi ni Sonny ng tawagan si Cong Mendes.

"Teka, sigurado ka? Anong nangyari sa pinagagawa ko sa'yo, na deliver mo ba?"

"Opo, boss pero itinapon lang nya sa basurahan, ni hindi man lang binuksan! Tapos na po ang trabaho ko kaya aalis na ako dito!"

Hindi napigilan ni Cong. Mendes si Sonny na umalis. Hindi lang naman sya ang espiya nya sa loob pero nanghihinayang sya dahil ito lang ang nakakapasok sa loob ng mansyon.

"Pero bakit itinapon lang nung huwad na yun ang regalo?"