webnovel

Young And Best

Kinabukasan, nagulat ang mga netizen sa post ng organization sa apology letter nila kay Eunice.

Inamin nila ng buo ang pagkakamali nila lalo na ang pagiging judgemental nila kay Eunice.

Matapos nun ipinakita nila ang list ng awardee nila at si Eunice nga ang nakakuha ng Best Entrepreneur of the year dahil sa pagiging outstanding nito at sa net worth nya at Young Entrepreneur of the year dahil sa edad nito na may sarili ng kompanya at multiple businesses.

Si Mel sa Growth award dahil sa rags to riches na story nito.

At si Kate naman bilang Social Media Influencer award, bagay na hindi maintindihan ni Kate paano nya nakuha.

Pero sabi ng nanay nya dahil daw sa kaka online games nya.

Ang hindi alam ni Kate, madami talaga ang humahanga sa kanya hindi lang mga kalalakihan, mas marami din ang mga kababaihan. Iba kasi talaga ang dating ni Kate, beauty and brain combine.

Hindi rin naman nahuhuli ang ganda ni Eunice lalo na ngayon na kamukhang kamukha nya na ang Mommy nya. Medyo chubby lang ng konti, saka pareho sila ng mata ni Kate.

Pero mas nakikita ng tao ang powerful background ni Eunice.

Pag may nagsabing maganda si Eunice, ang iisipin ng tao

"Eh kasi rich kid yan, algang alaga kaya maganda!"

Pag may nagsabing maganda si Kate, ang comment ng tao:

"Wow, a beauty that will conquer the world!"

***

"Siguro tinakot yang organization kaya biglang bumwelta!"

"Baka naman nabili na ni Eunice ang boto kaya bigla silang bumait!"

"Naku, pupusta ako, tyak ko na nabayaran yang orgnizer kaya nanalo yang si Eunice! Kita nyo dalawa pa ang napanalunan!"

Sari saring kuro kuro, iisa lang ang kinalabasan ng apology letter nila, lalong napasama si Eunice.

"Ate Eunice, you've got 2 award, young and best! Are you going to the award night?"

"Nope!"

"Why?"

"Because the next day is our anniversary! Too many things to do and I don't have time!"

Yun lang ang sinabi ni Eunice at bumalik na ito sa ginagawa nya.

Natatabunan na kasi ng mga dokumento ang ulo ng ate nya kaya iniwan na sya ni Earl.

Kaya sinagot na lang nya ang organization.

To the organizer.

"In behalf of Ms. Eunice Perdigoñez and NiceEd Corp., we thank you so much for the awards but we can not come to the award's night because we are busy for our upcoming anniversary.

Again thank you!"

~ Earl Perdigoñez

Nataranta ang buong organization.

Kapag hindi nagpunta si Eunice, ibig sabihin hindi pa nya tanggap ang sorry nila.

"Ano ang gagawin natin ngayon, Madam Debbie? Paano kung hindi tanggapin ni Ms. Eunice ang award? Nakakahiya sa atin!"

"Iniisip nyo ang kahihiyan natin samantalang hindi nyo iniisip ang kapakanan ni Eunice? Sya ang nagdudusa dahil sa kapalpakan natin!"

Singhal ni Debbie.

"Inamin na naman po natin lahat ng pagkakamali at pagkukulang natin, nag apologize na rin po tayo, pero bakit hindi nya pa rin matanggap?"

"Nadidinig mo ba ang sinasabi mo? Dahil sa apology letter na yun lalong napahamak si Eunice, binabatikos sya ng netizen na binayaran tayo! Inaalala nyo ang sarili nyo pero hindi na ninyo inisip na KAYO mismo ang naglagay sa atin sa alanganin!"

Singhal ni Madam Debbie.

Bago kasi umalis si Issay, kinausap nya si Madam Debbie na may plano na syang buwagin ang organization.

"What's the use of this organization kung wala na ang tiwala ng tao? And what's the use of this org kung bias tumingin ang mga namumuno dito! Mas magandang buwagin na lang!"

Ito ang huling sinabi ni Issay sa kanya.

Kaya naglabas agad sila ng apology letter pero hindi nila inaasahan na hindi ito tatanggapin ni Eunice.

Hindi naman sa hindi tinatanggap ni Eunice yung apology letter, hindi pa lang ito nakakarating sa kanya sa sobrang busy nya lately.

Saka, ang ibinalita lang naman ni Earl ay ang tungkol sa 2 award na natanggap nya, hindi naman sinabi ni Earl sa kanya na nag apologize na sa kanya ang org.

"Paano natin itutuloy ang award's night kung wala ang awardee?"

"Maging si Sir Mel at si Ms. Kate nagpasabing hindi rin daw pupunta dahil nasaktan daw sila sa ginawang pagmamaliit ng organization kay Ms. Eunice!"

"Madam, hindi lang po sila, halos lahat ng awardee natin hindi pupunta, dahil hindi rin daw nila nagustuhan ang ginawa natin kay Ms. Eunice!"

Syempre kilala ang Perdigoñez, natural lang na ayaw nilang madawit dito kaya mas minabuti ng ilan na kusang lumayo.

Sumasakit na ang ulo ni Madam Debbie. Hindi nya maintindihan kung bakit nangyayari ito sa panahon ng panunungkulan nya.

Ramdam nyang nagkulang sya lalo na ng lumabas ang imbestigasyon ginawa nya tungkol kay Eunice at napatunayan nyang totoo lahat ang kwento ni Issay.

At marami pa syang natuklasan tungkol sa adventure ng tatlong magkakaibigan lalo na ni Eunice na sobrang kahanga hanga.

True enough, hindi lang ang apelyido ni Eunice ang nakita ng mga judge kaya sya nanalo.

"If you go more deeper you'll find more!"

Ito ang sabi ni Issay sa kanya.

"Tama si Mr. Earl, if we did our home work well baka hindi ganito ang kinalabasan."

Hiyang hiya sya sa natuklasan.

"Madam Debbie, I've heard from a friend na ibinigay na raw ni CEO Edmund ang posisyon nya kay Ms. Eunice at si Ms. Eunice na raw po ang acting CEO ngayon, pero sa gaganaping anniversary nila gagawin ang official turn over.

May usap usapan po sa NiceEd Corp na kaya daw ginawa yun ni Sir Edmund para daw ipamukha sa mga taong nagmamaliit sa kakayahan ni Ms. Eunice!"

Sabi ni Jason.

Napahiya ang lahat. Isa sila dun.

Napakalaking responsibilidad ang NiceEd Corp para basta na lang iwan kay Eunice. Hindi ito basta basta iiwan ng isang CEO kung hindi sya sigurado sa kakayahan ni Eunice.

"Kailangan syang magpunta para tanggapin ang award dahil karapat dapat sya sa award na yun!"

Sabi ni Madam Debbie.

'Pero paano? Paano ko gagawin iyon?'

Madali lang naman ang solusyon para mapapunta nila si Eunice sa awarding.

Si Doña Isabel ang kailangan nila.

Si Doña Isabel ang kailangan nilang kunin para ito ang magaabot ng award kay Eunice.

Hindi kailanman matatanggihan ni Eunice ang Lola Issay nya.

Pero syempre, bakit namin sasabihin ni Issay ang solusyon?

"Kailangan silang maturuan ng leksyon! Bahala silang gumawa ng paraan kung papaano nila mapapa attend si Eunice!"

Ganito talaga si Issay sa mga taong mapangmaliit sa kapwa.

Bibihira lang ang tao na nakakaalam na close si Doña Isabel Saavedra sa mga Perdigoñez at anak anakan nito ang mga nanay ni Eunice at Kate.

"Bakit ko padadaliin ang buhay nila?'

Kaya sa huli, personal na nagtungo si Madam Debbie, para humingi ng tawad kay Eunice.