webnovel

Umuwi Ka Na Baby

🎶 Umuwi ka na baby

Hindi na ako sanay ng wala ka

Mahirap ang mag-isa

At sa gabi'y hinahanap-hanap

Kita. 🎶

🎶 Hanggang kailan ako maghihintay

Na makasama ka muli

Sa buhay kong puno ng paghihirap 🎶

🎶 Na tanging ikaw lang ang

Pumapawi sa mga luha

At naglalagay ng ngiti

Sa mga labi 🎶

Ito ang kantang madidinig sa isang videoke bar kung saan naroon ang magjowang sila Mel at Kate para samahan si Eunice.

At syempre si Eunice ang may hawak ng mike.

"Kate MyLabs bakit mo ba naisip na mag videoke?"

Sabi ni Mel.

Kanina pa kasi nya gustong kunin ang mike para sya naman ang kumanta, pero ayaw ibigay ni Eunice.

Hindi pa daw nya tapos kantahin ang favorite song nyang 'Hanggang Kailan' kahit na naka ilang ulit na nya itong kinakanta.

Magdadalawang oras na sila sa videoke bar na iyon pero puro yun lang ang kinakanta ni Eunice.

"Hayaan mo na! Kaya nga tayo nagpunta dito para aliwin yang best friend mo! Anong gusto mo mag stay sya sa TAMBAYAN?"

Tanong ni Kate

Napaisip si Mel, tila wala syang choice, kailangan nilang mailayo muna sa TAMBAYAN si Eunice.

Kaya nila inilabas itong si Eunice dahil inuubos nya ang mga ginawang pagkain iniwan ni AJ lalo na ang mga cake para sa restaurant.

Magiisang linggo na ng umalis si AJ pero 3 days lang naubos na ni Eunice lahat ng cake na ginawa ni AJ pati yung iba pang mga pastries.

'Jusmiyo! Maagang magkaka diabetes 'tong Sissy ko pag hindi namin napigilan!'

At ngayon ang tinitira naman ay ang mga jam and spread na ginawa rin ni AJ at kinakabahan syang baka sa susunod yung mga ginawang home made sauce and condiments na personal recipe ni AJ ang tirahin nito.

'Pang 1month supply dapat iyon ng restaurant pero mukhang hindi na rin aabot ng next week!'

'Jusmiyo naman AJ Dude, bilisan mo naman ang paghahanap mo sa sarili mo at baka pagbalik mo, nakain na ni Sissy ang buong TAMBAYAN!'

"Naintindihan ko naman yung part na kailangan natin aliwin ang pinsan mo, Kate MyLabs, pero ang tanong ko nga, bakit dito sa videoke?"

"Nagtatanong ka pa? Ayan, para kahit papaano ma aliw sya!"

"Haaay, mabuti na lang at maganda ang boses nitong si Sissy, kahit na infinity version yung kanta, hindi masakit sa tenga!"

"Tumigil ka na nga dyan sa karereklamo, Melabs! Hayaan mo na yang si Eunie at ako ang intindihin mo!"

Sabay halik kay Mel.

Nasa kasarapan na sila ng halikan at kung saan saan na rin gumagapang ang mga kamay ni Kate, ng mapansin sila ni Eunice.

"HOY!"

Nagulat ang dalawa sa sigaw ni Eunice. Naka mike pa ito kaya mas lalong lumakas.

Napatigil tuloy sila sa kanilang ginagawa.

"Eunie naman, huwag ka ngang sumigaw dyan!"

"Bakit kasi kayo nag kikiss? Nangiinggit kasi kayo!"

Nakaka isang bote pa lang ito ng beer at hindi pa nya ubos, pero mukhang may tama na ito.

Lite beer lang naman iyon pero namumula na si Eunice.

Wala naman balak painumin ni Kate ang pinsan nya dahil hindi pa ito marunong uminom, pero inagaw ni Eunice sa kanya ang bote ng lite beer.

"Eunie, huwag mo kaming pakialaman ng Melabs ko! Hindi ka naman namin pinakikialaman sa trip mo kahit 'My Way pa yang kantahin mo!

Saka, alangan namang antayin ko pa si AJ bago ko mahalikan ang Melabs ko!"

"Namimiss ko na kasi sya ate! Miss na miss ko na ang Milky Honey Baby ko! Huhuhu!"

"Eunie, hindi naman nakipag break sa'yo si AJ, nagbakasyon lang yun! Kung ako sa'yo, imbis na nagmumukmok ka dyan, bakit hindi mo na lang bisitahin ang lola ni AJ? Diba ibinilin nya sya sa'yo?"

Natahimik si Eunice.

'Oonga pala! Kamusta kaya si Lola Inday? Malamang nangungulila din yun kay Coffee kagaya ko!'

Feeling guilty si Eunice.

Napansin ng dalawa ang pananahimik ni Eunice kaya bumik na ulit sila sa kanilang ginagawa. Ang mag lipstulips.

Maya maya ....

🎶 And now, the end is near .... 🎶

"Haaaist! Sissy naman, pwede bang ibalik mo na lang dun sa una mong kanta? Kinakabahan ako sa kantang yan!"

Pinatay ni Eunice ang song at naghanap ng iba. Wala syang planong ishare ang mike sa dalawa.

Babalik na sana ulit sa pag lipstulips ang dalawa ng ....

🎶 Hindi kita malilimutan ...🎶

"Anak ng .... EUNIE!!!"

Singhal ni Kate. Sabay kinuha ang isang sapatos ni Mel at ibinato sa pinsan nya.

Buti na lang nakatakbo agad si Eunice.

*****

Samantala.

Hindi lang si Eunice ang sinusumpong ng topak pati si Geraldine.

'Ilang araw na akong pabalik balik dito sa restaurant ni AJ pero ni anino nya hindi ko pa rin nakikita!'

'Ani kayang nangyari sa kanya? Totoo kayang nasa bakasyon sya gaya ng sabi nung si Daisy o tinataguan lang ako?'

Nagaalala na sya dahil ramdam nyang inis na ang ama kahit hindi nito pinapahalata sa kanya, kapag sinasabi nyang wala syang balita kay AJ.

Natatakot syang baka iwan sya nito pag hindi nya natupad ang pinaguutos nya.

"Anong balita Geraldine, nakausap mo ba o nakita mo man lang ang apo kong si AJ?"

Tanong ni Lemuel.

Napansin ni Geraldine ang tawag sa kanya ng ama.

'Mukhang galit na sya sa akin.

Dati may lambing sya pag sinasabi ang name ko saka tinatawag nya akong anak. Ngayon ....'

"Sorry Papa pero .... mukhang wala po talaga si AJ, hindi ko man lang po nakikita kahit na ang kotse nya!"

Nakatungo nitong sabi, takot na makita sa mata ng ama ang disappointment.

'Mukhang tinakasan ako ng bwisit na batang yun!'

'Akala nya ba matataguan nya ako ng matagal?'

'Magtago ka man ng magtago AJ, may paraan ako para palabasin kita sa lungga mo!'

Note:

Hanggang Kailan

Orange and Lemons

My Way

Frank Sinatra

Hindi Kita Malilimutan

Basil Valdez

trimshakecreators' thoughts
Next chapter