Walang nagawa si Nicole kundi Ang umuwi ng bahay ng magisa.
Pagdating ng bahay andun na si Erica inaantay sya.
"Anong nangyari sayo Ate Nicole? Para kang nalugi dyan!"
"Haaay yung anak ko! Haaay naku mababaliw ako!"
"Sino si Eunice?"
"Kaninang umaga umalis akong nagi guilty, dahil sa meeting hindi natuloy ang date nilang mag ama!"
"Tapos nung tumawag sa akin tinakot naman ako dahil umiiyak at ayaw sabihin sa akin ang dahilan!"
"Nataranta tuloy ako sa pagmamadali at baka kako kung napano na!"
"Pag dating ko dun, awang awa naman ako sa itsura at kaya pala umiiyak dahil bigla syang nagkaron! First time nya kasi kaya hindi nya alam ang gagawin!"
"Kaya kinausap ko para kumalma! Tapos nakita lang si Jeremy..... ayun! Sumama! Nag date! Iniwan ako!"
"Mabait naman na bata si Jeremy Ate Nicole! Alam mo yun!"
"Hindi naman ako nag rereklamo kay Jeremy, dun sa anak ko!"
At bigla itong nalungkot.
"Ang sakit lang kasi sa pakiramdam na nung may problema sya tuwang tuwa ako dahil tinawagan nya ako! Ako ang una nyang tinawagan! Tapos, tapos, huhuhu! natuto lang lumandi nabalewala na ko!"
"Ang sakit, sakit eh! Tagos hanggang sa lahat ng cells ko sa katawan! Alam mo na! Yung feeling na ganun!"
Gusto syang sagutin ni Erica ng "Hindi! Hindi ko alam! Wala pa akong anak!", pero pinigilan nya ang sarili nya! Sa itsura ni Nicole, baka masapak sya!
Kaya hinayaan na lang nya itong maglabas muna ng sama ng loob bago nya sabihin ang totoong pakay nya dito.
*****
Sa Mall.
Nang makita nila Kate at Mel sa sweet moment nila sila Jeremy at Eunice, hindi na nila ito inistorbo. Nagtext sila sa dalawa at gumawa sila ng sarili nilang lakad.
Nanood sila ng sine. Horror!
At si Jeremy at Eunice ay masaya ring naglibot sa mall.
Humupa na rin ang pananakit ng puson ni Eunice.
'Totoo pala ang sinabi ni Mommy, mag isip lang ako ng "Happy Thoughts"!'
Sabay sulyap sa katabi nya!
'He's my Happy Thought Mom! Kaya huwag ka po sanang magalit pag uwi ko!'
Nanghihinayang kasi si Eunice, chance na nya 'to na masolo si Jeremy! Baka wala ng next time.
Masaya silang naglalakad sa Mall kaya hindi nila namalayan na may mga matang sumusunod sa kanila.
Ang mga schoolmates nila! Especially yung mga basher ni Eunice na mga walang magawa kundi magisip ng nega sa kanya dahil hindi nila magawang makalapait kay Jeremy na kagaya ng ginagawa ni Eunice.
Pag sila kasi malayo pa lang matalim na agad ang tingin sa kanila.
Kaya busy na naman sila sa chatroom dahil mayroon nakakita sa kanina habang namamasyal sa Mall.
"Guys, si Jeremy at yung mataba nandito sa mall!"
Kinunan nya ng palihim ang dalawa at inilagay sa chatroom nila.
Kaya nagdagsaan ang iba sa Mall para lang ma sure kung totoo nga.
"OMG! True nga!"
"Sigurado ba kayo guys? Baka naman kamukha lang ni Jeremy?"
"Oo guys si Jeremy nga! Andito nga sya kasama si Ms. Piggy at may dalang flowers si Ms. Piggy!"
Video naman ang nilagay nya.
"OMG! OMG! Anong nangyayari sa'yo Papa Jeremy?"
Nakarating sa grupo ni Miles ang date nila ni Jeremy at Eunice sa Mall kaya ipinaalam nila agad ito kay Miles na kasalukuyang nasa Mall din at kasama ang ina. Nagro grocery sila
"Sh**t that B"t*h!"
Bulalas nya na nadinig ng ina.
Kaya natampal nito ang bibig nya.
"Yang bibig mo!"
Napahiya si Miles sa ginawa ng ina kaya wala syang nagawa kungdi mag behave. Malaki ang takot nito sa ina.
Nag message sya sa grupo nya.
"Sirain nyo ang date nila!"
Agad nilang sinunod ang utos ng Miles.
May mga grupong lumapit para paghiwalayin sila.
Ang dalawa ay hahawakan si Jeremy at yung tatlo kay Eunice pero naramdaman agad ni Jeremy ang pag lapit nila at ayaw nito na may dumidikit sa kanya at kay Eunice kaya tinabig nya ang mga ito hinawakan sa bewang si Eunice at mabilis na tumakbo palayo sa kanila.
Sumunod naman ang isa pang grupo. Ang plano ng mga ito buhusan ng softdrinks si Eunice para mapilitan itong humiwalay at magtungo sa CR. Pag nasa CR na ito saka nila I la lock para hindi na makalabas.
Pero mabilis ng kumilos si Eunice ngayon, dahil sa training na ginagawa sa kanya ng ama, madali nyang naiwasan ang ibubuhos sa kanya at tinabig nya lang ito kaya sa iba tumapon.
Galit na galit si Miles ng mabalitaan nyang nabigo sila.
"Ano ba, napaka stupid nyo naman! Napakasimpleng bagay lang di nyo pa magawa!"
Gusto nitong lumusob at sya na mismo ang gagawa pero nasa tabi nya ang ina, paano sya aalis?