Nakangiti si Lemuel, tila may kumakausap sa kanya.
Nakaramdam si Ames ng lungkot ng madinig ang sinabi ng ama, hindi lang dahil sa namamaalam na sa kanya ang ama kundi dahil si Allan ang susundo sa kanya.
'Narito si Allan?'
At pangungulila sa anak ay nanumbalik sa kanya.
"Allan anak, si Mama 'to, nadidinig mo ba ako, ha?
Miss na miss na kita anak, lalo na ang mga lambing mo!
Allan anak, pwede bang huwag mo munang sunduin si Lolo, please?"
Pero kita ni Ames ang ngiti ni Lemuel na parang handa na itong umalis.
Napuno ng lungkot si Ames, nanangis ang sya bilang anak.
Kahit gaano kasama ang Papa nya mahal nya ito. Sino pa ba ang magmamahal sa Papa nya kung lahat ayaw sya?
At the same time nanangis din sya sa pangungulila sa anak nyang si Allan na labis labis nyang pinananabikan.
Hindi man lang nya napansin ang papalapit na grupo nila Dong.
"Sir, tapos na po ba ang labanan, natalo nyo na po ba ang mga kalaban?"
Tanong ni Matt
"Oo, Matt, tapos na!"
Nagtagumpay sila sa tulong ng mga dating tauhan ni Jethro na dumating dahil kay Fidel.
Mga loyal na tauhan ito ng asawa ni Ames na kinontak ni Fidel dahil nagaalala sya sa plano nito.
Sila ang napansin nila Dong na sumusunod sa kanila ng palihim.
Agad na kinalas ni Matt ang pagkakatali ni Lemuel sa kanya para makapagsarili ang magama.
Inakap ni Ames ang ama ng mahigpit. Hindi mapigil ang mga luha sa pagtulo.
"Allan ... apo ... sorry na ...!
Promise ... hindi na kita ulit iiwan ..... sasama na ako sa'yo.
Isama mo na si Lolo...!
Sabi ni Lemuel.
Pagkatapos nun ay nakita na nilang ibinaba ni Lemuel ang kamay nito.
"Papa ... Papa ko! Huhuhu!"
Humagulgol ng iyak si Ames.
Dinig na dinig sa paligid ang panaghoy nito.
At sa gitna ng panaghoy nya tila naramdaman nyang may dumampi sa pisngi nya.
Isang pamilyar na halik na matagal na nyang pinanabikan na parang pinakakalma ang nanangis nyang kalooban.
*****
"I have news for you, pero diko sure kung bad or good ito!"
Sabi ni Don Miguel.
"Don Miguel, makakaapekto po ba sa gaganaping party bukas ang balita nyo?"
Tanong ni Fidel.
"Hindi naman siguro!"
Sagot ni Don Miguel.
Lahat ay nakatingin sa kanya, inaantay na sabihin ang balita.
"Ano ba yun, irog ko? Huwag mo na kaming isuspense!"
Sabi ni Issay sabay hawak sa mukha ng asawa nya
Nangiti si Don Miguel habang buong pagmamahal at buong ningning na tinitingnan si Issay.
Ganito sya lagi kay Issay at ganito din gusto ni Eunice na tingnan sya ni Milky nya. Hindi lang ngayon pero magpakailanman.
"Si Lemuel ..... pumanaw na. Mukhang hindi na makakadalo si Ames sa party bukas dahil idederetso na nya sa Maynila ang ama nya!"
Sabi ni Don Miguel.
Biglang lumungkot ang paligid, nagaalala ang lahat para kay Ames.
Wala syang kaibigan na makakaramay nya dahil lahat ng malalapit nyang kaibigan ay narito sa Hacienda Remedios para sa party.
"At .... kailangan ko na rin umalis para damayan sya! Kaya pasensya ka na irog ko kung iiwan kita pansamantala dito! Pasensya na rin AJ, iho kung hindi na ako makakadalo sa party mo, kailangan ako ng anak anakan kong si Ames!"
Dugtong ni Don Miguel.
Simula pagkabata, si Don Miguel na ang tumayong mentor at tatay tatayan nito. Sya ang nagpuno sa kakulangan ni Lemuel bilang ama rito.
"Hindi irog ko, hindi ako makakapayag na iwan mo ako dito, syempre sasama ako sa'yo! Kaibigan ko din si Ames at kailangan nya tayo ngayon!"
Sabi ni Issay.
Hindi na kumontra pa si Don Miguel. Iilan na lang ang nalalabi sa oras nila sa mundo kaya ninanamnam nila ang bawat segundo na magkasama sila.
Nakita ni AJ kung paano tingnan Don Miguel ang asawa nya. Napatingin sya kay Eunice.
'Coffee ko...!'
Nakaramdam naman ng lungkot ang lahat, gusto na rin nilang umuwi para madamayan si Ames pero paano naman ang party ni AJ?
"Ninong paano po sya namatay?"
Tanong ni Edmund.
"Hindi pa malinaw, nagkaron kasi ng enkwentro habang itinatakas nila si Lemuel. Ang sigurado, may kinalalaman si Cong. Mendes!"
"Cong. Mendes, ang anak ng dating governor ng bayang ito?"
Tanong ni Gene.
"Oo, syanga!"
"At nagkaroon ng enkwentro ang mga tauhan mo sa tauhan ni Cong. Mendes? Ibig sabihin ... "
Nagaalalang tanong ni Gene, kilala nya ang mga tauhan ni Don Miguel.
"Ibig sabihin, napatay nila lahat ang mga tauhan nung Congressman at marami silang nakitang sekreto sa secret house nito!"
Dugtong ni Don Miguel sa hindi natapos na sasabihin ni Gene.
Sa tulong ng mga dating tauhan ni Jethro, nalaman nilang pagaari pala ng gobyerno ang kinatatayuan ng secret house kaya bakit ito tinayuan ng bahay ni Cong. Mendes at bakit ang dami nyang tauhan? Tila isang batalyon ang kinalaban nila.
May plano ba syang magtayo ng sarili nyang army? At saan nya kinukuha ang pinapasweldo nya at pinakakain sa mga ito?
Nasagot ang mga tanong nila Dong ng makita nila ang mga itinatago ni Cong. Mendes.
"Mukhang maraming illegal transaction si Congressman!"
Sabi ni Edmund.
"Oo marami nga silang sikretong transaction gaya ng illegal possession of firearms and ammunition. Kahon kahon ang nakita nila duon kaya tyak baka makasuhan din sila ng illegal sumggling! Meron din silang nakitang parang surgical clinic sa underground!"
"Surgical clinic? Para saan naman yun?"
"Para sa organ removal!"
Sagot ni Fidel.
"WHAT???!!!!"
"Si Gov. Mendes ang ama ni Cong. Mendes, ang pinuno ng sindikato ng organ trafficking at mukhang si Cong. Mendes ang nagmana ng sinimulan ng ama nya!
Si Gov. Mendes ang nagbigay ng mga mata ni Allan kay Don Aaron bilang regalo sa kanya! Sa kasamaang palad, kasamang namatay sa sunog si Gov. Mendes nung mga oras na iyon!"
"Kung ganun, ang anak ni Tita Ames na si Allan, may posibilidad na dun po dinala?"
Tanong ng mausisang si Kate.
"Oo! Napasok na ni Jethro at mga tauhan nya ang lugar na yan at dun nila nakita ang anak nyang si Allan wala na ang puso, kidney at mga mata nito!"
Sabi ni Fidel.
Ito ang dahilan kaya naintindihan nya kung bakit nagkaganun ang kaibigan nyang si Jethro. Sinong ama ang hindi mababaliw kung makita mo sa ganung kalagayan ang anak mo?
Natahimik ang lahat. Kinikilabutan sa mga nadinig.
"Anong klaseng hayop sila at nagagawa nila ang bagay na iyon sa isang paslit na walang muwang?"
Nanggigigil sa galit si Issay.
Pinakalma sya ni Don Miguel at tiningnan si Fidel para huminto na pero hindi sya napansin ni Fidel.
"Hindi ko akalain na si Ames pala ang tatapos sa sinimulan ni Jethro! Kailangan masiguro natin na matapos na ang kasamaan ng hayop na Mendes na yun!"
Galit na sabi ni Fidel.
"Gene, kailangan ko ng tulong mo!"
Sabi ni Don Miguel.
Naintindihan ni Gene ang ibig sabihin ni Don Miguel.
Kailangang pumasok ang militar para maging legal ang operasyon at masampahan agad ng kaso si Cong. Mendes.
Hindi dapat masayang ang hirap na dinanas ni Ames
para sa Papa nya...
para sa asawa nyang si Jethro...
at para sa anak nyang si ... Allan.
Pero nasaan ba si Cong. Mendes?