webnovel

Pambayad

"Sissy..."

Hindi kumibo si Eunice.

"Sissy, sorry..."

Pero wala pa rin sagot si Eunice, ni hindi man lang sya hinarap.

Nakaupo lang ito sa kama at sa iba nakatingin. Halatang ayaw makipagusap.

"Anong bang gustong mong gawin ko para kausapin mo ako?"

"Wala."

"Please, Sissy, sorry na!"

Naiinis na si Eunice. Ayaw pa nyang harapin ang kaibahan. Nasaktan talaga sya. Mas masakit pa sa naramdaman nya ng umalis si Jeremy.

Kundi lang pinapasok si Mel ng Mommy nya sa room nya at sinabing kailangan silang magusap, hindi nya ito haharapin.

"Ano ba talagang dahilan kung bakit ka nag punta dito?"

"Sissy, alam kong nasaktan kita at si Kate sa naging desisyon kong huwag magaral sa AMES, pero wala naman akong planong iwan kayo at kalimutan ang pinagsamahan natin!"

"Hmp! Ganun din yun! Sa huli, pag may iba ka ng friends makakalimutan mo na rin ako!"

"Sissy, kahit naman anong mangyari ikaw pa din ang bestfriend ko, ang Sissy ko! Pero, kailangan ko lang gawin ito para sa Mama ko at sa mga kapatid ko!"

"Kailangan mo ba talagang magtransfer Besh, Mamimiss kita!"

At muling naiyak si Eunice.

"Oo, Sissy para makapag work ako! Ayaw kasi ni Mama na huminto ako kaya sinabi kong magtatransfer na lang ako para maka menos ng gastos pero ..... ang totoo, susundin ko lang ang gusto ni Mama!

May iba kasi akong plan! May plan akong mag work para makatulong sa mga gastusin namin!"

"At kung sa public ako mag school, hindi ako manghihinayang na huminto dahil wala naman tuition!"

Hihinto ka? Akala ko magtatransfer ka lang sa public? Bakit?!"

Nagtataka at naguguluhang tanong ni Eunice.

"Kailangan kasi ni Mama ng tulong, hirap na hirap na kasi sya! Tapos .... parati pa sila nagaaway ni Papa! At gabi gabi na lang nakikita kong umiiyak si Mama! Kaya bilang panganay naisip kong gawin ito, para makabawas sa paghihirap ni Mama!"

Nakaramdam ng habag si Eunice ng marinig ang paliwanag ng kaibigan. Tila nawala lahat ng sama ng loob nya pero, nagtatampo pa rin ito ng slight.

"Besh, alam namin ni Ate Kate na may problem ka at inaantay ka lang namin na magsalita!

Pero Beshy nakakainis ka! Hmp! Sissy mo ako diba? Sisters tayo, sana man lang nagkukwento ka sa problem mo! Hindi man kita matulungan sa problem mo at least sana man lang madamayan kita!"

At tumayo ito at inakap si Mel na napaiyak sa ginawa ni Eunice.

Sa tono ng pananalita nito at sa ginawa nitong pagakap, alam nyang napatawad na sya nito.

"Sorry Sissy, hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin! Sorry na, huwag ka ng magtampo please!"

"Mmm mm!"

Lumuluhang tumatango si Eunice.

".... saka Sissy, pwede mo ba akong tulungan sa pinsan mo?"

"Waaah! Ayaw, Besh!"

Hindi mo kilala si Ate Kate pag galit!"

Nalungkot si Mel.

"Huwag ka ng ma sad huhupa din ang galit nun! Tapos saka natin kausapin! Huwag mong sabayan!"

"Naiintindihan ko!"

*****

Samantala.

Walang kamalay malay si Carla sa inutang ng asawa nya sa loan shark.

Nagsimula ito sa 20K pero naipatalo nya agad sa sugal. At habang natatalo sya, andun naman agad si Diego para pautangin sya ulit na walang hinihinging collateral.

Akala ni Carl isa itong kaibigan at naawa lang sa kalagayan nya kaya laking pasasalamat nya at lumapit sya dito.

"Salamat Pre, huwag kang magaalala babayaran ko ito agad, pag naka bawi ako!"

Pero hindi na nakabawi si Carl, tuluyan na itong nalubog sa utang.

Kaya nagulat na lang si Mel ng isang araw ay bisitahin sya ng isa sa tauhan ni Diego para maningil.

"Hoy, asan ang pambayad nyo ng utang?"

"A..ano pong utang?"

"Huwag ka ng magmaangmaangan! Nangutang ang tatay mo ng 1 Milyon sa boss ko at sabi nya singilin daw kita! Kaya dali magbayad ka!"

"Pero wala po akong alam sa sinasabi nyo at wala akong pera!"

"Anong pakialam ko sa dahilan mo, basta magbayad ka! Hindi ako aalis dito hangga't wala kang ibinibigay!"

At bigla nitong binalibag ang mga upuan at lamesa. Natakot si Mel.

"Eto, eto lang po ang pera ko! Yan lang po ang kinita ko ngayon!"

Inabot nya ang 2k na kinita nya, pambibili sana nya ng paninda.

"Ano 'to?! Kulang 'to! Wala pa sa interes itong binibigay mo!"

"Pero wala na po talaga akong pera, maniwala kayo!"

"Sige, kukunin ko 'to pero babalik ako bukas! Pag hindi ka nagbayad sisirain ko 'tong tindahan mo!"

At umalis na ito.

Mag isa lang sya sa tindahan nya ng oras na yun, walang nakakita sa nangyari kaya mas minabuti ni Mel na huwag ng sabihin sa ina, baka makadagdag pa sa alalahanin nito.

Pero kinabukasan muli itong bumalik at nanggulo ngunit andun din ang dalawa nyang kapatid.

"Hoy, asan na ang bayad nyo sa utang?!"

"Ano pong utang?"

Tanong ni Ian.

Biglang pumagitna si Mel sa kanila.

"Manong, wala po talaga kaming alam sa sinasabi nyo! Pwede po bang umalis na kayo!"

"Anong wala?! Yung tatay mo muling nangutang sa boss ko ng 1Milyon kaya anong wala?! Ang lakas nyang mangutang pero hindi marunong magbayad!

Bayaran nyo ang utang nyo!"

"Bakit po kami ang sinisingil nyo, hindi naman po kami ang nangutang sa inyo!"

Aba't... "

At muli ginulo nito ang tindahan nila Mel at hindi umalis hangga't walang nakukuhang pera.

Pero konti lang ang nakuha nya wala pang isang libo.

Akala ni Mel dahil sa wala itong nakuha ay aalis na, pero laking gulat nya ng biglang kinuha nito si Tina.

"Kuya! Kuya! Huhuhu!"

Umiiyak na sigaw ni Tina, humihingi ng tulong sa kapatid.

"Bitiwan nyo ang kapatid ko! Bitiwan nyo sya!"

Pinaghahampas nito ang lalaki pero sinangga lang sya at saka sinipa.

"Wala kang pambayad, kaya etong kapatid mo nalang ang pambayad mo! Hehe!"