webnovel

Nagseselos

Habang magkausap si Eunice at ang kaibigan nyang si Mel, nasa study room naman si Edmund, kausap si Jeremy.

"Bibigyan kita ng pagkakataon na magpaliwanag. Explain yourself bakit na bubully ang anak ko ng dahil sayo!"

"I'm really sorry Sir, kasalanan ko ang lahat! Napabayaan ko si Eunice!"

Nagsalubong ang kilay ni Edmund.

"Napabayaan?! Yan lang ang paliwanag mo? Paano pag hindi tumugil ang mga nambully sa kanya at maulit uli ang nangyari kanina?"

"Pangako Sir, gagawin ko ang lahat para hindi na sya muling ma bully!"

"Talagang hindi! Hindi ako makakapayag na mabully ulit ang anak ko!"

"Saka bata pa si Eunice, hindi ko gusto na nasasaktan sya ng dahil sayo! Kaya ayoko ng makitang dumidikit ka sa kanya!"

"Sorry Sir, pero ...."

"Ano ba talagang intensyon mo sa anak ko, Jeremy? Katorse lang si Eunice, pero iniisip na nyang pakasalan ka! Bakit?"

"Sir, pasensya na po, nalaman nya po kasi na aalis ako at magaaral na sa America!"

Nagulat si Edmund. Hindi nya alam ang tungkol dito. Walang naikukwento ang Lolo nito sa kanya.

"Bakit? Bakit mo naisipan magaral abroad? Biglaan ba 'to o matagal mo ng plano?"

"Sir, kailangan ko pong isipin ang future ko at ng magiging pamilya ko! Gusto ko pong patunayan sa future in laws ko na karapat dapat po ako sa paningin nila!"

Nagulat si Edmund sa dahilan nya.

'Matured talagang magisip ang batang ito! Nung edad nya ako, ang iniisip ko lang nun ay kung paano magkakaroon ng bagong kotse dahil kotse pa ni Papa ang gamit ko nun!'

'Siguro may girlfriend na sya kaya ganito sya magisip?'

"Jeremy, alam kong parang kapatid lang ang turing mo sa anak ko, kaya ayaw ko na paasahin mo sya!"

"Huwag mong paglaruan ang damdamin ng anak ko!"

"Naiintindihan ko po Sir! Hindi ko po paglalaruan ang damdamin ng anak nyo?"

"Good! Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo!"

"Sir, pwede ko po ba syang ihatid bukas?"

Sumama ang mukha ni Edmund.

'Anakngteteng! Kala ko pa naman nagkakaintindihan kami!'

"Diba sinabi ko ayaw ko na kayong magkita?"

"Sir, pareho po ang school namin kaya imposible po na hindi kami magkita! Saka po, sira ang bike nya kaya po ako nagprisintang maghatid sa kanya. Kung tutuusin po kasi ako ang may kasalanan kaya nasira ang bike nya!"

Dirediretso si Jeremy sa pagsasalita. Kinakabahan syang baka pag huminto sya makalimutan nya ang sasabihin nya.

"Bakit naman ikaw pa? Andito naman ako at ang Mommy nya na pwedeng maghatid sa kanya!"

Hindi nya talaga gusto na magbike si Eunice papuntang school, pero gusto ng bata ng konting freedom kaya binili nya ito ng bike pero may sumusunod sa bata na hindi nya alam.

Ngayong nangyari ito, kelan na nya ulit maghigpit.

"Kung hindi po sya pwedeng sa school, pwede po bang ako na lang ang maghatid pauwi?"

Edmund: "...."

"Hindi sabay ang labasan nyo, una syang lumalabas sayo! Alangan namang antayin ka pa nya?"

"Sige po Sir, naintindihan ko po!"

Pero kinagabihan naikwento Edmund ito sa asawa nyang si Nicole.

"Oh bakit hindi ka pumayag, nagpiprisinta naman pala yung bata?"

"Ano ka ba? Diba sinabi ko ng ayaw ko na silang magkita?"

"Asus, sinabi mo lang yan dahil nagseselos ka kasi may iba ng lalaki sa buhay ng anak mo!"

Napaismid si Edmund.

'Grabe 'tong asawa ko, ipagdiinan pa talaga!'

"Uy huwag ka ng magtampo dyan! Alam mong darating ang panahon na merong lalaking susungkit dyan sa anak mo, at hindi natin mapipigilan yun!"

"At kung may papayagan man akong isang lalaking gagawa nun, si Jeremy na yun! Matured syang magisip at responsable pa!"

Aminado si Edmund na tama ang sinabi ng asawa pero ...

"Ayaw! Baby pa si Eunice ko!

Hmp! Matulog ka na nga!"

*****

Sa chatroom.

Nagkakagulo ang lahat dahil sa ginawa ni Jeremy kanina.

Walang maniwala ni isa sa kanila kahit na nakita na ng dalawang mata nila.

"Imposible! Imposible!"

"Siguro ginayuma sya ng tabachoy na yan! Hmp!"

"Baka naman gusto lang kausapin ni Jeremy idol ko yung matabang yun!"

"Oonga! Baka inilayo lang sya para makausap at saka binantaan!

"Alam naman natin na gentleman si Jeremy baby ko!"

"Ay agree ako dyan! Kasi kitang kita ko ang mga mata ni Jeremy my love ko... namumula sa galit! Nakakatakot ang mga mata nya!"

"Malamang dinala sya somewhere tapos iniwan kasama ang bike nyang kulay pink!"

"Pero aminin, nainlove ka rin sa Galit looks ni Papa Jeremy!

Ay ang heart ko! Pakinggan mo pakinggan mo!

Sinisigaw ang name ni Papa Jeremy!"

"Talandi!"

"Hahahaha!"

"Bukas tingnan natin kung maka aura pa sya!"

"Kung ako sa kanya, huwag na lang syang pumasok!"