webnovel

May Kaguluhan?

Children, let's take a break!"

Sabi ni Kate pagpasok ng meeting room kung saan nagaganap ang pagaayos ng iniwang kalat ni President Reyes.

Simula ng dumating sila Eunice at Kate dito, hindi na lumabas ng silid na ito si Eunice at kahapon pa yun. Hindi pa sya natutulog mula kahapon.

Nagulat ang mga staff ng madinig ang sinabi ni Kate pero wala ni isa sa kanila ang kumilos. Nagdadalawang isip sila lahat.

'Totoo ba 'to, pwede na ba kaming umalis?'

Exhausted na sila pero nagtataka sila bakit may energy pa si Eunice.

'Hindi ba sya marunong mapagod?'

Nagulat si Kate.

"Bakit ayaw nyo pang magsitayo? Ayaw nyo bang mag break?"

Hindi naman sa ayaw nilang tumayo, nahihiya lang sila.

Paano naman sila hindi mahihiya kung makikita nilang subsob pa rin sa trabaho ang boss nila?

"Sir Lance..."

Napatingin sila kay Lance na parang nagtatanong kung ano ang dapat nilang gawin.

"Guys, magsitayo na kayo dyan, bilis, bago magbago ang isip ni Ms. Kate!"

Natataranta silang nagsitayo at naguunahan lumabas samantalang si Eunice ay parang walang pakialam, tuloy pa rin ito sa ginagawa sa laptop nya.

"Eunie, you need a break!"

Inagaw ni Kate ang laptop nito na ikinagulat ni Eunice.

"Ate Kate, konti na lang matatapos ko na sya! Saka hindi ko pa sya na sesave!"

"No! You need a break! Hindi aalis yang trabaho kahit na tumigil ka at mag break!"

Sinave nito ang ginawa ni Eunice at sinara ang laptop, inilagay malayo kay Eunice.

"Saka, may bisita ka!"

Sabi ni Kate.

"Ha? Bisita? Sino?"

Tanong ni Eunice.

Pinapasok ni Lance ang mga bisita ni Eunice. Sila Madam Debbie at Jason.

"Nakasalubong ko sila kaya isinama ko na dito. They are from Young Entrepreneur Leadership Organization, may gusto raw silang sabihin sa'yo!"

Paliwanag ni Kate.

Kanina, walang planong ipakausap ni VP Lance sila Madam Debbie at Jason kay Eunice dahil alam nitong mahirap itong maistorbo. Pero nakita sila ni Kate at isinama nya ang mga ito.

Ang reason nya, gutom na sya. May dala kasing pagkain sila Madam Debbie at Jason na binili nila sa isang sikat na kainan dito sa Pampanga.

"Halika na Eunice, kain na tayo!"

"Okey!"

Syempre tatanggi ba naman si Eunice sa pagkain.

Agad na pumwesto si Kate at Eunice sa lamesa para kumain, pati na rin si Lance. Naiwan nakatayo si Madam Debbie at Jason na parang nakapako ang mga paa, hindi alam ang gagawin.

"Oh, Ms. Debbie, Mr. Jason maupo na po kayo, huwag na po kayong mahiya!"

Sabi ni Kate.

(cough, cough)

Napaubo si Lance.

'Sila ang may dala nitong pagkain, hindi ba dapat kami ang nahihiya?'

"Mam Debbie, Mr. Jason, sige na po, maupo na po tayo at sabay natin kainin itong dala nyo! Salamat nga pala sa free lunch!"

Meron din naman pinabiling pagkain si Eunice na pinadala na ni Lance sa staff nya.

Alam nyang mas gusto ng mga ito na kumain mas malayo dito.

"Okey lang Sir Lance, sige po kain lang po kayo! Para po talaga sa inyo yan! Hehe!"

Sabi ni Jason na natatakam na rin sa bango ng pagkain.

"Oonga naman po andami po nito, hindi po namin mauubos!"

Nakangiting sabi ni Eunice habang isa isang binubuksan ang mga pagkain at inihahanda sa mesa.

"Talaga lang ha?"

Sabi ni Kate kay Eunice.

Duda sya na hindi ito mauubos, paborito lahat ni Eunice ang binili nilang pagkain.

"Uhm, Ms. Eunice, bago kami maupo, gusto ko lang sana mag apologize sa nangyari kamakailan! Pasensya na Ms. Eunice kung nalagay ka namin sa alanganin!"

"May nangyari?"

Tanong nya kay Kate.

"Anong nangyari?"

Muling tanong ni Eunice na nagtataka.

"Hahahahaha!"

Yan ang sagot ni Kate kay Eunice.

"Isn't she adorable? Hahaha!"

Tanong ni Kate sa kanila.

Nagkatinginan ang tatlo.

"Hahahaha!"

At muling natawa si Kate.

"Sorry, sorry, pasensya na! Nakakatuwa po kasi ang mga reaction nyo!"

"Ms. Eunice, tungkol sa nangyaring kaguluhan recently! Inaako namin ang buong kasalanan!"

Paliwanag ni Madam Debbie.

"May kaguluhan?"

Nalilito si Eunice.

"Hahaha! Your reaction is priceless my dear cuz'! And yes, may kaguluhan at involve ka dun ng hindi mo nalalaman! Kasi naman masyado kang busy dyan!"

"Pasensya na po kung nagulo ko ang mundo nyo, hindi ko po sinasadya!

Pwede po bang maupo na po kayo para kumain? Sabay sabay na po tayo, please!"

Sabi ni Eunice na nagmamakaawa na sa kanila dahil takam na takam na.

Nagulat si Madam Debbie at Jason.

"I told you, hindi sya affected! Kaya upo na po tayo, dahil masasayang po ang dala nyo pag hindi nyo kami sinabayan! Kahit po sobrang natatakam yang pinsan ko, hindi po nya kakainin yan hangga't hindi nyo po kami sinasaluhan!"

Sabi ni Kate kila Madam Debbie at Jason.

'Grabe alalang alala kami baka galit pa rin si Ms. Eunice sa org tapos deadma lang pala sya sa nangyari!'

'Totoo pa lang mabait sya!'

Sabi ng isip ni Jason at naupo na rin ito para kumain.

Nangiti rin si Madam Debbie at naupo na rin. Pero may isang sinabi si Kate na napaisip sya.

'Magpinsan sila?'

"Uhm, Ms. Kate, can I ask something?"

"Yes po!"

"Magpinsan nga ba kayo ni Ms. Eunice?"

"Yes po! Sisters po ang mga mommy namin!"

"Oh!"

Napaisip lalo si Madam Debbie.

'Kung si Ms. Nadine ang mother ni Kate, therefore si Nichole ang mother ni Eunice?'

'OMG! Kaya pala kilalang kilala sya ni Doña Isabel!'

Kumakabog ang dibdib ni Madam Debbie ng ma realize ito.

'Jusko, nakakahiya kay Doña Isabel!'

"Uhm, Madam Debbie bakit po? Masama po ba ang pakiramdam nyo?"

Tanong ni Jason.

"W-Wala, wala ito! Napagod lang siguro ako!"

"Ako po pwedeng magtanong?"

Sabi ni Kate.

"Bakit nyo po ba ako ginawang social media infulencer?"

Jason: "....."

Madam Debbie: "..."

Lance: "....."

Eunice: "Hahahaha!"

"Kasi Ate Kate, adik ka raw sa online games! Hahaha!"

"Totoo ba yun? Yan din ang sabi sa akin ng nanay ko e!"

"HAHAHAHA!"

*****

Samantala.

Naiinip na si Lemuel, gusto na nyang magtungo sa Hacienda Remedios.

"Congressman, sabi nyo dadalhin nyo ako sa apo kong si Allan, kelan po ba yun?"

"Huwag kang mainip at balita ko malapit na raw! Saka, baka mauna na tayo dun sa Hacienda Remedios, dun na kayo magkita kita ng apo mong si Allan!"

"Talaga? Dadalhin mo na ako sa Hacienda Remedios? Okey sige, tama ka, dun ko na lang antayin si Allan kesa dito sa Maynila!"

Nangiti si Lemuel. Ito talaga ang gusto nya, ang makita kung gaano kalaki ang haciendang pag aari ng apo nya.

Napansin ni Cong. Mendes ang mga ngiti ni Lemuel na puno ng kasakiman.

'Sige lang, magpantasya ka lang! Tutal hanggang dyan lang ang magagawa mo, ang magpantasya! Hehehe!'