Pinagmasdan ni Edmund ang anak.
'Nagsasabi ba ito ng totoo o ayaw lang nya akong magalala?'
'Hmmm, mukha naman magaan ang pakiramdam nya!'
"Pero kahit na, alam kong kahit papano nasaktan sya!'
"Anak gusto mo bang mag day off? Sasamahan kita! We can watch a movie or whatever you want?"
"Dad, seriously, I'm okey! Not just okey but I'm feeling good, kasi lagi kayo nandyan ni Mommy to guide me!"
Umakap ito sa ama.
"Salamat po Daddy sa mga payo nyo, sa pangungulit nyo lalo na sa pagiging strict nyo! Hehe!"
Hindi na pinigilan ni Edmund ang nararamdaman. Ngumiti sya ng ngiting ngiti.
"Now I know your okey and I'm really glad that your okey anak! Anong gusto mo? Sabihin mo lang bibilhin ko!"
"Daddy hindi ko po pagaaksayahan ng luha ko ang mga ganung klaseng tao! and .....
Thank you po for being my Super Daddy! Love you much, much po!"
At inulan nya ng kiss ang ama.
Na touch si Edmund sa anak. Ramdam nyang uminit bigla ang mga mata nya.
Tama ang desisyon nyang huwag pakialaman ang anak, gaya ng advice ng Tiya Belen nya.
"Hayaan mong makita ni Eunice ang mali nya, pagkat dun lang sya matututo!"
Iyon ang sabi ng Tiya nya sa kanya.
Pero kahit hindi sya pinakialaman ng ama, alam ni Eunice na pinasusundan sya nito sa malayo.
'At ngayong tapos na ang relasyon nila, panahon na para makialam ako!'
'Sinong may sabi sa kanila na paglaruan nila ang anak ko?'
"... and Dad pwede nyo po ba akong ibili ng car? Please!"
"..."
'Sabi ko na may kapalit yung sobrang kiss nya eh!'
*****
Sa bahay ng mga magulang ni Jeremy.
"Ano, wala pa rin kayong idea kung saan lupalop nagpunta ang anak nyo?"
Singhal ni Ames sa magasawa.
"Ate, tinawagan na namin lahat ng alam naming kakilala nya!"
"Lahat? Sigurado kayo? Si Eunice, si Kate at si Mel, tinawagan nyo na ba?"
"Pero Tita Ames, hindi na po nakikipagusap si Kuya sa kanila maliban kay Eunice!"
"Eh bakit hindi nyo tawagan si Eunice?"
Hindi alam ng tatlo ang gagawin. Paano nila tatawagan si Eunice, walang nakakaalam ng number nya at ngayon lang din naman nila nalaman na mag jowa na pala ang dalawa?
"Ate, diba nakausap mo naman si Edmund, anong sabi nya?"
"Wala! Binabaan lang ako ng phone! At yun ang nakakatakot dun, yung wala syang sinabi!"
Pero kung ano man ang gawin ni Edmund sa Papa nya hindi nya ito pipigilan. Nauubos na rin naman ang pasensya nya sa matandang ito.
"Hindi kaya magkasama silang dalawa?"
"Baka itinanan na ni Jeremy si Eunice?"
Biglang tumunog ang phone.
"Hello?"
"Ma? Mama si Jeremy po ito!"
"Jeremy? Asan ka? Lintek kang bata ka, kanina pa kami nagaalala sa'yo! Bakit ka ba umalis ng ospital na walang pasabi? Asan si Eunice?"
"Teka po Ma, please listen to me first! Kailangan ko po ng tulong nyo! We're in big trouble!"
Galit man sya sa ginawa ng anak nagaalala pa rin ito ng labis.
"Nasaan ka ba, ngayon?"
"Nasa restaurant po ako at hindi po kami makaalis! Please po tulungan nyo po kami!"
"Ibigay mo sa akin ang address at pupuntahan ka namin ngayon din!"
Hindi na tinanong ni Elsa ang detalye, mas mahalagang mapuntahan agad nila si Jeremy.
"Huwag kang aalis dyan!"
"Huwag po kayong magalala Mama, hindi po kami makakaalis dahil ayaw kaming paalisin ng may ari ng restaurant!"
At ibinaba na nito ang phone.
"Anong sabi, ni Jeremy?"
"Kailangan nya daw ng tulong dahil hindi daw sila makaalis dun sa restaurant!"
Ang nasa isip ni Elsa ay si Eunice ang kasama nito kaya hindi na sya nagtanong pa.
Agad nilang pinuntahan ang tinutukoy na restaurant ni Jeremy pero laking gulat nila ng makitang ibang babae ang kasama nito.
"Nasaan si Eunice?"
Agad na tanong ni Ames sa pamangkin.
"Tita Ames! Andito po pala kayo!"
Nangiti si Jeremy na parang nakakita ng savior sa pagdating ng tiyahin.
Pero hindi sinuklian ng ngiti ni Ames ang pamangkin. Nakakunot ang noo nito.
"Sagutin mo ang tanong ko, nasaan si Eunice?"
"Umalis na po sya Tita Ames at iniwan nya po sa amin ang napakalaking problemang ito!"
Halatang inis si Jeremy sa ginawa ni Eunice at some sinabi nya ito na parang nagsusumbong.
"At sino naman yang kasama mo?"
Nagulat si Bea ng biglang sa kanya napadapo ang tingin ng lahat.
"Ah, nga pala si Bea po, asawa ko! Nagpakasal po kami ngayon!"
"ANO???!!!!"
Gustong batukan ni Ames ang pamangkin sa sinabi nya.
'So ito pala ang mga in laws ko! Pare pareho silang mukhang dismayado sa pagpapakasal namin ni Jeremy.'
Siguro mga boto kay Eunice ang mga ito?'
Well, wala akong pakialam basta hindi ako ang magbabayad sa nilamon ni Eunice!'
'Bakit ko babayaran yan, hindi naman ako ang umorder at lumamon dyan?'
'Hindi ako tanga at wala akong planong magpakatanga sa mga ito!'
Litanya ng utak ni Bea habang nakangiti at buong pakumbaba sa harap ng nga in laws nya na parang isang maamong tupa.
Hindi nya naintindihan ang takot na nararamdaman ng mga iyon sa ginawa ni Jeremy kay Eunice.