webnovel

Isang Malaking Kasinungalingan

Hindi makapaniwala si Dado, ang pinakamatanda sa angkan ng mga Rakunyo sa sinapit ng mga kasama nya.

Sa kanilang mga outsider na Raquiñon, si Dado ang nakakaalam ng buong kwento kung bakit napalitan ang apelyido nila.

Agad itong nagtungo ng mansyon para kausapin si AJ pero sa gate pa lang hindi na sya pinayagang makapasok.

"Anong sinasabi nyong hindi ako pwedeng pumasok? Hindi nyo ba ako nakikilala? Isa akong Raquiñon at kamaganak ako ni Aaron, kaya papasukin nyo ko!"

"Pasensya na ho, pero sabi ni Sir Fidel huwag na huwag daw namin kayong papayagang pumasok sa mansyon, maging sa hacienda ay pinagbabawalan na ring kayong tumuntong!"

"ANO?! Hoy, tawagin mo yang si Fidel! Lintek na yan, Sino ang nagbigay sa kanya ng karapatang pagbawalan ako? Isa akong Raquiñon!"

"Kahit na daw ho maglupasay kayo dyan hindi pa rin daw kayo makakapasok. Kaya kung ako sa inyo, umuwi na lang ho kayo!"

"Aba't...."

Nanggagalaiti na sa galit si Dado.

"Tyong Dado, pano na po yan, paano natin makakausap si Aaron kung hindi nila tayo papasukin?"

Tanong ng isa sa mga kasama nito.

"Hindi, hindi ako makakapayag! Kailangan malaman ni Aaron na andito tayo para kausapin sya! Pag nalaman nun na andito tayo, sya mismo ang magpapasok sa atin!"

Pero paano?"

Hinampas nya ng tungkod ang gate, kinalampag nya ito at sinabayan ng sigaw.

"AARON! AARON! ANDITO AKO, AARON! PAPASUKIN MO AKO, GUSTO KITANG MAKAUSAP!"

Sinabayan din sya ng mga kasama nya sa pagkalmpag at pagsigaw na parang aabot sa mansyon ang boses nila.

"Mang Dado, itigil nyo na po yan! Hindi ho aabot ang boses nyo sa mansyon kahit anong gawin ninyong sigaw dyan! Mula ho dito may walo hanggang sampung minutong lakarin saka, wala ho dyan si Sir Aaron dahil nasa ospital sila, pinuntahan yung bisita nilang pinagtulungan ng mga kamaganakan nyo!"

"Lintek ka, sumasakit na ang ngalangala ko dito kakatawag kay Aaron ngayon mo lang sasabihin na walang tao dyan!"

"May tao ho dyan, si Sir Fidel po at ang mga bisita ni Sir Aaron!"

"Hindi si Fidel ang gusto kong makausap, si Aaron! Wala akong pakialam sa mga yan!"

"Wala nga ho si Sir Aaron dyan kaya umalis na ho kayo! Nakakabulahaw kayo eh!"

"Hindi! Hindi ako aalis dito! Aantayin ko ang pagdating nila!"

"Bahala ho kayo, basta huwag kayong maingay dyan kung ayaw nyong ipatapon ko kayo sa labas ng Hacienda Remedios!"

After an hour saka lang may dumating na sasakyan.

Si AJ kasama si Eunice.

Huminto ito sa may gate kasi nakaharang sila Dado.

"Aaron, mabuti naman at dumating ka na! Kanina pa kami dito nagaantay!"

Nakasibangot na sabi ni Dado habang pababa ng sasakyan si AJ.

"Bakit ho kayo andito?"

Seryosong tanong ni AJ, halatang ayaw makipagusap sa kaharap.

"Narito ako para kausapin ka! Kailangan mong palabasin sila Nato sa kulungan, wala silang kasalanan! Nagiimbento lang ang babaeng iyon para siraan sila!"

"Wala ho akong pakialam sa mga tarantadong yun at isa pa hindi po ako ang nagpakulong sa kanila!"

Sagot ni AJ

"Pero, kamaganak mo sila! Matitiis mo ba na makulong sila?"

"Hindi ko ho sila kaano ano at kawalan ng respeto ang ginawa nilang panggugulpi sa bisita ko!"

Sagot ni AJ.

"Aaron, kung madidinig mo lang ang paliwanag nila, maintindihan mo kung bakit nila nagawa iyon! Ginawa nila yun para sa'yo, gusto ka lang nilang proteksyunan! Alam mo bang niloloko ka lang ng babaeng yun? May kasama syang boyfriend! Pinipindeho ka ng malanding babaeng yun!"

Paliwanag ni Dado, pinilit na makumbinsi si AJ sa mga salita nya.

Nadinig ni Eunice ang sinabi ni Dado kaya napalabas ito ng sasakyan.

"SHUT UP!!!"

Singhal ni Eunice kay Dado.

Naririndi na ito sa matanda.

"Ikaw? Sino ka? Huwag mong sabihing ikaw ang girlfriend ni Aaron?"

Gulat na tanong ni Dado.

Tumingin sya kay AJ tapos ay kay Eunice.

'Akala ko ba nasa ospital itong babaeng 'to bakit kasama sya ni Aaron at mukha namang okey?'

"Mawalang galang na ho, pero nakakaabala ho kayo! Pwede bang magsitabi na kayo para makadaan na kami!"

"Hindi Aaron! Nalilito ako, anong ibig sabihin nito? Akala ko ba kaya nakakulong sila Nato dahil sa pinagtulungan nilang saktan ang babaeng yan? Pero anong ginagawa nyan dito at walang kagalos galos?"

"Dahil hindi ho ako yung pinagtulungan gulpihin ng mga tarantadong kamaganakan nyo kung hindi ang pinsan ko!"

'Nagkamali sila Nato?'

'Kasalanan ng babaeng ito, malamang sinadya nya yun para makulong sila Nato!'

'Bwisit talaga itong babaeng ito!'

"Hoy babaeng bastos! Walanghiya ka, ikaw ang dahilan ng lahat ng ito! Bastos ka talaga, wala kang modo ... !"

Lumusob ito kay Eunice para hambalusin sya ng baston pero bago nya naihampas ang baston nasipa na sya ni Eunice.

BLAG!

Tumilapon si Dado bumalibag sa gate sa lakas ng sipa ni Eunice.

Kung si Kate ay mabilis kumilos si Eunice naman ay parang kabayo kung sumipa.

Nagulat si AJ sa ginawa ni Eunice pero agad itong lumapit sa girlfriend nya para protektahan ito.

"Tyong Dado!"

"Aruy, aruy, aruy, aruy!"

"Walanghiya kang babae ka, wala kang respeto sa matanda!"

"At ano naman ang gusto nyo hayaan ko lang sya na saktan ako? Tanggapin ko lang ang gagawin at sasabihin nya sa 'kin?!"

Sabi ni Eunice.

"Aba't..."

Lulusubin na sya ng mga kasamahan ni Dado pero pumagitna na ang mga guard at iba pang security kasama si Fidel.

Wala silang nagawa kungdi bumalik kay Dado.

"Aaron, kamaganak mo kami, isa kaming Raquiñon! Kaya bakit mo hinahayaan gawin nila ito sa amin? Mas mahalaga ba sila kesa sa amin na mga kamaganak mo?!"

"Una sa lahat girlfriend ko sya at hindi ko papayagan ang sino man sa inyo na saktan sya!

Pangalawa hindi ko kayo kamaganak dahil hindi naman kayo totoong Raquiñon. Isa kayo Rakunyo na ninakaw lang ang apelyidong Raquiñon kaya wala ho kayong karapatang ipagsiksikan ang sarili nyo sa akin at ipilit na kamag anak nyo ako dahil ito ay isang malaking KASINUNGALINGAN!"

Namutla si Dado.

"Paano .... ?"

"Paano nya nalaman? Simple, may talaan si Don Aaron ng mga tunay na Raquiñon at lahat ng iyon ay namatay sa sunog maliban dito kay AJ.!"

Sagot ni Fidel kay Dado.

".... at wala kayo sa talaang iyon!"

Dugtong pa ni Fidel, nagiinis.

"At pangatlo, panahon na para bawiin ko ang apelyidong Raquiñon! Wala kayong karapatang gamitin ang apelyido ko!"

Sigaw ni AJ.

Hindi makapaniwala si Dado.

Nalilito naman ang mga kasamahan nito.

Pero kitang kita nila sa mukha ni Dado na may alam ito sa sinasabi ni AJ.

Tiyo Fidel, ayaw ko ng makita ang mga yan dito sa loob ng Hacienda Remedios. Kung may mga kamaganak sila na nagtatrabaho dito ay tanggalin nyo na rin! Ayaw kong isipin ninuman na may kinalalaman ako sa mga walang linta na yan!"

Utos ni AJ.

Nangiti naman si Fidel.

'Good! Two days before the party, nabawasan ang asungot sa buhay ni AJ! Hehe!'

*****

Samantala.

Ang bagay na patagong ginawa ni Cong. Mendes ay isinapubliko naman ni Leon.

Muli itong nagpa interview.

"Alam nyo kasi, sa mga nakakakilala at nakakita kay Don Aaron, alam nila may singsing ito.

Ang singsing na yun ay tinatawag nyang "AZUR" at lagi nya itong suot.

Ito ay simbolo ng kapangyarihan. Kung suot mo ito, ibig sabihin ikaw ang hari ng Hacienda Remedios!

Ngayon, kung totoong isang Raquiñon ang nasa loob ng mansyon ng Hacienda Remedios, dapat nasa kanya at suot nya ang simbolo na yun!"

~ Leon

"Lagi nyo pong sinasabi na isang impostor ang nagpakilalang anak ni Sir Jaja, may ebidensya po ba kayo na magpapatunay dito?"

~Reporter

"May isang matandang lumapit sa akin na ang pangalan ay Lemuel Alvarez, sabi nya ay apo nya raw ang nasa loob ng Hacienda Remedios, kaya kung meron man kailangan magpatunay kung totoo ang sinasabi ko, diba dapat yung tao na yun?"

Napakunot ang noo ni Cong. Mendes ng marinig ito.

Batid nyang para sa kanya ang mensahe ni Leon.

Next chapter