webnovel

Interrogation

"Waaaaahhh!"

Hindi na nag dalawang isip si Eunice, tumakbo ito ng makita kung sino ang dumating.

"Auntie! Auntie! Si Mommy! Si Mommy! Waaah!"

Sabay akap sa Auntie nya, ang kapatid ng Mommy nya na si Nadine.

"Bakit? Anong nangyari?"

Tanong agad ni Nadine.

"Si Mommy ..ahuuh, si Mommy..huhuhu .... pinalo ako! Waaah!"

"Kashi... ahuuhuhu... Kashi.. nhashaghawnkhopusha tapos...huuu ... huuu..!

Nadine: "???!"

Gustong matawa ni Nadine.

Wala syang maintindihan sa sinasabi ng pamangkin, kung hindi puro iyak.

Tiningnan nya ang kapatid at

halatang galit ito.

Buti na lang nakarating sya agad.

'Haaay itong mag ina na 'to, sarap pag untugin sa kakulitan!'

Nahimasmasan na si Nicole bago pa lang dumating ang kapatid. Hindi na ito galit tulad ng kanina pero ayaw nyang ipahalata sa anak.

Hindi naman nya gustong paluin si Eunice pero hindi nya nagustuhan ang pag sagot nito ng pabalang at pag taas ng boses nito sa kanya kanina.

Ayaw nyang maging arogante ito tulad nya noon.

Sinilip ni Eunice ang ina. Galit pa rin ito kaya hindi sya bumitiw sa pagkakayakap sa Auntie Nadine nya.

Nang makita nyang papalit ang Mommy nya, nagtago sya sa likod ni Nadine.

"Ikaw....!"

Sabay turo kay Eunice ng hawak nyang tsinelas na pinampalo sa kanya kanina.

"Mommy, Sorry! Sorry na po, mag be behave na po ako! Promise po!"

"Huhuhu!"

Huminto si Nicole sa paglapit sa anak.

Alam nyang nagsisi na ito. Pero hanggang kelan naman kaya?

Kaya kelangan me gawin sya para magtanda.

"Eunice, makinig ka!

"Since gusto mo ng magpakasal dyan, mula ngayon ikaw na ang maglalaba ng damit mo at tutulong ka na rin sa pagluluto at paglilinis ng bahay! Maliwanag!"

"Po?! Mommy, huhuhu!"

"Bakit me reklamo? Gusto mong dumapa ulit?"

"Hindi na po! Ayaw na po!"

Umiling iling si Eunice habang sinasabi ito.

"Me pa 'Marry me, marry me' ka pang nalalaman dyan e panty mo nga di mo man lang malabhan!"

At iniwan na nito si Eunice sa Auntie nya na nagtataka pa rin sa pinaguusapan nila.

"Halika nga Eunice at maupo tayo!"

Dinala nya ito sa kama.

"Ano na naman ba kasing ginawa mo at nagalit sa'yo ang Mommy mo? At ano yung Marry me na sinasabi nya?"

Nahihiya si Eunice. Hindi nya alam kung paano nya ipapaliwanag sa paborito nyang Auntie ang ginawa nya kanina sa singing contest.

'Bakit ganun? Kanina naman hindi ako nahihiya nung ginawa ko yun pero bakit pag ikukwento ko na nahihiya na ako?'

Tahimik lang na nagaantay sa paliwanag nya ang Auntie nya.

"E... e ... kasi po..."

Hindi nya alam kung paano uumpisahan ang paliwanag nya.

"Auntie, masama po bang ma in love?"

Alam ng Auntie Nadine nya na matalinong bata si Eunice kaya natitiyak nyang may dahilan ang tanong nyang ito.

"Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yang tanong mo Eunice..! Depende kasi yan sa nagtatanong!"

"Po? Ano pong ibig nyong sabihin Auntie?"

Nalilitong tanong ni Eunice.

"Kagaya mo, alam mo na ba ang ibig sabihin ng IN LOVE at tinatanong mo ako kung masama ba ito?"

Lalong nalito si Eunice. Hindi nya inaasahan na sasagutin sya ng Auntie Nadine nya ng puzzle na sagot.

'Si Auntie talaga lagi ako pinaghihirapan sa mga sagot nya!'

Napansin ni Nadine ang pagkalito nya.

"Alam mo ba ang kwento ng limang bulag na naghahanap ng elepante?"

Nadinig na ito ni Eunice pero ang alam nya hindi tungkol sa love ang kwento.

Nagpatuloy si Nadine.

"May limang bulag na gustong makakita ng elepante.

Alam natin na ang mga bulag para makakita ang ginagawa nila ay hinahawakan ito.

At dahil sa malaki ang elepante, nang makakita sila agad nilang nilapitan.

Yung unang bulag ay sa malaking ilong nito humawak.

"Ganito pala ang elepante parang malaking sanga na pwede kang iduyan!"

Ang pangalawa ay sa tenga.

"Ganito pala ang elepante, parang isang malaking pamaypay!"

Ang pangatlo ay sa binti.

"Ganito pala ang elepante, parang poste ng kuryente!"

Ang pang apat ay sa katawan

"Ganito pala ang elepante, parang pader sa lapad!"

At ang pang lima ay sa buntot.

"Ganito pala ang elepante, parang lubid!"

"Pag alis ng mga bulag, pare pareho silang masaya sa natuklasan nila!"

"Auntie, hindi ko po maintindihan! Lalo po akong naguluhan!"

Eto ang gusto nya sa pamangkin nya, pag hindi nya alam at hindi nya naiintindihan inaamin nya.

"Eunice, lahat kasi ng taong na iin love iba iba ang ibig sabihin ng salitang yan! Depende ... kung paano nila ito na experience!"

Eunice: "....."

'Grabe 'tong si Auntie, pinagiisip talaga ako!'

"Ngayon sabihin mo sa akin kanino ka na in love?"

"Po?!"

"Hindi mo naman itatanong sa akin yan kung wala lang!"

Si Jeremy ba?"

"Sya ba ang tinutukoy ng Mommy mo sa 'Marry me'?"

"Sya din ba ang dahilan kaya mo sinagot ng pabalang ang Mommy mo?"

Hindi makapagsalita si Eunice sa sunod sunod na tanong ng Auntie nya.

'Bakit ba parang my third eye si Auntie? Alam nya lahat, wala pa kong nasasabi!'

Pinagpapawisan na sya sa mga tingin ng Auntie nya.

'Juskolord, help!'